Kabanata 1
"Agreement"
"Are you nervous?" Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. His other hand is holding the steering wheel as he maneuvers it.
Nilingon ko siya at binigyan ng tipid na ngiti. Honestly, yes. The last time we meet with his parents we had a row. Hindi nagkaintindihan kaya hinigit na ako paalis ni Zede. Pagkatapos nun we pursue the wedding without their knowledge.
Palumbanes Island was our paradise in the past two weeks. I wished for longer days with him alone pero tama nga naman kung kailan ka masaya, siyang mabilis ang pagtakbo ng oras. Now we are back and about to see his family.
"Zede, natatakot ako," pagamin ko.
"Don't be... You have me. Hindi kita pababayaan."
Somehow his words comforted me pero hindi tuluyang naalis ang kaba sa dibdib ko. No matter how happy I am that we finally happened there is still pensiveness deep inside. Iba rin ang pakiramdam kung tanggap ako ng pamilya niya bilang asawa. It might be too much to ask but I will still hope.
"They have to accept you because I chose you."
He brought my hand to his lips and kissed it. "I love you," he murmured indulgently.
"I love you too, Zede."
"Now that's good to hear."
Bagamat balisa ipinilig ko na lang ang ulo ko. It's almost seven in the evening. Papunta kami ngayon sa bahay ng mga magulang niya. For sure they are furious. Hindi man nila alam na nagpakasal na kami, umalis naman siya ng hindi nagpapaalam. I have no idea how they will take it kapag nalaman na nila. I am praying for a positive outcome kahit na mas lamang ang mga negatibong ideya sa isip ko.
"I can almost hear your thoughts," aniya.
I sighed heavily. "Sorry..."
"Please don't overthink."
"Hindi ko lang maiwasan."
The silence stretched between us. Panay ang sulyap niya sa akin kaya ngumingiti ako para i-assure siyang ayos lang ako. He has done his part dapat iyon din ang gawin ko. I will fight for us. This is how life works. Hindi sa lahat ng pagkakataon mukukuha mo ang gusto mo ng walang gulo. May pagkakataon talagang kailangan mo itong ipaglaban gaano man ka masalimuot at kahaba ng proseso. In the end it will paid off. You just have to wait and see.
After more than an hour of driving, I saw the familiar high gate with their family name in it. Isang busina ang kanyang ginawa. The guards surely recognized his car so they opened the gates for us.
Zede stepped on the gas pedal and entered the premise of their residence. On the long two-way path, there are perennial plants in hedge that serves as barricade. May lamp post din para ilawan ang mahabang daan. Sa dulo, unang mabubungaran ang engrandeng fountain. A woman figure is holding a vase where water comes out. On each of her side are lions. Ang mga bibig nito ay nakabuka kung saan masagana ring dumadaloy ang tubig. It looks immaculate with the lightings.
He let go of my hand to pull over. Kung kanina nakakalma ko pa ang sarili ko ngayon halos hindi na ako makahinga. Nanlalamig din ang mga kamay ko.
"Baby are you okay?" There's worry and tenderness in his voice.
Taliwas man sa totoong nararamdaman marahan akong tumango.
"Remember that I love you and I won't let them hurt you."
Tumango ako. I licked my lower lip.
He leaned to remove my seat belt. "You're so beautiful, I might not help myself." Hinalikan niya ang pisngi ko.
"Zede!"
He chuckled.
Bumaba siya at umikot para pagbuksan ako. He offered his hand na tinanggap ko naman. Humugot ako ng malalim na hininga. He put his hand on the small of my back. Sabay kaming humakbang sa front stoop. I can feel my knees trembling a bit. Pangatlong beses ko pa lang itong aapak sa tahanan nila. Una noong birthday niya. Pangalawa naman noong ipakilala niya ako bilang girlfriend.
The huge double doors opened. The maids on their post greeted us kasabay ng mababang pagyuko. From the grand staircase, I saw his parents coming down. Madam Precila looks elegant and intimidating in her blue dress printed with chains and flowers. Ang kanyang buhok ay maayos na nakapinid. Si Sir Venancio ay nakasuot ng collared tee shirt at trouser na kulay itim. One look on him you'll know he is handsome back in his younger years. Kahit naman ngayon na may edad na ganun pa rin. Zederick got most of his features from him.
"Zederick! Where have you been!?" Madam Precila said, hysterical. Ang mga mata nito ay lumipat sa akin. Tumalim ang kanyang tingin. Agad ang pagigting ng kanyang panga. Ang plakadong kilay ay nakataas na.
"What is this wench doing in my house Zederick?"
"Ma!" may pagbabanta sa boses niya. "Don't call her that."
Mas sumiksik ako sa tabi ni Zede. Kung hindi niya lang hawak ang baywang ko, nagtago na ako sa likod niya. Hindi ko kayang salubungin ang matatalim nilang titig. Nanliliit ako.
"What is the meaning of this, son?" si Sir Venancio. Kalmado man hindi parin nito maitatanggi ang disgusto sa kanyang tingin.
"Ma, Pa... please respect Anselah, she is my wife."
"W-what?" Madam uttered in disbelief. "Zederick! Hijo de puta!"
"I made my decision and I chose to marry her," mariing sabi ni Zede.
"You wench! You probably got yourself knocked up so my son marries you!" Susugod na sana sa akin si Madam kung hindi lang humarang si Zede.
Gusto kong magsalita para ipagtanggol ang sarili ko, but nothing comes out from my mouth. Kung magsasalita rin ako siguradong maiiyak lang ako.
"Ma, stop it!"
Tumiim ang bagang ni Sir Venancio. Ang mapanghusgang mga mata ay nakatuon sa akin. He shook his head; he looks so disappointed. "What's with the impulsive decision, Zederick?"
"Pa I wasn't impulsive. I told you, I will marry her whether you agree or not."
Sinapo ni Madam ang kanyang dibdib na parang nahihirapang huminga. Na-alarma ang lahat. That's when Zederico, came running to their mother. He is Zede's older brother. Kasunod niya si Bettina, ang kanyang asawa.
"What's happening here?" Zederico spat angrily. "Ma are you okay?"
"Look at what you have done Zederick!"
"Mama, please calm down."
"I am so disappointed of you Zederick!" galit na sabi ni Sir.
Nagkagulo na kagaya noong nakaraan. Agad na dumalo ang mga katulong. Inalalayang umupo si Madam sa sofa. Nagtawag na rin ng doktor para tumingin sa kanya. Alam kong natinag si Zede dahil sa biglang pagsama ng pakiramdam ng kanyang ina, pero nanatili siya sa tabi ko. Kahit ako ay nabahala. Hindi ko alam ano ang gagawin. Naiipit ako sa gulo ngunit ako naman ang dahilan kung bakit sila nagkagalit.
"What's the fuss?" Mula sa staircase bumaba si Zenaida ang panganay ng pamilya. She is walking languidly wala man lang pakialam na nagkakagulo na.
"Oh... They're here," she drawled. Nasa akin ang kanyang mga mata. She then shifted her gaze to Madam. "Ma stop the drama."
"Ate ano ba!" si Bettina.
Zenaida rolled her eyes. She then came to me. Niyakap niya ako. I was stunned kaya hindi ako nakagalaw. Lumayo siya at nginitian ako. "I bet they haven't welcome you, so let me do the honor." She tapped Zede's shoulder.
"Welcome to the family Anselah."
I smiled awkwardly. "T-thank you."
She turned to Zede. "Well done little brother."
"Zenaida!" Sir Venancio's voice boomed.
Umikot naman siya para harapin ang kanyang ama na nasa tabi ni Madam. Parang wala lang sa kanya. Nagawa niya pang ngumisi. "Pa, there's nothing you can do. Let Zederick be. He is old enough to decide for himself."
"Hindi ko matatanggap ang babaeng iyan sa pamilyang ito!" Nagawa pang magsalita ni Madam. Nanatili ang galit sa kanyang mukha kahit na mukhang nahihirapan pa ring huminga.
"Ma calm down please." Zederico is holding her mother's hand. Si Bettina naman ay hinihimas ang likod ni Madam at may binubulong.
"Ric, huwag mo ngang konsentihin si Mama. Ano ba ang hindi niyo maintindihan, they love each other and they are married? Oh please, just quit it for the sake of peace and order in this family."
"You are disrespecting me, Zenaida!"
She rolled her eyes and looked at her stepmother with a bored expression. Hindi man lang ito natinag. Zenaida is the daughter of Sir Venancio and his first wife. They got divorced after 3 years of marriage. Then, he married Madam Precila three years later. From what I know, nasa Australia na nakabase ang mama ni Zenaida at mayroon na ring bagong pamilya. Nandito si Zenaida dahil mas pinili niya rito sa Pilipinas. She occasionally visits her mother there.
"I am not. I'm just proving a point here."
Dinala ako ni Zede sa kanyang kuwarto pagkatapos nang nangyari. Kasalukuyan namang sinusuri ng doktor si Madam. I was nervous and worried while waiting. Pinapakalma naman ako ni Zede. Mayamaya pa pinatawag na kami para sa hapunan.
We sit on their dinning. Hawak ni Zede and kamay ko sa ilalim ng lamesa. Their stares are piercing through me kaya mas pinili ko nalang na yumuko. Sa tingin ko ay sinisisi nila ako sa nangyari kay Madam. Parang ang haba pa ng gabi habang nakaupo ako at tahimik na kumakain.
"Eat some more," Zede whispered near my ear.
I can't. Hindi ko magawang lumunok na nasa akin ang mga tingin nila. Pakiramdam ko hindi ako matutunawan sa ilang subong kinain. Mabilis ang tahip ng dibdib ko sa kaba. Hindi ako makahinga ng maayos. Gusto ko ng umalis pero pinaalala ko sa sarili ko na dapat kayanin ko. Mula ngayon mas madalas ko ng makakasalamuha ang kanyang pamilya.
"Don't mind them."
That's the problem. Hindi ko kayang baliwalain ang pamilya niya. Pinipilit ko namang maging matapang but it isn't just my character. I am always timid and shy. Maybe it has something to do growing up with no family to lean on? I am used to compromise para lang mabuhay at mag-survive.
I don't want to worry him, so I tried to eat a bit.
"Will you go back to the company, son?" basag ni Sir sa katahimikang mahaba ring naghari.
"Yes, Pa."
"That's good."
Zederico and Sir Venancio talked on a certain business transaction. Bagong proyekto yata. When Zenaida glanced at me she gave me a warm smile na sinuklian ko naman ng tipid na ngiti. I am a little comforted knowing na may isa man lang sa pamilya ni Zede na tanggap ako.
"Are you done?"
My attention shifted to Zede. Tumango ako. I am full.
"You should eat again later," malambing niyang sabi.
"Zede," saway ko sa kanya. "Busog naman na ako."
"You didn't it well."
Ang munti naming usapan ay naputol dahil sa tanong ni Madam. Due to panic mabilis ang pagbaling ko sa kanya, samantalang kalmado lang naman si Zede.
"You are going to live here son, right?"
Nahigit ko yata ang hininga ko. I slowly swallowed the lump on my throat. Zede glanced at me before turning to her mother na naghihintay ng kanyang sagot. Napag-usapan na namin ang tungkol dito. Ayokong tumira kasama ang mga biyanan ko para umiwas na rin sa gulo. I know he knows that. Sinabi ko rin naman sa kanya na kung saan niya gusto ay doon ako. Sa huli, we both agreed to live separate from his parents.
"No, Ma. We already have a house at doon kami titira for the meantime."
Ang sabi ni Zede ay magpapatayo kami ng bagong bahay at habang wala pa roon muna sa bahay na binili niya sa isang exclusive subdivision.
"What!? Don't tell me sinusulsulan ka na naman ng babaeng iyan?"
"Ma, I said respect my wife. We both decided it. Ito ang gusto naming magasawa," mariing sabi niya habang nanatiling pa ring kalmado ang boses.
Madam shook her head. "I can't believe this." Napahawak na naman siya sa dibdib niya. "Venancio did you hear your son?"
I saw Zenaida make face at ginagaya pa ang facial expression ni Madam. Sinaway ni Zederico ang kapatid. Kahit na kinakabahan parang gusto kong tumawa. She is cool and funny, malayo sa paguugali ng kanyang pamilya. She is free-spirited while her family's stern and always formal. I bit my lower lip at muli na lang yumuko.
"Why would you live somewhere else when this house is big enough?"
"Ma huwag na natin itong pagtalunan."
"Enough. We will talk in the library tomorrow," ani ni Sir. Kahit hindi nagbigay ng komento nahihinuha kong hindi rin siya sang-ayon. He is just calmer than Madam.
"At least stay for the night, Zederick," pakiusap ni Madam.
Zede look at me, asking for an answer. Without a choice I nodded lightly.
"Fine," si Zede sa marahang boses. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang matapos ang dinner. I feel so exhausted habang nakaupo sa hapag na iyon. Pumasok kami sa kwarto niya. Nakaramdam ako ng kapanatagan na kaming dalawa na lang ulit.
We soaked in his hot tub. Bumubula ang maligamgam na tubig. It relaxed my muscles and soothe my body. He is behind me. I am leaning on him. Pinaglalaruan ng kamay ko ang mga bula.
"I'm sorry." He hugged my waist and kissed the side of my head.
"Ayos lang iyon Zede."
"I will talk to them." Humigpit ang yakap niya sa akin. I know he is tired too. No one wants to have a feud with one's family. Alam ko iyon kahit wala naman akong nakagisnang buong pamilya.
Kinabukasan hindi kami sumalo sa breakfast. Nagpadala na lang si Zede ng pagkain. Bigla na lang sumama ang pakiramdam ko nang magising ako. Kaunting sinat lang naman dala siguro ng stress.
Iniwan niya ako sa kuwarto nang ipatawag siya sa library. Mag-uusap sila. Hindi ako mapakali. Baka magkasagutan na naman sila. Hindi naman gustong suwayin ni Zede ang mga magulang niya pero wala siyang magagawa hanggat hindi siya sinasang-ayunan ng mga ito.
Nagbabasa ako ng isa sa mga libro niya sa shelf nang bumukas ang pinto. Nag-angat ako ng tingin. Bahagyang tumalon ang balikat ko nang makita si Madam. Binaba ko ang hawak na libro at tumayo.
"Good morning po," I said softly.
"There's nothing good knowing my son went to the wrong woman. He deserves someone way better not someone from the slums."
Nakagat ko ang labi ko. I felt the pain like I was stabbed by every word she said. Hindi niya naman kailangan pang sabihin iyon. Aminado ako sa sarili kong may maraming higit pa sa akin na babagay sa kanya. Mahal ko siya kaya hindi ko siya kayang bitawan kahit sobrang hirap umpisa pa lang.
"Tell me, buntis ka?" she said with disgusted face.
"Hindi po."
Umismid siya. "But for sure you are planning para mas lalo pang mapaikot ang anak ko."
"N-nagkasundo po kami ni Zede na huwag muna po sa ngayon."
Having a baby is not a bad thing kaya lang iniisip kong madadamay lang siya sa gulo kaya hindi na muna. Gusto kong maging maayos muna ang lahat.
She showed the brown envelope she is holding. Tinanggap ko ito at binuksan. Napakunot ang noo ko nang makita ang nilalaman nun.
"Sign it."
Isang agreement na nagsasaad na hindi ako makikihati sa kayamanan ni Zede at ng pamilya niya. Parang pre-nuptial agreement. Binasa ko ang mga nakasaad at lahat iyon isa lang naman ang punto, ang kay Zede ay sa kanya lang. Walang conjugal property.
Wala naman akong problema roon. Hindi ko kailanman hinangad ang kayamanan nila. Hindi ko minahal si Zede dahil mayaman siya o kung ano man ang makukuha ko sa kanya. Mabilis akong naghanap ng ballpen sa study table. Walang pagdadalawang isip ko itong pinirmahan at binalik sa kanya.
"Ito lang po ba?"
She smirked. "Don't expect you'll live happily ever after, Anselah. Hangga't nabubuhay ako hinding-hindi kita matatanggap. I'll make sure you'll suffer."
She then turned her back on me. I felt my stomach churned. Nagiinit ang sulok ng mga mata ko hanggang sa unti-unti ng pumatak ang luha ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi.
After a while pumasok si Zede. Hinanda ko agad ang aking ngiti.
"Kumusta ang paguusap niyo?"
"Sa tingin ko it turned out well."
"Ganoon ba?"
"What happened?" Nag-aalala niyang tanong. He checked my face. "Umiyak ka ba?"
"Hindi, napuwing lang tapos kinusot ko kaya..."
Hinila niya ako at kinulong sa matipuno niyang bisig. "Umuwi na tayo sa bahay natin."
He packed some of his clothes. Tinulungan ko siya. Isang maleta lang naman. We took a bath and changed immediately. Isang dilaw na tank top at putting jeans ang sinuot ko. Mabuti na lang nagdala ako ng extrang damit. Nagsuot naman siya ng v-neck shirt at cargo shorts. He is always dashing kaya hindi ko mapigilang titigan siya. Nauna kasi akong natapos magbihis dahil may katawagan pa siya kanina.
Nagiwas ako ng tingin nang mahuling nakatitig sa kanya. Ngumisi siya pagkatapos kinunotan ako ng noo. My cheeks heated.
"Still shy?"
"H-huh?"
Hinapit niya ang baywang ko. He rested his chin on my right shoulder. I almost shivered when he kissed my neck. Hindi pa rin talaga ako sanay. Being intimate with him is all new to me. Nakakalimutan kong asawa ko na pala siya at normal lang ito. I love his kisses and touches pero nahihiya pa rin talaga ako.
"My wife is very shy. I should really do something about it."
"Ano naman ang gagawin mo?"
"Mamaya na."
He chuckled and give my breast a light squeeze. I groaned. Mas lalong uminit ang pisngi ko. Tinampal ko ang kamay niya. Pinipilit kong kumawala sa kanya pero parang bakal naman ang mga kamay niya. Hindi ko matanggal.
"How about, one round before we go?"
"Zede!" Kahit na hindi ko siya nakikita alam kong ang laki ng ngisi niya. Tuwang-tuwa talaga siya tuwing halos maiyak na ako sa kahihiyang nararamdaman ko.