Chapter 5

2810 Words
I can’t deny the fact that he’s giving me various of gifts everyday. Seriously? Baka masanay ako. Dahil sa gusto kong mag-ingat kami ay pasikreto niya itong binibigay sakin, yung hindi alam ng lahat. Si Ara, siya yung napiling magiging representative ng section namin since hindi ako pwede, or should I say… hindi ako pinayagan. Also, she volunteered herself to join which I find it weird. Sa pagkakaalam ko, wala siyang experience sa pagrampa at mahilig siya sa mga libro. Well, anyway, who knows? She’s a fast learner. Maybe she wanted to try something new? Linggo ng tanghali ay nagising ako dahil sa pag-ingay ng aking phone. Tss… istorbo sa tulog. Nang sagutin ko ang tawag ay hikbi ni Nikki ang agad na bumungad sakin. “What’s wrong?” concerned kong tanong “N-Nakipaghiwalay na sakin si Jake. A-and… matagal na pala siyang nagch-cheat sakin.” Napahilot ako sa aking noo. “Where are you?” “C-Café” mahina ang boses niya na may kasamang hikbi. “Saang café?” I inquired Nang matanggap ko ang sagot niya ay agad kong pinutol ang tawag. Ni-dial ko din ang number nina Althea at Nicole, to tell them about Nikki. Nang makarating ako sa kinaroroonan niya ay napailing ako. Pinagtitinginan siya ng mga tao sa loob. Paano ba naman, she’s crying loudly. Para siyang isang batang inagawan ng kendi. “You’re a mess” sambit ko at umupo sa upuang nasa harap niya. Para bang wala siyang nakita at nagpatuloy lang siya sa kanyang pag-iyak. “Stop it. Hindi ako pumunta dito para pakinggan kang umiiyak.” Inis kong asik sa kanya Maya-maya din ay dumating sina Thea at Nicole. “What happened?” agad na tanong nila at umupo sa malapit na upuan. Hinahagod ni Thea ang likuran niya habang pinapatahan siya. “Tss… I really hate this scene.” Bulong ni Nicole na nasa tabi ko. “Me too” balik ko “Ang hayop na yun, matagal na pala akong niloloko. Kung hindi nag-send ng picture ang schoolmate natin tungkol sa kanya na may kasamang ibang babae, hindi ko pa malalaman.” Inis na wika ni Nikki nang medyo humupa ang kanyang pag-iyak. “Sa totoo lang, kasalanan mo kasi nagpaloko ka.” Diretsong sabi ni Nicole habang ako ay tahimik lang at nakikinig sa kanila. “Cole, hindi ka nakakatulong.” Komenta ni Thea “Bakit? Totoo naman, ah?” “Kinausap ko siya tungkol sa picture, inamin din niya sa huli. At ang hayop, nauna pang makipaghiwalay sakin. Ako dapat yun eh!” pagpapatuloy ni Nikki “Lahat ng lalaki, manloloko!” sigaw niya kaya napatingin ang mga tao samin. “Stop it! Nakakahiya ka Nikki!” asik ni Nicole sa kanya “What!? I’m telling the truth. Kaya ikaw Becky…” tingin niya sakin kaya napalunok ako “What?” kabado kong tanong “Kung sino man yang nanliligaw sayo, bastedin mo na agad. Pare-pareho lang silang lahat.” “Hoy Nikki, huwag mo ngang idamay so Becky dito.” Singit ni Nicole, halatang naiinis na. “I think we need to get out of here, nakakahiya na itong kasama natin.” Saad ni Althea at hinawakan sa braso ang may sayad naming kaibigan. Palabas na kami ng glass door nang may humigit sa braso ko. Nanlaki ang aking mata. “Manuel?” “Hey, nagkita ulit tayo.” Ngiti niya Napalingon samin ang tatlo kong kaibigan Nakita kong nanliit ang mata ni Nikki habang tinitingnan si Manuel. “Sino yan Becky? Bago mo na namang admirer? Naku! Huwag mong pansinin yan, lolokohin ka lang niyan.” “Huh?” litong tanong ni Manuel Sinenyasan ko sina Thea at Cole kaya agad nilang kinaladkad paalis ni Nikki. Narereklamo pa ito pero wala na ding nagawa sa huli. “Uhh… huwag mong pansinin yun, masama lang ang loob ng kaibigan ko kaya ganun.” Paliwanag ko kay Manuel “Ah, ganun ba?” I nodded “May bibilhin ka?” turo ko café “Oo eh, nautusan akong bumili ng cheese cake dito.” Paliwanag niya Tumango-tango ako. “Pwede tayong lumabas after nito. Makakapag-antay ka ba?” Kumunot ang noo ko. Gusto kong tumanggi pero nakakahiya naman. “Uhh…” Nagulat ako nang may umakbay sakin. Naamoy ko ang kanyang pamilyar na pabango. This scent… always makes me remember something. Hindi ko lang matandaan. “She’s going with me, hindi siya pwede.” Nagtatanong na tumingin sakin si Manuel. “Kilala mo ba siya?” Napatingin ako kay prof Liam na ngayon ay madilim ang tingin sa akin. Maangas siyang nakipagtitigan kay Manuel. “Girlfriend ko siya, may angal ka?” Hindi pa man ako nakakaangal ay hinigit niya na ako paalis doon. Pilit kong tinatanggal ang kanyang pagkakahawak sa akin. I am scared that someone who knows us might see us. “Teka lang, sir…” pagpupumiglas ko ngunit masyadong mahigpit ang kanyang hawak sakin. Napahinga ako nang maluwag nang makitang binuksan niya ang pintuan ng kanyang red ferrari at pinapasok ako sa loob. “Why did you do that? That’s rude.” Pangangaral ko sa kanya nang parehong nasa loob na kami ng kotse. “You’re going out with that boy?” may anghang sa kanyang tinig “No” mabilis kong sagot He sighed. “Then… why are you with him?” Hindi ako nakakibo agad kaya nagpatuloy siya. “Ayaw mong lumabas tayo ngayon kasi mas gusto mong kasama siya?” he concluded “Ofcourse not! Nagkaproblema lang kaya nagkita kami ng mga kaibigan ko. It was a coincidence that he saw me, kaya nagkausap kami panandali.” I don’t know why I’m explaining this to him. Tahimik siya habang nakikinig sakin. His jaw, clenching. “And… I sleep all day during weekend, the reason why I can’t go out with you.” Hindi nakatakas sakin ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi. “You love sleeping, huh?” nakatingin sa harap niyang sabi. “Tinted ba itong sasakyan mo?” kabado kong tanong “There’s nothing to worry baby, it’s heavily tinted.” Tingin niya sakin Ngumuso ako. “Ba’t mo naman sinabi yung kanina? Hindi mo pa naman ako girlfriend, ah?” “You’ll be my girlfriend soon, so what’s the difference?” I chuckled because he seems so determined. “Hmm… ilang taon ka na ba sir?” tanong ko habang nakatingin sa labas. “Why suddenly ask?” ramdam ko ang ngiti niya habang nagsasalita I turned to look at him. Ngayon ay nakaharap siya sakin. His legs’ slightly touching mine. “Nanliligaw ka sakin tas ni edad mo di ko alam?” diretso kong sabi Umirap ako. “Kung ayaw mong sagutin… bahala ka.” He chuckled. “Ang bilis mo namang magalit, I’m just asking why.” “Tss…” “Fine, I’m twenty four, satisfied?” “Ang tanda mo na pala.” Sambit ko “Twenty four is young baby.” Nagulat ako nang hinawakan niya ang aking kamay. “I’ll be gone for several days.” Wika niya Kumunot ang noo ko. “I wouldn’t be able to attend your classes.” Dagdag niya “Why?” it was almost a whisper “May importanteng bagay akong kailangang asikasuhin. When that happens, I want you to behave when I’m not around, okay?” Para naman akong bata kung ituring nito. But after he said that, medyo nakaramdam ako ng lungkot. “I don’t want you to hang out with other boys, are we clear?” Matalim ko siyang tiningnan. He’s really bossy, my goodness. He bought me a food sa isang fast-food restaurant. Sinabi ko kasing gutom ako since hindi pa ako nakakapag-almusal, even lunch. Pinagalitan niya pa ako dahil nagpapalipas daw ako ng gutom. Siya ang lumabas ng kotse at hinintay ko nalang siya sa loob. Baka kasi may makakita pa sa amin, mahirap na. Magkasalubong ang kilay niya habang pinagmamasdan akong kumakain. Inalok ko siya ngunit umiling lang siya. “Please take care of yourself when I’m not around. Don’t starve yourself, baka magkasakit ka.” Pangangaral niya “Opo sir…” I teased Napapikit siya. “And… stop calling me ‘sir’.” “Edi, kuya?” pang-iinis ko pa Mas lalong pumula ang kanyang tenga, halatang iritado na. “You’re seven years ahead of me so I think it’s better to call you kuya.” Dagdag ko “Tss…” “Paabot ng tubig please.” I asked him Siya na mismo ang nagbukas ng bottled mineral water bago niya ito ibinigay sakin. “Thanks” May mga natira pang food sa inorder niya but I’m already full. I finished eating and he’s watching me intently. “You done?” “Yeah” Hinatid niya ako sa amin. I told him na ihinto ang sasakyan a few meters away from our house. Baka kasi makita kami nina mom and dad, magtatanong pa ang mga iyon. It’s raining outside and I don’t have any umbrella with me. “It would probably take an hours before it stops.” Aniya Nagulat ako nang hinubad niya ang kanyang hoodie, leaving him only with t-shirt on. He looks really hot this way. “Wear this” Siya na mismo ang nag-suot nito sakin. Inilagay niya ang hood nito sa aking ulo. “I’m gonna miss you” he whispered Parang bigla akong nalungkot. “But I’ll call you everytime.” Nakagat ko ang aking labi. “Ilang araw ka bang mawawala?” He sighed. “I still don’t know. I have responsibilities that I need to take care of.” “Ano ba yun?” tanong ko He only smiled at me. I pressed my lips together. “Uhh… mamimiss din kita sir.” Ngumiti siya ng nakakaloko at tumingin sa aking suot. “Kapag na-miss mo ako, suotin mo lang palagi yan. Wearing my hoodie feels like hugging me already.” Tch. Tinampal ko siya. “And call me ‘L’. Naiirita ako kapag tinatawag mo akong sir.” Napanguso ako. “Why L?” “I was called that way when I was younger.” He hugged me for the last time bago ako lumabas ng kanyang kotse. Hinubad ko ang kanyang hoodie nang makapasok ako sa aking kwarto. It doesn’t fit me at all, masyadong malaki. Lagpas pa sa gitnang hita ko. Ni-hanger ko ito para patuyuin. Natigilan ako nang biglang may maalala. Sa Lim Tech Company building, siya kaya yung bumangga kay Manuel? After all, I realized that they got the same scent. At ang hoodie, I think it was the same with the one who bumped Manuel at the building. Siya kaya yun? Or baka nagkataon lang? Everyday feels dull to me. Kagaya ng sabi niya, tumatawag siya sakin palagi. But still, it feels not enough. Namimiss ko yung boses niya, yung mga mata niyang parang lawin kung makatingin, yung amoy niya, at ang presensya niya. I think I’m addicted to him already. Kahit nga mga kaklase ko parang namimiss din siya. “Ba’t kaya di pumapasok si sir Liam?” tanong ni Althea. “Alam niyo guys, mas gugustuhin ko pang si sir Liam ang magklase satin sa Calculus. Kahit na strikto at todo kung makabulyaw yun, atleast nakaka-refresh ang gwapo niyang mukha. Di kagaya ng substitute teacher niya, matanda na, panot at kalbo pa.” mahabang wika ng isa sa mga kaklase ko kaya nagsitawanan sila, pati ako nakisali narin. I also noticed that Ara is getting better each day. Maybe dahil ito sa pagsali niya sa pageant? Every now and then nagp-practice sila para sa darating na sports fest. Maybe one of their goals is to improve their looks. Maganda si Ara, lalo na kapag hindi niya wear ang nerd glasses niya, mas bumabagay sa kanya. “Tatlong araw nang wala si sir. May alam ka ba kung ba’t di siya pumapasok ngayon?” tanong niya sakin I shrugged. “I don’t know” ‘Well played’, sabi ng utak ko “Why are you asking me?” tanong ko sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. “Well, ikaw ang paborito niyang estudyante eh. Baka lang nasabihan ka niya.” Natahimik ako. “Maybe he’s sick?” nababahala niyang tanong. Everyday, pinapadalhan din ako ni sir-I mean ni L ng meal. May it be during lunch or break. Palagi akong nalilibre dahil sa kanya. ‘Eat well, From: L’, basa ko card na naka-attach sa cardboard container. Today, nakatanggap nanaman ako ng food mula sa delivery boy na pina-order niya para sakin. Ofcourse, I shared it with my friends. Hindi ko kasi mauubos kung ako lang eh. “Nakakamiss din pala si sir Liam, ano? Miss ko na yung mga bulyaw niya sakin.” Hirit ni Nikki “Eh, ikaw Becky, na-miss mo ba si sir?” Althea nudged me I just nodded at them. “Uyy… namiss niya daw” biro nilang tatlo sakin. “Sana palaging may free meal, ano? Para busog tayo palagi.” Si Thea “Kanino ba galing ‘to, Beck?” tanong sakin ni Nicole Nagkibit-balikat ako. “Baka mula ‘to kay LL?” biro ni Thea sakin. Hindi ko nalang siya pinansin. Napatingin ako kay Nikki na ngayon ay mukhang naka-move on na. Minsan nga lang, medyo bitter pa din. Sa bahay, napapansin kong medyo nal-late na ng uwi si daddy. “Mom, ba’t parang stressed si dad lately? He always arrive at home late na din.” Tanong ko kay mommy habang nag-aalmusal kami. Saturday ngayon at maagang pumasok sa opisina si daddy kanina. It’s surprising, right? Maaga akong gumising ngayon kahit na weekend. Napabuntong-hininga si mom. “May problemang kinakaharap ang kompanya nila ngayon anak.” Pagkatapos ng almusal ay bumalik ako sa aking kwarto. Nanlumo ako nang makitang wala paring tawag o text manlang galing sa kanya. Kagabi, hindi rin siya nakatawag sakin which I find it unusual kasi hindi niya naman nakakaligtaang gawin ito everyday. Hindi ko napigil ang aking sarili at ako na mismo ang nagpindot ng “dial” para tawagan siya. Natagalan pa bago niya nasagot ang aking tawag. “Hey L” agad kong salubong sa kanya. “Oh, hey baby…” he answered huskily, parang kababago lang ng gising. I pouted. “You didn’t call me last night.” “I’m sorry baby, marami akong tinapos kaya nakaligtaan ko.” I can feel from his voice that he’s still tired and sleepy. Nanliit ang aking mga mata. “Ano ba’ng ginagawa mo at ba’t parang pagod na pagod ka?” “Hmm… just some things.” He chuckled I gritted my teeth. “Siguro may babae ka, ano!?” “The f*ck!?” malutong niyang mura at ngayon ay mukhang nabuhayan na. “Are you cussing at me!?” “O-Ofcourse not baby. Please understand, wala akong ibang babae. Ikaw lang-“ “Then bakit ayaw mong sabihin sakin kung ano ang mga pinanggagagawa mo? Kung bakit mo kailangang umalis!? Siguro may tinatago ka! Ayoko na sayo, ang dami mong sikreto…” naiiyak kong wika Nag-uumapaw ang lahat ng emosyon sakin. Siguro sobrang namimiss ko lang siya ngayon kaya ako nagagalit sa kanya nang husto. At nagtatampo narin dahil nasanay akong palagi siyang may oras para sakin. “Hush now please. I promise, this will be quick. Just give me some time at babalik din ako sayo.” I stayed silent “Please don’t be mad at me.” May takot sa boses niya. “No, I just… miss you.” At last, I croaked out “I miss you more.” Malambing niya balik “I’m sorry baby but I have to hang up the call now. I still have many things to do.” Dagdag niya “Okay” mabigat sa loob kong sagot. “But before that, let me clear this first to you. Wala.akong.ibang.babae, maliwanag?” “Siguraduhin mo lang.” may pagbabanta sa tono ko. My goodness, I think I’m this crazy over him now. Hindi ko manlang namalayan, unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD