Chapter 6

2696 Words
Luna Rae Callejo "Call me professor, ma'am, miss Antillano but avoid calling my name or my second name." sabi nito habang sinusulat ang buong pangalan sa white board. Sofia Bree Antillano Ibang iba siya tignan ngayon, mas decente, hindi na naka sleeveless, croptop, mga daring na damit. She's dressed like a professional professor at 'yung buhok niya hindi na black, blonde na which mas bumagay sa kaniya. Nilingon ko ang mga kasama ko at kita sa mga mukha nila ang gulat na may halong inis habang si Bryn naman ay nakangiti, nang maibalik ko ang mata sa harapan, nakatingin na siya sa akin. "Some of you already know me, ask them how strict i am." she stated still looking at me. "I don't want lazy students in my class." nang sabihin niya iyun ay may naramdaman akong may sumisiko sa tabi ko, si Sandie. "Gotta be kidding me." bulong nito. "That bitch." narinig ko naman sa kabila ko, si Reese. Sa wakas natapos rin ang subject ni Sof- este miss Antillano, nakahinga na ako ng maluwag, habang nagtuturo kasi siya ay panay ang tingin sa akin tapos puro ako pa ang tinatawag, iniiwasan ko pa naman na tawagin ako sa recitation. Buti nalang talaga nakinig ako kaya medyo tumama naman, lumabas rin agad siya pagkatapos magpaalam, mabuti nga at hindi niya ako nilapitan o kinausap. Ibang iba talaga siya ngayon. Habang papunta kami sa canteen, daldal ng daldal si Sandie, she is talking about miss Antillano nga. "Ano kayo ngayon, ang tatahimik niyo ah? susungit niyo sa kaniya, ngayon hawak na niya grades niyo mga kupal." saad ni Bryn habang tumatawa ng malakas pero malakas rin siyang nakatanggap ng palo mula kay Sandie. "Aray!" "Shut up Bryn or i will cut your d- "Hays tama na nga guys, mukhang mabuti naman ang intensyon niya sa pagpasok dito at malay niyo gusto lang talaga niya na magturo ulit." pagsingit ko. Napaka overacting naman kasi ng reaksyon nila pero i can't deny, maski ako kinabahan kanina. Nang makarating kami sa canteen, nakita namin sa isang table ang mga professors na magkakasama, sila ma'am Hillary, sir Daniel, ma'am Sasha at magkatabi si ma'am Auza at si Sof- pucha naman, sofia ako ng sofia! miss Antillano, miss Antillano, miss Antillano. "Ito ang sinasabi kong problema." "Huh?" tugon ko habang papaupo kami. I think wala namang problema dahil sama sama lang naman sila kumain, normal lang naman sa professors 'yan diba? "Curious ako ngayon kung anong iniisip ni miss Stella." Hunter. "Kabado malala 'yan for sure, ikaw ba naman mang-agaw ng girlfriend ng bestfriend mo." napaubo ako bigla sa sinabi ni Bryn, nasamid ako sa sarili kong laway. Shuta mag bestfriend sila?! "Hiwalay na sila ni Luna bago pumasok si miss Stella sa buhay ng kaibigan natin." sabi naman ni Casey. Para akong may pasan pasan na mabigat na bagay sa dibdib ko ngayon, ano ba 'tong nangyayari? 0inatos ko ba talaga ang magbestfriend na professors? Hindi, hindi. "Luna, wala ka manlang bang gagawin?" tanong ni Sandie sa akin. "I vote for team Bree." sampal nanaman ang natanggap ni Bryn kay Sandie matapos sabihin iyun, napahawak namang ito sa pisngi niya at natahimik. mukhang masakit 'yun be, ang lakas e. "Team Stella ako." Casey, lahat kami tumitig sa kaniya ng masama. "what? I like her for Luna." dagdag pa nito. "Guys wala akong pipiliin okay? kaya pwede bang umorder na tayo nagugutom na ako." sabi ko. "What do you mean wala kang pipiliin, you already have miss Stella?" Reese asked. Hindi nagbabago isip ko, kailangan ko siyang hiwalayan kasi wala naman akong nararamdaman sa kaniya. "Tama na kakastella, makikipag hiwalay na ako sa kaniya." maiksi kong sagot. "Ano?!" sabay sabay silang nagulat. Napatingin pa nga halos ang lahat sa gawi namin, pati na rin ang mga professors. "Baliw kaba?" bulong ni Sandie. "Team Bree." nyemas 'tong si Bryn. "Hindi ko siya mahal, hindi ko pwedeng ipilit na mahalin siya kasi sobrang mali, ayokong patagalin ang relasyon na meron samin na hindi naman ako ang may gawa, I mean hindi ko nga maalala kung paano naging kami." paliwanag ko, lahat sila parang na speechless sa sinabi ko. "Luna are you sick?" Reese asked. "Tangina sinasabi ko na nga ba't mahal mo pa 'yang s- "Sandie tama na please hindi ko mahal si ma'am Auza at pati si Sofia, kahit 'wag niyo na akong paniwalaan basta suportahan niyo manlang sana ang desisyon na gagawin ko." seryoso kong sabi. Naiiyak ako pero hindi pwede dahil maraming tao baka mamaya maiskandalo pa buong campus, nakakahiya. "Let's just go home, wala naman na tayong subject mamaya." tumayo si Reese at dirediretsong naglakad papalabas. Si Hunter naman pumunta ng counter para bumili ng pagkain, sumunod na rin si Casey at Bryn, naiwan kami ni Sandie na nagtititigan. "Kaibigan mo ako Luna, are you sure about that?" tumango ako bilang sagot. "alright it's your choice naman, bibili lang ako ng pagkain natin." ngumiti si Sandie at sumunod na rin kila Hunter. Huminga ako ng malalim at inilabas ang phone ko, nakita ko agad ang message ni Ingrid. From: Ingrid Chloe is on the way, she will wait for you. To: Ingrid Salamat, sungit. Nang makabalik sila sa table nagsimula na kaming kumain habang pinaguusapan ang lessons kanina. Masaya naman sila kasama pero iba pa rin dahil hindi ito 'yung buhay at mga taong nakasanayan ko. Alam niyo ba 'yung feeling na para kang naliligaw? Sinasabi ko sa sarili ko na kakayanin ko 'to, maibabalik rin sa dati ang lahat. "Hi miss Luna." nakangiting salubong sa akin ni Chloe, personal assistant ni Ingrid. "Luna nalang." Pinagbuksan ako ni Chloe ng pinto sa sasakyan which is nakakahiya dahil may kamay naman ako, mukhang masiyahing tao itong assistant ng fiance ko dahil hindi nawawala ang ngiti sa mukha niya. "Hm anong gusto mong unahin, lola mo or lolo?" bakit parang double meaning? "Uhm si lola muna Chloe, salamat." "No problem, basta call me anytime kung kailangan mo, fiance ka naman ni ma'am Ar kaya gora lang." sabi nito. "Salamat ulit Chloe." mas lalo pang lumawak ang pagkakangiti niya. "Alam mo ang tagal niyo na palang engage ngayon lang kita nameet personally, hindi ka naman ata masama katulad ng kwento niya." napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. "Wdym masama?" "Sabi ng amo ko sobrang sama daw ng ugali mo, womanizer, pala-inom at marami pang iba. Blacksheep nga daw ang bansag sa 'yo." Potangina? "Fakenews." sabi ko sa katabi ko. Tanginang Ingrid nayan naninira pa. "Alam mo masungit rin 'yan si ma'am Ar, lalo na kapag 'yung taong kausap niya ay walang isang salita, balita ko nga may ex 'yan na until now inaantay pa niya." ay shala, ang daldal si ante mo Chloe minamarites pati amo. "Ahh, wala naman kaming plano ituloy ang kasal." "Di mo sure." mapaglarong ngumisi ito sa akin. "Anong hindi ko sure?" "Hindi kaba nafafall ka ma'am? magkasama kayo sa bahay hindi ba? maganda siya, sexy at higit sa lahat masarap magluto." Huminga ako ng malalim at pumasok nanaman sa isip ko kung bakit hindi ko sila kilalang lahat. Don't tell me nagswitch kami ng isang ako sa kabilang mundo haha that's funny, ayan Luna novels pa. "Hindi kami magkasama, may condo ako." "Hala we?" gulat na tanong nito. "Oo 'saka straight ako Chloe lalaki ang gusto ko at pangarap na makasama ko habang buhay." "This way." turan ni Chloe habang itunuturo ang daan. Parang ang sosyal naman ata masyado ng mga libingan dito, lahat ng puntod may kani-kaniyang shelter hindi siya 'yung patong patong na magulo. Habang naglalakad kami tinignan ko kung anong oras na, sana maabutan ko pa si Miss Auza mamaya sa school para matapos na ang kung ano mang meron sa'min. Hindi kasi pwede na ganito nalang, hindi pwedeng may relasyon kami kahit wala akong gusto sa kaniya. "Chloe gaano katagal kana kay Arya?" tanong ko, para naman malibang libang, nakakatakot kasi dito kahit sobrang maliwanag ayokong pumupunta sa gan'to dahil napapalibutan ka ng mga patay at malay mo ilan sa kanila sumusunod na sa 'yo. "Siguro mga apat na taon na, bakit mo naitanong? wala ka bang tiwala sa akin kaya tinatanong mo background ko?" "Hindi naman sa ganon eme lang, ilang taon na si Arya?" mapatingin ito sa akin pero hindi pa rin kami tumitigil sa paglalakad. "Hindi mo alam?" umiling lamang ako, tumawa siya bago muling nagsalita. "Hindi naman halatang ayaw niyo talaga sa isa't isa ni ma'am hano?" "Isang taon ang agwat namin 25 na siya at ako naman ay 24 palang, ikaw ba Luna?" "20." napahinto siya sa sagot ko. "Niloloko mo ba ako? sabi ni ma'am Ar fourth year college kana? Luna kahit hindi ako nakapag aral sinasabi ko sa 'yo hindi ako nagpapaloko ng ganon ganon nalang." Oo nga pala 2023 na at fourth year college. Hays pati taon ko hindi ko na alam, sigurado ba sila na wala akong amnesia? "Feel ko magkasing-edad lang tayo." sunod na sabi ni Chloe at muli naming ipinagpatuloy ang paglalakad. Nakarating na kami, medyo limang minuyo rin namin hinanap ang libingan ni grandma, agad kong tinignan ang lapida at totoo ngang siya 'yun dahil may litrato at kita ko ang buong pangalan niya rito. Naiyak ako nang makita iyun, hindi ko napigilan ang emosyon at luhang dumadaloy sa magkabilang pisngi ko. Hindi manlang kami nakapag ayos bago siya bawian ng buhay, mabait naman talaga siya, manipulative nga lang. Ang sakit sa dibdib. Sa sobrang sakit hindi ko namalayan na unti unting dumilim ang paningin ko hanggang sa wala na akong makita at maramdaman. "Luna!" Third Person "Luna!" Bago pa man siya masalo ni Chloe ay mabilis na bumagsak ang katawan niya sa sahig, nagpanic ang dalaga dahil alam nitong malalagot siya kapag may nangyaring masama kay Luna. "s**t hindi ako pwede mawalan ng trabaho, ako nalang ang inaasahan ng pamilya ko." bulong ni Chloe sa sarili. "Luna, gising." umupo ito at inilagay ang ulo ni Luna sa bandang dibdib niya, marahan niyang tinapik tapik ang mukha nito pero wala pa rin. Dahil sa takot ko nagmamadali niyang kinuha ang telepono sa kaniyang bulsa at agad na tinawagan si Arya. Nakailang dial na ito ngunit hindi siya sinasagot, nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ni Chloe dahil unang beses niyang makakita ng ganito. "Oh my." nagulat siya nang marinig niya ang kakasulpot lang na babae sa likod niya. Lumapit ang babae at akmang kukunin ang uluhan ni Luna nang pigilan ito ni Chloe. "Excuse me, sino ka?" "You don't have to know, let me take care of her." aroganteng sabi ng kararating lang na babae at sapilitang inilipat sa kaniya ang uluhan ni Luna. "Hoy miss! for your information kasama ko ito." agad ibinalik ni Chloe ang Ulo ni Luna sa kaniya. "I don't care, just leave." saad ng babae at isinandal nanaman niya si Luna sa kaniya, bago pa ulit bawiin ni Chloe ito, may dalawang lalaking dumating. Mas lalo nagpanic ang babaeng kasama ni Luna dahil binuhat ng dalawang lalaki ang walang malay na katawan nito at 'saka agad na naglakad papalayo. "Hoy!" susundan pa sana ito kaso may isa pang maskuladong lalaki ang pumigil rito. "Anuba! bitawan mo ako." Luna!" Luna Rae Callejo Argh, ang sakit ng ulo. Pagkamulat ng mata ko bumangon agad ako, nakita ko ang babaeng kakapasok lang sa kwartong 'to, si Sofia. Saglit nga, nasan ako? anong ginagawa ko dito? s**t si Chloe? "Damn, are you okay?" halata sa kilos niya ang pagaalala, bakit si Sofia ang narito? "How are you, may masakit ba? nasugatan ka ba? 'yung ulo mo kamusta?" sunod sunod niyang tanong sa akin. Ulo ko? okay lang, ulo pa rin naman. Umupo siya sa gilid ng kama kung saan naroon ako at agad niyang hinablot ang braso ko para tignan ito, hindi masakit ang pagkakahablot niya rito at nang masigurong walang galos, isa isa naman niyang tinignan at hinawakan ang mga parte ng mukha ko. "Thank God." she let out a heavy breathe. Bago pa man ako makapag salita, sunod na pumasok ang babaeng nakasuot ng lab gown, gray ang buhok nito at may pagkacurly. "She is fine, walang injuries na nakita sa kaniya, stress lang siya kaya kailangan niya muna na mag pahinga." "Thanks doc." "No problem Bree, welcome back nga pala buti naman naisipan mong bumalik rito, alam mo ba nung nawala ka, nabawasan ang university ng isang maganda at magaling na professor." "That's so sweet but long story doc Lin and again, thank you for taking care of her. I owe you a lot since I've got here." nasilayan ko nanaman ang ngiti ni Sofia. "Wala iyun ano ka ba, sige mauuna na ako at ikaw Luna magpahinga ka muna rito." tumango lang ako at ngumiti. Nang makalabas ni doc ay tumayo na si Sofia at pumunta sa may lamesa, nakita kong may inilabas siyang pagkain sa brown na supot at binuksan ito. "You need to rest but you should eat first." lumapit ulit siya sa akin dala dala ang pagkain na inayos niya, kumuha siya gamit ang kutsara at itinapat sa bibig ko. "porridge, come on." "Hindi naman ako gutom ma'am, kakatapos ko lang kanina." pagtanggi ko. "Exactly, kanina kapa kumain so you need to eat this." "Hindi nga po ako gut-" natigil ako dahil ipinasok niya qng kutsarang may laman na lugaw sa bunganga ko, nauntog pa 'yung kutsara sa ngipin ko pucha ang sakit. "Don't be stubborn Luna, look what happened, gosh you're so thin." Luh sexy kaya ako, hindi payat. "Oo na, akin na 'yan ako na magpapakain sa sarili ko, hindi naman ako paralyzed para subuan mo." mabilis na kinuha ko ang lugaw sa kaniya at sumubo. Pagkatapos kumain, pinahiga niya na ulit ako at inayos ang kumot sa ibabaw ko, sabi na mabait naman talaga siya, ano kayang rason kung bakit galit sa kaniya sila Sandie? "Professor Antillano?" "Call me miss Bree, you silly." "Ha? ah miss Bree, paano ako napunta dito?" "I don't know, one of my student said that you are here, what happened to you?" tanong nito. "Nasa seminteryo kasi ako kanina tapos pag gising ko nandito na ako." pagpapaliwanag ko, si Chloe kasi ang kasama ko kanina pero bakit wala siya? sino ang nagdala sa'kin dito? "Why are you there?" she asked. "Visiting my grandma." sagot ko na ikinagulat ng mukha niya hindi naman 'yung oa na gulat, gulat sa mata lang. "Is she- dead?" "Oo nabigla nga din ako, pag gising ko nalang sinabi ni Arya na patay na siya." "I'm sorry." "Ikaw ba pumatay?" "What? of course not." "Oh hindi naman pala eh bakit ka nagsosorry? okay lang baliw, lahat naman ng tao namamatay sadyang may nauuna lang." tumango tango lang siya sa sinabi ko at ngumiti ng bahagya. Ilang minuto kaming natahimik, nakahiga ako at siya naman ay nakaupo sa upuan malapit sa akin, wala ba siyang klase? naabala ko pa tuloy. "Uhm miss Br-" Itatanong ko sana kung anong rason kung bakit saglit sila Sandie sa kaniya kaso bigla rin itong nagsalita. "Lun- okay you go first." "Hindi, ikaw nalang muna." "Okay, about your engagement, magpapakasal ka ba talaga sa kaniya?" Hindi ko ine-expect na itatopic niya ang arrangement marriage namin ni Arya, hindi ko alam isasagot ko. Ex ko 'to right? parang nakakailang kasi pagusapan. "It's okay kung ayaw mong sagutin, aalis na ako and take a rest, okay?" ngumiti siya bago tuluyang umalis, gusto ko matulog pero hindi ako inaantok. Naguguluhan, napapagod na isip ko kakaisip, peste naman. Papalakad ako ngayon palabas ng university, bukas ko nalang siguro kakausapin si ma'am Auza, ang sakit kasi talaga ng ulo ko pati phone at bag ko wala, buti nalang pinahiram ako ng pera ni doc Jin. Hay nako Luna, utang ka ng utang wala ka namang trabaho. Naka sakay na ako papunta sa bahay ni Arya, itatanong ko ang nangyari 'saka baka alam niya kung nasan si Chloe, nasa kaniya kasi bag at phone ko. Pagbaba ko sa sasakyan, nagtaka ako dahil nakita kong bukas ang pinto at may mga lalaking nakasuot ng uniporme na pang pulis, anong meron? "Do your f*****g job!" bungad agad ang lakas ng boses ni Arya. Lahat sila napatingin sa akin pagkapasok ko ng pintuan. "Luna."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD