Luna Rae Callejo
"Luna."
Nagmamadaling naglakad papalapit si Chloe sa akin at katulad ng ginawa ni Sofia, tinignan din niya kung may galos ako o kung ano sa katawan habang si Arya naman kinausap ulit ang mga palice pero this time mahinahon na siya.
"Tang- kanina pa kami nagaalala sa iyo." huh kaya ba may mga police?
Don't tell me pinahanap nila ako sa mga 'yan? parang mga tanga like beh nasa university lang ako, nagpapahinga.
"Sorry talaga Luna, sinaktan ka ba nila? kamusta? anong ginawa nila sa 'yo?" ano ba naman itong babaeng 'to, akala mo naman talaga.
"Ikalma mo nga, okay lang ako, nagising ako kanina na nasa mabuting lagay, sa clinic ng LU. Hindi ko nga alam kung sino ang nagdala sa akin don." pagkatapos ko magsalita, hinila ako ni Chloe papalayo.
"Aray."
"Sorry sorry, kasi ganito 'yun, pagkatapos mo himatayin ay may pakialamerang kumuha sa'yo, hindi ako makalaban kasi mga mga alipores siya." si Sofia lang naman ang nakita ko pagising ko pero sabi niya hindi siya ang nag dala sa akin doon.
"Chloe tinatakot mo naman ako."
"Totoo nga Luna, ipapahanap ka ba namin sa police kung niloloko kita? maganda siya, matangkad tapos sexy. medyo maldita tsaka masyadong paladesisyon, biruin mo ako kasama mo pero siya kumuha sayo." maganda, matangkad, sexy, maldita? si Arya lang naman kilala kong maldita.
"Where have you been?"
"Ay potahka!"
"Pot-what?" si Arya pala, bigla nalang sumulpot.
"Excuse me ma'am Ar mauuna na po ako, may sakit po kasi ang kapatid ko. pasensya na po talaga hindi na mauulit ang nangyari pangako." paalam ni Chloe.
"It's fine, go ahead and tell me if you need anything." Arya said, mabait naman pala siya ha'no.
Ngumiti si Chloe at nagpasalamat bago tuluyang makaalis, at nang kaming dalawa nalang ang naiwan ngayon. Naglakad siya papuntang refrigerator para kumuha ng tubig, nagsalin siya sa water goblet 'saka ininom ito, pagkatapos ay muling itinuon sa akin ang mata niya.
"I said where have you been?" malamig ang pagkakabigkas niya ng bawat salita, parang nanay kong nanenermon kapag may ginagawa akong kalokohan.
"Luther University."
"Next time matuto kang magpaalam, hindi 'yung nang-abala ka pa ng maraming tao." umirap siya bago ako lagpasan.
"Makakapag paalam ba ako sa ganong lagay!" sigaw ko pero tuloy tuloy pa rin siyang naglakad papaakyat.
Ibang klase talaga, imbis na tanungin kung okay ako nagsungit lang.
Buset.
Nakita ko ang mga gamit ko sa sofa kaya kinuha ko ito bago pumunta ng guest room kung saan ako natulog kagabi, naghubad muna ako ng pangtaas na damit bago humiga.
Feel ko pagod na pagod ako. Ipinikit ko ang mga mata ko at tuluyan nang nakatulog.
"Taena ano ba! gabing gabi na!" sigaw ko sa kasasagot ko lang na tawag, hindi ko na tinignan kung sino dahil antok na antok ako.
Hello miss, ikaw ba si Rae? bartender po ito, 'yung babae kasing may-ari ng phone lasing na lasing at tinatawag ang pangalan mo. agad kong tinignan ang caller at nakitang number ito ni ma'am Auza.
Hala bakit ako? anong gagawin ko? boset naman talagang buhay 'to oh.
Bumangon ako at nagbihis bago kinuha ang wallet sa bag ko, mabuti nalang malaki ang perang pinahiram ni Sandie sa akin.
"Hello paki send nalang po ng address, salamat." sana may pwede pang masakyan ng ganitong oras pucha naman alas dos, alas dos be.
Dalian akong lumabas ng kwarto at sa kasamaang palad nakasalubong ko si Arya na napahinto din sa paglalakad, may dala dala siyang isang baso ng tubig.
"Uhm may pupunt-" nagpatuloy siya sa paglalakad at hindi ako pinansin, okay ingat ka Luna.
Pagkalabas ko ay nang walang katao tao kaya medyo natakot ako ng bahagya, mahilig kasi ako manood ng mga horror movies with Blaire dati, puro horror lang ang genre kapag nag momovie marathon kami.
Naiimagine tuloy.
May mga sasakyan pa naman ang dumadaan kaso bilang nalang, nagtanong tanong ako sa mga driver kung madadaanan nila 'yung address na tinext ni kuyang bartender sa akin at swerte dahil may natanungan akong dadaan raw doon.
Habang nasa byahe hindi ko mapigilan na yakapin ang sarili dahil sobrang lamig, ang layo pala ng bar na 'yon. Kinakabahan ako at hindi ko alam ang pwedeng mangyari pero ayoko naman hayaan nalang 'yung taong lasing, baka mamaya may gago pang gumalaw do'n, edi kargo ko 'yun dahil ako ang tinawagan.
Paglabas ko ng sasakyan, hindi na ako pinabayaan ni manong kasi wala naman na daw talagang byahe na napadaan lang siya.
Edi ako naman nag thankyou nalang kasi kailangan ko din ng pera, eechos paba ako?
"Excuse, miss Rae?" salubong ng isang lalaki sa akin, ito siguro 'yung bartender.
"Opo, asan siya?" tinuro niya ang kinaroroonan ni ma'am. Nakita ko siyang lantay na nakaupo at ang ulo ay nakasandal sa counter halatang halata ang pagkakalasing nito.
Tinawagan ko muna si Sandie para puntahan kami at sinabi ko ang address ng bar bago naglalakad papalapit sa propesor ko, nang makalapit ako tinapik tapik ko ang balikat niya at tinawag siya pero hindi ako nito pinapansin.
"Uy ma'am Auza." tinawag ko siya habang mahinang inalogalog.
"Go away i don't need you! i want her, only her!" at dahil her lang ang naintindihan ko, hinawakan ko ang balikat niya para iangat siya kaso itinulak lang ako ito, napahawak ako sa tagiliran kong tumama sa katabing upuan, ang sakit tangina.
"Gosh ma'am tara na, iuuwi na kita." sinubukan ko ulit ilagay ang braso niya sa balikat ko kaso nanunulak siya beh.
"You!" Itinuro niya ako at nagulat ako nang bigla siyang umiyak, putek bakit ang cute tignan? "Call Rae and tell her she is an asshole!" ano daw? Rae? A
asshole?
"Hala, ako 'to oh kaya tara na." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at 'saka inilapit iyun sa kaniya, hindi naman sobrang lapit, sakto lang.
"Rae?"
"Opo."
"Oh, rae rae go away come again another day." she sang and let out a soft laughed na nagpangiti sa akin, ewan basta ang cute.
"I think i like you more than-" huminto siya at nawala ang ngiti sa labi ko nang hawakan niya ito.
Tahimik kaming nakatitig sa isa't isa, parang bumibilis ang t***k ng puso ko, mula sa pagkakatingin sa mata niya bumaba ang tingin ko sa mga labi niya.
Dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa sa akin at hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinigilan. Hindi ko na mabilang kung nakailang lunok na ako, nananatili pa rin ang mata ko palipat lipat sa mata at labi niya at bago pa man makalapat ang labi niya sa labi ko ay,
"Luna!" si Sandie.
"Naknampota ang bigat!" ma'am Auza passed out pagkatapos sumuka banda sa may dibdib ko kanina.
Ngayon ay pasan pasan ko siya sa likod habang naglalakad patungo sa unit niya habang si Sandie naman ay dala dala ang gamit niya.
Tanginang Sandie, kanina pa tawa ng tawa ang sarap batukan, sa totoo lang guys ligong ligo na ako sa mga oras na ito, feel ko pati ako masusuka sa amoy.
Nang makarating kami agad ko siyang inihiga sa kama niya.
Hinawakan ko ang braso ko at minasahe ng bahagya, ang sakit kasi, nakakangawit, ang bigat pala ng babaeng 'to hindi halata dahil sa balingkinitan niyang katawan.
Naalala ko nanaman na muntik magdikit ang mga labi namin kanina shet kung sakaling natuloy, siya sana ang kauna-unahang babae na nahalikan ko.
Isa pa itong puso ko kanina sobrang bilis ng t***k, ano bang nangyayari sa akin? omygod Luna hindi ka naman bading hindi ba?
Umupo ako sa gilid ng kama ni ma'am at tinitigan siya, hinawakan ko ang kanang dibdib ko para kumpirmahin ang nasa naiisip ko ngayon, wala naman, hindi na siya mabilis unlike kanina na para akong nagpapalpitate.
"Hoy Luna, alis na amo ah." sulpot ni Sandie kaya napatingin ako sa kaniya.
"Hintayin mo na ko, bibihisan ko lang 'to." basa kasi siya ng pawis, ramdam ko nang mahawak ang likuran niya kanina habang hinihiga siya.
"Uy nakipag hiwalay kana ba sa kaniya?"
"Hindi pa, kakausapin ko siya bukas."
"Gusto ko lang ipapaalala, baka kasi nakakalimutan mo lahat ng ginawa ni miss Stella para sa 'yo, bes naman! siya ang sinandalan mo no'ng mga panahong sukong suko kana at siya ang sumalo ng kalungkutan mo, 'wag mo sanang gawin sa kaniya ang ginawang pag iwan sa 'yo ni miss Bree."
Wala akong maramdaman dahil hindi ko naman alam na nangyari iyun sa akin, gusto ko naman sila intindihin at ipinipilit kong maalala ang mga sinasabi nila pero wala talaga.
"Ewan Sandie, hindi ko alam."
Nang makalabas si Sandie sa kwarto ni ma'am Auza, naghalungkat agad ako sa damitan niya. Nakakahiyang galawin ang mga gamit niya, sobrang ganda kasi ng pagkaka arrange.
Nang makahagilap ako ng oversized tshirt, lumapit ako muli sa kaniya at hindi ko akalalaing nagsusuot pala siya ng mga ganitong damit.
Umupo ako sa gilid ng kama at sinimulang buksan ang paunang butones nito sa damit, wait bakit naiilang ako? babae naman kami pareho.
Nang makarating ako sa pangatlong butones bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napahinto ako nanlalaki ang mata ko nang igalaw niya ang kamay ko patungo sa loob ng damit niya, banda kung saan ko binuksan ang butones.
Napabawi agad ako ng kamay nang maramdaman ko ang malambot niyang dibdib, s**t s**t s**t 'yung puso ko nanaman nagsisimulang magwala.
Napahagod mula noo pataas sa buhok gamit ang palad ko, tumayo ako at napagdesisyunan na hindi ko na siya bibihisan pawis lang naman 'yan, matutuyo rin maya maya.
Hinatid ako ni Sandie rito sa bahay ni Arya, feel ko naaabuso ko na ang babaeng 'yun pero kailangan ko talaga siya sa ngayon, magaalas kwatro na pala, hindi ko alam kung bakit nawala ang antok ko as in wala be gising na gising ang diwa ko.
Pagpihit ko ng doorknob nag flashback nanaman 'yung kamay kong nakapasok sa loob ng damit ni ma'am Auza.
Nakaramdam ako ng init, anuba! Luna may dibdib ka din naman!
"Where have you been?" salubong ni Arya.
Nasa sofa siya nakaupo habang nakakrus ang dalawang hita, pati na rin ang dalawang braso.
"Hello misis ko." pabiro kong bati.
"I'm asking you." tingin ko hindi niya alam na may girlfriend ako, anong sasabihin ko?
"Himala concern ata ang fiance ko."
"What? of course not and please stop calling me misis ko, disgustingshit. anyway your mom called me earlier and she's asking if you want to go on paris for christmas celebration with them... with me."
"Si m-mama tumawag? Arya pahingi naman ng number niya please please please." lumapit ako at umupo sa tabi niya, nang umurong pa ako papalapit tumayo siya agad at napakunot ang noo.
"I'm going to bed, lock the door." naglakad na siya papalayo.
"Hoy Ingrid!" huminto siya at lumingon sa akin.
"I'm going to paris with you." bahala na, makita ko lang si mama, ang dami kong tanong na hindi masagot sagot.
Bago magsimula ang klase gusto ko muna makausap si ma'am Auza kaya pagkapasok ko agad sa Luther, dumiretso agad ako sa office nito.
Saktong pag bukas ko ng pinto, nanlaki ang mata ko dahil isang malakas na sampal ang kumawala sa kamay ni Sofia tungo sa pisngi niya.
Napakurap ako nang makuha ko ang atensyon nilang dalawa, maya't maya mas lalo akong kinabahan nang naglakad si Sofia sa gawi ko, umatras ako dahil akala ko kung ano ang gagawin niya pero llabas lang pala siya ng office at nilagpasan lang ako.
"You're right, we should end this." napatingin ako kay ma'am Auza nang magsalita ito.
"This is what you really want, right? then we're done."
Hindi ko masyadong pinansin ang sinabi niya dahil nakita kong may tumulong dugo sa pisngi niya, s**t may singsing ata si Sofia kaya nagalusan ito nang sampalin siya.
"Okay ka l-
"Get out." malamig na boses niya ang pumutol sa sasabihin ko.
Hindi ko siya sinunod, lumapit ako at walang pasabing pinunasan ang dugo sa mukha niya gamit ang panyo na kakadukot ko lang sa bulsa ko. Hindi ko pa naman ito ginagamit kaya malinis pa.
Nagtataka ba kayo kung saan ko 'to kinuha? kumuha ako ng mga damit, pants, handkerchiefs etc. sa condo ko na sinasabi nila kaya may mga gamit ako ngayon.
"Stop, i'm not crying." tinabig niya lang ang kamay ko.
"Teka may dugo nga, halika gamutin natin." akmang hahawakan ko ang kamay niya para sana paupuin siya kaso umatras ito.
"I said leave, now." bakit sumungit siya bigla?
Curious tuloy ako kung ano ang pinag-usapan nila ni Sofia, nakakagulat dahil sinampal siya ng mismo bestfriend niya.
"Punasan mo pisngi mo may dugo nga, hindi mo ba nararamdaman 'yung sakit?" kinuha ko ang kamay ni ma'am Auza at inilapag ang panyo na hawak ko doon.
"This is nothing compared on what you did, so can you please go now and leave me alone." Ito naman ang gusto kong mangyari, na maghiwalay kami pero bakit ngayon parang hindi na ako sigurado, bakit parang ayoko?
"Luna."
Hindi pa ako nakakapagisip ng sasabihin, nagsalita uli siya.
"Did you love me? even once? or a little?" she asked while staring at me with sadness in her emerald eyes.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, ayoko na kasi dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon at siguro kung alam ko lang talaga ang nangyari baka sana may solusyon na ako sa lahat lahat.
"I can't believe I'm asking this, so embarrassing." bulong niya sa sarili.
"Give me some time, i will find myself before answering your question ma'am." naalala ko 'yung sinabi ni Sandie na malaki daw ang naitulong ni ma'am Auza sa akin, kaya gusto ko maalala lahat lahat.
"I want your answer now Luna, just simple yes or no."
"I can't." matipid kong sabi.
Sa nararamdaman ko ngayon parang gusto ko nalang maniwalang minahal ko talaga siya pero kailangan ko muna makasigurado.
Nalipat ang tingin ko sa kamay niya nang dumukot siya sa bulsa ng skirt niya, paglabas nito agad niyang inilahad ang palad niya sa akin, may singsing ito sa ibabaw.
"Swallow it." luh gago ba siya?
"Eh ayoko nga, pag ginawa ko 'yan edi namatay ako."
"Not the ring i***t, swallow the promise that you've made to me. It was fun being your rebound Callejo." binitawan niya ang singsing sa harap ko, rinig ang tunog ng pagkabagsak nito sa sahig kasabay ang luhang bumagsak na rin nanggagaling sa kaniyang mga mata.
"Gosh, why am I crying." she mumbled, gusto siyang yakapin pero alam ko na hindi dapat.
"Sorry it's just- don't worry this is the last time you will see me like this." pinunasan niya agad ang luha niya at pinakalma ang sarili.
Dinampot ko ang singsing at tinignan, may calligraphy ito na Stella ito sa loob, halatang pina-customized pa.
"Get out or ibabagsak kita."
Sinulyapan ko siya sa huling pagkakataon bago tuluyang makalabas sa office niya, huminga ako ng malalim at ibinulsa ang singsing sa galing sa kaniya.
Hays.
Pagkatapos ng buong klase nagpasama ako kay Sandie sa coffee shop malapit sa Luther University para mag apply ng trabaho at sa wakas natanggap ako agad dahil isa rin talaga sa skills ko ang magtimpla ng kape.
Nakilala ko ang may-ari ng Coffee D' Ca na si Vincent, dati pala siyang professor sa university na pinapasukan namin kaya nagulat ako, sobrang friendly ni sir Vincent, hindi mo akalaing siya ang may-ari ng coffee shop na ito.
"Basta send mo lang sa akin ang schedule mo para naman alam ko kung kailan kita id-duty dito."
"Salamat talaga sir."
"Vincent nalang, ikaw talaga masyado kang pormal." sabi niya at tumawa ito. "kung wala kang sched sa school bukas, pwede kana magsimula punta ka lang dito."
"Thankyou po talaga si- Vincent." pagpapasalamat ko ulit.
"Tama na nga haha nakailang pasalamat kana, nga pala ikamusta niyo ako kay Stella, professor niyo ba siya?" si ma'am Auza?
"Ahh o-
"Hindi po eh." pagputol ni Sandie sa sasabihin ko, bakit siya nagsinungaling?
Nang makaalis na kami, hindi maipinta ang ngiti sa mukha ko dahil sa wakas nakahanap na ako ng pagkakakitaan, may ipanggagastos na rin ako pag byahe byahe dahil gusto ko talaga hanapin si Blaire, kailangan ko ang bestfriend ko ngayon.