Luna Rae Callejo
"Hi miss Stella." pagbati ni Bryn kay ma'am Auza pero hindi manlang niya ito binigyan ng pansin, tuloy tuloy lang siya sa paglalakad at naglagpasan lang kami.
November 28 2023
Halos isa't kahalating linggo na ang nakakalipas matapos maganap ang hiwalayan namin sa office niya, simula no'n naging malamig na ang pikikitungo niya sa amin lalo na sakin.
Si Sofia naman ay lagi akong niyayaya mag lunch kasama siya pero panay ang tanggi ko dahil laging nakabuntot si Sandie at Reese.
About sa money naman ay nakita ko ang ATM card na iniwan daw sa akin ni lola pero hindi ko pa ito ginagalaw, hindi ko nga alam kung magkano ang laman.
Tinuloy ko ang trabaho sa Café D' Ca at kakakuha ko lang ng pang unang sahod ko, siguradong magtatagal ako rito dahil mababait ang mga kasama.
Bihira nalang rin ako pumunta sa condo unit ko, mas gusto ko kasi sa bahay ni Arya, nakakakungkot kaya mag-isa ha'no, buti pa don okay lang kahit sungitan niya ako basta may kasama 'saka parang unti-onti na rin naman akong nasasanay sa ugali niya.
"Nakakapanibago talaga si miss Stella, dumoble na 'yung takot ko sa kaniya kumpara noong una niyang pakilala sa klase." sabi ni Bryn.
"Pwede bang huwag nalang natin siyang pagusapan? Oo nga pala, pupunta ako ng paris kasama si Arya ngayong christmas break." pagiiba ko ng usapan, lahat sila ay parang nagulat sa sinabi ko.
"Wait, kaya ba kayo naghiwalay? don't tell us gusto mo na 'yung fiance mong hilaw na akala mo kakalabas lang ng freezer sa sobrang lamig." sagsi-tawanan ang lahat ng sabihin iyun ni Hunter, well totoo naman.
"Baliw hindi, pinapunta lang kami ni mama do'n para daw sabay sabay kaming magcelebrate ng Christmas."
"And pumayag ka? I thought you hate your mom?" Reese asked.
"Huh why would I?"
"Luna remember the first time we've met you, transferred ka galing ibang school and nagrerebelde that time dahil may something ka na ayaw sa ginawa ng mama mo, I think it was 4 years ago?" sabi ni Casey.
4 years ago?
"Naalala ko pa panay alak ka at gimik then 'yung grades mo napapabayaan mo, gaga 1st year college palang pabaya ka na." sabi ni Sandie.
"And ayun nga, dahil friendship goals tayong apat nila Sandie, Reese, ikaw at ako sabay sabay tayong bumagsak, gosh ang bait namin ha'no? sinamahan ka pa namin sa kaputanginahan mo." pagpapatuloy ni Sandie.
"After that pinilit ka ulit namin mag-aral, sabay sabay tayo." Reese.
"At doon niyo nakilala ang poging si ako." pagsingit ni Bryn.
"Shut up Bryn." Reese.
"Hey pogi naman talaga ako, aminin mo na naging crush mo pa nga ako sus."
"Funny."
"And you've met Professor Antillano." pagpasok ni Hunter sa usapan.
"Si miss Bree lang naman ang nagpabago sayo no'ng mga oras na 'yun, kaya nga team Bree ako eh." Bryn.
"Siya rin naman ang sumira." Sandie.
Nakakacurious ang mga kinukwento nila sa akin, parang gusto ko pa magtanong kaso alam kong hindi nanaman sila maniniwala.
Sofia looks very kind person naman, i mean parang ang bait bait niya that's why gulat ako sa nakita ko ang pagsampal niya kay ma'am Auza.
"Later manood kayo ng volleyball namin, team ko versus team junior, nakakamiss maglaro lalo na't nabusy na rin tayo sa acads masyado." sabi ni Sandie.
"I can't babe may laro din kami sa tennis ni Hunter with juniors." Casey.
Narinig kong nagrequest kasi ang mga juniors athletes na makalaban ang mga seniors kaya eto ngayon ang ganap sa LU.
"I can't too, may date kami ni Nicole." pagtanggi din ni Bryn.
"No way, ayoko Sandie, hindi ako marunong niyan." Inaaya kasi nila ako mag volleyball, hindi pa naman ako sporty na tao.
"Ih kulang kami ng isa, please Luna." pagpilit ni Sandie.
Lumingon ako gawi sa kanan at nakita ang mga players na nangungumbinsi din.
Paglingon ko sa kaliwa nakita ko si ma'am Auza na nakatitig at nag aantay lang ng sagot galing sa akin, Isa kasi siya sa mgq couches.
Sana all maganda na, matalino na, athletic pa.
"Eh kasi... hays sige na nga."
Natuwa ang lahat sa pagsangayon ko, tinignan ko si ma'am Auza na walang emosyon ang mukha. Bakit feel ko parang ayaw niya akong pasalihin?
Tinawag na ako ni Sandie para makapaghanda sa laban na magaganap, susunod na sana ako kaso may pamilyar na magandang boses ang tumawag sa pangalan ko.
"Luna." huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya.
"Be careful." si ma'am Auza.
Pagkatapos niya sabihin iyun, agad siyang naglakad papunta sa iba pang professors shems kinakabahan ako na nahihiya, hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pressure dahil sa kaniya.
Nakapag handa na ang lahat, nag wawarm up nalang.
Hindi ako marunong shet paano 'to? paano kung mapahiya ako or what something? paano kung maipatalo ko 'tong team ni Sandie?
Lalong lumakas ang kaba ko nang pumito ang referri.
Si Sandie ang mag se-serve, pagpalo niya ng bola naibalik ito agad ng kalaban, muntik na mapunta sa akin kung hindi lang sinalo ni Mayen.
Nakapuntos ang side namin kaya rinig na rinig ang sigawan ng manonood. Nahagip ng mata ko si ma'am Auza na sa akin lang nakatingin habang kausap si sir Sebastian.
Sa kabilang table naman ay nakita ko si Sofia na kakaupo lang at nakatingin din sa gawi ko.
"Okay ka lang?" napalingon ako sa katabi ko, si Jenny.
"Ha? ahh siguro?"
Umikot na ang team, si Reese naman ang mag seserve.
Ang ganda ng pagbitaw niya ng bola, halatang sanay na sanay at hindi nasalo ng kabilang team ang serving ni Reese kaya nagkapuntos ulit kami.
Tuloy tuloy ang laban at palitan ng score ang nagaganap pero lamang kami ng dalawang puntos, hanggang sa ako naman ang magseserve.
Hawak hawak ko ang bola habang iniikot ang paningin ko sa paligid, lahat sila ay nakatingin sa akin.
Shit.
Paghagis ko ng bola sa taas, parang nag slowmo ito at nang papaluin ko na sana biglang bumagsak ito sakto sa mukha ko. Narinig kong pumito ang referri hudyat ng nakapuntos ang kabilang grupo.
Napahawak ako sa ilong ko kung saan tumama ang bola at pag diretso ko ng tingin nakita ko si Sofia na papalapit sa akin.
"Gosh, are you okay?" tanong niya habang hinahaplos ang ilong ko.
"I'm sorry she don't know how to play volleyball, can I excuse her?" tanong niya sa referri habang hawak ang kamay ko, tumango ang referri bilang pag sang-ayon.
Sasabihin ko sana na okay lang kaya naman pero natuon ang atensyon naming lahat sa lakas ng pagsara ng pinto sa labasan.
Sino 'yun? parang binuhos ata lahat ng problema't sama ng loob sa pinto, isa nanamang inosenteng pintuan ang nadamay.
Nabalik ako sa wisyo ng may humigit din sa kabilang kamay ko.
"She's okay professor Antillano, it's just a game normal lang ang nangyari." si Reese.
"Excuse me? can't you see, she can't even do the serving part." marahan niyang hinigit papunta sa kaniya ang kamay ko.
"Professor Antillano don't be so obvious baka maghinala ang lahat sa kilos mo towards her, ma-kickout ka ng wala sa oras kapag nalaman nila or pwede namang ako nalang mismo ang magsabi sa dean ng lahat para matanggal ka dito." bulong ni Reese na tanging kami lang ang nakakarinig.
Hindi ako makasingit dahil iniinda ko 'yung higpit na pagkakahawak nilang dalawa sa kamay ko, ang kawawang inosenteng kamay ko.
Tahimik at nagtataka lang ang lahat sa pinaggagagawa ni Reese at Sofia, mga ilang minuto binitawan ako ni Sofia at tinapunan ng matalim na tingin si Reese bago tuluyang umalis.
Ey mapapa-sheesh ka nalang talaga.
Nagpatuloy ang laro pero pinaupo na ako dahil dumating na si Taryn at siya na ang nagpatuloy. Napansin ko na kanina pa pala wala si ma'am Auza, ewan ko ba kung bakit hinahanap siya lagi ng mata ko.
Nakakatuwa dahil panalo naman ang team nila Sandie kaso hindi ko makalimutan 'yung nangyari kanina, pucha naman Luna ang duling ng bola nakakahiya tuloy, feel ko nabawasan tangos ng ilong ko.
"Sama ka samin Luna, celebration." pag aya ni Sandie.
Naglalakad kami ngayon papalabas sa gym, magkasama kami ni Reese, Sandie at ako.
Si Casey kasi nasa Tennis Club with Hunter at si Bryn naman kasama si Nicole. Nicole dated Bryn knowing na ex nito ang kaibigan niyang si Jeanette? Gosh.
"Uhm may pupuntahan ako eh."
"Saan?"
"Basta Sandie."
Pangatlong katok ko na 'to sa pintuan ng office ni ma'am Auza, alis nalang kaya ako? ano ba kasing ginagawa ko rito? Tangina naman Luna!
"What are you doing here?"
"Gusto ko lang itanong kung anong na- na..." Isip Luna, isip. "Anong nakuha ko kahapon sa quiz."
"Seriously?"
"Kumain kana?" at ayun sana lamunin nalang ako ng sahig sa mga oras na 'to, ang random girl! hanodaw kumain kana? shuta.
"Tell what do you really want."
"Nag lunch kana? sabay na tayo ma'am."
"I'm full." matipid niyang sagot, isasara na sana niya ang pinto nang pigilan ko ito.
"Erm ang sakit ng ilong ko, hindi mo manlang ba ako tatanungin kung okay lang ako?"
"Callejo, stop."
"Masakit nga po."
"It's just a ball, and I'm not responsible for it! Is it my fault na ang ilong mo ang gustong maglaro not your hands?" natawa ako sa sinabi niya pero huminto rin naman agad ako nang samaan niya ako ng tingin.
"Sure ka ayaw mo talaga kumain?" umirap siya at tuluyang isinara ang pintuan niya.
Okay.
"Hi misis, I'm home."
"Who cares? didn't I told you to stop calling me misis?" sungit nanaman.
"Ayoko hanggat hindi mo pinapahinto ang kasal." magsasalita na sana siya nang nagsalita ulit ako. "nga pala, 'yung camera na binigay mo na sabi mong hindi galing sa 'yo eh kanino galing 'yun? may mga pictures na kasi bukod sa kinunan ko habang sumusubo ka."
"What?! you didn't delete it?"
"Hindi, bakit ko buburahin? memory kaya 'yun 'saka ang cute mo." hindi na siya naglaban pa at nagfocus nalang sa phone niya. "ayiee nag ba-blushed, kinikilig haha."
"You wish."
"So kanino nga galing 'yun? ang galing niya kumuha ng litrato ah, ang ganda bawat angles at marunong siya tumingin ng views."
"That's y- I am sleepy, matutulog na ako."
"Luh ang aga pa, kwentuhan muna tayo." hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy na naglakad papaakyat sa kwarto niya.
So wala akong choice kung hindi matulog nalang rin, hindi naman ako gutom dahil kaka-kain ko lang. Sumunod kasi ako kila Sandie after tanggihan ni ma'am Auza kaya sobrang dami kong nakain.
"Goodmorning, breakfast tayo."
"What's in there? I can't see anything beside on that dark soup or something." umupo si Arya sa harapan ko at tumingin sa naka-hain sa lamesa.
"Dark soup ampota, dinuguan 'yan."
"Dinugu-what?"
"Dugo, dinuguan."
"You mean, as in blood?" maarte niyang tanong habang tinutusok tusok ang dinuguan sa mangkok na nasa harapan niya.
"Yup."
"Hell no Luna." Ibinaba niya ang tinidor na hawak niya at pinandirihan ang niluto kong pagkain.
"Hala siya tikman mo masarap 'yan, promise." sabi ko habang nagsasandok ng maka-kain ko.
"No way, could you please stop cooking weird foods in my kitchen?"
"Ingrid tama kana, ang arte mo."
"I don't care, anyway my brother wants to visit here, mamaya maya andito na siya." sabi ni Arya. .
Nagtimpla siya ng tea at iyun lang ang inalmusal niya. Hindi ba masama ang cleansing tea sa umaga na walang laman ang tiyan?
Habang busy kami sa kaniya kaniya, nag ring ang doorbell.
Tumayo si Arya at nagtungo papuntang pinto para buksan ito, tumayo na rin ako para salubungin kung sino man ang dumating.
Isang may itsurang lalaki ang kakapasok lang, parang model ang katawan nito at matangkad.
"Hey, how's my princess?"
"Stop it, Lincoln." pati sa kapatid masungit siya.
"Call me Kuya, you- oh you must be Luna?" natuon ang atensyon nito sa akin. "It was nice to finally meet you my sister in law." lumapit siya at nakipagkamayan sa akin.
"Ingrid didn't tell me na you're pretty huh? sayang naman, kasi dapat ako talaga ang papakasalan mo." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ha?" nagtatakang tanong ko.
"Yup, ako naman talaga ang fiance mo dapat kaso nalaman nila na you are interested in girls kaya heto't kasama mo ang maldita kong kapatid."
"Lincoln nalang itawag mo at pwede bang iwasan mo na rin gumamit ng po at opo masyadong nakakatanda eh." sabi niya at tumawa. "nga pala, pagpasens'yahan mo na ang kapatid ko ganyan talaga 'yan bata palang parang pinagsakluban na ng langit at lupa." nginitian ko ito.
"Hindi, ayos lang bagay naman sa ganda niya." hindi ko alam kung anong nasabi ko na nagpataas ng kilay niya.
"Hm you like my sister, don't you?"
"Ha? ay nako hindi, straight kaya ako." 0agtanggi ko rito.
Buong buhay ko hindi pa ako nagkakagusto sa babae, nagagandahan siguro oo pero 'yung attachment or something more than that, never.
"I want to tell you something about her." tumango ako at tumingin sa kaniya, hinihintay siyang magpatuloy.
"Ingrid almost rape when she was 10, that time busy si dad at si mom sa work at ako naman ay nasa states nag-aaral.
I can't do anything about it dahil takot ako sa dad ko and we were young back then but I was thankful dahil may tumulong sa kaniya."
Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin 'to pero pag nalaman ni Arya ang kinuwento niya baka magalit lang iyun.
"Lincoln masyado na atang personal 'yan, baka magalit ang kapatid mo."
"No Luna listen, I'm telling this to you para alam mo ang hirap na napagdaanan ng kapatid ko. I love her so much and I'm here to beg you, please don't hurt her. I know this is just an arrangement marriage but..." huminto siya at huminga bago nagpatuloy.
"Can you please take care of her?" nakikita ko sa lalaking kausap ko ngayon ang sinseridad sa kaniyang mga mata pero sa tingin ko hindi ko kayang gawin ang sinasabi niya.
"Pasensya kana pero hindi ko magagawa 'yan, ayokong magpakasal sa taong hindi ko naman gust-
"Trust me, you will like her sooner or later."
"I'm straight."
"She is, but then someone came and changed her." so she's a lesbian or something? hindi ko alam ang right term basta 'yun.
"Edi sana 'yung someone na sinasabi mo ang kinausap mo para alagaan ang kapatid mo." napatawa siya ng mahina sa hindi malamang dahilan. Inayos niya ang pagkakatindig niya at ngumiti sa 'kin. Iba ang ngiti nito, parang may gustong sabihin pero pilit na nagpipigil.
"I see."
"Ha?" napasalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
"Nothing. I think I should go, napakatagal kasi bumaba ng kapatid ko may pupuntahan pa ako. Nice meeting you again, Luna." naglakad siya patungo sa labasan kaya sinundan ko ito. Nagtaka ako nang muli siyang huminto at nilingon ako.
"Ingrid is a good person." pagkasabi no'n ay tumalikod ulit siya kaso biglang harap ulit sa 'kin, muntanga.
"And oh be careful, she's naughty." ayun tuluyan na siyang umalis. Nakakatuwa dahil concern siya sa kapatid niya kahit gano'n kagaspang ang ugali.
Nagtungo ako ng kusina para ligpitin ang mga pinagkainan namin. Sabi ni Arya saglit siya maliligo pero grabeng tagal, nilamon na ata ng inidoro. Nagsimula na akong hugasan ang mga plato, maya't maya may yapak akong narinig na papalapit sa 'kin.
"Where is he?" I heard Arya asked.
"Umalis na ang tagal mo kasi." narinig ko siyang nag 'tss bago nagsalita.
"Why you still here, you don't have a class today?" hindi naman halatang ayaw niya talaga na nandito ako ha'no? Tch.
"Vacant ko, gala tayo libre ko." 0roud kong sabi, may pera na kasi ako 'saka gusto ko maglibot libot dahil hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin.
"If you are asking me for a date, my answer is no." nang matapos ko lagay sa lalagyan ang huling plato, inikot ko ang sarili para harapin siya.
"Luh ang assuming mo naman, gusto ko lang gumala kaso wala akong kasama pero kung ayaw mo edi 'wag damot." hindi siya umimik at inirapan lang ako.
She's busy on her phone, parang walang kasama ampota.
Tinitigan ko lang siya dahil kapansin-pansin na napaka feminine niya sa pananamit, sa kilos, sa pagsasalita at sa mga gamit, napaka mysteryoso rin niya kung susuriin dahil sobrang tipid niya magsalita, parang sa bawat words lumalabas sa bibig niya iniisip niya muna.
"Uy misis-ko hindi mo naman ako papakasalan ha'no?" I asked out of nowhere.
"I think I need to." nanlaki ang mata ko at agad umupo sa upuan katapat niya.
"Sabi m-
"Our company is important to my father at kailangan kita para maayos 'yun. Luna we don't have to like each other, all you have to do is marry me and after that do whatever you want hindi kita papakialaman." she stated without even looking at me.
"Arya naririnig mo ba ang sinasabi mo? ang kasal ay isang sagrado, mahalagang bagay iyun at kung sa 'yo laro laro lang pwes sa 'kin hindi."
Huminto siya sa pagkalikot ng phone at unemotional na tumingin sa 'kin. Nagtapunan lang kami ng tingin at parang may iniisip ito na napakalalim. Mga ilang minuto nagsalita na rin siya.
"Do you still love her? It's been a years Luna, learn to move on." I got so confused kung sino ba ang tinutukoy niya.
"Sino?"
"Sofia, is there anyone else?" tipid niyang sagot.
Bigla kong naalala si ma'am Auza. Nitong mga nakaraan nagiging interesado na 'ko sakaniya, I mean parang gusto ko pa siyang makilala pa.
Nah, Luna anuba.
"Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo na straight ako? Nakakapagod na!" Hindi ko intensyon na sumigaw, ewan nabigla din ako.
"You don't have to shout Luna." mahinang sabi niya pero may diin. She's giving me a death glare.
"Ang kukulit niyo naman kasi, bakit ba ayaw niyo akong paniwalaan? gusto ko na umuwi, ayoko na dito." ang hirap kasi talaga ng walang naniniwala sa 'yo. Feel ko na wala akong kakampi, na mag-isa nalang ako.
Hindi manlang siya nagsalita, unbothered queen kumbaga.
Naiinis ako, at sa sobrang inis ko hindi ko na napigilan ang sarili na umiyak ako sa harapan niya.
I need my family specially Blaire, my bestfriend.
"Stop crying." I didn't listen to her at mas lalo pang umiyak na parang nag ta-tantrum na bata.
Gusto ko na bumalik sa dati, pangako magiging mas mabait na ako. Susundin ko na si grandma tapos hindi na rin ako magagalit kay papa, mag aaral na ako mabuti, magiging nurse ako.
"What the- I said stop crying."
"Arya p-please dalhin mo nalang ako kay mama, ayoko na napapagod na ako kakaisip. Arya ple-" I got caught off when she immediately walked towards me and I felt her soft lips against mine, she kissed me.
Oh my gosh.
Smack lang iyun pero putangina!
Naestatwa ako ng mga ilang minuto dahil nag pa-process pa sa utak ko ang ginawa niya, hindi ako makapaniwalang nakahalik ako ng babae.
She smells like her perfume, 'yung victoria secret at kahit ang bilis ng pangyayari masasabi kong napaka lambot ng labi niya wait- did i describe her like i wanted that kissed?
Nagbalik wisyo ako nang narinig ko siyang umupo, tumunog kasi 'yung upuan na umurong, bumalik siya sa ginagawa niya kanina at parang walang nangyari.
"You- why did you do that?!"
"I told you to stop, didn't I? you should listen and obey me because this is my house." seryoso ba siya?
Iyun na ba ang tamang paraan ng pagpapatahimik? like beh pwede niya naman ako sampalin or hagisan ng kung ano or kaya tampalin sa bibig. Halik talaga ang naisip niya? she is so unbelievable.
"Hoy ika-
"Fix yourself." pagalit akong tumitig sa kaniya.
"What? we will go to mall." tumayo siya at naglakad papalayo.
Gagi may saltik ba siya? pagkatapos niya magsungit ng magsungit hahalikan niya ako tapos magsusungit nanaman. Nakakaloka.
Nagpunta na ako ng guest room para maligo at mag ayos ng sarili.
Hindi talaga ako makapaniwala, oo big deal sa akin iyun dahil babae siya at lalo na't nagsisimula na akong nagduda sa sarili ko nang dahil kay ma'am Auza, tapos isa pa 'yang Arya nayan, ginugulo nila ako.
Straight ka Luna, straight.
Nasa mall kami, department store kami namimili siya ng damit tapos ako? Ito nakabuntot lang sa kaniya, napakatagal mamili parang dito na ata maubos lahat ng oras namin.
Sinundan ko siya dahil naglakad siya papuntang technologies section.
Hindi ko alam kung anong hinahanap niya pero napadpad kami sa mga cameras. Heto nanaman ako, nasisilaw sa mga ito parang gusto ko bilihin lahat.
Hindi ko nga pala masyadong nagagalaw 'yung binigay ni Arya dahil busy sa mga kabagayan.
"What do think is much better, this or this?" nakita kong hawak niya ang dalawang lace ng camera sa magkabilang kamay niya, sa kanan ay puti at sa kaliwa naman ay itim.
"I think mas okay ang itim para hindi madum-
"Okay." hinagis niya sa 'kin ang napili kong lace kaya tumama ito sa mukha ko, napakabastos.
"Anong gagawin ko dito?" she looked at me unemotional nanaman, bakit ba ang galing magtago ng emosyon ng babaeng 'to?
"Eat it and tell me what it taste like." umirap siya at nagsimula ulit maglakad, eh kung isuksok ko 'to sa bunganga niya?
Napaka dami niyang pinamili tapos ako lahat ang pinagbitbit, sabi ko gala kami, hindi gawin akong alalay.
Never ko talagang aasawahin 'to, masyadong bossy ayoko maging under. Straight ka remembrance? oo sinasabi ko lang.
Ngayon ay nandito kami sa restaurant, naghihintay kami dumating ang order namin. She always focus on her phone, hindi manlang ako kausapin. Sinubukan ko magopen ng topic pero tinataasan niya lang ako ng kilay.
"Uy misis ko."
"f**k can you stop calling me that? Just stop." Inis na sabi nito, nakakatuwa siyang asarin gagi.
"Eh papakasalan mo naman ako so misis na kita." she averted her eyes on me, parang sasabog na sa galit eh parang 'yun lang.
"You're so noisy and annoying, why changed? did you take any of drugs or what?"
"Bakit pa ako magbibisyo eh pwede namang maadik sa 'yo, ayieee." ay hala binagsak niya ang phone niya sa lamesa.
Napatikom ako ng bibig dahil baka sunod na ibato niya na sa akin ang hawak hawak niya, magsasalita pa sana siya kaso dumating na ang foods na inorder namin.
Damn mouthwatering sheesh mukhang malasa at masarap.
Same kami ng pagkain dahil ginaya ko ang kaniya, hindi ko naman kasi alam kung ano ang masarap dito baka mamaya mapili ko 'yung maanghang pa.
Nag sign of the cross muna ako bago sumub- f**k! ang anghang!
Napaluwa ako sa mismong plato sa harapan ko dahil sa sobrang anghang. I can't eat this, dapat pala nagtanong muna ako bago gayahin ang order niya.
Nilingon ko siya na tahimik lang na kumakain, like seriously? manhid ba dila niya?
"What?" Inosenteng tanong niya.
"Anong what? bakit hindi mo sinabi na gan'to ito ka-anghang?"
"You didn't ask." nangibit balikat siya at matiwasay na kumain.
"Shht, ang sama mo, nawala gutom ko."
Nasa klase kami ngayon ni Sofia, kakatapos lang mag quiz at nasa harapan siya ngayon at nag che-check ng mga papel.
I adore her teaching skills, ang comfortable pumasok sa subject niya unlike ma'am Auza na may pressure everytime na tumitingin siya sa akin.
"Friend, walwal tayo later broken si Bryn." tumingin ako kay Sandie.
"Broken? akala ko ba nagd-date sila ni Nicole?" tanong ko rito.
"Baka jutay kaya tinigil." pang-asar ni Casey na nagpatawa saming lahat habang si Bryn naka headdown lang sa desk niya.
"What do you guys expect? she is Antillano after all." si Reese iyun na nag bubuklat ng libro. Nakikinig pala siya? akala ko kasi busy siya sa binabasa niya.
Bumangon sa pagkakayuko si Bryn at naglakad papunta sa harapan ni Sofia. Hindi ko alam kung anong sinabi niya rito, nagpaalam siguro na lalabas dahil naglakad siya papuntang labasan.
Nahagip ng mata ko si Sofia, she's staring at me kaya ngitian ko ito. There's nothing wrong with that naman hindi ba? professor namin siya.
Binalik niya sa 'kin ang ngiti at nagfocus ulit sa ginagawa niya.
"Aminin mo nga Luna." heto nanaman si Sandie.
"Oh ano nanaman?"
"Gusto mo ba siya balikan? kung magtinginan kayo napakalagkit." anong malagkit do'n?
"I don't really like miss Stella at first 'cause she keep doing the mix signals pero kung babalik ka jan sa ex mo mas gugustuhin kong si miss Stella nalang ang balikan mo." sabi ni Reese.
"True girl, at least anjan si miss Stella kapag kailangan mo." dagdag ni Sandie.
Miss stella ng miss stella, puro nalang stella.