HANNAH Tatlong araw na na nasa ospital si Harley at nagpapagaling. Pagkatapos kong umalis roon ay hindi na ako muli bumalik. Hindi ko siya gustong makita sa ngayon dahil sa nangyayari. Ang nabalitaan ko kay Tita ay si Jen raw ang kasalukuyan na nag-aalaga kay Harley. Hindi ko alam kung tapos na ba ang lahat sa amin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag-usap ng maayos. At hindi pa rin naman ako handa na magharap kami muli. Habang inilalakad ang aking kabayo ay tumunog ang aking cellphone. Hinugot ko iyon mula sa aking bulsa at sinagot ang unknown number. "H-Hello, Hannah?" It was Jen. Paano nito nakuha ang numero ko? Siguro'y binigay iyon ni Harley. "Do you need something?" "Ano kasi.. uhm, kahapon ka pa kasi hinahanap ni Harley. Hindi mo raw siya binibisita." Huminga

