bc

UNTIL WHEN

book_age18+
48
FOLLOW
1K
READ
others
love-triangle
fated
sensitive
independent
drama
tragedy
twisted
bxg
mystery
like
intro-logo
Blurb

Life indeed is a circus. Ups and downs, and surprises. Meet Jenny, a girl who struggles to find peace and clarity... because she was captivated by a cage that she can't even escape.

Until when Jenny finds true happiness as she frees from everything... ...

Will she freed someone or will she let herself freed by her own tragedy.... ?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 Secret Lovers
  SECRET LOVERS. Ganyan kami ilarawan ng aming mga kaibigan. Dahil nung panahong iyon ay di pa kami legal sa aming mga pamilya. Ika-nga nila. Wala pang basbas sa mga magulang at di nila alam na mag nobyo at nobya kami. After me and Luke graduated. Kumuha agad siya ng board exam bilang isang Engineer. Ako naman, pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Gusto kong maging doctor kaya nag-aral ulit ako. Makaraan ang ilang mga buwan, pumasa si Luke sa board exam at isa na siyang ganap na Engr., ako naman nung mga panahong iyon nag-aaral pa rin. Bagaman sa mga panahong iyon ay di pa kami legal sa aming mga magulang.. Unti unti ko nang pinagpapaalam si Luke. Kaya nang dumalaw siya sa bahay, tinanggap na rin siya ng aking mga magulang. At gayundin naman ako sa mga magulang  ni Luke. Masaya kaming magkasama. Minsan, dumadaan siya sa inuupahan kong bahay malapit sa school. Minsan doon siya nagpapalipas oras at natutulog. Pagsapit ko ng third year  sa medicine, sa di inaasahan, nalaman kong buntis ako kay Luke. Kaya hindi ko na natapos pa ang pag memedisina.  Bagaman masama ang loob ng aking mga magulang sa  nangyari.. tinanggap na din nila ang sitwasyon. Pinangako naman sa akin ni Luke na gagawin niya ang lahat para maitaguyod kami ng kanyang anak. Magaan naman para sa amin ang buhay dahil may trabaho naman si Luke, yun nga lang hindi pa namin magawang magpakasal dahil pinag-iipunan pa at pangarap naming maging engrande ang aming kasal. Kaya nga lang, mag-iisang buwan mula nang pinanganak ko si Janell. Nawalan ng trabaho si Luke dahil nagsara ang kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Sa panahong iyon, hindi namin alam kung ano ang aming gagawin. Nangungupahan lang kami at ayaw naming umasa sa aming mga magulang. Kaya naghanap si Luke na mapapasukang trabaho. Isang araw, may tumawag kay Luke at tanggap na raw siya para mag abroad. Kaya nga lang, limang taon pa ang kontrata. Di ko man gusto ngunit pinilit ni Luke na mangibang bansa para sa amin. Kaya kahit magkakalayo kami, tinitiis ko nalang sa ngalan na rin ng anak namin.   Bago umalis si Luke, bitbit niya lahat ng pangarap namin. Magkaroon ng sariling bahay, engrandeng kasal at mapayapang buhay. Naaalala ko pa ang mga sinabi niyang .. “Jen… dadalhin kita sa aking palasyo. Dadalhin kita saan man ang gusto mo, ngunit alam kong sa lahat ng mga lugar sa buong mundo…isa lang ang nais mo at pinakagusto mo. Kaya dadalhin kita sa simbahan, sa harap ng lumikha, at sasabihin mong tinatanggap mo ako bilang aking asawa”   Kaya sa ngalan ng mga pangako niya at sa aming pamilya. Limang taon ko ring tiniis na magkalayo kami. Lagi ko siyang kausap, puyat, pagod at sakripisyo pinupuhunan namin dalawa. Ito lang noong makaraan ang halos anim na buwan bigla na lamang nag-iba ang oras nang aming komunikasyon. Kaya minsan, hindi na ako natutulog kakaabang sa kanyang oras. At ngayon, matapos ang maraming pagtitiis.. makakasama ko nang muli ang aking pinakamamahal.   "Ma, iwan ko po muna si Janell. Gusto ko lang supresahin si Luke ngayong araw. Gusto niya ata akong supresahin, di man lang niya sinabi na ngayong araw na pala siya uuwi. Kung hindi ko narinig ang tawag mo sa kanya malamang sa malamang masusurpresa ako"   "Jenny, anak.. Hayaan mo nang makarating dito si Luke. Wag mo nalang siyang abangan sa airport. Ayaw mo bang maramdaman niyang nasurpresa ka?" .. pag aalalang sagot ni Mama.   "Ma, sa mahigit limang taon.. sabik na akong makita ang asawa ko. Hayaan mo na akong sunduin siya sa airport. Lagi nalang akong nalulungkot"   Bagaman nababanaag ko sa mukha ni mama ang pag-aalala. Di na nakahirit pa si Mama. Ilang sandali ay iniwan ko na si Janell. Ang 5 taong gulang kong anak.   "Mag ingat ka Janell"... Sabi ni Mama habang isinasara ang gate ng kanyang bahay.   Ngumiti lang ako sa sinabi ni mama. Sa totoo, kinakabahan ako. Pero mas nangingibabaw ang saya dahil makikita ko na si Luke. Wala na akong iba pang minahal pa kundi siya lang at ang Ama ng aking anak na mag isa kong halos inalagaan ng limang taon.   "Salamat po manong, eto po ang bayad"..   Bumaba na ako ng taxi. Ramdam kong nasa airport na ako dahil nakikita ko na ang mga taong may dala dalang maleta. Sigurado akong may pasalubong si Luke. Pinag usapan na namin yun noon eh. Yung bags at bistida na gusto ko. At ang mga manika ni Janell.   Bago ako pumunta sa arrival area at mahintay na makalabas si Luke. Pumasok muna ako saglit sa restroom at nagpaganda. Nagsuklay at dinagdagan ang lipstick sa aking labi.   "Oi dumating na yung flight nila Tito from Canada’’.. rinig ko mula sa isang babaeng tumatawag sa kanyang cellphone sa loob ng restroom.   Kaya dali dali akong lumabas ng marinig ko ang Canada. Hai salamat at nakarating nang payapa si Luke.   Nakatayo na ako sa isang sulok at naghihintay makalabas ang kakarating lang na mga pasahero. Unti unti nang nagsisilabasan kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang ilan naman ay mag isa. Halos maubos na ang mga nasisilabasang pasahero ngunit di ko pa rin nakikita si Luke. Di ako, mapakali ngunit umaasa pa rin akong isa siya sa mga pasaherong nakasakay sa eroplanong iyon.   Ilang sandali pa nakita ko na ang pinakamamahal ko.   Hindi naman gaanong pagbabago sa kanyang itsura magmula nang iniwan niya kami ni Janell. Tumanda nga lang ng konte at naiba rin ang kanyang tindig. Medyo makisig na siya ngayon. Bakat na bakat sa kanyang suot na t shirt ang kanyang mga bisig. Ngunit sa lahat ng mga pagbabagong napansin ko sa kanya, mas kapansin pansin ang isang kamay na kanyang kahawak. Ang kamay na mahigpit niyang kahawak ay makinis, at may kulay ang mga kuko nito. Kaya mula sa kamay unti-unti kong sinusunod paitaas ang aking mga paningin nilipat hanggang sa naaninag ko ang ngiti sa mga mapupulang labi na mas lalong mapula sa aking labi. Matangos ang ilong nito at maitim ang buhok. Hindi ako nagkakamaling isang babae ang kaawak niya ng kamay. Higit pa sa napansin ko sa lahat, mas pumukaw ng aking atensyon ang busog na anyo na babae. Hindi naman ako nahihibang at alam ko sa aking mga nakita na nagdadalang tao ang babaeng kanyang kasa kasama. Halo maghalupasay ako sa isang sulok nang aking magunita ang lahat ng aking nakita. Pilit kong isinisigaw ang kanyang pangalan ngunit hindi ko magawa. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang pangalang Luke na asawa ko at minahal ko nang maraming taon. Nakangiti lang si Luke na para bang walang Jenny sa buhay niya. Nakalimutan na ba niyang may isang babaeng naghihintay sa kanya? Kausap ko pa siya noong nakaraang araw bakit niya nagawang itumbas ako sa isang babaeng posibleng bago lang niya nakilala. Wala akong dala ni isang maaring ihampas sa kanilang dalawa. Wala akong dalang armas na pang sanggala sa sakit na kasalukuyan kong nararamdaman. Hindi ko mapunasan ang luhang tumutulo sa aking mga mata dahil halos di ko na maigalaw ang aking katawan. Nanginginig ako na para bang binuhusan ako ng yellow at kumukulong tubig.   Ito ba ang magiging kapalit sa lahat ng puyat at sakripisyo niya? Nagsakripisyo din naman ako. Inalagaan ko ang aming anak. Nagpuyat upang makausap niya. Nag tiis ng maraming lungkot.   Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam pero may parang may kung anong tumulak sa akin upang lapitan sila. Unti unti kong inangat ang aking mga paa hanggang sa akoy makalakad. Nanginginig man ngunit gusto kong makausap siya. Sila.   Ilang segundo lang mula sa aking paglakad ay kaharap ko na sila. Nakatayo ako sa kanilang harapan na para bang wala akong nakikitang ibang tao sa paligid kundi sila lang.   Binuka ko ang aking bibig at.. marahang nagsalita...   ... "L…   End of Chapter 1 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
316.2K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.4K
bc

YOU'RE MINE

read
894.4K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
58.0K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook