Chapter 3

3430 Words
Luna Rae Callejo Pagkamulat ko ng mata ay bumungad sa akin ang kapatid ni Arya na nakangiti habang pinapanood ako. Napabangon agad ako at kinapa ang bibig ko para malaman kung may tumulong laway ba. "Good morning ate!" ang cute pero ang sakit sa tenga, akala mo sobrang layo ng kausap makabasag eardrums. Tinignan ko ang batang umupo sa tabi ko, nanonood pala siya ng spongebob at kapansin pansin talaga ang mukha niya, para kong tinitignan si Arya, ano nga ulit pangalan niya? Kesha? Yesha? Mezhia? "Zetia, come here drink your milk." ah Zetia, ang ganda naman. Napatayo ako nang hilahin ni Zetia ang kamay ko papunta sa kitchen table, umupo siya at tinatapik tapik ang katabi niyang upuan, sumisenyas na umupo ako rito. Pagkaupo ko ay napatingin ako kay Arya na nasa harapan ko lang. Naka white t-shirt na siya, oversized tapos naka tali ang buhok, mas maganda siyang tignan kapag nakatie ang hair- ha? Pinagsasabi ko? hatdog. Teka ano 'yung nasa leeg niya, kagat ba ng lamok? medyo mamula mula tapos ano. "Do yours." dumako ang mata ko sa lamesa nang Ilapit niya sa akin ang lalagyan ng kape at asukal, pati na rin ang tasa na may lamang mainit na tubig. "Salamat." sabi ko pero hindi niya iyun pinansin, umupo lang siya at matiwasay na naglagay ng teabag sa tasa niya. Napatingin ako sa mga pagkain na nasa lamesa puro non-fat, gan'to ba talaga kapag model? ang sad naman hindi nila nakakain ang cravings nila dahil sa dieting. "Ate Luna why you were sleeping on the sofa?" Zetia asked, pati magsalita kuhang kuha ang kaartehan ng ate niya. So paano ko ba ipapaliwanag sa batang 'to na pinalabas ako ng ate niya kagabi sa kwarto? ang arte akala mo may gagawin akong masama tss. Sasagot na sana ako nang magsalita si Arya. "Why you still here?" tanong niya habang pinupunasan ang gatas sa bibig ng kapatid niya. "Hindi ba't magkasama tayo sa bahay?" ayun ang sabi ng parents niya kahapon e, mali ba ako? Bumalik sa pagkakaayos ng upo si Arya at tinignan ako, bakit ba kung tignan niya ako ay parang laging may galit? "Remember when you said 'I will never ever sleep here with you, i have my condo so do your f*****g own business.' " she said as mocking those line. Sinabi ko 'yun? at kailan pa ako nagsalita ng ganyan kaarte? "Hindi ko m-maalala." "Use the guestroom next time." sabi niya pero hindi siya nakatingin sa akin, she is focusing on her phone habang ang kapatid naman niya ay tahimik na kumakain ng cereals. "Okay na ako sa sofa, salamat." "Hm what's your plan?" she asked. Hindi ako nagsalita at hinigop ang kapeng kakatimpla ko lang, plano pinagsasabi nito e hindi ko nga alam kung nasaan at kung ano ang una kong gagawin. "You left your phone in my room, someone's called you but don't worry i didn't bothered to answer it." napabuga ako nang maramdaman ang init nito, napaso dila ko. "Ahh sige, uhh kukunin ko lang." Tumayo ako at pumunta sa kwarto ni Arya, chineck ko agad ang phone pagkakuha ko ng bag at nakitang may missed calls galing kay lov- ma'am Auza. Shit, naalala ko ang sinabi niya pala na doon ako matutulog sa unit niya pero ayoko, hindi ko naman 'yun kilala. Nagulat ako dahil maraming nagnonotif sa f*******:, messenger at ig. Inuna kong buksan ang f*******:, nakita kong maraming bumabati sa akin ng Happy Birthday. November 18 2023, s**t! birthday ko nga. 2023, so 24 na ako? great, tumanda ako ng walang kaalam alam. Notification Sandie: Happy Birthday! Inuman tayo mamaya! Reese: Birthday you womanizer. Hunter: Happy Birthday Luna! Bukod sa kaniya ano pang gusto mong gift? Bryn: Gago tanda mo na, pustahan dilig later with *tot* Nicole: Hbd. Hindi ko na binasa 'yung iba ang dami kasi, nagpunta naman ako sa messenger at binuksan ang messages mula kay ma'am Auza. Love [Stella Quinn Auza] I'll wait, on my condo. 9:12pm Where are you? 9:30pm Are you ignoring me Luna Rae Callejo? 10:01pm Hindi ko naman alam kung saan condo niya 'saka ayoko talaga, nakakatakot lalo na't hindi ko naman siya kilala. Sabi nga nila don't judge by its cover, baka mamaya psycho pala siya kahit sobrang ganda niyang babae. Love. 10:25pm You missed a video call from Stella Quinn Auza. You missed a video call from Stella Quinn Auza. You missed a video call from Stella Quinn Auza. You missed a video call from Stella Quinn Auza. Fine. 11:30pm It's your birthday. 12:00am Happy Birthday, wish you were here. 12:01am Why are you doing this? you don't love me anymore? 12:11am Claim your birthday present, come here. 1:00am Huminga ako ng malalim para mabawasan ang bigat sa dibdib ko, ano ba talaga ang nangyayari? nasaan si mama, kailangan ko siya makausap. Hindi naman ako iyakin pero naiiyak nanaman ako. Nagtungo ako sa kitchen, nakita ko si Arya na naghuhugas ng mga tasa habang si Zetia naman ay papalapit sa akin at may hawak hawak na paper bag. "Surprise! Happy Birthday ate Luna!" she handed the paperbag to me, kinuha ko naman agad iyun at lumuhod para pantayan siya. "Thankyou baby, what is this?" "Secret, I bought that yesterday at the mall after we came here and I'm sure you will like it ate I promised." she kissed me on my cheek. Naalala ko nanaman ang pamangkin ko, namimiss ko tuloy siya, pati si mama at si Blaire, gusto ko na umuwi. "Aw sweet." I pinched her cheeks, nginitian ko siya at hinalikan sa noo. Nilapitan ko si Arya na busy sa pag aayos ng utensils. I cleared my throat before speaking. "Arya." she hummed as a respond. "Nasan sila mama?" napahinto siya sa ginagawa at tinignan ako she is glaring at me without any emotion on her face. "please sagutin mo nalang." pagmamakaawa ko. "They're having a vacation and as far as I remembered, you suggested it." I suggested? "I didn- "It's saturday, where do you want to go?" tanong niya habang nagpupunas ng kamay. "Ewan." maikli kong sagot, hindi ko naman kasi alam, at paano ako magpa-plano kung ganito ang sitwasyon ko? Unfamiliar places and people around me. "It's your birthday." "Alam ko." "Let's have a dinner later but for now i have to go, either wait here or come home earlier." hindi na ako nakasagot dahil umalis na si Arya sa harapan ko. I am here at Sandie's house with Reese, Casey, Hunter and Bryn. Nagsesetup sila para sa inuman daw namin mamaya, gusto ko sanang tumanggi kasi hindi naman ako umiinom kaso ngayon parang kailangan ko ng alcohol sa katawan, gusto ko malasing baka sakaling pag gising ko normal na ang lahat. Tinanong ko kanina si Sandie kung nasaan ang condo ko ma sinasabi ni Arya, una tumawa lang siya dahil nanggagago daw ako pero kinalaunan sinabi rin niya dahil sa pangungulit ko. Nalaman ko na hindi pala ako umuuwi sa bahay ni Arya, pumupunta lang ako kapag may family dinner. Tangina, nagkaamnesia ba ako? Impossible kasi nga kahapon naaalala ko pa ang mga nangyari, ano 'to time travel? "Luna, buksan mo na mga regalo namin." Hunter. Nag abot kasi sila ng mga regalo kanina pagkasundo sa akin ni Sandie. Una kong kinuha ang kulay pula na box, maingat kong binuksan at nagtataka kong inilabas ito. Lumingon ako sa kanila at nakita ko na lahat sila ay tumatawa. "Gamitin mo mamaya." sabi ni Hunter. Saan ko naman gagamitin 'tong posas? napakamot nalang ako ng ulo at nilagay ulit ito sa box. "Posasan mo si miss Stella." pahabol na sabi ni Hunter. "Huh bakit ko naman gagawin 'yan?" Inosente kong tanong rito na mas lalong nagpatawa sa kaniya. "Tigilan niyo nga si Luna mga gago kayo, at hindi naman kailangan ng ganyan, sigurado namang papayag si miss Stella nang walang sapilitang nangyayari, hindi ba Luna?" sabi ni Sandie habang tinataas baba ang kilay. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin, mabilis kong binitawan ang box na may laman na posas. "Tigil na nga guys, hayaan niyo siyang magbukas ng regalo mamaya, anong oras pala bebetime niyo ni miss Stella?" tanong ni Bryn na hindi ko pinansin, puro sila Stella nakakaloka wala naman akong plano kitain ang babaeng sinasabi nila. "Sandie, pwede bang dito nalang muna ako?" "Oo naman sure, pwedeng pwede kaso baka naman biglang pumunta dito girlfriend mo girl, ibagsak pa ako no'n." lahat sila ay may kani-kaniya ng hawak na baso na may lamang beer. "Dito muna ako mga ilang araw lang please." "Hoy gaga akala ko ngayon lang, plano mo na palang tumira dito, baka hindi lang girlfriend mo ang pumunta, pati fiance mo 'saka may condo ka naman Luna." inexpect ko na 'to, na hindi siya papayag. Tinungga ko ang isang baso ng beer na ibinigay ni Hunter, medyo nasuka pa ako sa lasa pero kaya naman. "Hindi masaya kung tayo tayo lang, invite kaya natin sila Nicole, masaya 'yun." napatingin kaming lahat kay Bryn. "Hindi pwede!" sabay na sabi ni Reese at Sandie. Nicole? ayun yung nagbigay kahapon sa akin ng box? Napatawa kami nang hampasin ni Sandie si Bryn sa braso ng malakas, napadaing naman agad ang lalaki sa sakit. "I think he is right, mas masaya if marami tayo." Casey. "Do you want to die Cas?" pagbabanta ni Reese rito. "Hmm I'll call them." tumayo si Hunter at kinuha ang phone niya sa sofa bago lumayo sa amin. Walang nagawa ang dalawa kung hindi ang pumayag dahil sa majority win, halatang halata sa kanila na napipilitan. Ilang oras ang lumipas, handa na ang lahat. Nakapagluto na rin kami nila Sandie ng mga pagkain. Nagmomovie marathon kami ngayon, tangina kinikilabutan ako sa pinili nilang panoorin. The handmaiden, korean movie siya uhh lesbians I think? tumataas balahibo ko sa mga scenes. Feel ko pa nga ay nagkatrauma na ako sa lollipop. Pagkatapos ng pinapanood namin ay naguusap usap kami about top at bottom, I'm not comfortable with it pero wala akong magawa kung hindi maki go with the flow sa kanila. Hindi nagtagal ay biglang may nag doorbell sa pintuan, tumayo si Sandie para tignan kung sino. "What are you doing here?" narinig namin na sabi ni Sandie, tumayo sila Casey, Reese, Hunter at Bryn nagtungo sila sa pinto kaya sumunod na rin ako. "What's wrong? bawal ba?" wait i think I know her, tama, siya 'yung babae sa rooftop. Her name is Sofia. "It's been a while, Andie." "Don't call me that, ang kapal ng mukha mo magpakita pagkatapos ng ginawa mo." "Hey don't be like that, pwede bang pumasok muna kami baka kasi umulan na." singit ni Nicole sa dalawa, buti nalang nagsalita 'to kasi kung hindi baka mamanhid na ang mga paa ko sa tagal na naming nakatayo rito sa pinto. Nasa sala na kami, tahimik naming pinagmamasdan ang dalawang babaeng nagpapatayan na ata gamit ang tingin. Grabe ang tensyon between Sofia at Sandie, iba 'yung titigan mga mare. I don't know pero mukha namang mabait si Sofia, siguro dahil maganda ang una naming pagkikita sa rooftop. "Ano guys magtititigan nalang ba tayo dito? Malayo mararating natin nyan." Naalis ang tingin ni Sofia kay Sandie nang magsalita si Bryn, mas marami mas masaya pala ha, jusme sobrang tahimik akala mo may lamay. She cleared her throat at tumayo sa kinauupuan 'saka tumabi sa'kin, nginitian niya ako at ini-abot ang maliit na kahon. "Happy birthday." "Uhm salamat." sabi ko at ginantihan ang matamis niyang ngiti bago tanggapin ang regalo. Naraamdaman ko ang matalim na tingin ni Sandie at Reese sa ginawa ko, ang mga kasama naman namin parang wala atang balak magsalita. "Nicole said you didn't accept my gift yesterday but I hope this time, you will." ha- ahh 'yung box kahapon, so siya 'yung sister ni Nicole na ano, ano nga ulit? "Nga pala ma'am, hindi mo naman sinabi na bumalik kana." sabi ni Hunter habang nagbubukas ng 1.5 na litro ng coke. "Oh hunt please don't call her ma'am, hindi na siya professor." singit naman ni Reese kay Hunter. So professor siya dati? hindi halata dahil parang kasing-edad lang namin 'to, ang ganda kasi parang si miss Auza hindi halata sa kanila. "You, bakit mo ba siya sinama? pauwiin mo." sabi ni Sandie kay Nicole. Hindi ko alam ang problema pero ang bastos naman ng sinabi niya, hindi ganyan ang pagkikitungo sa bisita erm kung ako, kahit gaano kasama ang ginawa sa akin ng tao hindi ko kayang komprontahin at paalisin ng ganyan. "You know what guys, let's just enjoy Luna's birthday nalang." Casey said. Lahat sila ay nagkaniya kaniyang pwesto, naiwan nalang malapit sa akin ay si Sofia, Sandie at Hunter. "I'm sorry for bringing myself here please don't blame Nicole, gusto ko lang batiin si Luna aalis rin ako agad." patayo na sana siya pero pinigilan ko ito. Sobrang lambot ng kamay niya parang kutis mayaman, malambot din naman ang sa akin kaso iba pala kapag nakahawak ka ng mas makinis at mas malambot, basta. "Kain ka muna bago umalis, may niluto kami diyan." pag-alok ko. Nakita kong umaliwalas ang itsura niya at mas lumawak ang ngiti kumpara sa kanina. "Sure." walang pagalinlangang sagot nito. Padabog na tumayo si Sandie at inayos na ang lamesa. Nagbukas si Bryn ng bagong beer at inabutan si Nicole at sa iba pa. Si Hunter naman nasa amin pa rin ang atensyon. "Uhh hindi sa pagiging bitter miss Bree pero feel free to message her naman, nasungitan ka tuloy ni Andie." sabi ni Hunter habang tumatawa. "She blocked me." Sofia said and chuckles, ay ako ba? "Well you can't blame her, ma'am." sabi ni Hunter at tumingin sa akin. Nanlaki naman ang mata ko nang biglang hawakan ni Sofia ang kamay ko. Nasa lap kasi ang kanang kamay ko, pinatong lang niya ang kamay niya roon. Babae naman ako pero bakit parang naiilang ako, hindi naman ako bading pero kasi ano. "That's why I'm here Hunt, I'll make it up to her." Sofia said at ngumiti sa akin. Shala ko naman, may fiance na may girlfriend pa tapos may ex pa na willing sa 'make it up, make it up' nayan, hindi uso move on sa kaniya ha'no? "Hmm sige miss-ma'am, Luna kuhanan ko lang kayo ng makakain." paalam ni Hunter, tumango ako bago siya umalis. Napansin kong hindi pa rin tinatanggal ng katabi ko 'yung paghawak niya sa kamay ko kaya ako na mismo humugot ng kamay ko sa pagitan ng hita ko at palad niya. "Sofia pangalan mo, tama?" natatandaan ko naman, tinanong ko lang for the eme. "Why you still acting like you don't know me, that's really weird na kinakausap mo ako ngayon and ikaw pa mismo ang pumigil sa akin na umalis. Tell me, pinapatawad mo na ba ako Luna?" Hays paano ako magtatanim ng galit sa kaniya eh hindi ko nga siya kilala, anubanaman. "Kinakausap ka na nga, ayaw mo ba? Haha 'saka kahit ano namang sabihin ko hindi ka din maniniwala katulad nila Sandie at Arya." "Arya? so the engagement is still on, I see." "You k-knew?" "How can I forget that? she is actually the reason why we need to separate." I parted my lips as i shocked, nakakaloka, aliw sa mga nalalaman ko ha kahit medyo masakit sa ulo. "Sorry, hindi ko na maalala." "No Luna, sorry for-" hindi niya naituloy ang sasabihin nang nagring ang phone na nasa bulsa ko, agad kong kinuha 'yun at sinagot ang tawag. Where are you? Tinignan ko ang caller at nagulat ako nang mabasa ang love, s**t dapat pala chineck ko muna bago sagutin. Napatingin ako sa katabi ko na mistulang nakikinig at hinihintay na magsalita ako. "Uh, ano sa..." Just tell me where you are Rae. Shit s**t, ayoko nga. Napansin kong hindi na nakatingin si Sofia sa'kin kaya tumayo ako at agad na pumunta sa labas. "Hindi pwede eh, b-bawal malaman." I'll call Sandie then. "Tek- *tot* At ayun, binabaan ako. Pagpasok ko agad kong hinila si Sandie papunta sa kwarto niya. Hindi niya pwedeng sabihin kay Miss Auza kung nasaan ako, ayoko. "Luna virgin pa ako, huwag please marami pa akong pangarap sa buhay! Hindi pa handa ang kipay ko bayoin ng dalir-" natigil siya nang tampalin ko ang bunganga niya, bastos ampota. "Mas virgin pa ang daliri ko kumpara sa kipay mo kaya pwede ba Sandie." "Lokohinmonenangmo, imposibleng hindi mo nabubutas si miss Br- I mean si Antillano tsaka si miss Stella, baka nga pati si Arya." "Ano bang pinagsasabi mo? Teka, kaya kita hinila dito para sabihin na 'wag mong sasagutin tawag ni miss Auza, sandie please ayokong harapin siya." pagmamakaawa ko dito. "Alam mo Luna ang weird mo na talaga, kung nagaway kayo ayusin mo, 'wag mong takasan. Huwag kang tutulad sa ginawa ng Sofia na'yon." ba't nasali nanaman si Sofia? "Ano bang ginawa niya Sandie, bakit ba galit na galit ka sa kaniya?" tanong ko na ikinatawa niya. "Gosh Luna for godsakes muntik ka na mapahamak dahil sa babaeng 'yan!" sigaw niya habang dinuduro ang labas. Siguro kung sana naniwala kayo sa sinabi ko na hindi ko maalala edi sana nagkakaintindihan tayo ngayon, kaso pakshet paano ako magagalit sa taong hindi ko alam kung anong ginawang mali sa akin. "S-sandie hindi ko alam." mamamalat kong sabi, naiiyak nanaman ako, bakit ba nangyayari ang bagay na 'to? "Luna." Hindi ko namalayan na yakap niya na ako. Ramdam ko rin na tumutulo na ang luha ko. Gusto ko na umuwi, naguguluhan na'ko ayoko na dito. "Sorry, hindi ko naman gustong ipaalala. Kalimutan mo na, tama na." sabi niya habang hinahaplos ang likuran ko. "I'll go with the truth." "That's so boring Nicole, dare na. I dare you to kiss me." sabi ni Bryn. Inirapan lang siya ni Nicole at kinuha ang isang bote ng alak 'saka itinungga iyon. "No need." tugon ni Nicole habang iwinawagayway ang boteng wala nang laman. Ang lakas uminom grabe, parang wala lang sa kaniya. "Killjoy." Bryn. "Okay next!" pinaikot ulit nila ang bote, at natapat ito kay Sandie. "Sandie, truth or dare." Itong si Hunter pansin ko ganadong ganado sa mga ganitong bagay. "Truth." "Why do you hate me?" nagulat ang lahat nang si Sofia ang nagsalita, don't tell me magsisimula nanaman sila? "You really want me to answer that? I think you already knew professor." she answered sarcastically. "Hmm, sa iyo ba ko may kasalanan miss Briones? bakit parang nagooverreact ka, as far as I know I didn't do anything bad to you." seryosong sabi ni Sofia. Magsasalita na sana ulit si Sandie kaso nabaling ang atensyon namin kay Hunter na kinuha ang bote sa harapan niya at itinungga iyon. "I got your back Andie." sabi ni Hunter at kumindat kay Sandie. "Bakit mo ininom?! Sasagutin ko s- "Tama na nga." pagputol ko sa sasabihin niya. "Birthday ko pero wala kayong ginawang iba kundi ang mag-away, aalis na ako." Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko, pagka-ayos ay agad akong lumabas at hindi sila pinansin pa tapos paglabas ko naalala ko walang maghahatid sa akin. Babalik sana ako nang maalala ko si miss Auza, should I call her? No, si Arya na nga lang. What? "Pwede mo ba akong sunduin? HN Resident Street 2." You have a car, why don't you f*****g us- alright wait me there. Huh ano kaya yun? "Salam- *tot* Ang babastos ng tao dito. Nasa kotse na ako ngayon, kasama ang moody kong fiance ayiee tanggap na. Shatap author hindi pa, keneme lang 'yan. Lumabas sila Sandie kanina para sundan ako pero dahil nagtago ako sa likod ng puno, wala silang Luna na nakita, kainis kasi puro nalang away, nakakaumay tapos hindi ko pa alam kung ano qng pinagaawayan nila. Sumulyap ako kay Arya na tahimik na nagmamaneho, nakita ko nanaman 'yung parang redmark sa leeg niya, ano yan chikinini? "Could you please stop staring at me?" "Ba't ka may chikinini? nagtataksik kana sa akin?" nauntog ako nang napa-preno siya bigla, ang sakit pucha, pag lingon ko sa kaniya ay nakita kong tinitignan nito ang leeg niya sa phone niya. Chikinini nga, huli ka balbon. "Shit." pabulong niyang mura, sana all ang expensive mag mura. "Chikinini nga?" tanong ko. "Mind your own business, let me remind you that." nagayos siya at muling ipinaandar ang sasakyan. Sungit, binibiro lang tsaka wala naman akong pake. Nang makarating kami, agad siyang nagtungo papasok sa bahay niya at iniwan ako dito sa passenger seat. Tangina ang attitude, wala manlang pasabi like 'beh andito na tayo'. Pagpasok ko nakita ko siyang nakatayo sa hagdan. "Let's eat, maliligo lang ako wait me there." 'saka siya umakyat papuntang kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD