CHAPTER 3

2050 Words
Kaagad na akong umuwi ngunit pagdating ko sa aming bahay ay wala naman ang kotse ni Conor sa garahe namin. Baka paparating pa lang siya. "Good afternoon po, Ma'am Gabriela!" bati agad sa akin ni Yen pagkababa ko ng kotse. "Magandang hapon din," ganting bati ko naman sa kanya. "Si Ma'am Irene po pala nandito," wika niya. "Where is she?" tanong ko naman agad. Biglaan naman yata ang pagbisita ng kapatid ko sa bahay namin at hindi man lang ito nag text sa akin. "Nasa pool area po sila ni Manang Ramona." Kaagad ko ng tinungo ang pool area ng bahay at nadatnan ko nga silang dalawa na masayang nag-uusap. "Finally you came," wika ni Ate Irene nang makita niya na ako at natigil din ang pag-uusap nila ni Nanay Ramona. "Oh siya maiwan ko na muna kayo," paalam naman agad ni Nanay Ramona sa amin at saka na ito umalis ng pool area. "Hi, Sis how are you?" tanong agad sa akin ni Ate pagkaupo ko sa upuan na nasa tapat niya. "I'm just little bit tired," pagod kong tugon, dahil totoo namang pagod talaga ako not just physically but also mentally. "I bought your favorite meryenda pala nandoon sa kusina," sabi niya. "Thanks," nakangiting tugon ko naman agad sa kanya. "Anyway how's your honeymoon?" tanong ko. Kakakasal lang kasi niya sa kanyang Australian husband at kakagaling lang nila sa honeymoon. "Well spent, sis," masayang tugon sa akin ni Ate, at napangiti na lang din ako sa kanya. "Siya nga pala where's Conor? Ilang araw na siyang Hindi nag re-report," tanong ni Ate sa akin. My sister is an Architect while Conor is Engineer, at magkasama sila ngayong dalawa sa iisang proyekto. Walang alam masyado si Ate sa nangyayari sa amin ni Conor dahil matagal itong nakilagi sa Australia pero alam niyang namatayan kami ng anak. Ngunit hanggang doon lang mas pinili ko rin kasing huwag na lang sabihin sa kanya maging kay Daddy dahil gusto kong maayos ang relasyon namin ni Conor sa pribadong paraan. "Wala rin ang kotse niya sa garage." "May problema ba kayo, Sis?" tanong ni, Ate sa akin. And this time hindi ko na alam kung maitatago ko pa ba sa kanya ang katotohanan. "Gabriela, may problema ba kayong mag-asawa?" muling tanong niya sa akin nang hindi ko siya nasagot. "May hindi lang kami pinagkakasunduan ngayon," mahinang tugon ko. "Kailan pa?" tanong pa niya. "N-nung isang araw lang," pagsisinungaling ko at nagkandautal-utal pa talaga ako. Ang hirap talagang magsinungaling. She deeply sigh. "I don't believe you, Gabriela alam kong may problema kayo ni Conor at matagal na," saad niya sa nagdududa nitong tono. "Tungkol ba 'to sa pagkawala ng unang anak ninyo?" tanong pa niya. "Ate, " naluluhang tawag ko sa kanya at kaagad naman ako nitong nilapitan. "Ate, hindi na po kami maayos ni Conor," sumbong ko na parang bata sa kanya at tuluyan na ring tumulo ang mga luha sa magkabilang mata ko. "Tahan na," pang-aalo agad sa akin ni Ate sabay punas ng aking mga luha. "Gusto mo bang sa bahay ka na lang muna?" mahinahong tanong sa akin ni Ate, ngunit kaagad naman akong umiling. "Dito lang ako, Ate kailangan po naming ayusin ni Conor ang pagsasama namin," tugon ko. "Sigurado ka ba? Kasi pwedeng-pwede ka naman muna sa bahay namin," nag-aalalang turan pa ni Ate. "Hindi ko kailangang umalis, Ate dahil hindi naman kami maghihiwalay ni Conor kailangan magkaayos kami at hindi namin iyon magagawa kung aalis ko rito," madiing litanya ko sa kanya. Bakit ba parang gusto na lang nilang maghiwalay kaming mag-asawa? Imbes na e comfort nila ako ay mas pinapalala lamang nila ang sitwasyon namin ni Conor. Kaya ayaw kong pinapa alam sa pamilya ko at sa ibang tao ang problema namin, e, dahil hindi naman talaga sila nakakatulong. "Hindi ganun ang ibig kong sabihin, Sis ang akin lang baka kasi kailangan niyo muna ng space ni Conor," paliwanag pa ni Ate. "No, Ate! Hindi space ang kailangan namin ng asawa ko kundi pag-uusap ang kailangan namin," madidiing turan ko ulit kay Ate sabay tayo mula sa upuan. "Kung iiwan ko ang asawa ko ay parang tinalikuran ko na rin ang obligasyon ko sa kanya at ang pagsasama namin," dagdag ko pa at nag-iinit na ang gilid ng magkabilang mata ko. "At kung... iiwan ko si Conor ngayon baka wala na akong balikan baka mawala na talaga siya akin," nasasaktang dagdag ko at muli na namang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. "Mahal ko si Conor at hindi ko nakakalimutan ang sumpaan namin sa harap ng Diyos kaya hindi ko siya iiwan kahit ang sakit na," umiiyak ko ng saad. "Pero naaawa ako sa'yo, Gab." Kaagad naman akong umiling. "Hindi awa ang kailangan ko, Ate kundi supporta at magpapalakas ng loob ko," tugon ko. Sa halip na sagutin niya ako ay isang yakap na lamang ang ginawa niya. "Ipagdarasal ko na maayos ang relasyon ninyo ni Conor pero kung may kailangan magsabi ka lang ha? Anytime, para matulungan kita," wika niya ng kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin. "Salamat, Ate," pasalamat ko naman agad. "Ang tatag mo, Gab hindi lahat ng babaeng ganyan hindi lahat nanatili sa ganyang sitwasyon," litanya niya. "Hangga't nakikita ko pa ang asawa ko alam kung may pag-asa pa kaya hinding-hindi ko susukuan ang relasyon namin at lalong hinding-hindi ko susukuan ang asawa ko," madamdamin kong dagdag kay Ate. At tanging ngiti lamang ang naitugon sa akin ni Ate Irene pagkuwa'y nagpasya na rin itong umalis para raw makapagpahinga na ako. Ngunit bago ito tuluyang umalis ay pinakiusapan ko itong huwag na lang niyang sabihin kay Daddy ang tungkol sa amin ni Conor dahil malamang magagalit talaga iyon at baka saktan niya pa ang asawa ko. Mabuti na lang sumang-ayon naman si Ate sa kagustuhan ko na ipinagpasalamat ko naman agad sa kanya. "Gusto mo bang kumain? May dalang meryenda ang Ate mo," tanong sa akin ni Nanay Ramona ng ako na lang ang maiwan dito sa pool area. "Magpapahinga na lang po muna ako, Nay," tugon ko kay Nanay Ramona at saka na ako pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto namin. Kaagad nga akong nagpahinga pagpasok ko sa aming kwarto at muli kong tinawagan ang cellphone ni Conor pero off na talaga na ito. Hindi ko na alam kung saan pa siya pumunta dahil ang tanging alam ko lang naman na maaari niyang puntahan ay sa bar. Wala na kasi siyang mga magulang at nag-iisang anak lang ito at sa edad niyang bente ay ulila na siya. Nung nalaman ko ang kwento niya noon ay mas lalo ko pa siyang minahal at pinangako ko na noon sa sarilli ko na hinding-hindi ko siya iiwan. Pinaramdam ko sa kanya ang buong pagmamahal ko dahil gusto kong isipin niya na hindi na siya nag-iisa at meron siyang ako na masasandalan niya kahit anuman ang mangyari. Kaya kahit na malabo na ngayon ang lahat sa amin ay mananatili pa rin ako sa tabi niya at patuloy kong ipaparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. KINAGABIHAN, nagising ako ng marinig ko ang lagaspas ng tubig mula sa aming banyo kaagad akong napangiti dahil sa wakas ay nakauwi na rin ang asawa ko. Sakto namang pagbangon ko ay siyang paglabas niya ng banyo. "Con, saan ka galing?" malambing kong tanong agad sa kanya, ngunit isang malamig na tingin lang ang tinugon nito sa akin. "Nagugutom ka na ba? Gusto mo ba ipaghahanda kita ng pagkain?" sunod-sunod kong tanong sa kanya habang siya ay tinutungo ang walk in closet namin. Susundan ko pa sana siya loob ngunit pinagsarhan niya ako ng pinto at ni lock niya pa ito kaya naman hinintay ko na lang muna siya. Hindi nagtagal ay lumabas na rin ito ngunit nagtaka ako nang may dala-dala itong duffel bag at nakabihis din siya. "Aalis ka ulit?" tanong ko ngunit isang malamig na tingin lamang ulit ang tinugon nito sa akin. "Conor bakit ka may dalang bag? Saan ka ba pupunta? Kakarating mo lang tapos aalis ka na naman?" mga katanungan ko sa kanya at bakas na sa boses ko ang inis. Sino ba naman kasi ang hindi, e, kakarating niya lang tapos aalis na naman siya at parang hangin lang ako sa kanya. Nang hindi pa rin siya sumagot ay nilapitan ko na ito sa hinawakan ang kanang braso niya. "Conor sagutin mo ako," may kariinan ko ng saad. He deeply sigh. "I'm tired, Gabriela," malamig niyang saad at bakas nga sa boses niya ang pagiging pagod. "Then take some rest, gusto mo bang masahiin kita? Ipaglut—" "Gabriela, ayoko na!" Ano? Wala akong mahupang salita sa sinabi niya hindi sumisink-in sa utak ko ang mga salitang iyon. Ngunit ang puso ko ay unti-unti ng kumikirot at dahan-dahang tinutusok gamit ang masasakit niyang salita. "Magpahinga ka na, Conor." Sa halip ay tugon ko sa kanya. "Gabriela hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko ayo—" pinutol ko na ang kung anumang dapat niyang sabihin. "Bakit? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Sabihin mo sa akin ng mabago ko, m-may kulang ba sa mga ginagawa ko? Sabihin mo lang ng mapunan ko," magkakasunod kong tanong sa nasasaktan kong boses at konting-konti na lang ay pipiyok na ako at bibigay dahil ang sakit-sakit na ng puso ko. "Gabriela alam mong may kulang sobrang kulang," madiin nitong tugon ko sa akin. "Alam ko. Anak, anak ang kulang sa atin pero, Conor pwede pa naman nating subukan ulit, e, may paraan pa," pagpapaintindi ko sa kanya, pero umiling-iling lamang ito. "Gusto ko 'yung baby natin, Gabriela siya ang gusto ko," umiiyak niyang tugon kaya pati tuloy ako ay naiyak na rin. Mas doble ang sakit nang makita kong umiiyak ang asawa ko sa mismong harapan ko. Ito ang pinakaayaw kong makita sa buong buhay ko mahal na mahal ko si Conor at kung pwede lang akuin ko na lang ang sakit na nararamdaman niya ay gagawin ko huwag lang siyang umiyak sa harapan ko at para mawala ang sakit sa dibdib niya. Tuluyan na itong napaupo na ito sa sahig at napahagulhol ng iyak kaagad ko naman itong nilapitan at niyakap. "Tahan na, Con," pagpapatahan ko sa kanya. "Tahan na, Con nandito lang ako hindi kita iiwan pangako," nangangako kong saad sa kanya at hinalikan ko ito sa kanyang sentido. "Mahal na mahal kita," dagdag ko pa. Wala itong naging tugon dahil tanging pag-iyak lang ang nagawa niya. "Malalampasan natin ito, Con-con makakaya natin ito," muling turan ko ng kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at kinulong ko ang mga pisngi nito gamit ang mga palad ko. Alam kong hindi madali ang lahat ngunit kailangan naming lumaban dahil hindi pwedeng ganito na lang kami palagi. We need to move on but I know we can't forget this moment in our lives. Dahil ang pangyayaring ito ay ang sumubok sa pagsasama namin ni Conor. "Magsimula ulit tayo, Conor, alam kong hindi madali pero kailangan nating kayanin." "Kapit lang, mahal ko." Magkakasunod kong saad at sinibasib ko ng halik ang kanyang mga labi na agad din niyang tinugunan dahilan para mas lumalim ang halikan naming dalawa tumayo na rin kami at maingat na tinungo kama. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang paglapat ng likod ko malambot naming kama. "Matulog na tayo," wika niya nang maghiwalay ang mga labi namin. Kaagad naman akong tumango kasabay nu'n ay pag ngiti ko pa sa kanya bago kami tuluyang umayos ng pagkakahiga. "I love you, Conor," buong puso kong saad. Ngunit wala akong nakuhang tugon mula sa kanya dahil pinikit na agad nito ang kanyang mga mata. Ang buong akala ko ay maaayos na namin ni Conor ang lahat, akala ko sumang-ayon siya sa kagustuhan ko, akala magiging masaya ulit kami pero hindi pala dahil sa aking pagising ay may mag-isa na lang ako sa aming kama. And the tears escape from my eyes as I saw my husband's wedding ring on the top of our lamp table. Wala na ang asawa ko iniwan niya na ako at dahil 'yon sa pagkamatay ng anak namin. Hindi man lang siya lumaban. He chose to leave than to stay with me and it hurts. Hindi lang ako nawalan ng anak dahil nawalan din ako ng asawa mas mabuti pang ako na lang sana ang namatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD