Luna Rae Callejo
Nasa classroom kami ngayon, hindi pa naman nagsisimula ang klase kaya ipinakilala niya muna sa akin si Reese, Casey, Hunter at Bryn.
Sa sobrang dami ng sinabi ni Sandie ni-isa wala manlang akong matandaan, at sigurado naman ako sa sarili ko na wala akong amnesia dahil i remembered every single thing that happened in my entire life.
Halos mangiyak iyak ako habang sinasabi na hindi ko talaga sila kilala, alam niyo ginawa niya? hinampas ba naman ako ng libro sa ulo mga siraulo amp.
She said i met her at the bar noong first year college namin eh tangina the last time i check kaka-first year college ko lang with Blaire! tapos pa-graduate na pala akong walang kaalam alam.
Habang kinakausap ko sila, parang ang tagal tagal na naming magkakilala dahil sa sobrang comfortable nila t owards me.
"Shut up Sandie, tuluyan na atang binago ni miss Stella 'yung kaibigan natin." sabi ni Reese.
2023.
Paano 'to nangyari?
"Luna." pagtawag ni Sandie sa pangalan ko habang sinisiko ang braso ko kaya nilingon ko siya at nakitang may nginunguso sa gawi ng pinto.
Pagkalingon ko sa labas ay saktong nagtama ang mga mata namin ng babaeng naka white polo blouse matchy ng black skirt, naka tuck-in ito then naka heels pero i think same height lang naman kami.
Hmm ang ganda ng hubog ng katawan niya, her nose is pointed, makapal ang kilay na lalo niyang ikinaganda. Natigilan ako sa panunuri nang naglakad siya patungo sa harapan ng buong klase. Inirapan niya ako bago itunuon ang mata sa iba.
"Hey tapos na subject niya, anong ginagawa niya rito?" i heard Hunter whispered. Tinignan ko ulit si Sandie na ngayon ay tumatawa, pati si Reese naka ngiti din.
"Opps, world war times three." ika ni casey.
"Uh oh." pangungutya naman ni Bryn.
Huh, eh bakit ako?
Itinuon ko ulit ang atensyon ko sa taong nasa harapan namin, may inilabas siyang mga papel galing sa black paper bag na dala niya at isa isang tinawag ang mga pangalan ng estudyante para ibigay ang mga hawak niya.
"Roflo, Clyde got the highest score." nagingay ang lahat nang marinig iyon sa kaniya, parang hindi nila tanggap ang scores na nakuha nila. "and Callejo, got a zero for not attending on my subject today.
Pagkatapos ipamigay ang mga papel dumako ang mata niya sa'kin, ibinalik ko naman ang tingin sa kaniya ng may pagtataka.
"Professor Sebastian is not attending to this class anymore, so I will be the substitute habang wala pang nahahanap na kapalit." sabi niya habang nanatiling natuon ang tingin sa akin, nakaramdam ako ng ilang kaya ako na mismo ang tumapos ng titigan namin.
"Hala miss Stella bakit po hindi na papasok si sir?" Tanong ng nasa pinaka harapan.
"Excuse me, let me correct it. It's professor Auza, call me that." she corrected her.
"Sorry po p-professor Auza." nauutal na sabi ng babae.
So siya pala si Stella Auza, bigla kong naalala 'yung phone kanina na hawak ko, sa akin nga talaga 'yung phone at siya siguro ang nasa lockscreen no'n.
Again, paano?
After niyang itanong kung saan natapos ang lesson ni professor Sebastian agad siyang nagturo, tangina feel ko ang bobo bobo ko na like kung dati bobo lang, ngayon iniwan na ata ako ng utak ko.
Hindi ko akalaing malala pa ang pag daraanan ko sa nursing kapag umabot na ng ganito, naknam kasi ni grandma.
Habang nagtuturo siya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mamangha sa kaniya, malinaw at pulado ang pagpapaliwanag niya sa mga bagay bagay, well indeed she is a great professor.
"Class dismissed, you can go now." pagkasabi niya lahat ng estudyante nagsitayuan at nagayos na ng gamit bago tuluyang lumabas, palabas na din sana kami nila Sandie kaso nagsalita ulit siya.
"Except you, Callejo."
Pagkarinig ko agad naibaling ang mata ako kay Sandie at saktong nakatingin din siya, pati ang apat tumingin din sa akin, si Reese umiiling iling habang patagong tumatawa.
Sumenyas ako kay Sandie na magrason, bahala na kahit hindi kami close- ahh basta ayoko maiwan dito mag isa huhu.
"Uhh miss Stella sorry po but we really need to go, Luna and I have some things to do pa po kasi." sabi ni Sandie sa propesor, nginitian ko siya bilang pagpapasalamat.
"Yes professor and we're hungry na, baka pwedeng mamaya nalang." pagsingit ni Bryn na mas lalong ikinaluwag ng dibdib ko.
Natigil si ma'am Auza sa pagaayos ng gamit niya at tumingin sa akin, her eyes are convincing me to stay with her. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang hinihila ako ng mga mata niya.
"Let me talk to Callejo, miss Briones." pagtutol nito.
Huminga ng malamin si Sandie at bumulong ng 'sorry.' bago sila tuluyang makalabas ng pinto.
Shems iniwan talaga nila ako.
"Explain." tipid na sabi ng babaeng kasama ko nang maiwan kaming dalawa sa classroom.
"Huh?" explain ang alin?
Nagulat ako nang maglakad siya palapit sa akin at hinila ang kamay ko papaupo sa upuan, nakaupo ako ngayon habang siya ay nakatayo sa mismong harapan ko.
"Tell me, why aren't you replying to my messages?" she asked while crossing her arms together, no lies nakakatakot siya parang mga terror teachers ganon.
Gusto ko nalang ulit umiyak hindi ko alam isasagot ko, sabi ni Sandie girlfriend ko ito pero gago naman hindi ko nga maalala. Tinignan ko lang siya kasi wala talaga akong maisagot.
Hinila niya ang upuan na malapit sa inuupuan ko para iharap sa akin bago siya umupo, naalala ko noong senior high school ako, ganitong ganito kami ni Rusell kapag nasa classroom- teka bakit ko ba siya iniisip?!
"I guess you are with Arya, damn you promised me you will fix that engagement Luna, i'm tired of waiting here for nothing."
Ang lapit niya sa akin, dama ko ang mabibigat na paghinga niya, she is really beautiful and smells good like strawberry.
So alam niya pala 'yung about kay Arya, tangina pagnaaalala ko sumasakit ulo ko. Fiance ampota tapos ito naman girlfriend, baka may kabet pa dyan lumabas na kayo.
"Rae." tumaas ang balahibo ko nang marinig ang malambing niyang boses.
Kung kanina nakakatakot ang aura niya sa harap ng klase, ngayon naman parang ang bait bait niya tignan.
"Uhh hmm?" pakurap ko siyang tinignan.
Ito na ata ang pinaka nakakailang na sitwasyong narasanan ko sa buong buhay ko, tangina gusto ko nalang matunaw.
"What's wrong? you should've text me or call me kanina pa ako nag aantay sa iyo." pinagdarasal ko nalang na sana may pumasok dito sa classroom at kaladkarin ako papalayo sa babaeng 'to.
She's taking my breath away!
Bahala na just go with the flow nalang siguro muna ang gagawin ko.
"Sorry na uwu." bigla niya akong sinamaan ng tingin kaya napalunok ako.
Hala siya sinusuyo na nga.
"Uh ano kasi, b-biglaan ang pagbisita ng parents ni A-arya kaya hindi ako nakapasok sa first subject mo." mahina kong paliwanag na sapat na upang marinig niya.
"I see." she said while nodding her head.
Napaigtang ako sa kinauupuan nang bigla nalang niya akong yakapin, para akong nakukuryente, the last time I check straight ako as ruler.
"I missed you so much love, i'm sorry for the last night, i was just really in a badmood kaya ko nasabi 'yun." I felt her nose touched my skin, sa leeg ko at ang bango niya sobra 'yung tipong kakapit sa'yo ang amoy.
Last night?
"Hindi ka naligo?" ang cute ng tagalog accent niya, pang sosyal- teka wait pa'no niya alam na wala pa akong ligo?
Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at yumuko para amuyin ang sarili, ang bango ko kaya, thanks sa perfume ni Arya.
"I am just kidding, it's smells like different from before but I like it anyway." nginitian niya ako.
"Why aren't you talking?" saad niya habang inaayos ang collar ng suot ko.
Napakabagal mag poprocess ang utak ko, hindi ako makapaniwalang may girlfriend ako, hindi kaya ako bading 'saka parang kahapon lang tinitignan ko pa ang pictures namin ni Rusell sa camera ko tapos ngayon may magandang propesor na naglalambing sa harapan ko.
"Professor Auza?"
Napalayo kami sa isa't isa nang may boses na tumawag sa kaniya, nag ayos siya ng sarili bago siya tumayo at nag tungo sa pinto.
"What?" nagbalik nanaman ang masungit nyang boses.
"Ano po kasi, may meeting po kayo sa LU3 Building, pinapatawag na kayo ni dean." sabi ng babaeng naka short hair.
Tinignan niya ako na parang nag iisip kung aattended ba siya o hindi, mga ilang segundo binalik niya ang paningin niya sa isang babae.
"Tell them I'm not going, I'm busy." She said coldy. Siguro kung hindi siya nagpabebe sa'kin kanina matatakot ako rito.
"But ma'am about po ito sa next event ng University." Pagpupumilit naman ng kausap niya.
"Okay fine, three minutes I'll be there."
Nagpasalamat ang babae kay ma'am Auza at bago siya umalis pinasadahan niya ako ng tingin, tingin na may halong curiosity.
Bumalik ang propesor sa desk niya at kinuha ang black paper bag habang ako naman ay nakaupo pa rin hanggang ngayon, naguguluhan sa mga nangyayari.
"Sleep at my condo later, i don't want you sleeping on her house." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, tatanggi pa sana ako pero hindi ko namalayang wala na pala siya, nakalabas na ng classroom.
What the hell is happening?
Kasama ko sila Sandie, kumakain kami ngayon sa canteen.
Hinintay pala nila ako kanina so bale ngayon palang din sila kakain, until now nanlalambot pa rin ako. I don't know what to do, where to go, who's to talk to.
Gusto ko na umuwi sa'min pero hindi ko alam kung papaano.
Isinandal ko ang siko ko sa lamesa at napatalumbaba, mukhang masarap pa naman 'tong pasta kaso feeling ko pagkinain ko 'to masusuka ako, hindi ako nakakaramdam ng gutom.
"Hoy Luna kanina mo pa tinititigan yan, baka mainlove sa iyo 'yan sige ka." si Sandie 'yon na nasa harapan ko.
Inurong niya papalapit sa kaniya ang plato ko na may laman na pasta, kumuha siya gamit ang tinidor at iniharap sa bibig ko, magsasalita sana ako kaso isinalaksak niya agad sa bunganga ko ang kinuhang pasta.
"Kumain ka nga kanina ka pa ganyan, may problema ba kayo ni miss Stella?" tanong ni Sandie.
Pagkatapos ko lunukin 'yung pasta, yumuko ako at idinikit ang noo sa mesa.
Hindi na alam, kahit ano naman kasi ang sabihin ko balewala rin.
Kanina sinubukan kong i-dial ang number ni mama sa phone na hawak ko pero hindi sumasagot, nag try ako mag search sa f*******:, twitter and insta ng mga kakilala ko wala rin tapos sa i********: account ko walang laman.
Ang weird dahil naka login ang mga accounts ko sa phone na ito pero iba ang friends, convos at posts. Tinanong ko sila Sandie kung may history ako ng comatose or nagma amnesia ba ako, ang sabi niya wala naman.
"Break na kayo?" narinig kong tanong ni Hunter.
"Imposible 'yan be, head over heels kaya ang kaibigan natin kay miss Stella." sabi ni Casey.
Head over heels eh hindi ko nga kilala 'yun tsaka hindi ako bading straight ako, lalaki ang gusto ko okay?
"Hi Luna."
Pag angat ng ulo ko nakita ko ang isang babaeng tumawag ng pangalan ko, she is pretty, but looking like spoiled brat at sobrang kapal ng make-up.
"Nicole 'wag ngayon, hindi maganda mood ng kaibigan namin." ika ni Sandie sa kaniya.
"Hi Nics kumusta mo nalang ako kay Jean." pagsingit ni Bryn habang nakangiti ng malawak sa babae.
"Oh shut up Bryniboy. I'm here to give this to you Luna, from my sister." nilahad niya ang kamay niyang may hawak na maliit ng kahon, hindi ko kinuha kaya inilapag nalang niya sa mesa at inurong sa harapan ko.
Sino nanaman ba iyun? Hindi naman ako na inform na babaera pala ako this 2023.
"Don't ignore her." sabi ni Nicole.
"Nicole alam mo kung sinagot mo ako edi sana tinutulungan ko 'yang kapatid mo kay Lun- aray!" napahawak nalang si Bryn sa balikat kung saan siya sinuntok ni Sandie.
"Tell your sister to back off, may girlfriend na ang kaibigan namin at pag nalaman mo kung sino baka ikaw pa mismo ang humila sa kapatid mo papalayo kay Luna." kinuha ni Reese ang binigay ni Nicole at hinagis ito pabalik sa kaniya.
"Rude babe." Pagkasabi ni Nicole agad siyang umirap bago umalis dala dala ang kahon.
"Bakit mo ginawa 'yun? hindi mo kailangan ihagis dahil hindi ko naman talaga tatanggapin." sabi ko.
Nakakabastos kasi lalo na't hindi namin alam kung anong laman non, malay mo importante, babasagin or what.
"Luna nakalimutan mo na ba ginawa ng kapatid niya?" sabi ni Sandie.
Jusme mga ante paano ko maaalala hindi ko naman kilala 'yun.
"Don't act like you forget everything." Reese said
Fucking I am!
Dalawang subject lang ngayong araw, pagkatapos namin kumain nagpaalam na sila, nagpa-iwan ako dahil baka balikan ako ni Arya dito.
Sa ngayon kasi si Arya lang ang mauuwian ko dahil siya lang naman ang unang kong na meet sa kung ano mang taon na ito, tangina talaga.
Habang maaga pa, nagtungo ako ng rooftop sa LU1 building. Hindi ko alam kung pwede pumunta dito pero bahala na, need ko talaga magpahangin.
Inexpect ko kanina na makikita ko si Blaire dito pero wala, ni-isa sa kanila wala manlang akong kilala, ang sakit sa dibdib like para bang mag-isa nalang ako.
Tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan.
Sobrang natatakot ako sa nangyayari ngayon. Habang nakaupo sa sahig, ipinagdikit ko sa dalawang hita ko 'saka isinandal ang ulo ko at humagulgol.
"Hey."
Napatigil ako sa pag iyak at agad pinunasan ang luha ko nang marinig ang boses na 'yun.
Hinanap ng mata ko kung sino at bumungad ang babaeng nakasuot ng croptop na black at jeans, matangkad siya, maganda at balingkinitan ang katawan.
Lumapit siya sa akin at tinabihan ako, pagkaupo niya saktong humangin pagawi sa akin kaya nalanghap ko ang amoy niya, hindi matapang pero parang amoy seductive ganon. Hindi ako manyak ah sadyang may ilong lang.
Dahil walang salita ang lumabas sa bibig ko, I bowed my head nalang kasi nahihiya kasi akong iharap ang mukha ko na kakatapos lang umiyak.
Feel ko ang pangit ko tapos namumula pa ang mga mata't pisngi ko.
"Crying is fine but don't do that when you are alone." she stated.
No, crying alone is much better than crying on someone's shoulders, mahirap masanay lalo na't alam naman natin na may hangganan ang lahat.
"Lean on me, you can do that all the time." sumandal siya sa edge ng rooftop kung saan ako nakasandal.
"Who are you?" hindi ko alam kung anong meron sa tanong ko na nakapag-patawa sa kaniya, mga ilang sandali huminto rin naman siya agad sa paghalakhak.
"Sofia Bree Antillano and you are?" sounded like sarcastic pero baka gan'to lang siya talaga magsalita.
Tinignan niya ako ng nakataas ang dalawang kilay na para bang wiling siyang mag-antay hanggang sa may lumabas na salita sa bibig ko. Hindi agad ako nakasagot dahil inuusisa ko ang bawat parte ng mukha niya, what a flawless girl.
No acnes, pimples, freckles at napaka kinis ng mukha.
"Luna." ngumiti siya nang magsalita ako at tinuon ang paningin sa kalangitan.
"I love your name, like I used to." ha, she used to? "No, let me replace that. I still do." nabalot kami ng katahimikan, nakatingin lang ako sa mukha niya habang siya naman ay nakapikit.
"I didn't know you like being on here Luna, i mean the last t-
"Hindi mo naman kasi ako kilala kaya paano mo malalaman na gustong gusto ko pumunta sa mga rooftop." napatingin ulit siya sa akin pero this time nakakunot na ang noo, ilang minuto siyang tumitig bago ngumiti ng nakakaloko.
"Share your problems with me, well if you have one."
"I'm lost." tipid kong sagot.
"I am too, meant to be siguro tayo." she chuckled at her words.
I am f*****g lost and nobody's believe in me, akala nila joke ang sinasabi ko, si Arya, Sandie at ang iba pa, lahat sila.
"Seryoso ako."
"Close your eyes." utos nito, magsasalita na sana ako nang unahan ulit niya. "oh come, just do it."
I closed my eyes and breathe heavily.
"Think about the person you wanted to be with." sunod na sabi nito.
Si Rusell ang agad ang pumasok sa isip ko pagkarinig ko ng "you wanted to be with" si Rusell agad ang naisip ko, I love him so much hut he lied, he cheated on me, he is a f*****g bastard.
"Open your eyes." pagkamulat ng mata ko, nasa harapan ko na siya
.
I stared at her eyes, her beautiful eyes at sa sobrang lapit niya dama na namin ang paghinga ng isa't isa.
"Tell me, who is the person in front of you?" she asked.
"Ikaw?"
"Exactly."
"Huh?"
"I am the only here Luna, for you." bangag ba 'to?
Habang nagpapalitan ng tingin, napansin ko na may tumulong luha sa mata niya, napatayo siya at pinunasan agad iyun.
"Sorry I have to go, I'll see you next time okay? Nice meeting you Luna. I can't believe we're now pretending not to know each other." paalam ni Sofia, hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi dahil sa sobrang hina.
Arya started the engine while stole glances at me, kakapasok ko lang sa kotse at amoy alak dito, nakainom ba siya?
Katulad kanina, naging tahimik ang byahe namin, hindi manlang siya nagsasalita feel ko nababadbreathe na ako dito.
Bumaba na kami ng sasakyan at sabay na pumasok sa loob ng bahay, hindi niya ako kinausap, dumiretso na agad siya sa kwarto.
Saan ako, tabi ba kami?
Sumunod ako sa kaniya, pagkapasok ko sa kwarto wala akong Arya na nakita, tanging mga damit lang na hinubad niya ang nakakalat sa sahig. Narinig kong bumukas ang shower sa loob ng banyo dito sa kwarto, kaya naisip ko baka naliligo lang.
Naglakad ako papalapit sa kama at Inilagay ko ang bag na hawak ko sa mesa bago huminga ng malalim.
Feel ko pagod na pagod ako at hindi ko sigurado kung magagawa ko na makatulog sa sitwasyong ito.
Humiga ako sa kama at pagpikit ko ay bigla akong nakarinig ng pagbukas ng pinto kaya napadilat ulit ako at tumingin kung saan nanggaling ang tunog.
Iniluwa ng pinto si Arya na bagong ligo, she's wearing a sleeveless night top tapos short short na napaka iksi. Naglakad siya papalapit habang pinupunasan ang buhok.
"What are you doing?" napahinto siya nang makita ako.
"Bakit?"
"I'm asking you why are you here." syempre matutulog, ano bang ginagawa sa kama?
"Don't f*****g stare Luna, what do you want?"
"Gusto ko lang matulog." gusto ko na talaga muna magpahinga, napagod utak ko kakaisip.
"Then go to your condo!" napabangon ako nang sumigaw siya like hala bakit nagagalit?
"Hoy bakit ka sumisigaw, gabi na ang dami na kayang tulog."
"This house is sound proofed, so get out!" she yelled.
Tumayo nalang ako sa pagkakaupo at lumabas ng kwarto, malakas niyang isinarado ang pinto.
Gago ampota akala mo mamanyakin, pareho naman kaming babae.