Kinabukasan, nautusan ako ni mommy na ihatid ang lunch na ni-prepare niya para kay dad. Kahit na Sunday, may pasok parin sila.
“Dalhin mo ito sa office ng daddy mo. I’m worried, baka sa dami ng ginagawa ay hindi na nakakakain ng maayos iyon.”
She gave me the brown paperbag.
Nakangusong tinanggap ko ito. “Ba’t di nalang kayo mom? Tinatamad ako ngayon eh.”
“Hay naku, naubusan na tayo ng mga supplies sa bahay kaya aalis din kami ngayon ni Manang Selya para mag-grocery. Paminsan-minsan lumabas ka naman hindi yung kinukulong mo palagi ang sarili mo sa kwarto mo. Napakatamad mo talagang bata ka.”
Here we go, she’s nagging again.
Hindi na ako nagreklamo pa at agad na pumayag sa utos niya.
Seriously? Why do mothers always tend to nag at their child?
But first, nag-ayos muna ako ng aking sarili. I wore a sleeveless top paired with ripped jeans and a sneaker.
Nang makarating ako sa building ng kompanya ay nagtanung-tanong ako kung saan ang opisina ni daddy. Buti nalang may nakapagturo sakin.
I knocked the door three times.
“Come in”
Nang marinig ko ang senyales ay agad kong binuksan ang pinto. Pumasok ako sa loob at nakita ko siyang abala sa pagtipa ng kanyang laptop.
“Dad” bati ko sa kanya
Nag-angat siya ng tingin sakin. “Becky? What brings you here?”
Napatingin ako sa mga papeles na nakatambak sa kanyang mesa. Ngayong stressed si dad, mas lalong nagmukha siyang matanda.
“Nautusan ako ni mom na dalhin sayo to. She’s worried, baka daw hindi ka pa nakakain.” I handed him the paperbag
“Ang mommy mo talaga.” Iling niya habang nakangiting tinanggap ito.
Tss…
Habang kumakain siya ay tinanong ko siya.
“Ba’t ang dami naman niyan dad?” nguso ko sa mga papel na nakatambak sa kanyang mesa.
“Oh, I still have to check on that. Para mapirmahan na agad ng CEO.”
“You look so stressed.” Komenta ko
“Wala ito kumpara sa nakatataas anak.”
Kumunot ang aking noo. “What do you mean?”
“Sa laki ng problema, nasalo lahat iyon ng CEO. Buti nalang magaling siyang mag-manage kaya agad na naagapan at napabangon ulit ang ilang branches ng kompanya. But ofcourse, we have to help him by doing our responsibilities too. Kaya ito, tambak sa trabaho.” Iling niya
Nakaupo ako client’s chair na kaharap ng table niya. Busy ako sa aking phone habang nakikinig sa kanya.
“But no one knows the CEO.” Dagdag niya
“That’s ridiculous” tawa ko
“I’m telling the truth.” Seryoso niyang sabi.
“Why is that?” kuryoso kong tanong
Umiling siya. “Who knows? All I know is that, he’s good at hiding his real identity.”
Bumalik din si dad sa kanyang ginagawa matapos niyang mag-lunch.
Tumayo ako at nagdesisyon nang umalis. Ayokong maka-istorbo pa sa kanya.
“Alis na ako dad.” Paalam ko sa kanya
“Ingat ka”
Habang nasa loob ng elevator ay napatingin ako sa guy na katabi ko. Halos hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya dahil sa cap at mask na suot niya. Naka-black shirt siya and jeans.
Bumalik ang aking tingin sa harap.
Suddenly, biglang namatay ang ilaw. Naramdaman ko ding tumigil ang paggalaw ng sinasakyang elevator. Through my vision, all I can see is black.
Nanginig ako sa takot. I’m afraid of dark.
But then, naalala kong dala ko pala ang aking phone. Hinalukay ko ito sa aking sling bag. Nahanap ko ito at hawak ko na ngunit dahil sa pangininig ng aking kamay ay nahulog pa.
Bumilis ang aking paghinga at mas lalong dumoble ang aking takot. Luluhod na sana ako para kapain ito ngunit nagulat ako nang may biglang yumakap sakin, trying to calm me down. I let him hug me.
I can feel myself slowly getting calm again.
“A-Anong nangyayari? I-Is there a power outage?”
Hindi siya sumagot.
Kumunot ang aking noo at inalala ang lahat. “You’re scent…”
Napapikit ako nang biglang bumalik ang ilaw, nakakasilaw iyon sa paningin ko. Tumunog ang elevator at pagkamulat ko, wala na siya sa tabi ko. Ni hindi ko naramdamang kumalas siya ng yakap sakin. Pinulot ko muna ang aking nahulog na cellphone at agad ding lumabas para sana hanapin siya ngunit hindi ko na siya nakita pa. He’s fast.
Now, I’m certain. He was the one who intentionally bumped Manuel at the corridor.
My goodness, he hugged me. His hug seemed familiar to me. It was like I’ve already experienced hugging him.
And my heart, ang bilis ng t***k. Oh my, sana makita ko siya ulit at nang makapag-thankyou manlang ako.
I think I’ve got a new crush now.
Hanggang sa makauwi ako ay hindi parin maalis sa isipan ko ang lalaking yumakap sakin sa elevator. He must have known that I was scared kaya niya ginawa iyon. Nakakapanghinayang lang, I didn’t even got to see his face.
Kinagabihan, tumawag sakin si L, as usual. We talked to catch up things.
“Alam mo, miss ka na nila.”
“Who?” tanong niya
“Hmm… my classmates. They’re complaining about the new teacher in calculus.”
Nagpatuloy ako sa pagk-kwento sa kung anong mga bagay habang siya ay tahimik lang sa kabilang linya.
“Are you listening?” tanong ko sa kanya sa huli.
“Yeah, continue please. I miss hearing your voice.” He answered
Napangiti ako. Nang makaramdam ako ng antok at madalas na akong napapahikab ay nagtanong siya.
“Are you sleepy?”
“Medyo lang.” sagot ko
Gusto ko pa sanang magtagal ang pag-uusap namin, makabawi manlang sa mga sandaling hindi kami nagkikita.
“Baby, we should end this call now. Ayokong nagpupuyat ka. Matulog ka na, or do you still have things to do? Wala kang homework?”
Napabuntong hininga ako. “Meron”
“Natapos mo na?”
“Hindi pa.”
“Then do your homeworks now, baka makatulong ako.”
I groaned. “Tinatamad ako ngayon.”
“Kaya mababa ang mga marka mo eh.” Dinig kong halakhak niya
“Hmm… mangongopya nalang ako kina Nicole bukas.”
“Kung di lang kita mahal, ngayon palang bagsak ka na sa subject ko.” Seryoso niyang sabi
I froze. Ramdam ko ang bilis na pagtibok ng puso ko.
“H-Huh?”
Napapikit ako nang mariin. I don’t know what to say.
I can hear his heavy breath.
“I’m inlove with you, if that doesn’t seem obvious to you.”
Nakatulugan ko ang mga sinabi niya sakin. Even when I woke up in the morning, bumalik yun sa alaala ko.
He… told me that he loves me. Liam Lim, my professor, is in love with me.
Pinakiramdaman ko ang aking dibdib. Ang lakas at ang bilis ng t***k nun, para bang… pati siya gustong kumawala.
Sumapit ang araw ng sport’s fest, Wednesday. The pageant will be in the morning. Sa afternoon naman, sports games. In short, there will be no classes the whole day. But ofcourse, attentance is a must.
Maaga pa kaya nasa classroom kaming lahat, nag-aantay sa program. We are free to do what we want basta mag-stay lang kami inside the classroom.
Nakaupo ako habang si Nicole ay nasa likuran ko at tinitirintas ang aking buhok. Si Nikki ay busy sa pagpapaganda at si Althea naman ay nagbabasa ng librong hiniram niya sakin, yun bang galing kay L, natapos ko na kasi. Parang gusto kong mangiti nang maalala ang sinabi niya. He told me na huwag ko raw itong ipahiram sa iba. Well, wala naman siya dito and it’s not that bad to lend things he had given me, especially to my close friends.
“Ara, stop looking outside. Diretso ang tingin para hindi mahirapan si ate.”
Napatingin ako sa aking gilid. Inaayusan nila ngayon si Ara. Panay ang tingin nito sa labas kaya pinagsasabihan ng teacher namin sa Physical Ed.
“When the pageant starts, I want you to give your all. Galingan mo sa pagrampa hindi yung mukha kang matamlay. Ayokong mapahiya ang section natin sa taong ito.” Dagdag ng guro
She’s right, mukhang matamlay at walang gana si Ara ngayon. What’s wrong with her?
“Baka ma’am kailangan niya lang ng inspiration.” Sabat ni Nicole
“Oo nga, no?” pagsang-ayon nito
“He’s not here.” Maliit ang boses na sabi ni Ara, just enough for us to hear.
“Aba! May inspirasyon ka pala Ara? Sino naman?” tanong ng isang kaklase ko.
Natahimik si Ara at piniling hindi sagutin ang tanong.
Napatingin ako sa ayos niya. She looks lovely in her sportswear for volleyball. She’s wearing a jersey shirt paired with shorts and a sports shoes. Mas gumanda din siya dahil hindi niya suot ang kanyang salamin.
“Ayan, tapos na. Hairpin nalang ang kulang.” Si Nicole habang hinahaplos ang buhok kong katatapos niya lang i-braid.
“Meron ako dyan sa bag Cole. Pakikuha nalang sa likuran ko.”
Habang hinahalukay ni Nicole ang aking bag ay pasikreto kong tiningnan ang aking phone sa bulsa. Hmm… hindi siya nagreply.
He texted me kasi kung nasa classroom ba ako at kung anong ginagawa ko.
So I replied:
I’m sitting while Nicole’s braiding my hair. How ‘bout you?
Is he busy that he can’t reply me now? Ano ba kasing mga ginagawa niya’t hindi niya masabi sakin? Well anyway, hindi ko naman kasi talaga kailangan ng sagot. I respect his privacy. And whatever it is that he’s doing, I trust him.
We went to the auditorium nang magsimula na ang program. Ofcourse, katabi ko ang tatlo kong kaibigan, nasa kaliwa ko sila. Sa kanan ko naman ay katabi ko ang isang schoolmate na kakilala ko. Kinakausap niya ako kaya ngumingiti ako at sumasagot paminsan-minsan.
Nagtaka kami nang magsitilian ang mga tao. Lumingon kami sa likuran kung saan silang lahat nakatingin. Nanlaki ang aking mga mata.
Between the rows of crowd, walking in the aisle is the most respected and dominant professor of calculus.
Goodness, I missed him so much. Gusto kong tumakbo sa kanya. But there are too many people, hindi pwede.
He’s looking hot wearing a simple white polo and jeans. Nakatupi ang sleeves ng kanyang polo hanggang siko. His hair was messy.
“Dito ka na maupo sir!” si Ara na ngayon ay masigla na.
Nasa likurang seat lang namin si Ara. Mamaya pa ang pageant at puro presentations palang ang nangyayari sa stage ngayon.
Hindi ito pinansin ni L. Sa halip ay naghanap ang kanyang mga mata. Nang matagpuan ako ay tumalim ang kanyang titig lalo na nang makita ang kamay ng aking schoolmate na nakapatong sa likuran ng aking upuan na para bang nakaakbay.
Lumapit siya sa amin.
“This is my spot. Doon ka.” Malamig niyang sabi sa katabi ko habang minumwestra ang bakanteng upuan na ni-offer sa kanya ni Ara.
“Y-Yes sir.” Kabado nitong sagot at dali-daling umalis sa pwesto.
Napatingin ako ngayon kay L. Medyo matalim parin ang titig niya sakin.
He sighed as he sat beside me.
“Y-You’re here.” Sambit ko
“I told you, babalik ako sayo.” Suplado niyang bulong, that only us can hear. Pero kahit ganun, it’s enough to send butterflies to my stomach.
Naramdaman kong pasikreto akong kinukurot ni Thea. I know, they’re watching us, and the people around us.
“Look, Professor Liam is back. At pinili niya pa talagang umupo sa tabi ni Becky Guerrero, ang paborito niyang estudyante.”
“Close ba sila?”
“Sa pagkakaalam ko, hindi naman magaling si Becky sa calculus. Paano siya naging favorite student ni sir?”
Napapikit ako nang mariin dahil sa mga bulungan ng mga taong nakapalibot sa amin. Hayy… magbubulong na nga lang, yung dinig na dinig pa.
“Ilang araw lang akong nawala, may pumuporma na agad sayo?” Inis na bulong ni L sakin
“Huh?” napatingin ako sa kanya
“Tss…” nag-iwas siya ng tingin at busangot na tumingin sa harap.
Parang gusto kong matawa nang makitang ginulo niya ang kanyang buhok na para bang ang laki ng problema niya. Napatingin sa kanya ang ibang estudyante, nagtataka sa inaakto niya.
“What!?” inis niyang asik dito kaya takot na umiwas ng tingin ang mga ito.
“Hala, bad mood yata si sir Liam ngayon.” Bulungan nila
Nang malapit nang magsimula ang pageant ay pinatawag na ang mga sasali para pumunta sa backstage.
“Let’s get out of here.” He whispered beside me
“Why?”
“Boring” he drawled
“Gusto kitang yakapin. I miss you” dagdag niya at inilapit ang kanyang katawan sakin
“Contain yourself, baka may makapansin.” Kabado kong balik
Nagsimula na ang rampahan sa stage. Lahat sila ay magagaling
When it was Ara’s turn, she was confident at first. But when her gaze went to our direction, she immediately lost her posture. When she did a turn, she lost her balance and fell on her knees.
The audience made an “o” sound.
Napatingin siya samin. Pero ang mata niya, parang naka-steady sa… lalaking nasa tabi ko.
L doesn’t really care though. Ang mga mata niya ay pabalik-balik lamang sa kanyang relos at sa akin. Para bang wala siyang pakealam sa mga nangyayari sa paligid niya.
Imbes na tumayo at magpatuloy, hindi iyon ginawa ni Ara. Instead, she walked out which shocked everyone including me as well. What she did was not right. What’s wrong with her?
“Gosh, ba’t siya nag-walk out? Nakakahiya!”
“Pinahiya niya ang section natin!”
Gigil ang lahat lalo na ang mga kaklase ko. Ang mga taga-ibang section naman ay pinagtatawanan kami.
I gritted my teeth in irritation.
Nang mapansin iyon ni L ay matalim niyang tiningnan ang mga ito kaya tumigil din.
“Hayy naku, pabida-bida kasi, wala naman palang ibubuga.” Inis na sambit ni Nikki
The show went on, pero usap-usapan parin ang nangyari kanina.
L whispered to me nang malapit nang matapos ang program.
“You know where to find me.”
Tumayo siya at naglakad palabas ng auditorium.
Bumalik kami sa aming building nang matapos ang show.
Nauna akong maglakad habang nakasunod naman ang tatlo. They were busy talking about what happened earlier.
“Naaawa ako kay Ara, para siyang naiiyak kanina, napahiya pa.” si Nicole
“Hindi siya mapapahiya kung nagpatuloy lang siya.” Dinig kong sabat ni Thea
“Sumali pa kasi, hindi naman pala kaya.” Komenta ni Nikki
We took our school bags when entered inside the classroom. Hindi na sila nagtanong pa nang pinaliwanag kong hindi ako makakasama sa kanilang mag-lunch.
Bago ako dumiretso sa office ni L ay dumaan muna ako sa rest room. I am washing my hands when the door in one of the cubicle suddenly opened.
Napatingin ako dito. Napasinghap ako nang makitang lumabas dito si Ara. Namamaga ang kanyang mga mata dahil siguro sa labis na pag-iyak.
Umiwas ako ng tingin at pinatay ang faucet.
“Are you… alright?” tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya.
Hindi siya sumagot. Aalis na sana ako ngunit nagulat ako nang pinigilan niya ang braso ko.
“I… like him.”
Napalunok ako. I think I know what she’s going to say.
“W-What do you mean?”
“Gusto ko si sir Liam. Gustong-gusto.”
Nanlaki ang aking mga mata. Hindi nga ako nagkamali. Now it all makes sense.
“Why are you telling me this?” tanong ko
“Gusto mo din ba siya?” diretso niyang tanong.
Napakurap ako.
“Alam ko, close kayong dalawa. Is there something between you two?” nanliit ang kanyang mga mata
“There’s nothing special between us. Kung ano man yun, teacher and student relationship lang. Pure friendship.” Malamig kong sagot
Gusto kong purihin ang aking sarili. I’m good at acting, huh?
Hindi ko maaaring sabihin sa kanya ang kung ano mang meron sa amin ni L. I can’t trust her.
Nakita ko ang pag-ngiti niya dahil sa naging sagot ko.
“Kung ganun, tulungan mo ako sa kanya Becky. Ikaw lang ang nakikita kong paraan.”
She held both of my hands. May pagmamakaawa sa kanyang mga mata.
“Matagal ko na siyang gusto, or even more than that. Sa klase, palagi kong ginagalingan para lang mapansin niya ako. I even joined a pageant just so he would notice me. Pero hindi eh, ikaw palagi ang tinitingnan ng mga mata niya.”
She shed a tear. Hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay.
“Becky, I need your help. Tulungan mo akong mapalapit kay sir Liam.”
--------------------------------------------
AN; FOLLOW PO PLEASE PARA MAITULOY PO ANG STORY ? PLEASE FOLLOW PO ?? SALAMAT IN ADVANCE ?