Chapter 5

3039 Words
Luna Rae Callejo "Class dismissed." Potnam sumakit ulo ko kay sir Daniel, hindi pa talaga ako ready sa ganitong sunugan ng kilay, biruin mo 1st year college palang ako tapos biglang talon sa 4th year? Be naman utak ko pang high-school, actually pang elem talaga hindi naman kasi ako matalino, talagang maparaan lang kaya naituwid ang high school life, tamang sipsip lang sa teacher tapos madalas dahil sa floorwax naisasalba ang mga grades. Sobrang laking adjustment ang ginagawa ko ngayon, hindi ko na nga alam kung anong nangyayari tapos dagdag pa 'tong pagaaral ko tapos alalaman laman ko pa na malapit na kami mag duty, baka makapatay ako ng wala sa oras. Hindi enough ang knowledge ko for that 'saka takot nga ako sa dugo! "Guys may chismis ako." pumunta si Bryn sa tapat namin. Nasa laboratory kami ngayon, may kaniya kaniyang grupo dahil kakatapos lang ng activity. "Ikaw kalalaki mong tao napakamarites mo." sita ni Casey. "Edi 'wag nalang." bago pa man siya makaalis hinila na ni Sandie ang damit niya pabalik, natawa kaming lahat nang sumalampak siya sa sahig dahil napatid siya sa paa ko kaya na out of balance ito. "Gago ka!" tumayo si Bryn at inambahan si Sandie, akmang sasapakin ito. "Sige subukan mo, tadyakan ko 'yang maliit mong- "Hindi naman sa pagmamayabang pero itong maliit na tinatawag mo nakascore lang naman kay Nicole, nag date kami kahapon at nang hinatid ko siya sa kanila at alam niyo na, censored. Nandoon nga si miss Bree at ito ang chika, narinig ko silang naguusap na magkapatid, ang sabi babalik daw dito sa univ si miss Bree." "Ano?!" sabay sabay nilang reaksyon, ba't parang ang oa? "Hindi pa naman daw sure kasi hindi pa naco-confirm ng dean, kamiss si ma'am ha'no?" pahabol pa ni Bryn na ikinasama ng mukha ni Sandie. "Tangina mo." Sandie. "Hm anong balak niya? sa dinami raming university ang pwedeng pasukan dito pa talaga." ika ni Casey habang naglalagay ng concealer sa mukha. Papalit palit lang ako ng tingin sa kanila dahil hindi ko naman alam kung anong nangyayari bukod sa babalik nga dito si Sofia- wait, dapat ma'am? professor? "Guess what? possible rin na siya ang pumalit kay sir Sebastian, same sila ng major." Hunter. "So? kahit naman bumalik siya dito wala na rin namang pake si Luna sa kaniya, diba?" turan ni Sandie habang nakatingin sa akin. "H-ha? ahh oo." "Sobrang laking problema kapag nalaman ni miss Bree kung sino ang pinalit mo sa kaniya." pinatong ni Bryn habang tinatapik tapik ang balikat ko, tangina gusto ko nalang matunaw at mawala rito. Inalis ko ang kamay ni Bryn at kumuha ako ang bottled water 'saka ito ininom, shuta bakit parang nape-pressure ako? Kinakabahan ako sa mga sinasabi nila, hindi maganda ang pakiramdam ko. Nakakapagtaka lang dahil hindi naman ako bading, lesbian or what, so paano ako nag girlfriend at may ex pa. Actually matatanggap ko pa 'yung arrangement marriage, hindi naman ako nagdesisyon 'saka no feelings attachment. "Reese ang tahimik mo." pansin ni Bryn sa babaeng kanina pa hindi umiimik, parang bad mood. "Huwag niyo na problemahin 'yan, kain nalang tayo nagugutom na ako guys." pag-aya ni Hunter. Oo nga pala wala akong pera sumabay lang ako sa kotse ni Sandie papunta dito, as in wala akong pera kahit piso. Sa condo ako nag stay kahapon hindi sa bahay ni Arya, wala naman akong natanggap na text or tawag mula sa kaniya, mukha namang walang pake sa akin yun, kailangan siguro makahanap ako ng trabaho habang hindi ko pa ma-contact si mama. Gusto ko rin sana puntahan ang puntod ng lola ko, hindi ko akalaing patay na siya, nakakabigla lang hays pati sila gandpa itatanong ko na rin kay Arya. "Sandie." pagtawag ko kay Sandie na palabas sana pero hinila ko ang damit niya para pigilan siya. "Bakit?" "Pahiram naman ng pera walang wala ako." sabi ko dito. "Seryoso kaba? napakayaman niyo kaya! Luna kung inaaning mo ako sinasabi ko sa'yo." mayaman? Si grandma lang mayaman hindi kami, 'saka wala na siya para bigyan pa ako ng allowance. Nilabas ko ang lahat ng laman ng bag na hawak ko at ipinakita sa kaniya, pati wallet dito ay binuklat ko na din. "See? walang laman ni piso, sige na please." "Tangeks ka talaga, lika na nga ako na bahala sa pagkain mo." Natapos na kami kumain nagpaalam ako sa kanila na pupuntahan ko muna si ma'am Auza. Naglalakad ako ngayon papunta sa office niya, tatapusin ko na kung ano mang mayroon sa amin, ayoko na patagalin pa dahil hindi ko naman siya mahal. Halos ilang beses akong kumatok bago magbukas ang pinto, pagkabukas ay bumalik agad si ma'am Auza sa pagkakaupo at itinuon ang mata sa ginagawa niya. "Rae, what is it?" so paano ko ba sisimulan? Dapat siguro dahan dahan lang at 'wag masyadong biglain, oo tama tama. "Hi maghiwalay na tayo." hala- Lalo akong kinabahan sa pag-angat ng tingin niya sa akin, napahinto rin siya sa pagsusulat at nakatitig lang ito na parang nagiisip ng malalim, mga ilang minuto, naglabas siya ng mabigat na hininga bago nagsalita. "Okay." sabi nito na parang wala lang sa kaniya. Nabigla ako sa sagot niya, teka agad agad? wala manlang bang 'am i not enough?' 'pangit ba 'ko?' 'kapalit palit ba 'ko?' 'then why!?' "Pumapayag ka?" nauutal kong tanong. Sabagay okay 'to, at least hindi na ako mahihirapan pang kumawala sa kaniya. "No." napasalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Huh sabi mo okay? ang gulo mo naman ma'am, walang bawian pumayag kana kaya." bumalik ang tingin nito sa desk niya at ipinagpatuloy ulit ang kanina niyang ginagawa. "Say what ever you want but my answer is still no." malamig na tugon niya. "Desisyon ka amp." napatakip ako ng bibig nang lumabas sa bibig ko ang salitang 'yun, propesor nga pala ang kausap ko. "So you are." "Hala naman, magbreak na kasi tayo." sabi ko na nagpabalik ng tingin niya sa 'kin, this time halata na ang inis sa mukha niya. "Do you even hear yourself Luna? bakit parang ang dali para sayo." binagsak niya ng malakas ang ballpen sa desk niya at ipinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. "Fine, give me a valid reason." "Erm professor ka at estudyante ako, bawal 'to baka makulong ka sa kasong pagpatol sa- "Lame." "Parehas tayong babae, magagalit si Lord." "He's not." she said at kinuha ulit ang ballpen 'saka nagsulat, rason naman 'yun ah? ano ba ang gusto niya? "Uhm" "Hmm?" "Hindi kita mahal." napahinto siya at agad binaling ang tingin niya sa akin. "Hindi po kita mahal at may fiance ako, hindi pwedeng dalawa ma'am." pagpapatuloy ko. Nagulat ako nang padabog niyang binagsak ang pen na hawak niya sa desk at tumayo, nagtungo siya sa may pinto para buksan ito at dinuro ang labasan. "Get out." i was about to speak when she unexpectedly yelled at me. "I said get out!" napalunok ako sa takot bago lumabas, pagkatapak ko sa labas ay rinig na rinig ang lakas ng pagkakasara ng pintuan. Gosh. Nandito na ako sa sala ng bahay ni Arya, nag commute lang ako at buti nalang nahiraman ko ng pera si Sandie. Hindi naman ako nahirapan sa pagpunta dito dahil natandaan ko naman ang address so nagtanong tanong nalang ako. I was waiting for Arya to get down here para makausap siya pero napakatagal talaga niyang bumaba kaya nagdesisyon nalang ako na puntahan nalang siya sa taas. Hindi ko pa kasi siya nakikita simula kanina, katok nga ako ng katok kaso walang nagbubukas buti nalang hindi naka lock ang pintuan. Pagpasok ko sa kwarto niya agad kong narinig na bukas ang shower sa bathroom, amp bakit ba lagi kong naaabutan 'tong naliligo? Hays maghihintay nalang ako. Napaka bango naman dito, amoy vanilla parang gusto ko tuloy kumain ng chocolates, nag ca-crave ako sa sweets. Inilibot ko ang mata ko sa kwarto niya, hindi naman halatang pink ang favorite color niya ha'no, straight girl ako pero hindi ko bet ang masyadong girly like this. Something caught my attention, ang camera na nakapatong sa lamesa niya, normal na camera lang ito na kulay puti. Lumapit ako at kinuha, kahit simpleng camera talaga nakukuha agad ang atensyon ko, binuksan ko ito at nakita ang magagandang tanawin, ang galing pala niyang kumuha ng litrato. I stopped from pressing next button nang makita ang isang litrato ng batang babaeng nakatingin sa sunflower habang nakangiti, si Arya ba 'to? "How dare you to touched my stuff?" agad kong in-off ang camera niya at nagmamadali niyang hinablot sa akin ito at nilagay sa kabinet. "Sorry tinitignan ko lang naman, hindi ko talaga alam na magagalit ka 'saka- "Stop, why you are here?" Iniisip ko kung magpapasama ba ako sa kaniya, what if ayaw niya? hays bahala na basta sinubukan ko. "Favor naman, baka pwedeng bitahin natin si grandma, puntahan na rin natin sila grandpa." "Go by yourself, i don't have time for that." "Sige na naman oh, samahan mo na ako please please please." Nawala ang pagka-salubong ng kilay niya nang hawakan ko ang kamay niya pero agad niyang inalis ang pagkakahawak ko, naglakad papalapit sa kama niya at dinampot ang phone sa ibabaw no'n. "I'll call Chloe para samahan ka." "Sino si Chloe?" napaatras ako ng bahagya nang hawakan niya ang damit ko bandang balikat, hinila niya ako papalabas sa kwarto niya. "Ary-" at ayun na nga sinarahan ako ng pinto. Shutangina naman itong babaeng 'to bibinggo na sa akin, ang ganda ganda pero ang pangit ng ugali. Nang makalabas ng guest ay agad akong nagtungo sa kusina at naabutan ko si Arya na nagluluto, akala ko ba hindi siya mag eeffort. Nakaupo ako sa harapan niya at pagsubo ko ay napatunayan ko na masarap siyang magluto. Hindi ko alam kung may pinapatunayan ba ito dahil sa sinabi ko last time or sadyang sinipag lang talaga siya. Sobrang sarap siya actually, 'yung sinigang. Bale sasamahan daw ako ni Chloe, personal assistant niya. Napakasosyal ha'no? may pa-personal assistant si ante mo pero no lies excited na ako makita sila grandpa and the same time nalulungkot rin sa nangyari about kay grandma, kahit naman hindi maganda ang nangyari samin pamilya ko pa rin siya. "You have a car, why don't you use it?" "Hindi nga ako marunong, paulit ulit ka." she rolled her eyes off from me. "Then call your parents and tell them na kuhanan ka ng driver, hindi 'yung inaabala mo ako palagi." napaka talaga, siguro kung naco-contact ko lang sila una palang iniwan na kita. Hindi na ako kumibo dahil baka hindi ko mapigilan sarili ko at kung ano pa ang masabi ko, fiance fiance naknampot. "She will fetch you tomorrow after your classes." Tumango nalang ako sa sinabi niya at tahimik na kumain pero mga ilang minuto lang ay hindi ko na natiis, umiral ang kademonyuhan ng bibig ko ayun nagsalita. "Ilang years na tayong engage?" "Don't start Luna." edi okay. Hindi na ata talaga siya maniniwala kahit anong sabihin ko, nakakainis, nakakabaliw, nakakapotah. "Hindi mo naman ako mahal, bakit ka pumayag?" tanong ko. Hindi rin naman siya magpapakasal eh bakit pumayag pa siya? ganon din naman kung tatanggi siya, pinapahirapan niya lang sarili niya. "Business thing." maiksing sagot niya na tango lang ang ginawa ko bilang sagot. Dahil talaga sa pera nakokontrol tayo, nakakainis lang isipin pero pag ako nagka-anak never kong pagbabawalan sa kung ano ang gusto niya o mamahalin niya, didisiplinahin siguro pero hindi 'yung aabot sa ako pa mismo ang pipili ng mapapangasawa niya. "They will probably settle everything after your graduation." after graduation so kapag hindi ako naka graduate, walang kasal? hmm. "So anong plano mo, during wedding ba tatakas ka gamit ang karwahe ng boyfriend mo?" "I don't have- it is none of your business." pagtataray nito. "Of course business ko din ito, ako kaya ang fiance mo pero kung gusto mong tulungan kita pwede naman. Ibabagsak ko nalang grades ko para hindi tayo ikasal." oha may naitutulong din naman ang utak ko kahit papaano. "Stupid, do not turn yourself into a trash." "Hindi naman 'saka pwede kaya magtrabaho ng hindi nakakagraduate ng college at sa totoo lang hindi ko rin naman gusto ang nursing kaya pabor sa akin iyun, may iba akong pangarap, balatuhan kita kapag naging successful ako." "Do whatever you want I don't care." buset, ngayon lang ako naka encounter ng babaeng ubod ng kasupladahan. "Sungit mo." "I'm not." "Oo kaya, bakit ang sungit mo sa akin?" "Can you please shut your mouth." gigil na saad niya. "Shuta ang ganda mo sana." napasalubong ang kilay niya sa sinabi ko, she is giving me a death glare. "maganda ka, sobrang ganda nga kaso ang sama ng ugali mo." dagdag ko pa dahil hindi siya nakasagot agad. "Look who's talking huh." "Hoy for your information, hindi ako masungit, laitera siguro at judgemental pero 'yung sungit na ginagawa mo ngayon? hindi ata kinakaya ng konsensya ko." she didn't bothered to response. "Ano favorite mong food?" pag-iiba ko ng tanong. Naisip kong lutuan siya bukas or sa susunod na araw para piece offering, makikipagbati na 'ko para dagdag points sa langit. "Since when do you care?" "Ngayon siguro." "You know what, just stop talking." nagtatanong lang. "Sagot na bilis, ano favorite food mo? hindi naman masama kung sasabihin mo." "I don't have favorites." Boring naman ng buhay nito, walang paborito, so lahat kinakain niya? Habang nagiisip na sunod na itatanong sa kaniya, bigla kong naalala 'yung camera na binigay niya. "Salamat nga pala ulit sa camera, ang ganda mahal siguro 'yun, paano mo nalaman na gusto ng mga ganoong bagay?" "I'm not the one who bought it." eh? "Ahh so parents mo? pasabi naman salamat." inirapan nanaman niya ako. "You are so daldal and why do you keep starting conversation between us? nabagok ba ang ulo mo?" siya na nga kinakausap, aarte pa. Hirap kaya mag first move lalo na kapag mapride na tao katulad ko! "Gusto ko lang ng kausap, masama ba? kung tatahimik lang tayong dalawa baka mabaliw na ako ng tuluyan dito." nasanay ako dati na laging kausap si Blaire mapa phone or personal, ang hirap kapag walang kausap. "As far as I remembered you doesn't want to talk to me." "Eh bakit naman?" "Hm maybe because i ruined your relationship with Sofia?" nanlaki ang mata ko nang banggitin niya si Sofia. "So alam mo, kilala mo pala siya." "I just knew her because you brought her years ago on our engagement dinner and you arguing with your parents infront of me." Hala kailan naman nangyari ang bagay na 'yun? nagaaway kami ni mama pero 'yung sagot sagutin siya sa harap ng iba? hindi ako 'yun, hindi ko magagawa. "Clean those plates before you go." tumayo siya at naglakad na papalayo. "Arya!" pagtawag ko, paakyat na siya sa hagdan, hindi pa rin siya lumilingon. "Ingrid!" she finally stopped. Dalian akong tumabo tungo sa kaniya at nang makalapit ako, nginitian ko ito na ikinakunot ng kanyang noo. Inikot niya ang buong sarili para tuluyan kaming magkaharap. "Gusto ko lang sabihin na dito ako matutulog ngayon, gamitin ko muna guest room ha?" "Did you just called me Ingrid?" "Oo mas maganda sa Arya kaya Ingrid nalang itatawag ko sa 'yo." nakita ko siyang napalunok bago tumalikod at naglakad papataas sa hagdan. Nakakainis bukod sa masungit at suplada siya, napaka pangit pa kausap. "Good morning!" pagbati ko nang mailapag ang niluto kong kare kare sa table tabi ng kama ni Arya este Ingrid, oo desisyon ako, 'yan na ang itatawag ko sa kaniya. Nang maimulat niya ng mata niya nanlaki ito nang makita ako at agad inikot ang katawan niya sa kabilang side, patalikod sa akin. "Get out, what the hell are you doing here again?!" sigaw niya habang nakatalikod. "Breakf- "Leave now!" she throwed her pillow on me, saktong tumama ito sa mukha ko. "Dinalahan lang kita ng breakf-" hinagisan niya ulit ako ng unan na kinuha niya galing sa bantang hita niya. "Labas!" Naglakad ako palabas sa sobrang inis, anong ugali 'yun? Taenang 'yan, paano naman ako magpapaka-anghel sa demunyitang fiance ko kung gano'n siya? makaalis na nga lang. Nag-ayos na ako ng mga gamit at agad na lumabas ng bahay, habang nagaabang ng masasakyan biglang nag vibrate ang phone sa bulsa ko. From: Love I'm sorry, let's talk. Hays, hindi pa pala tapos problema ko rito, tapusin mo na Luna tapusin mo na. To: Love Okay ma'am, after class. From: Love Stop calling me ma'am, Rae. I miss you. I love you. Binulsa ko na ang phone ko at nagfocus sa pagaabang ng sasakyan. Nang may nakita akong sasakyan pinara ko agad pero bago pa man ako makapasok, may pesteng tumulak sa akin at umagaw ng kaisa-isang bakanteng upuan. Sumasakit ulo ko sa mga nakapalibot sa akin. Lord mabait naman ako bakit hindi niyo nalang ho ako kunin? charot, 'wag muna po. Halos kalahating oras siguro ang lumipas bago ako nakasakay, mabilis rin naman ako nakarating sa University, may pogi akong katabi kanina emeged, ang bango pa amoy bench perfume na blue kaso sa kabilang tabi niya may babaeng nakaligkis sa braso niya kaya ramdam na ramdam ko ang pagiging single ko. Palakad na ako sa hallway papuntang classroom namin, napahinto ako nang makita si Sofia papasok sa katabing classroom na papasukan ko. Holyshit. "Class Dismissed." "Oo nga pala i almost forgot to tell you guys, may new professor na papalit kay sir Sebastian kaya hindi na papasok si miss Auza sa susunod niyong subject." pahabol ni ma'am Hillary. Si ma'am Hillary, medyo matanda na siguro mga 50 plus pero ang ganda pa, sobrang bait, sarap maging ina nito. Speaking of, 'yung bagong professor na sinasabi niya mukhang alam ko na kung sino, wala namang problema sa akin pero sa mga kasama ko, ewan ko nalang. mabait naman si Sofia, siguro? "Goodbye .a'am! Isang hi po sa anak niyong maganda!" sigaw ni Bryn. "Shit." mahinang mura ni Sandie nang makalabas ang professor. "Why?" Reese asked, padabog na ipinasok ni Sandie ang notebook niya sa loob ng bag niya bago nagsalita. "Did you guys saw her earlier?" "Sino?" tanong ni Hunter. "Goodmorning class B." lahat kami napalingon sa nagsalita. "Let me introduce myself first, my name is Sofia Bree Antillano and I am the one who will replace professor Sebastian."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD