Nang mapansing nakatingin kaming lahat sa kanya ay mapait siyang ngumiti.
“I-I’m just kidding. Hindi si sir Liam ‘to, malabong mangyari.”
“Here.” Inabot niya sakin ang card at agad ding bumalik sa kanyang pwesto.
I saw my classmates still looking at the chocolates above my table, mukhang takam na takam sila.
Napailing ako
“Sa inyo na ito.” I handed them the one box of Ferrero Rocher.
Naghiyawan sila at pinag-agawan pa ito.
“Hmm… ano kayang ibig sabihin ng ‘LL’?” malalim na pag-iisip ni Thea habang nakaupo sa aking table
“Maybe Ara’s right, hindi ito galing kay sir Liam. Wala siyang sweetness sa katawan eh.” Saad ni Nicole kaya nagtawanan sila.
“This is not from him, I’m sure of that.” I added, trying to convince them more.
Even though I know something much better. I just don’t want to complicate things. Naalala ko pa ang sinabi niya kahapon, na nanliligaw daw siya. And this a part of it.
“Pwedeng ‘LoveLots’, diba? Ang meaning ng ‘LL’? Hindi lang nilagay kung sinong nagbigay.” Untag ni Althea habang nakatingin sakin
“Pwede rin.” Labas sa ilong kong sagot
“Alam niyo, hindi na importante ‘yan. Ang mabuti pa, bigyan mo kami niyan.” Padabog na singit ni Nikki at kinuha ang isang box ng chocolate na natira sa aking mesa.
We ate the chocolates together. Nga lang, mabilis na naubos dahil ang daming nanghihingi.
Hindi dumating ang teacher namin sa first subject, maybe absent siguro. Hindi rin siya nag-iwan ng activities.
Sina Althea ay bumalik sa kanilang upuan sa likuran. Ang iingay nilang lahat kaya nag-pasak ako ng earphone sa aking tenga.
I took the book from my bag, the one that prof Liam gave to me. What chapter na nga ba ako?
Napatingin ako sa aking tabi nang may kumalabit sakin. It was Ara.
“Yes?” tanong ko habang inaalis ang ang earphone sa kabilang tenga.
“Pwedeng patingin ng binabasa mo?” ngiti niya
I nodded. “Sure”
Siya na mismo ang kumuha nito sa aking table. Her jaw dropped when she saw the cover.
“Wow, saan mo ‘to nabili?” singhap niya at binasa ang description na nasa likuran.
“Bigay lang sakin ‘yan.” Sagot ko
She smiled… bitterly. “Ang swerte mo naman.”
“H-Hindi naman” tanggi ko
Ibinalik niya ito sakin. “Pahiram ako pagkatapos mo, ah?”
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi and I look at her apologizingly.
“Sorry, I was told na huwag ko raw ipahiram sa iba.”
Nag-iba ang kanyang ekspresyon. Did I caught her… glaring at me? Or is it just me?
“Oh, okay.”
Nang dumating ang teacher namin sa Physical Ed ay agad kaming umayos sa aming mga upuan.
“The upcoming sports fest that is held annually inside the campus is now nearing its day.” She declared
“Right now, nakapili na ako ng taong magre-represent ng section niyo para sa isang sports wear pageant.”
Nagsimula na silang mag-ingay.
“And it is you Becky Guerrero.” Sabay tingin sa akin ng teacher.
“I believe you had joined multiples of pageant from the previous year, am I right? And ofcourse, dagdag ito sa points mo para sa subject ko.”
Tumango ako. My classmates cheered for me.
“Mag-iiwan ako ng letter dito sa table para kung sakaling ipatawag ka para sa practice ay may i-dadahilan ka.”
She attached a paper on the teacher’s table.
Naging mabilis ang oras at parang sunod-sunod lang ang bawat subject.
Pumasok si sir Liam sa kanyang klase. Magaan ang kanyang aura ngayon.
Ngunit nang makita ang letter na nasa table, nandilim ang kanyang ekspresyon.
Malaking mura ang kanyang pinakawalan.
“What is this all about Becky Guerrero!? You’re joing a pageant!?”
Hinilot niya ang kanyang sentido na para bang problemadong-problemado.
Lahat kami ay nagtataka sa kanyang reaksyon. Ang dating magaan na ekspresyon ay biglang nawala.
“Hindi ka sasali.” Malamig niyang wika na ikinagulat ko
“Bakit naman hindi?” kunot noo kong sagot.
Gumalaw ang kanyang panga. “Because I say so.”
Inirapan ko siya. “Sorry sir, pero kasi pumayag na ako at hindi ko na yun pwede pang bawiin. At isa pa, kung hindi ako sasali, sino naman ang magre-represent ng section namin?”
Sumang-ayon ang mga kaklase ko sakin kaya napahinga siya nang malalim at napapikit.
“Sir, bakit po ayaw niyong… sumali si Becky sa pageant?” Ara interrupted
“I don’t want her to focus on some other things. Kailangan niyang bumawi sa subject ko. If not, ibabagsak ko siya.” Sagot niya pero ang tingin ay hindi inaalis sakin.
Napalunok ako. Why do I get a feeling like… he’s threatening me?
“Pero kasi… may additional points kapag sumali ako.” Maliit ang boses kong paliwanag
“Mas importante pa ba yan kaysa sakin?”
Nagulat silang lahat dahil sa sinabi ni prof Liam. Napapikit ako dahil doon.
Ang lalaking ‘to, hindi talaga marunong mag-ingat kahit kailan.
Nang makitang matalim ang tinging pinupukol ko sa kanya ay namula ang kanyang magkabilang tenga.
“I-I mean… mas mahalaga pa ba yan kaysa sa subject ko?” pagtatakip niya sa salitang nasabi kanina
Napahinga ako nang maluwag nang makitang mukhang naintindihan iyon ng mga kaklase ko.
Bago matapos ang klase ay nagbigay pa ng home quiz ang loko, susko.
“Kakausapin ko ang PE teacher niyo regarding this case. She have no choice but to choose another different representative of the class. Hindi ko mapapayagang sumali si Becky.”
Kasabay nun ay ang pagpunit niya sa letter na nasa table.
Nang umalis siya ay nagsimula na kaming magligpit ng aming gamit. Papalabas na sana kami ng room nang matigil ako upang basahin ang natanggap na mensahe.
Prof Liam:
Lunch in the office
I bit my lip. Tumingin ako kina Nicole na ngayon ay naghihintay sakin.
“Uhh… mauna na kayo, may kikitain lang ako.”
“Who?” tanong ni Nikki
“Basta”
Nag-iwas ako ng tingin sa kanila.
Pinakawalan nila ako nang makitang wala akong ganang sabihin sa kanila ang kahit ano.
Naghintay ako ng tamang oras para pumunta sa opisina niya. Mahirap nang may makakita.
Kumatok ako at agad niya akong pinagbuksan.
“Come”
Hinila niya ako papasok at sinarado ang pinto. Siya na mismo ang nag-alis ng aking sukbit na school bag at inilagay niya ito sa kanyang couch.
Again, we had our lunch inside his office. Pinagmamasdan ko siya habang nililigpit niya ang pinagkainan namin.
“Hindi mo ba talaga ako papayagang sumali sa pageant?” tanong ko
“Hindi” maikli niyang sagot
“Hindi na ba magbabago ang isip mo?” tanong kong muli
“Hindi na”
Hmp! So cold
Tumayo ako at pinagmasdan ang mga ornaments na naka-display sa kanyang opisina. Naramdaman ko siya sa aking likuran.
“Ikaw ba ang naglagay ng chocolates sa mesa ko?”
“Yeah”
Sus, sinasabi ko na nga ba.
Pumihit ako at hinarap siya. I pouted, “Ba’t ba ayaw mo ‘kong sumali? Dagdag yun sa points ko eh. At isa pa, sanay na ako sa mga pageants.”
Gumapang ang kanyang dalawang kamay sa aking bewang. “Kapag sumali ka, mas dadami ang magkakandarapa sayo, dadami din ang karibal ko. I don’t want any man flocking and drooling at you. There’s some other way to earn a point, anyway.”
Tch… well, wala akong magagawa. He’s authoritive and powerful that he can easily manipulate things in just an instance.
Nagpaturo ako sa kanya kung paano sagutan ang homequiz na binigay niya kanina. Nakatulog lang yata ako sa balikat niya ay wala akong natutunan ni isa. Gosh! Numbers are such a headache.
Nagising lang ako nang magsalita siya sa tenga ko. “I don’t want to wake you up but you’ll miss your first class.”
Siya na mismo ang naglagay ng notes ko sa bag na sinagutan niya kanina.
“Ako ang nagbigay ng quiz, ako din pala ang sasagot.” Iling niya na para bang hindi makapaniwala.