bc

Pakopya

book_age12+
437
FOLLOW
1.0K
READ
mystery
scary
ghost
highschool
friendship
like
intro-logo
Blurb

Sa panahon ngayon, nakagawian na ng maraming estudyante ang magkopyahan, isang gawaing nakasanayan na rin ng dalagang si Angeli. Ang buong akala niya’y walang masamang kahahantungan iyon…pero nagkamali siya.

Nagsimulang magbago ang lahat nang biglang nagpakamatay ang matalik niyang kaibigang si Shiara, at sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay minumulto siya nito.

Lumipas ang ilang taon at maging ang pamilya ni Angeli ay hindi nakaligtas sa mga kababalaghang dulot ng espiritu ng kanyang kaibigang noo’y itinuring na rin niyang parang kapatid.

Noong una, malaki ang paniniwala ni Angeli na hindi naman masamang mangopya. Pero unti-unting nagbago ang paniniwala niyang iyon nang unti-unti ring nagbago ang buhay niya dahil sa gawaing akala niya’y tama subalit nakakasama pala.

Mahilig ka rin bang mangopya?

Pwes ngayon pa lang, binabalaan na kita.

Bawal mangopya.

Nakamamatay.

chap-preview
Free preview
Prologue
Namulat ako sa paniniwalang hindi patas ang mundo. Bagaman lahat ng tao ay may kanya-kanyang kakayahan, hindi lahat ay may mataas na lebel ng kagalingan. May mga natural na pinagpala at mayroon ding bagaman hindi natural na magaling ay nagsusumikap pa rin upang makamit ang nais nilang kahusayan. “Angeli, may assignment ka na?” Mula sa pagkakahalumbaba ay napaangat ako ng tingin sa nagtanong kong kaklase. Kung may mga natural na magagaling at may mga nagsusumikap, mayroon din namang mga hindi pa nga sumusubok ay sinukuan na ang pagpapabuti sa sarili, o kung sumubok man ay hindi naman sapat ang ginawang pagkilos dahil sa nabuong pananaw na mas madali ang umasa sa iba. Kagaya ko. Ngumiti ako. “Syempre… wala!” sabi ko. “Pakopya?” Ang mga salitang ito ang naging pundasyon ng aking pagiging estudyante. Mga salitang kaakibat ng gawaing iniasa ko sa isang taong pinagpala at nagsusumikap… gawaing akala ko ay ayos lang dahil ni minsan, hindi ako nakarinig ng reklamo mula sa kanya. Pero nagkamali pala ako. "Ang pinaka ayoko sa lahat ay ‘yung mga taong nangongopya, nandaraya at nanloloko." Hindi pala lahat ng ‘okay lang’ ay okay lang talaga. Hindi porket hinahayaan ka ng isang tao sa isang bagay ay aabusuhin mo na. "Gusto mo bang sumama sa akin?" Ang pandaraya at panlalamang sa kapwa ay hindi tama. Hindi lang sa mga bagay na may kaugnayan sa eskwelahan kundi pati na rin sa ibang aspeto ng buhay. Pero hindi ko inakala na dahil dito, maraming magbabago, maraming maaapektuhan, maraming masasaktan, at maraming… mamamatay. "Papatayin ko kayong lahat.” Akala ko, ayos lang na mangopya. Akala ko rin, ayos lang sa kanya. Pero sabi nga nila... Maraming namamatay sa maling akala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

Contract - Tagalog

read
753.7K
bc

Reckless Hearts

read
256.3K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook