Chapter 4

3384 Words
Luna Rae Callejo "Just answer it." naiiritang utos ni Arya dahil kanina pa tumutunog ang phone ko, kinuha ko agad ito sa bulsa ko at in-off. Hindi ko na kailangan tignan kung sino kasi alam ko naman na si ma'am Auza 'yun, hindi ko lang talaga alam kung papaano siya harapin kaya bahala na. "Luto mo lahat ng 'yan?" ang dami parang hindi ata ako matutunawan kapag kinain ko 'to lahat. "I ordered it before fetching you up." she said coldy, tumingin siya sa akin habang naghihiwa ng steak sa plato niya. Tahimik lang kami habang kumakain, maya't maya binitawan niya ang knife at fork na hawak niya 'saka kinuha ang paperbag na gold sa ilalim ng table, nilapag niya ito sa lamesa at inurong palapit sa akin. "Ano 'to?" tanong ko at kinuha ang binigay niya. "Gift." matipid na sagot niya. Naks, may pa regalo naman pala. "Gift lang? wala manlang pagbati or kaya kantahan mo ako ng happy birthday to you para masaya." pagkasabi ko ay inirapan niya lang ako at muling sumubo. Sungit. "Salamat ah." madali kong binuksan ang binigay niya, bag palang mukhang mamahalin na. Nanlaki ang mata ko nang bumungad sa'kin ang kulay silver combine with black na camera, s**t ang pagkakaalam ko Leica ito. Omg omg omg. Seryoso ba 'to? pangarap ko kasi talaga bumili ng bagong camera pero dahil sakto lang 'yung allowance na binibigay ni grandma sa akin hindi ko mabili bili ang gusto ko. "Para talaga sa akin?" naeexcite kong tanong sa kaniya, pinagmamasdan ko siya habang umiinom ng tubig, iniintay na sumagot. Pagbaba niya ng water goblet sa table walang emosyon siyang tumingin, tumango tango at nagpatuloy sa pagkain. Hm matakaw rin pala siya hindi halata sa katawan. Maingat kong kinalikot ang camera na bigay niya at sa sobrang saya ko hindi ko sinasadyang mapindot ang shutter release. Nakakuha ako ng matalim na tingin galing kay Arya dahil sa kaniya nakatapat ang camera na hawak ko, bukod kasi sa ang lakas ng tunog may flash pa. "Delete that." mautoridad niyang utos. Tinignan ko ang litratong kakakuha ko lang, nakuhanan ko pala siya habang sumusubo. "Ayaw." ang cute kaya tsaka first captured ko 'to, ganda kahit stolen shot, malinaw at puladong pulado ang quality. "Luna." "Ganito ka pala sumubo, ng ano- pagkain." "Is it there's anything else na sinusubo beside on that?" aba inosente ang ferson, ilang taon na ba 'to? "Oo meron, 'yung t- "Whatever, just delete it or else i will kick you out of here." sasabihin ko sana turon pero nevermind. Sa takot na masipa papalabas ay kunware ko sinunod ang gusto niya, hindi ko talaga dinelete. Nabalot nanaman kami ng katahimikan, hindi talaga ako sanay sa ganito katahimik, gustong gusto ko na maingay ang paligid ko. "Fiance mo ako 'di ba?" "I'm not going to marry you anyway." "Luh hindi din naman ako papakasal sa 'yo, ang sungit mo kaya tapos mukhang hindi ka pa marunong magluto at higit sa lahat, hindi kita type ha'no." pulado kong pagmamalaki sa kaniya. "What did you say?" "Hindi kita papakasalan." "Not that, I'm aware na hindi natin gusto ang isa't isa so our feelings are mutual." edi mabuti naman, isipin niyo nalang kasi kung ganito ka-sungit ang makakasama niyo buong buhay tangina baka pumanaw ka ng maaga aga. "Eh ano?" "I can cook Luna and i'm not masungit, it's just you-" huminto siya sa pagsasalita na parang nagaalinlangan sa sasabihin kaya sinundan ko nang ito. "Ha, marunong ka naman pala magluto bakit nag-order ka pa?" "I don't want to waste my time and effort just for this, just for you." napalunok ako ng sariling laway sa sinabi niya. Grabe ang sakit naman, tagos sa apdo, masungit na nga wala pang filter ang bunganga. Ganon na ba ako kawalang halaga para pagtuunan ng oras at efforts? Matapos niya sabihin iyun wala na akong nasabi kaya tahimik nalang kaming kumakain ngayon, hindi manlang siya na-guilty sa sinabi niya, birthday ko kaya! Naalala ko dati noong last birthday ko hindi ako nakapag celebrate dahil lahat ng tao sa mansyon masyadong busy, pati ang kaisa-isa kong kaibigan na si Blaire hindi ko nakasama that day dahil nasa ospital ang nanay niya. Well nangako naman si mama na babawi siya pero asan na? Kahit batiin ako ay hindi niya nagawa. Naangat ang tingin ko nang tumayo si Arya at nilagay ang walang laman niyang plato sa lababo, pagkatapos ay walang pasabing umakyat patungong kwarto niya. Binuksan ko nalang ang phone ko para tawagan si Sandie. Nagbago na isip ko, ayoko na dito. Pagbukas ng phone saktong tumatawag si miss Auza, kanina pa 'to kaya sinagot ko na. Luna. Ako lang ba o mas maganda ang boses niya sa call, mahina pero ang linis, husky na parang bagong gising lang. "Hi?" naghintay ako ng sagot mula sa kaniya pero wala akong narinig sa kaniya kung hindi ang paghinga niya, makalipas ang dalawang minuto narinig ko siyang humihikbi. Hala umiiyak ba siya? obvious naman Luna Rae. "Hala ma'am?" anong sasabihin ko? Rae please don't do this, stop ignoring me. Bumigat ang paghinga ko, first time kasi 'to na may umiiyak ng dahil sa akin, nadadala ako feel ko pati ako maiiyak ganon. Time check, 10pm na nagpahatid pa rin ako kay Sandie sa unit ni ma'am Auza, hindi na ako nagpaalam kay Arya kasi mukhang wala namang pake 'yun. Bakit andito ako? Be naguguilty ako sa hindi pagpansin sa kaniya, hindi ko maatim na may umiiyak tapos ako pa ang dahilan. I almost forgot pa na girlfriend ko 'raw' siya. Habang nasa byahe kami kanina ay panay tukso ni Sandie, nakakainis nga parang pinagsisisihan ko tuloy na pumunta ako dito. Pagpindot ng doorbell, ilang segundo lang ay bumukas na agad ang pinto, kunot noo niya akong tinignan. She is wearing black sleeveless night dress, nakalugay ang buhok niya at pansin rito ang pamumula ang ilong at mata. Buong araw ba 'tong umiyak? Jusme naman. Napabalikwas ako nang bigla nalang niya akong yakapin, naamoy ko nanaman 'yung scent niya, ang bango. Nanatili kami sa pwesto namin, humigpit lalo ang yakap niya kaya lalo akong naestatwa sa kinatatayuan. "Rae." Napabuga ako ng hininga dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko gamit ang malumanay niyang boses, hindi ko na alam kung kanino 'yung nararamdaman ko na t***k ng puso, sa kaniya ba or sa akin, sobrang lakas kasi. "Hmm?" nanginginig na tugon ko, kinakabahan ako. "Do you still love me?" she mumbled, tumatama sa leeg ko ang init ng hininga niya, nakakakiliti. Hindi ko siya sinagot, hinawakan ko lang ang balikat niya at itinulak ng bahagya ito para makita ang mukha niya, pinunasan ko ang luhang tumutulo sa magkabilaang pisngi niya bago nagsalita. "Uhm kumain kana?" she pouted at umiling iling. "Breakfast?" umiling nanaman siya. "Lunch?" umiling ulit siya, hala magpapakamatay ba ang babaeng 'to? "Potam- don't tell me pati dinner?" "I was waiting for you." matipid na sagot niya. "Gagi ka ma'am, hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom, what if mag collapse ka bigla? Professor ma kaya dapat alam mo ang makakabuti at makakasama sa 'yo." Naalala ko 'yung information na nalaman ko kay Sandie about sa kaniya, napakatalino niyang tao pero kahit pala anong talino mo basta sa pagibig magiging tanga ka talaga. "Well I am your girlfriend, you should also know that- "Hindi mo ba ako papapasukin?" pagputol ko sa sasabihin niya, baka kasi masermonan pa ako nangangawit na mga binti ko. Hinawakan ni ma'am Auza ang kamay ko at hinila papasok sa condo niya. Nakakamangha ang loob, sobrang ganda same taste kami, black and white. Pinaupo niya ako sa malambot na sofa at kinuha niya muna ang blazer niya 'saka isinuot iyun. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko na dahilan para bumigat nanaman ang paghinga ko. Tahimik lang siya na parang nag iisip ng malalim, mas lalo akong nailang dahil unti unti siyang yumakap sa waist ko. Napaka clingy masyado naninibago ako, i mean madalas kasi ako 'yung ganito kay Rusell pero iba pala ang pakiramdam kapag sa 'yo ginagawa ang bagay na ganito. "Uhh hindi kaba nagugutom? ipagluluto kita." sabi ko at agad na tumayo, napatayo din siya at hinawakan ang kamay ko. "No just sit here, it's your day ako ang magluluto." buti pa 'to maeffort, taena 'yung fiance ko mapanakit. Naglakad na papalayo si ma'am at ako naman ay bumalik sa pagkakaupo, kinuha ko ang remote para sana buksan ang TV niya nang mapansin ko ang picture na naka frame sa ibabaw ng lamesa. Teka, ako ito ah picture na kasama siya, gosh kailan 'to? "Aray." mahinang daing ko nang sampalin ko ang sarili ko, gusto ko lang masigurong totoo ang nakikita ko, holyshit ako nga. Pinikit ko ang mga mata ko ng ilang minuto nang makaramdam ng sakit sa ulo, napamulat ako dahil narinig ko si ma'am na nagsalita. "Rae come here." Tumayo na ako at nagtungo kung saan siya naroon, naglakad ako papalapit sa table. Busog na busog pa ako dahil kakatapos lang namin ni Arya pero ayoko naman balewalain ang effort ng babaeng 'to. Pagtingin ko sa niluto niya at napaawang ang bibig ko nang makita ang omelet sa plato, pucha hindi ba siya marunong magluto? Tangina seryoso ba? Omelet na nga lang sunog pa! "Sorry." pagkasabi niya ay kinagat ang ibabang labi niya at nahihiyang yumuko, kinuha ko nalang ang tinidor para tikman ang omelet. I appreciated her effort pero guys, be, mga ante sunog talaga. Napabuntong hininga ako at nag tungo sa refrigerator, kinuha ko ang karne ro'n at naghagilap ng iba lang kakailanganin sa pagluluto. "What are you doing?" narinig kong tanong niya. "Diyan ka lang, ako na ang magluluto baka magkasakit kapa kapag kinain mo 'yan." sabi ko at agad na hiniwa ang karneng baboy. Habang nagluluto naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa waist ko. Nasa likod ko siya habang nakayakap sa akin, agad akong napalunok nang gumalaw ang kamay niya papasok sa damit ko. Gag, tama ba yan? Naramdaman ko ang pag lapat ng palad niya sa tiyan ko papunta sa bewang ko kaya inagapan ko agad ito, binitawan ko ang sandok para hawakan ang kamay niya dahilan para huminto siya sa paggalaw. "Baka masunog 'yung a-adobo." nauutal kong sabi, lumayo ako ng kaunti at nagpatuloy sa pagluluto. Napaka wild amp. Nakangiti ako habang pinapanood kumain si ma'am Auza, she is enjoying my adobo. I'm so proud of myself dahil masarap pa rin pala ako magluto. Nag work ako dati sa restaurant ng kaklase ko noong wala pa kami sa mansyon, bata pa ako mga 18 or 19 and to be honest, being a chef is kinda hard though lalo na kapag maraming customers at ang init pa sa kitchen pero sobrang helpful din that time kasi bukod sa na-enhance ang cooking skills ko kumita pa ako ng pera. Habang tinititigan ko ang mukha ng babaeng nasa harapan ko ay hindi ko napigilan na mamangha, ang ganda niya talaga kasi alam mo 'yung kahit makapal ang kilay bagay na bagay iyun sa mukha niya, ngayon ko lang rin napansin ang mata niya. It's green na may pagkablue, cerulean ba or emerald? ay ewan hindi naman ako maalam sa mga color color na 'yan. Basta ang ganda, no need to wear contact lenses. "Sleep in here." napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Nabigla talaga ako sa ginawa niya kanina, akala ko may mangyayari na mabuti nalang straight ako. Naisipan ko na rin na kung pwede dito muna ako dahil sabi naman nila na girlfriend ko siya so i think normal na dito ako matutulog 'saka same gender naman kami, walang problema sa akin. "I have a small gift for you, sana magustuhan mo." "Anong gift?" tumayo siya at may kinuha sa purse niya na nakalagay sa mesa kung saan ko nakita ang picture namin kanina. Inform ko lang kayo na walang harang between kitchen and living dito sa condo unit niya kaya kitang kita. Nang makabaik siya sa pwesto may inabot siyang susi na may ducati na nakalagay sa keychain, kinuha ko ito at sinuri 'saka nagtatakang tumingin sa kaniya. "I bought you a motorcycle." napaubo ako sa sinabi niya at agad na nailapag ang susi sa mesa. "Tang- motorcycle?! small gift?!" "Don't you dare yell at me Rae, take it i don't really agreed when you are driving your car, ang dami mong sinasakay na babae." sinasakay eh hindi nga ako marunong mag drive! "Hindi ko matatanggap 'yan, sabihin na natin na mayaman ka pero ayoko. Napaka mahal ng motorcycle ma'am, ibalik mo nalang 'yan." kunot noo niyang sinundan ng tingin ang susi na inurong ko papalapit sa kaniya. Napakurap ako nang ako naman ang tinignan niya ng matalim na parang may ginawa akong karumaldumal, gosh tingin niya ba tatanggapin ko 'yun? ang expensive magregalo, okay na ako sa greetings lang at sa omelet niyang sunog. "Just accept it." Inirong nanaman niya pabalik ang susi. "and bakit ma'am ang tinatawag mo sa akin huh?" ano ba dapat eh professor siya diba? "Hindi ko talaga matatanggap 'yan uhm bab-babe?" sabi ko at binalik ulit sa kaniya. "What?" "What-what?" "Did you just called me babe?" hindi siya sumigaw pero may diin ang pagkakabigkas niya. Eh ano ba, pucha ano ba gusto niyang itawag sa kaniya? "Ano ba dapat?" padabog siyang tumayo at naglakad papunta sa gilid ko. Inikot ko ang sarili para harapin siya, magkalapit na kami ngayon. Napakaarte naman nito, callsign na nga lang mapili pa, kami nga ni Rusell 'hoy' 'pst' lang. Nagtitigan lang kami ng mga ilang minuto bago siya nagsalita. "Are you messing up with me?" "Pinagsasabi m-" napahinto ako at tumayo nang ilapit niya ang mukha niya sa akin, lalong kumunot ang noo niya sa ginawa ko, parang uusok na nga ang ilong nito sa sobrang galit. Hindi ba dapat ako ang magalit? muntik niya na akong mahalikan! Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa batok ko, pilit kong inalis 'yun kaso ang lakas niya kaya medyo nahirapan ako. Naisipan kong yumuko para makawala at nagtanggumpay naman ako. "Could you please stop avoiding me." "Hindi naman babe- ay baby?" "Love!" Love? ah s**t oo nga, love pala nickname niya sa phone, bakit ba hindi ko naisip agad 'yun. I held her hand and pulled her closer to me 'saka siya niyakap, wala na kasi akong maisip na paraan para manuyo amp bakit ba ako nanunuyo? "Tulog na tayo love, hm nakakapagod ngayong a-araw." "You-" tinigil niya ang sasabihin at huminga ng malalim. What if makipag break ako? pero ano naman ang idadahilan ko? at kung gagawin ko 'yun ngayon baka matulog ako sa kalye ng wala sa oras. Hindi na bale na, 'saka nalang. "Take a bath first, i'll get you something to wear." humiwalay na siya at naglakad papalayo, pumasok siya sa silid banda dulo at mukhang isang kwarto lang ang meron dito, pwede na siguro ako dito sa sala. Nang mahanap ko ang banyo ay pumasok na agad ako at nakita ang reflection ko sa malaking salamin na nakapwesto sa dingding. Napakalinis niya sa gamit, walang bahid ng kadugyutan. Naka-arrange ang shampoos ng maayos, liquid soap ang meron siya, napansin ko rin na dalawa ang toothbrush dito. Hinawakan ko ang laylayan ng damit ko, maghuhubad na sana ako nang bumukas ang pinto. Pumasok si ma'am Auza na may hawak na towel at bathrobe, nilapag niya ang mga 'yun sa bathroom counter at lumabas rin naman kaagad. Siniguro ko na nakalock ang pinto baka mamaya habang naliligo ako, pumasok nalang siya bigla. Nahubad ko na lahat ng suot ko, binuksan ko na ang shower at naramdaman ko ang pagtama sa mukha ko ng tubig, malamig ang tubig pero dahil mainit ang pakiramdam ko ay wala lang ito sa akin. Hanggang ngayon wala pa rin sagot sa mga katanungan ko, ilang taon na ang nakakalipas pero wala akong maalala at hindi ko manlang sila kilalang lahat. Nasan na si Blaire? kailangan ko ng bestfriend sa mga oras na 'to, pati sila mama wala. Unfamiliar din ang lugar na 'to, naengkanto ata ako. Pagkatapos ko maligo, nagpunas ako ng sarili at sinuot ang bathrobe. Ito lang ang suot ko kasi hindi ako naguulit ng panty at bra, pagkalabas ko ay kinatok ko si ma'am sa kwarto. "Come in." narinig ko ang sinabi niya at dahil nakaawang lang ang pinto, pumasok nalang ako rito at nakita siyang naka upo sa kama habang nakatuon ang mata sa kaniyang laptop. "There, wear it." turo niya sa mga damit na nakapatong sa gilid ng kama. Dahan dahan akong nagtungo at kinuha ang damit, lalabas sana ako para pumunta ulit sa bathroom pero napahinto ako sa paglalakad dahil nagsalita siya. "Rae saan ka pupunta?" nilingon ko siya at nakitang nakatingin na ito sa akin. "Uhm magbibihis?" "Tell me what the hell is wrong with you? First, hindi mo pinapansin mga calls and messages ko then second you dare to reject my gift and lastly you didn't even avoid my kiss and touches." "Hala siya magbibihis lang naman ako kung ano ano na sinasabi mo dyan, babalik naman ako ituloy mo na 'yang ginagawa mo." hindi ko na siya hintay na sumagot, lumabas ako at agad na nagbihis. Pagkakuha ko ng phone ko sa lamesa, nakita kong malapit na pala mag alas dose. Nakakaramdam na ako ng antok, feel ko pagod na pagod ako. Hindi ako bumalik sa kwarto niya, nilatay ko nalang ang katawan ko sa sofa at ipinikit ang mata ko. Third Person [ after Luna left at Sandie's house ] "Napaka kapal ng mukha mo, hoy professor for your information hindi kana niya kailangan, so bakit ka pa bumalik?" "I'm here to claim what is mine, Andie." "Oh really? after what you did may lakas ng loob ka pang sabihin 'yan? Let me remind you that she is not a toy, don't make her like one." "Yes my decision was wrong but i regret it Andie, that's why I'm here to make her back to me." "Hm same, we regreted na itinulak namin siya sa katulad mo." sulpot ni Reese at likod ni Sandie. "Reese." "The hell is wrong with you, pinaubaya ko siya sa 'yo pero anong ginawa mo? bigla ka nalang nawala." "She is engage!" this time hindi na napigilan ni Sofia ang pagpatak ng luha niya. "Just an arrangement marriage to be exact." Sandie. "That was the hardest decision i was made so please..." she kneeled down and reached Sandie's hand pero tinabig lang siya nito. "Just leave her alone, umalis kana." Luna Rae Callejo Pagkagising ko kinusot kusot ko ang mata ko, napabangon ako nang mapagtanto kung nasaan ako ngayon, pagtingin ko sa paligid wala si ma'am Auza kaya nagtungo ako sa kwarto at bathroom, wala rin. Nakita ko ang nakadikit na papernote sa ibabaw ng kitchen table. I don't know how to cook :( but I ordered a breakfast! I had a meeting today at university, take the motor key beside this note. See you, take care. Potam, hindi nga ako marunong mag drive! Nagpasundo nanaman ako kay Sandie, buti nalang talaga mabait 'to kahit sobrang nakakairita, ang daldal eh. Hindi ko kinuha ang susi ng motor na binibigay ni ma'am dahil nakakahiya kaya, ducati pa man din napaka mahal. Bale kailangan maplano ko na kung paano ako makikipag hiwalay sa kaniya, hindi ko naman kasi siya mahal, ni gusto hindi rin and nakakakonsensya dahil nagpapanggap ako. Nagpasama na rin pala ako sa condo ko na sinasabi ni Sandie, una hindi kami makapasok dahil may passcode ito. Ilang palo sa braso ang nakuha ko sa kasama ko dahil niloloko ko daw siya, kinalaunan nakapasok rin naman kami kasi 000000 lang ang passcode, napakatalino ng naglagay. Sabay kaming nagbreakfast, kinain namin 'yung binili ni ma'am Auza sayang naman kasi kung iiwanan ko 'to don baka mapanis lang. "Himala hindi ka uminom ng malala kahapon, nagbabagong buhay na ba ang Luna namin?" tanong niya at kumurapkurap na parang nagpapacute na aso. "Hindi naman talaga ako umiinom." "Hoy Luna baka gusto mong ipakita namin sa 'yo lahat ng ebidensya, purgang pura ka na nga sa alak." sabi nito habang tumatawa, hindi naman talaga e. Masyado kasing mababa ang tolerance ko sa alak, alam ni Blaire 'yun kasi kasama ko siya noong nalasing ako dahil kay Rusell. "Luna." "Hmm?" "Iwasan mo na si professor Antillano."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD