bc

Sveglio

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
drama
mystery
like
intro-logo
Blurb

Love is infinite, It's never too late. We lie to ourselves and put standards on love. We limit the idea of time, like its either too soon or too late.

The real love it will be carried on forever.

Loving them is the hardest thing that happened to me.

I wish I could turn back the time to make this right.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Luna Rae Callejo Late nanaman ako. Pisting yawa, bakit ba kasi naisipan kong mag commute kaysa magpahatid nalang? malapit na kaming abutin ng pasko dito sa sobrang kagarapalan sa pasahero. Naranasan niyo na ba 'yung ganito? dahil ako halos araw araw danas ko, ito ang unang sumisira ng umaga ko bukod sa panenermon sa'kin ni grandma ng maaga. Biruin mo punong puno na nga sumisigaw pa ng 'isa pa, isa pa sa kanan' malapit na kami maging sardinas dito, tapos 'yung ale naman sa dulo nagrereklamo ang sikip daw ng inuupuan niya eh pucha hiyang hiya naman 'yong pwet ko na kalahati nalang ang nakaupo, ang kinamalas ko pa ay madulas ang upuan kaya baka pag preno diretso agad kay Lord. Tapos beh 'yung katabi ko mas maasim pa sa kabit ng ex mo- "Okay ka lang miss? usog ka sa patalikod, aabante ako para makaupo ka ng maayos." charot ang bait ni kuya. Bihira nalang ang mga lalaking ganito tapos basehan pa sa ganda at hubog ng katawan ang pagiging gentleman nila. "Eheneb- maraming salamat po, hinulog ho kayo ng langit." Pababa ko ng jeep muntik pa akong masubsob tangina, humarurot agad ako ng tumakbo papasok ng University para makaabot sa attendance ni professor panot. Share ko lang sa inyo mga bes, lahat ng professor dito sa school ang dudugyot tignan mga mukhang laspag buti nalang talaga matatalino sila. After kong magpalit ng scrub suit nagtungo agad ako sa classroom, at dahil walang escalator or elevator dito hingal akong kumatok sa pintuan. "Late again, Callejo." bungad ng panot kong propesor. Napaka arrogante neto ante akala mo naman ikinagwapo niya, mas may itsura pa nga 'yung guard sa kaniya. "Sir kasi 'yung jeep po kasing sinasakyan ko ang tagal." "Again? Araw araw mo nalang sinisisi ang jeep sa mga late mo, agahan mo kasi next time dahil nasa pilipinas tayo ikaw nalang ang mag adjust hindi ka naman gold para ang pilipinas pa ang mag adjust sayo." tumawa ang buong klase sa sinabi ni sir. Ahh ganon? "Umupo kana." utos niya, naglakad ako papunta sa bandang likod at umupo sa tabi ni Blaire. "Halaka be tapos na roll call ni panot." rinig kong bulong ni Blaire na dahilan ng pagtawa ko, sa isip ko lang kasi yung panot panot callsign ko kay sir, pati pala si Blaire panot rin tawag sa kaniya. Samevibes talaga kami, huwell panot naman talaga kasi siya- ay teka sandale! tapos na roll call?! "Get one fourth sheet of paper." ay waw surprise maderpaker. After classes naisipan namin na kumain sa mcdo ni Blaire, nakakagutom ang mga nangyari ngayong araw, ikaw ba naman utus-utusan! Pag ako talaga nakapagtapos who u sa akin 'yung panot na 'yun. Habang kumakain naisipan ko kalikutin ang camera ko, nakita ko ang mga pictures naming dalawa ni Rusell at shet ang gwapo niya talaga kaso babaero nga lang. Ex ko si Rusell, nakilala ko siya noong senior high school at sa hindi ko malamang dahilan kung bakit hanggang ngayon umaasa pa rin ako. "Hindi naman masyadong gwapo be, tignan mo ang payat tapos mukhang maasim na pakboy." "Ano 'yan pampalubagloob? hindi nakakatulong Blaire." magsasalita na sana siya nang may lumapit na matandang babae sa amin. Naka maong short na butas at parang ang buwan nang hindi nalalabahan, tapos ang damit niya ay itim kaya hindi masyadong halata ang dumi rito. "Pahingi naman iha." sabi niya at inilahad ang kamay sa amin. I feel so bad talaga sa mga matatandang pinapabayaan lang, naaawa ako sa sitwasyon nila at pwedeng mangyari sa kanila sa kalye. Lumipat ako sa katabi ng inuupuan ko para makaupo ang matanda, sinenyasan ako ni Blaire na lumipat nalang kami ng pwesto pero hindi ko ito pinansin at pinaupo ko si manang sa tabi ko. "Wait lang po kayo, oorder lang ako ng pagkain niyo." tumango siya at ngumiti. Inirapan ko si Blaire bago pumunta ng counter. Nang matapos na kumain si manang may inaabot siya sa akin na bracelet like parang 'yung nabibili sa tabi ng simbahan bilog bilog na design tapos anting anting raw kuno. "Hindi na po, okay lang po libre ko nalang ho sa inyo." lumawak ang pagkakangiti ng matanda at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Anong hiling mo, iha?" seryosong tanong nito. Tinignan ko si Blaire na ngayo'y nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa amin. Hiling? ang weird pero napaisip din ako kung ano nga ba talaga ang gusto ko. Sa sitwasyon ko kasi ngayon parang gusto ko nalang mawala sa mundong ginagalawan ko at sana may iba pang mundo na katulad nito pero mas better ang pamumuhay tapos- wait tss ano bang sinasabi ko? Haler as if naman may other world no, ang creepy isipin na may isang ako na kapangalan at kamukha sa ibang mundo. "Iyan bang kahilingan mo ay sigurado?" h-ha? "Maligayang kaarawan." hinaplos niya ang mga palad ko at pinisil ng bahagya ang palapulsuan ko na ikinakunot ng noo ko. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang kumaripas ng takbo papalabas sa mcdo. ay ang taray parang hindi matanda ahh, pwede na sumabak sa running contest. "Hoy be muntanga ka, dagdag mo pa 'yung ang creepy ng matanda 'saka pa'no niya alam na birthday mo." "Anyway happy birthday Luna my labs!" Ika ni Blaire, niyakap ako at hinalikan ang pisngi ko. "Bobo bukas pa birthday ko." Nasa kwarto ako ngayon nagpapahinga. Hindi ko pa rin makalimutan 'yung matanda, paano niya nalaman ang birthday ko? Nakakakilabot naman hays hayaan na nga baka mabaliw pa ako kakaisip. Papikit na sana ako nang biglang tumunog ang messenger ko, dalian kong hinablot ang cellphone sa bulsa ko at tinignan kung sino ang nag message. You received a message from mama. Mama: Bumaba ka rito, may pag-uusapan tayo. Me: Ma pagod ako, mamaya maya nalang please. Mama: Grandma mo ang nagpapababa sa 'yo, get in here now. Tumayo agad ako nang mabasa kong si Grandma ang nagpapababa sa akin, maliit palang kasi ako takot na ako dito. Matamlay akong naglakad papalabas ng kwarto ko at nang hahakbang na sana ako pababa ng hagdan ay napahinto ako dahil nakita ko si papa. Anong ginagawa niya rito? Pagkatapos niya kaming iwanan magpapakita siya sa'min? Kahit miss na miss ko siya sobrang galit ako sa ginawa niya. "Come here." hindi ko napansin na nakita pala ako ni grandma. Gusto kong sipain papalabas ang lalaking iyun, kasalanan niya kung bakit kailangan ko magtrabaho sa murang edad palang, sobrang hirap ng naranasan namin nang iwan niya kami ni mama. Napuno kami ng utang at napalayas sa tinitirahan, mabuti nalang tinanggap ulit ni grandma si mama dito sa mansyon, hindi na kami nahirapan sa pera at nag resign na rin ako sa trabaho. After kasi pakasalan ni mama si papa itinakwil na siya, against kasi ang pamilya ni mama sa tatay ko at nakita ko naman kung bakit. Tumalikod ako at naglakad pabalik sa kwarto ko. Never ko na ulit siyang haharapin, markmywords. That man is a piece of trash. Naramdaman kong namamasa ang mga pisngi ko, umiiyak nanaman ako. Mas masakit pala kapag mismong tatay mo ang nang-iwan sa'yo, akala ko todo na 'yung sakit noong niloko ako ni Rusell, almost a year rin naging kami tapos nagawa pa niya ang bagay na 'yun. Dahil lang ba hindi ko maibigay bigay ang gusto niya? Sapat ba 'yun para magpakamot sa iba? Minahal ko naman siya ah, sadyang hindi pa ako handang ibigay yung hinihiling niya. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata. Siguro kung hindi niya lang kami iniwan, hindi kami alila at sunod sunuran dito. Itong pamilyang 'to na ang nagdidikta sa lahat ng mga gagawin namin ni mama katulad nalang ng kurso ko. Hindi ko pangarap maging nurse pero dahil gusto ni grandma, I don't have a choice magiging nurse ako kahit na takot sa dugo. Ang totoo kong pangarap ay ang maging isang photographer. I want to capture all the memorable moments in my life. "Are you okay po, butata?" Napamulat ako nang marinig ko ang napakacute na boses ni Olivia, she is my niece, my cousin's daughter. Iniwan nila sa 'min ang bata matapos siyang manganak at pumunta silang mag asawa sa abroad, noong una pinapadalahan siya ng mga magulang niya kaso bigla nalang hindi nagparamdam. Napakabata pa ni Olivia para maranasan ang mapagiwanan. "Hey sweetiee I'm good, how about you why are you here? Where's your yaya?" I asked her, lumapit siya sa 'kin at tinabihan ako sa kama. "Do you love me po?" she pouted, napakacute ang sarap ibulsa tapos dalhin kung saan saan. "Of course, bakit mo naitanong?" she sobs and hugged me. "Butata, my classmates told me no one loves me because they'll said that mommy and daddy left me." aba't- tangina ang babata pa nila para mangbully taragis na mga bata, hindi ba sila natuturuan ng magandang asal?! "Hey baby look at me." binuhat ko siya at iniupo sa hita ko. "I love you, we love you so so so much and your parents loves you okay? Sabihin mo sa mga classmates mong kulang sa aru-" s**t, mga bata nga pala mga 'yon. I cleared my throat and smiled and soften my face. "Inggit lang sila kasi ikaw you've got everything, like your own room and you have so many toys." tumango tango siya at pinunasan ang mga luha niya. Nakipag laro muna sa 'kin si Olivia bago umalis. Hindi naman siya nagtagal dahil sinundo agad ni Yaya Yen. Hindi talaga ako mahilig sa bata kasi sobrang kulit at ang hirap paamuhin lalo na pag nag tatantrums pero iba si Olivia, at the age of seven malawak na ang pagiisip at napaka talinong bata. "Luna, bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" tanong ni Grandpa. "Diet po 'lo." malamya kong sagot habang tinutusok tusok ang steak sa plato ko. Hindi naman sa diet ako, ang sexy ko kaya sadyang ayoko lang talaga ng ulam lagi nalang kasi karne ang hinahain. "Waw diet, why don't you just lock yourself in your room forever- I mean sissy diet diet ka pa ang sexy mo na kaya." sabi ng plastic kong pinsan na si Sheena, may pag-irap pa talaga akala niya maganda siya. Itong babaitang 'to ang pinaka ayaw ko sa lahat ng pinsan ko. Hindi naman siya inaano, nang aano. Si Sheena lang ang cousin ko na kasama dito sa bahay ng mga Alejandro, 'yung iba syempre may kani-kaniyang tinitirahan, abandonado na rin kasi itong pistengyawa kong pinsan. Sa mga pinsan ko ay may isa akong pinakaclose, he's name is Draco, napakakomportable namin sa isa't isa kaso nasa ibang bansa na siya, i don't know why dahil hindi na siya nagparamdam pa. "Eat." utos naman ni Grandma which is sinunod ko, sumubo ako pero konti lang. "You are going to study in US." nabulunan ako sa narinig ko, tinignan ko sila isa isa na nakatingin din sa akin. "A-ako ho?" pagkumpirma ko. "Yes, you my dearest granddaughter. We decided na sa ibang bansa kana pag aralin para naman matuto kang mag seryoso. Take the same course, I wanted you to become a registered nurse then after that kumuha ka surgeon." ika ni Grandma. Gusto kong sumabog at magsabi ng masasamang words- tangina sila na talaga nagdesisyon sa buhay ko ha'no? "Ayoko." matipid na sagot ko at akmang aalis na pero nagsalita si mama. "Luna Rae 'wag kang bastos, kinakausap ka pa." Nilingon ko siya at sarkastikong tumawa. Isa rin siya, hindi niya manlang ako ipinagtatanggol when it comes on this. "Bastos? Hindi ba dapat kayo ang tawaging bastos. Hindi niyo manlang ako tinanong ma, may sarili ho akong pangarap. Anak pa ba tingin mo sa 'kin?!" "Luna." Pag suway sa 'kin ni tita Roseville. "Why? Don't tell me 'Its for me naman' kasi alam naman natin na para lang sa inyo 'to or should I say para mas lalong umangat ang reputasyon ng pamilya." pagsagot ko. Sa angkan namin lahat kailangan kumuha ng degree related to hospital. Si mama lang talaga ang hindi nakatapos dahil sa tatay ko. Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad papaalis. Narinig kong tinatawag nila ako pero tangina ayoko na makipagtalo pa. Lumabas ako ng mansyon at lumayo. Naisipan ko tawagan si Blaire kaso 'yong phone ko pala nasa table pala, boset! Maglalakad nalang ako papunta sa kanila dahil wala naman akong choice, hindi ko dala ang wallet ko at wala ng jeep nang ganitong oras. Ang sakit na ng paa ko, kanina pa 'ko naglalakad at dumidilim na rin pala. Habang naglalakad nahagip ng mata ko ang matandang pulubi sa mcdo kanina. "Mana-" Sisigaw sana ako para tawagin siya ngunit sobrang bilis ng pangyayari. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa kalsada. Nagsimulang magdilim ang paningin ko at bago ako mawalan ng malay, maraming tao ang pumaligid sa 'kin. Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Napahilot agad ako sa sintido ko nang makaramdan ng pananakit sa ulo. Pagmulat ko ng mata bumungad sa'kin ang hindi pamilyar na kwarto. Ang pagkakaalam ko itim at puti ang kulay ng dingding ko sa kwarto, bakit pink 'to? Nasaan ako? Paghinga ko ng malalim nalanghap ko amoy ng kwarto. Vanilla scent. "Get up." napabangon ako sa kama at agad na tinignan ang nagsalita. She is wearing a bathrobe at nakalugay ang mahabang buhok, my eyes laid on her face, ang ganda, matangos ang ilong at mapula ang labi na mukhang natural lang walang lipstick, kung maputi ako mas doble ang puti niya. Napatingin ako sa leeg niya napunta sa collarbone pababa sa cleav- hmm not bad. "Stop looking at me like a maniac, i will borrow your car idadaan nalang kita sa school naubusan ako ng gas and i don't have much time." ang sungit naman ng tono niya 'saka teka, my car? Kailan pa ako nagka kotse? I was about to speak kaso umalis na agad siya. Holyshit maderpaker, nakidnap na ata ako. Sandale nga! Ang naaalala ko sabi ni Grandma is pag aaralin ako sa US then syempre hindi ako pumayag, pagkatapos umalis ako sa mansyon at pupunta sana kina Blaire kaso nabangg- Oh my god! Am I dead? Patay naba talaga ako? Mabilis akong tumayo, pagkapatong ng kamay ko sa mesa sa tabi ng kama ay may picture frame na nahulog. Tinignan ko ito at nakita ko ang nakalagay ay litrato ng babae kanina. Ibinalik ko ito sa pagkakaayos bago lumabas ng kwarto para hanapin siya. This place is very unfamiliar, nasaan ba ako at anong lugar 'to? I haven't been in here before. Sa kamamadali ko bumangga ako sa kung saan. "Aww." sabay naming daing nang magtama ang katawan namin. Napatingin ako sa nabangga ko, nakakunot ang noo niya habang nakatitig ng matalim sa akin, mas maganda siya sa malapitan kaso mukhang pinaglihi ata sa sama ng loob. "Why the hell are you running?" taas boses niyang tanong. "Who ar-" I didn't finish what I was about to say nang mag ring ang phone niya, she didn't bothered to ask me what i going to say at naglakad nalang papalayo. Hinawakan ko ang dibdib ko para pakalmahin ang sarili dahil nanginginig ang katawan ko, ikaw ba naman magising sa ibang bahay. Inilibot ko ang mga mata ko sa bawat sulok, hindi malaki hindi maliit sakto lang pero maganda, ang simple lang pero maayos ang pagkaka arrange ng mga furnitures. Nakita ko ang mga pictures sa dingding, siya ba 'to? Bata palang ang ganda na, buti pa siya may pictures noong bata samantalang ako ni-isa wala manlang. Busy sa masid ang mata ko nang maagaw pansin ito ng mga diploma. Arya Ingrid Rivera, a professional model graduated in Fashion Styling. Ahh model pala siya, huwell sabagay maganda at sexy naman kasi. Tignan ko ang iba pang pictures, siya lahat ang naroon. "My parents will visit here 'wag ka muna pumasok sa first subject mo and fix yourself." nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko, nilingon ko siya at nakitang papaalis kaya hinawakan ko agad ang balikat niya na dahilan upang mapahinto siya. "Sino ka at nasaan ako?" tanong ko, humarap siya sa'kin at tinignan ako habang nakasalubong ang dalawang kilay. "I'm not gonna play with your games, Luna." hala siya mukha ba akong nakikipaglaro? "If you think you can stop our engagement by pretending not to remember anything, not going to work so drop the act and fix yourself, ang baho mo." pagkasabi niya ay umirap ito bago umalis. Engagement, ano raw kasal? pota anong mabaho?! Sinundan ko siya at hinawakan naman ang kamay niya, ang lambot at ang kinis ng balat. "What the." maarte niyang tinanggal ang pagkakahawak ko at ipinagkrus ang dalawang braso niya sa dibdib. "Anong engagement ba ang sinasabi mo, si grandma nanaman ba ang nagplano nito?" nagtatakang tanong ko. "Your grandma died one year ago." she stated. "D- died? One year a-ago?" i wasn't able to say it properly dahil sa sobrang pag ka gulat. "I'm tired so please don't waste my time on this, ayoko makipag lokohan sayo kaya pwede bang mag ayos kana dahil paparating na sila." aalis nanamn sana siya kaya mabilis akong humarang sa dadaanan niya. "Wait! Just a second, you said my grandmother died a year ago, w-what happened? 'saka anong k-kasal po ang sinasabi mo?" natatakot sa narinig ko sa kaniya, patay na si grandma tapos one year ago pa eh parang kagabi lang kausap pa namin siya. "I told you to stop pretending Luna and that 'po' thing? It doesn't suit to you." Tangina nawawalan nako ng pasensya, sino ba talaga 'to at sino siya para sabihin na patay na ang lola ko. "Stop with that stares, kung ayaw mong kumilos then move." Itinulak niya ako para makaalis sa daraanan niya. Nang tuluyan siyang makalagpas sa'kin agad kong hinanap kung saan ang labasan, nakalabas na ako pero gago, anong lugar 'to? Hindi ko alam kung saan 'to. Maya't maya nakita ko na may kotseng huminto sa harapan ko, iniluwa no'n ang isang babaeng mukhang yayamanin or mayaman talaga? Pucha pake ko ba. "Oh iha, bakit nasa labas ka?" paglapit niya, niyakap ako nito at nakipagbeso, kilala niya ako? "Where's Arya?" sabi naman ng lalaking sumunod na lumabas sa kotse, he looks like maskulado at mala Ian Veneracion ang itsura tapos naka leather jacket na itim like pormahan ni Robin Padilla. "Ate Luna!" oh gosh! Napabuga ako ng hangin nang may batang babae naman ang sunod na yumakap sakin, muntik nako ma-out of balance dahil sumampa siya sa waist ko. "I missed you ate, laro tayo please please please." Mahihimatay ata ako, hindi ko kilala ang mga 'to pero kung makayakap akala mo part of the family. I decided na sagutin ang tanong nung lalaki, wala sana akong balak magsalita kaso ang weird naman kung magtititigan lang kami. "N-nasa loob po." Sagot ko nalang. "Nagluluto ba siya? I told you darling you are very lucky to have our daughter, hindi mo pagsisisihan 'yan." So nanay niya pala 'to, sabagay hindi maipagkakaila dahil maganda rin siya kahit medyo may edad na. "Mom." malamig na boses ang narinig ko mula sa likuran ko. Lumapit si Arya at nakipag besa sa dalawa, pagkatapos ay binuhat niya 'yung bata at nginitian. Oh? Akala ko maganda lang siya pero may mas igaganda pa pala ito kapag ngumingiti, she look gorgeous lalo na sa suot niya na dress kitang kita ang maputi na hita niya, wala manlang kapeklat peklat. Right, model nga 'di ba? Nang mabalik ang tingin ko sa mukha niya saktong nakatingin rin siya sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. "Let's go inside." she said. Nakapasok na sila at maglalakad sana ako papalayo kaso tinawag ako ni Arya. "Luna, where are you going?" i don't know either! Nasa hapagkainan na kami at nagk-kwentuhan sila, out of place mga beh kaya heto ako tahimik lang. Lalo akong naguluhan dahil nagpapasalamat sila sa pagtanggap ko raw ng arrangement marriage which is hindi ko maalala. Nabangga lang ako ikakasal na? Author am i joke to you? "Luna malapit kana palang makagraduate, If you are having a hard time just let Arya teach you, you know what, even though she's just a model matalino 'yan." sabi ng mother ni Arya. Ngumiti lang ako bilang paggalang, hindi ko alam ang sasabihin pero sa loob loob ko pucha anong graduating eh freshman palang ako! "Luna is smart, she doesn't need any of my help." Arya responded, kanina pa siya nakatitig sa akin na parang pinapatay na 'ko sa isip niya sa sobrang dama makatingin. "Hmm really? That's good to know, anyway birthday mo na bukas anong plano niyo ng anak ko? Out of the country?" tanong naman ng tatay niya Nasamid ako sa pagkakainom ng tubig, s**t? Hindi ba't ngayon ang birthday ko? "We're busy to travel, i think about having a simple dinner with her, right?" she's waiting for me to agree with her kaya tumango nalang ako. Napaka neutral ng expression ng mukha niya, hindi mo malaman kung masaya o galit ba. Naguguluhan ako, gusto ko nalang matapos 'to at makauwi na. "Hon hayaan mo na silang magdesisyon kung paano icecelebrate ang birthday ni Luna, isang taon naman na silang magkasama sa bahay so asahan natin na may progress na." her mom said. "mahal niyo na ba ang isa't isa?" kahit wala akong ubo bigla akong naubo sa sinabi ng nanay niya. Isang taon?! Tang- "Ate Luna, can i be the flower girl on you and ate's wedding?" The kid asked pero hindi ko nabigyan ng atensyon dahil napabaling ang atensyon ko sa tuhod ko, parang may naninipa kasi rito kaya yumuko ako para tignan at nakita ko ang paa ni Arya na sinasipa ako. Nang tignan ko siya sa harapan ko, mukhang siyang inosenteng taoang na ngumunguya ng pagkain. Hinawi ko pagilid ang paa niya gamit ang tuhod ko at itinaas ko ang kanang paa ko para idantay sa legs niya, bale nakapatong ngayon ang paa ko sa kaniya habang matiwasay na kumakain. Napatingin ulit ako sa kaniya dahil bigla itong tumayo at lumapit sa akin. "Excuse us for a minutes." paalam niya 'saka hinawakan ang damit ko sa likod at hinila papalayo. "S-sandale." mas matangkad ako sa kaniya pero hindi ko alam kung bakit ako nagpapahila rito. Nakarating na kami sa kwarto kung saan ako nagising kanina agad niya akong binitawan at tinignan ng matalim na tingin. Lalamunin ba niya ko ng buhay, pota parang makakapatay ng tao kung makatingin. "Grabe makakaladkad ka naman wagas." pagrereklamo ko habang inaayos ang damit ko, i heard her whispering something like 'ts so irritating.' "Hoy ante asan ba ko? Sila mama, si Blaire nasaan?" tanong ko. "Who is she?" ako lang ba o nag-iba talaga ang aura niya at tono ng pananalita niya. "Huh?" "The girl named Blaire." tanong niya. "Ahh si Blaire? Girlfriend ko." pabiro kong sabi na parang sineryoso niya sa itsura ng mukha niya ngayon. "Do you even know who's you're talking to Luna? I'm your future wife, the audacity to say you have a girlfriend." teka, ano naman sa kaniya kung magkakagirlfriend ako? First of all, hindi ko siya kilala, pangalawa, jusme kahit sobrang ganda niyang babae, sa lalaki pa rin ako magkakagusto dahil straight ako at pangatlo, never akong magpapakasal sa kaniya. "Look at yourself, you didn't even change your clothes." saad niya habang kumukuha ng damit sa pink niyang kabinet. "Ano ba talagang nangyayari, kahapon lang kasi nabangga ako ng kotse tapos ngayon- "f**k Luna, I already told you to stop this nonsense act of yours!" Shemay akala ko sa panot na professor ko lang kukulo ang dugo ko, may mas titindi pa pala roon. "This is not a nonsense, miss. I don't even know you! and that marriage? Pucha naman wala akong naaalalang ganiyan!" hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magtaas ng boses. "Oh really huh, you didn't remember anything?" tanong niya na parang sarcastiko ganon, pero tumango tango nalang rin lamang ako at hinilot ang sintido ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa nawawala 'yung sakit. "Oh my poor fiance, i don't believe you so stop it and just change your clothes." pagkatapos niya ibato ang damit na kinuha niya ay umalis na siya. Kakatapos lang namin kumain pero nagpapaalam na rin agad ang parents ni Arya, may mga aasikasuhin pa daw kasi sa kompanya nila. "Luna my dear, dito na kami." paalam sa 'kin ng nanay niya, niyakap niya ako at nakipag beso. Napaka bango naman, amoy expensive mall. "We'll play next time ate Luna, i have new toys po bigay ni kuya Lincoln." nginitian ko nalang ang bata at tumango. Naalala ko si Olivia sa kaniya, ang cute . "Zetia come here." binitbit ni Arya ang bata at hinalikan ito sa pisngi, kamukhang kamukha niya ito parang mini arya ganon. "Ingrid sweetheart, maging mabait ka sa magiging asawa mo, mag-ingat kayo." huling bilin ng mommy niya bago umalis, mababait naman sila pero tangina hindi ko talaga kilala e. "Follow me." Narinig kong sabi ni Arya pagkaalis ng magulang niya kaya naglakad ako at sumunod sa kaniya papuntang dinning table. "Sit." utos niya, bakit parang ang chaka pakinggan, nagmumukha akong aso aba aba. Pinuwesto ko ang upuan para makaupo ako at nang magawa ko iyun ay diretso akong tumingin sa kaniya at sinalubong ang matalim niyang titig. "Tell me the hell is your problem." mahinang sabi niya pero may diin ito. "Nasaan ba ako?" seryoso kong tanong. "Seriously?" nagpalitan kami ng titig pero hindi rin naman nagtagal dahil bigla siyang tumayo. "Oh gosh I don't have time for this, let's go ihahatid muna kita sa school." she left me hanging. I don't have a choice kaya nagpunta ako sa kwarto kung saan ako nagising kanina at kinuha ang bag sa ibabaw ng table katabi ng kama. Nakita ko rin na may perfume sa ibabaw kaya ginamit ko muna dahil baka mangamoy tayo, syempre sa ganda kong 'to tapos mag aamoy bagong gising lang? Sheesh. Sana naman sa school may kilala na ako at tiyak nandon si Blaire. Pagkalabas ay nakita ko si Arya na nakasakay sa passenger seat habang busy sa pagcecellpone, bakit siya ang nasa passenger seat akala ko ba ako 'yung ihahatid niya? Nagtungo ako sa kaniya at kinatok ko ang salamin ng kotse kung saan naroon siya. "What?" pagtataka nito nang bumukas ang bintana. "Anong what? Alis, ako diyan hindi ako marunong magdrive." "You kidding me right?" tinignan ko na lamang ito, tangina talaga kung marunong ako kanina pa ako nakaalis dito. "Fine, give me your damn car key." "Saan?" tanong ko. She closed her eyes and took a deep breath, halatado ang inis sa mukha nito, she hissed at mabilis niyang kinuha ang bag na hawak ko para halungkatin at nang makita na niya ang susi ay agad na siyang sumakay sa driver seat. "Stop pissing me off Luna, get in." Sinunod ko naman agad siya at umupo sa passenger seat. Umaga palang pero stress na stress na ako, kailangan ko talaga malaman kung anong nangyayari at kung nasaan ako. Ngayon ay binabalot kami ng katahimikan ang sasakyan, gusto kong magtanong kaso nakakatakot siya, ni pag hinga ko ay dinadahan dahan ko para hindi mabasag ang katahimikan. Naisipan ko buklatin ang bag na hawak hawak ko at may nakita akong cellphone, wallpaper nito ay isang babaeng nakatalikod habang nakahawak sa kamay ng may-ari erm sweet naman, sino kaya 'to at kaninong phone naman ang hawak ko? Isa lang ang sigurado hindi si Arya ang babaeng nasa lockscreen. Naagaw pansin ng petya ang paningin ko, 2023. 2023?! Shit agad kong binuksan ang phone mabuti nalang wala itong password, mabilis akong pumunta sa messages, bahala na. '5 messages from Sandie, sino si sandie? '99+ messages on Top sarap GC '26 messages and 55 missed calls from love. Love amp, sana all. Bubuksan ko na sana ang convo kaso biglang huminto ang kotse kaya napaabante ako ng bahagya dahil hindi pala nakakabit sng seatbelt sa akin. "Get out." Narinig kong utos ng katabi ko, pagkalabas ko ay agad humarurot ang sasakyan papalayo, pucha iniwan niya talaga ako? Nagmasid ako sa binabaan ko, pati dito hindi pamilyar sa akin, nasan ako? Nakita ko ang malaking nakasulat sa entrance ng University. Luther University of College SY: 2023-2024. "Luna!" ay puke mo mabaho! "Bakit hindi ka sa pumasok first subject? Hinahanap ka niya." sino naman 'to? "Ha, s-sino?" nagtatakang tanong ko. "Girlfriend mo." sagot niya sa akin habang tumatawa, hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalakad. "Nagpaquiz siya kanina kahit hindi nagturo girl, nag away ba kayo?" napahinto ako sa paglalakad at tinitigan siya. Nakanampot, kanina lang may nagpakilalang fiance ko, ngayon naman girlfriend?! "Teka nga lang! Kilala mo ako? sino kaba at anong girlfriend? Kanina pa ako litong lito nahihilo na ako, wala bang tao rito ang kilala ko?!" "S-sorry nasigawan kita, hindi ko kasi talaga kayo kilala." paghingi ko ng tawad, natakot ko ata kumurap kurap siya at nakaawang ang bibig. "Gaga prank ba 'to? Ako 'to si natoy na mahal na mah-" napahinto siya nang samaan ko ito ng tingin. "Hala we seryoso nga? Kaibigan moko uy, Andie." tinuro ang sarili. "Sandie Briones." "At 'yung girlfriend mo si ma'am Auza, Stella Quinn Auza professor natin." Inilabas niya 'yong phone niya at pinakita ang taong tinutukoy niya. Stella Quinn Auza, One of the professor of Luther University.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Loved by the Gamma

read
54.4K
bc

WoodBridge Academy

read
2.3K
bc

Bending My Straight Boss

read
77.7K
bc

Werewolves of Manhattan Box Set

read
12.6K
bc

His Pet [BL]

read
77.3K
bc

Saltwater Kisses: His Merman Prince

read
5.7K
bc

50 Hot Gay Erotic Stories for Guys

read
4.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook