Kabanata 2

3002 Words
Kabanata 2 “Party” We live in peace for another week in our new house. We enjoyed being together. Masaya pala ang pagaasawa. Sleeping and waking up beside the man you love every single day, it’s the best feeling. Alam ko naman na hindi palaging ganito but I would like to think that the beautiful things are greater. Darating man ang pagtatalo at hindi pagkakaunawan but I believe it will be resolved if we want to keep the marriage. Muntik ko nang matabig ang kalan nang bigla na lang hapitin ni Zede baywang ko. Gising na pala siya. Siniko ko siya. Tawa naman siya ng tawa. “Huwag ka nga nanggugulat.” “I am sorry.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Good morning, wife.” Hinalikan niya ang pisngi ko at kinuha sa akin ang tong. Siya na ang naglipat ng mga bacon sa plato. Hinayaan ko siya at binalingan na lang ang coffee maker. “I told you, kumuha na lang tayo ng katulong, so you don’t have to wake up early.” “Kung kukuha tayo ng katulong, ano na lang ang gagawin ko?” “Take care of me.” Natawa naman ako. I shook my head. Kumuha ako ng dalawang mug at nagsalin ng kape. I turned to the dining dala ang mga pagkain. Zede followed. Siya na ang nagdala ng utensils. Umupo kami pagkatapos maihanda ang hapag. Nilagyan niya ng pagkain ang pinggan ko. Kulang na lang pati pagsubo gawin niya na. I wonder if he will still be like this after years. “You are going to your school today?” Tumango ako. I decided to continue my study. Huling taon ko naman na. Kinailangan kong huminto ng dalawang school year para makapag-ipon. Hindi ko kasi kayang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Masyadong mahina ang katawan ko, madali akong magkasakit. Dati he told me that he’ll provide so I can go back to school pero tumanggi ako. Ayoko ng ganoon. Hindi pa nga kami nun at kahit noong nagsisimula na kaming magdate hindi tama. Gusto kong paghirapan ang pag-aaral ko. “Oo, titingnan ko kung puwede pa since nakapag-file naman ako ng leave of absence.” We talked random things over breakfast. Pagkatapos kumain ako na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan. Pinaakyat ko na siya para makaligo baka ma-late pa siya. Babalik na siya sa trabaho. Pagkatapos malinis ang kusina saka ako sumunod sa kuwarto. Hinanda ko naman ang susuotin niya. Kumuha ako sa closet ng suit at dress shirt niya. I also picked his shoes. I love doing this for him. Mayamaya lumabas na siya ng banyo. Ako naman ang naligo. We left our house afterwards. Ihahatid niya ako bago pumasok. "Gusto kong samahan ka. I want to check your school myself." "Zede I am 22 kaya ko na sarili ko," I said a bit laughing. "Mali-late ka na." "Alright... but I am going to visit your school. Siguro on your first day of class?" Ganito kaya pakiramdam ng may magulang? I mean Zede is obviously acting like a worried parent. Napangiti na lang ako. "Sige." "I think your classmates, especially the guys should know that you're married to me. Baka may magtangka pang manligaw." I look at him with disbelief. Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip niya. Anong gusto niya ipagsigawan ko sa klaseng may asawa na ako? Umiling ako sumulyap sa unahan. Malapit na kami sa school. Sobrang out of the way talaga sa opisina niya ng ruta. I find it inconvenient para sa kanya. Puwede namang magcommute pero knowing him hindi siya papayag. "I think this is enough." Pinakita ko sa kanya ang singsing ko. "Puwede rin." He pulled over para makababa na ako. "I'll see you at home. Focus on your work," sabi ko. I removed my seatbelt. Inayos ko rin ang suot na blouse. "I don't think I can focus... palagi kitang maiisip. Why don't you come over in the office after you're done?" "Zede!" Kapag pumunta ako mas lalong wala siyang magagawa. "You have bewitched me, Anselah." "Tumigil ka na nga pareho tayong matatagalan." Inabot niya ang mukha ko at hinalikan ng marahan. I licked my lower lip when he tore the kiss. "I love you," he mumbled. "I love you too... Alis na ako." Binuksan ko ang pinto sa side ko at bumaba na. Saka na siya umalis nang makapasok ako sa gate. Dumiretso naman ako sa Department ko na nasa College of Education building. Nakilala pa ako ng dating professor kaya kinausap niya ako. Sinabi kong gusto kong bumalik sa pag-aaral ngayong darating na semestre. She assessed my records at okay naman daw. Babalik na lang ako sa araw ng enrollment. Paglabas ko ng department nakasalubong ko ang dating blockmate na naging kaibigan ko rin. We lost communication kaya hindi na ulit kami nagkita nang tumigil ako sa pag-aaral. Malaki na ang pinagbago niya. Dati payat pa siya, ngayon mukhang naggagawi na sa gym dahil nagkaroon na ng muscles. Ang alam ko graduate na siya. Dapat magkasabay kami kung hindi ako huminto. “Anselah?” Tumango ako at ngumiti. “Kumusta, Atisson?” “Good. I am good. Ano pala ang ginagawa mo rito?” “Ah, tiningnan ko lang kung puwede pa ba akong bumalik sa pag-aaral.” “I see. Sayang talaga at huminto ka.” “Kailangan kasi. Ikaw ba, anong ginagawa mo rito?” “I got hired last school year. Dito ako nagtuturo.” “Ganoon ba?” He nodded. “Are you free? Gusto sana kitang ayaing lumabas. Let's catch up.” Napaisip naman ako. Wala naman akong gagawin sa bahay. Wala na rin akong kailangan linisin at tapos ko na ang mga labahin. “Sige.” “How about early lunch?” “Walang kaso sa akin.” “I’ll just drop my things.” Naghintay ako saglit. Pumasok siya sa opisina niya para ilagay ang mga gamit niya. Mabilis naman siyang nakabalik. Akala ko magko-commute kami. May kotse na pala siya kaya iyon ang sinakyan namin. I suggested na sa malapit na lang kami. Pumasok kami sa isang local restaurant. Pinaghila niya ako ng upuan. Nagpasalamat ako bago umupo. He sat on the other chair. Kinuha ko ang menu at tiningnan. Hindi ako makapili. If I am with Zede siya ang pinapapili ko. I forgot to text him tapos na ako sa university. Pagkatapos na lang siguro namin dito. Lumapit ang isang babaeng waiter para kunin ang order namin. “I’d like pancit palabok without shrimp, chicken barbeque at tubig na lang.” Pagkatapos kong sabihin ang order ko bumaling naman siya kay Atisson. “Sizzling beef spareribs, stuffed squid, garlic rice cup… and your best wine please.” She repeated our orders para i-clarify. After that umalis na siya. “Kasal ka na?” Napabaling ako kay Atisson dahil sa tanong niya. He is looking at my hand on the table. Mukhang nagulat siya. “Oo.” I bit my lower lip. Marahan kong binaba ang kamay ko. “Kailan lang?” “Two weeks ago.” “Wow…” He shook his head. “W-who’s the lucky guy? Kilala ko ba?” I swallowed hard. Hindi ko alam paano iyon sasagutin. I was not thinking on this matter beforehand. Not that gusto kong itago ang tungkol sa amin ni Zede. It’s just overwhelming to share this with other people. Umiling ako. “Uhm… I met him dati sa pinagtatrabahuan ko.” He nodded slowly. Tila pinoproseso niya pa ang sinabi ko. “Huli na pala ako.” He smiled. “Ha?” I didn't hear him clearly. “Nothing… Mabuti naman at naisipan mong ituloy ang pag-aaral.” He changed the topic at doon na umikot ang usapan namin. After 30 minutes our food was served. Nagpatuloy kami sa paguusap habang kumakain. Ang pinag-usapan naman namin ay tungkol sa iilang blockmates at mga alaala sa university. Natutuwa akong makusap ulit siya. Iilan lang din kasi ang naging malapit sa akin habang nag-aaral. At dahil sa paghinto ko naputol pa ang komunikasyon. Kaunti lang din ang masasabi kong kaibigan ko dahil maliban sa mahiyain ako, palipat-lipat naman ako ng trabaho. Si Krisaya at si Marikriz na nasa probinsya lang ang matuturing kong malapit sa akin. “Thank you,” sabi ko. Siya ang nagbayad kahit gusto ko sanang hati na lang kami. “Don’t mention it.” “So, paano sa pasukan? Sir na ba ang itatawag ko sayo?” He chuckled. “I am fine if you just call me by my name.” Ngumiti ako at napailing. “Hindi naman yata tama yun.” He offered na ihatid ako pauwi. I immediately declined kahit na nag-insist siya. Pinasakay niya na lang ako ng taxi. Saka pa lang ako nakapag-text kay Zede. Pag-uwi niya mamaya ko na ikukuwento ang paglabas ko kasama si Atisson. Ako: Tapos na ako sa school. Pauwi na ako. He replied immediately. Napakunot ang noo ko. Bakit ang bilis niyang magreply. Hindi ba siya abala sa opisina? Siguradong tambak ang trabaho niya dahil almost 3 weeks siyang absent. Zede: How was it? Ako: Ayos naman. Huwag ka nang mag-text para mapabilis ang trabaho mo. I sent my message. Ibabalik ko na sana sa bag ang cellphone ko pero tumatawag na siya. Napangiti na lang ako at sinagot. Sinabi ng huwag na mag-text, tumawag naman! “Magfocus ka nga sa trabaho mo. Baka mali-mali na ‘yan.” I heard his manly laugh. “I miss you already.” “E, wala pa ngang isang araw.” “Well, nasanay na yata akong lagi kang nakikita.” I feel my face heated. “Zede baba ko na ‘to. Malapit na ako sa bahay. Sige na. Iyong trabaho mo atupagin mo. Eat your lunch.” He groaned. “Yes, ma’am. You hang up first. I love you.” Napatingin ako sa driver baka nagmumukha na akong tanga na magisang nakangisi rito. “I-I love you…” hininaan ko na lang ang boses ko. Nagbayad ako sa taxi at bumaba na. Nagulat ako nang may sasakyan sa labas ng bahay. Kumalabog ang dibdib ko habang pumapasok sa bukas na gate. May ideya na agad ako kung sino ang nandito. Parang gusto kong umalis na ulit. I nervously entered our house. Tama nga ang hinala ko nang makita si Madam sa aming sala. She is sitting comfortably on our sofa. Kasama niya rin si Bettina. “G-good morning po…” Tumayo siya at nilapitan ako. “What is this, when the cat is out the mouse will play? Wala lang ang anak ko kung saan-saan ka na nagpupunta? Hindi ba at dito ka lang dapat?” “Alam po ni Zede. Sa katunayan po hinatid niya ako. Sa eskuwelahan lang po ako nagpunta.” Tumawa si Bettina. Namilog ang mga mata ko nang tinabig niya ang picture frame na nakapatong sa cabinet. “Oh, I am so sorry. I very clumsy.” Nahigit ko ang hininga ko. “What are you waiting for? Clean it up,” ani Madam. Kumuha ako ng dustpan at walis. Bumalik ako sa sala at agad na nilinis ang mga bubog. Itinabi ko na lang ang picture namin ni Zede. Isang vase naman ang tinulak ni Bettina. The splattering sound echoed when the huge vase hit the floor. Nagkalat ang mga bubog. My eyes watered seeing them laughing at me. “I am so sorry again.” She just shrugged her shoulder. “Tayo na, Mama. We’ll be late for our reserved lunch.” Bumaling sa akin si Madam. “I told you, I won’t make your life easy.” Nang mag-isa na lang ako saka tumulo ang luha ko. I started picking up the big pieces para madaling mailagay sa dustpan. I accidentally cut my hand kaya mas lalo akong napaiyak. Ilang oras din akong nakaupo sa sahig at nagiiyak bago kumalma. Nilinis ko ang mga kalat saka ako kumuha ng first aid kit. Ang sugat ko naman nilinis ko. Nagkaroon ng mahabang hiwa ang palad ko. Ginamit ko ang gauze para ibalot ang sugat. Namomoblema ako paano ko ipapaliwanag kay Zede ‘to. True enough pagdating niya kinagabihan napansin niya agad ang palad kong nakabalot sa gauze. He looked worried. Binawi ko ang palad ko mula sa pagkakahawak niya. “I am sorry nakabasag ako habang naglilinis.” Nagiwas ako ng tingin sa kanya. “Tapos habang nililigpit ko ang mga bubog nasugatan ako.” “Are you alright? Maybe we should see a doctor. Mukhang malalim ang sugat mo.” “Ayos lang. Nilinisan ko naman ng mabuti bago nilagyan ng gauze.” “You should have called me.” Hindi pa rin siya kumakalma. “Wala lang naman ‘to, Zede… Let’s go to the dining? Kumain na tayo… or magbibihis ka muna?” Tinitigan niya ako ng mariin kaya mas lalo akong umiwas but he caught my gaze. Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kanya. Nakagat ko na lang ang labi ko. “Siguradong nagugutom ka na, pagod ka pa sa trabaho. Hali ka na dun sa kusina.” “Pinagaalala mo ako,” he said softly. “Sorry. Mag-iingat na kayo sa susunod.” I assured him. Nginitian ko siya para pawiin ang pagaalala niya. Nasugatan na rin naman ako ng malalim noon. Gumaling naman. We finished our dinner quietly. Hindi ko magawang magkuwento dahil naiisip ko na naman ang nangyari kanina. Siya ang naghugas ng pinagkainan namin dahil ayaw niyang ako ang maghugas. He is really worried kahit ilang beses ko ng sinabi na ayos lang. Lahat naman tayo nasusugatan. Gagaling din naman kalaunan. Humiga ako sa tabi niya pagkatapos magsuklay ng buhok. Nakaupo siya. Ang kanyang likod ay nakapahinga sa headboard. Nakapatong sa kanyang hita ang laptop. May ginagawa siyang trabaho. I really love seeing him working. Napaka-seryoso ng mukha niya. Mas lalo siyang gumuwapo. I find him hot too. “Zede,” I called. “Yes?” He glanced at me shortly. “Nagkita kami kanina ng dati kong kaklase tapos nagpunta kami sa isang restaurant.” “That’s good. What’s the name of your friend?” “Attison. Sa university pala siya nagtatrabaho.” Nahinto siya sa kanyang tinitipa at bumaling sa akin. “He’s a guy.” Nagtataka ko siyang tinitigan bago tumango. “Hindi mo sinabi sa akin.” “Naisip ko kasing ngayon na lang sabihin sa'yo.” Kinunotan niya ako ng noo. “Galit ka?” Ngumuso ako. “No,” he shifted his gaze to the monitor of his laptop. “Are you sure?” “It’s just that-” “Sorry… Selos ka?” He turned to me. “Yes, I am jealous.” Umawang ang labi ko. Biro ko lang naman yun. Bakit siya umamin? “Bakit?” He rolled his eyes. Bumuntong-hininga siya at tinabi ang laptop sa nightstand. “I am not comfortable thinking my wife is dining with a guy.” Ang honest talaga! Napangisi tuloy ako. “Magkaibigan lang naman kami. Saka alam niya ring kasal na ako.” “Even so… What’s his complete name?” “Huh?” “I want to know the guy,” mataman niyang sabi. “Hoy! Bakit?” He frowned. “What’s wrong with that?” “Wala naman.” Tinaasan niya ako ng kilay. “He works in your school. Is there a possibility that he’ll be your instructor?” I shrugged my shoulder. “Hindi ko alam.” “Next time tell me ahead of time if you are going out.” “Okay. I am sorry. Am I excused?” His lips twitch. Muli siyang umirap. He turned off the lights. Parehas naming gusto ng madilim kapag natutulog. He climbs back to bed. Agad niyang hinuli ang baywang ko. He pulled me closer to him. Hinalikan niya pa ang batok ko. I wriggled a bit dahil sa kiliti. “Your classmates should really know that you’re already married. Mahirap na.” I laughed. Hindi pa pala siya tapos. Kinurot ko ang braso niyang nasa baywang ko. “Imahinasyon mo lang ‘yan.” “Of course, my wife is beautiful. You are beautiful marami talaga ang maaakit.” Maaakit? Mas lalo akong natawa. “Wala ka dapat ipagalala. I should be the one worried. Ang dami mo pa namang magandang empleyado at kliyente.” I pouted. “Don’t pretend that you’re jealous. I have never seen you jealous,” parang may hinanakit pa ang pagkakasabi niya. Seryoso ba siya? Ilang beses kaya akong muntik nang maiyak sa selos kaya lang hindi ko sinasabi sa kanya. Malaki ang tiwala ko sa kanya kaso minsan inaatake ako ng insecurities ko. “Nagselos din naman ako,” I said in a small voice. “Kailan? Kanino?” “Huwag na nating pagusapan please. Noon pa naman yun.” “Hindi ko alam kaya, com’on tell me.” “Inaantok na ako,” palusot ko. “Matulog na tayo.” “Don’t avoid the topic.” I grunted. He is teasing me again. Akala mo talaga ang seryoso niyang tao pero kapag nagsimula nang manukso hindi ka talaga tatantanan… or he is just like this with me? Sa tuwing pumapasok siya ng trabaho kinakabahan ako baka bumalik na naman sila Madam. I feel paranoid na maulit muli ang nangyari noong Lunes. Hindi ko sinabi kay Zede ang nangyari. Sa tingin ko guguluhin ko na naman silang pamilya. Maayos na sila ng parents niya kaya iyon na lang ang inisip ko. “We are going to a party,” ani Zede. Natigilan ako. Mula sa binabasa kong aklat nilipat ko ang tingin sa kanya. “Anong party?” “Wedding anniversary nina Bettina at Zederico sa Linggo.” Ganun siguro talaga kapag mayaman halos lahat ng events may kalakip na malaking party. Imbetado ang mayayaman ding personalidad. According to Zede it’s also a good practice to find clients and investors. “Ikaw na lang kaya pumunta?” Hindi pa ako nakakadalo ng party. Kuryuso ako pero mas pipiliin kong huwag ng alamin. I don’t think it’s a good idea specially to his family. “I’m not going if you won't.” “Pero hindi ka puwedeng mawala. Family event niyo ‘yon.” “And you are my family. Wherever I am, there you should be… Ayaw mo bang pumunta?” I sighed. Hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang talaga umiwas sa gulo as much as possible. “I am just nervous… hindi pa kasi ako nakakadalo ng party.” Bago ang nakatakdang oras ng party nagpapunta ng mga tao si Zede para ayusan ako. The make up artist used air brush make up. My hair is tied into a low ponytail by the hairdresser. Isang silver sweetheart pencil dress naman ang pinasuot sa akin katerno ang isang silver open toe stilettos. Binigay din sa akin ang isang glittered envelope clutch bag. When I looked at myself in the mirror, nakakapanibago ang itsura ko. Hindi pa kailan man ako nakapag-ayos nang ganito. Zederick is wearing a dark grey suit. Itim ang kanyang necktie at brown naman ang suot na Italian shoes. He is effortlessly dashing. Pagdating sa mansyon nila marami nang mga bisita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD