HANNAH Hindi muna ako umalis sa ospital dahil ayokong umuwi na ganito ang itsura ko dahil alam ko na mag-aalala sa akin ang aking pamilya. Pinili kong punatahan ang roof top na pinagdalhan sa akin ni Apollo at doon muna nanatili. Nakaupo sa ako sa lilim ng bubong habang pinapanuod ang unti-unting pagbagsak ng ulan. Tila nakikisabay ang buhos ng ulan sa aking pagdadalamhati. Tumigil na aking luha, siguro ay natuyo na iyon. Niyakap ko ang aking mga binti at ipinatong ang aking baba roon. Bumukas ang pinto na nasa aking gilid ngunit hindi ko siya nilingon. Nanatili lang na diretso ang aking tingin nang maramdaman na tumabi ito sa akin. "I bought you water." Saad nito at inumang sa mukha ko ang dala nitong tubig. Tinabig ko iyon at lumapag ang bote sa ilalim ng ulan. Hinarap ko si Apollo

