Luna Rae Callejo
"Hi Sofi- miss Antillano pala." taragis na bibig 'to.
"Hey it's okay you can call me anything you want to, Luna." sumulyap siya sa akin at ngumiti 'saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng projector.
Nilapitan ko siya dahil napansin ko na sobrang dami niyang dadalhin, wala manlang nagtangkang tumulong.
"Sure ka okay lang? pasensya na talaga nasanay lang." kinuha ko ang extensions na nagamit niya kanina sa klase 'saka ito inayos.
"I preferred Sofia than Antillano though." she said while laughing.
"Gusto mo tulungan kita magbitbit? ang dami kasi niyan, dapat naguutos ka ng iba para tulungan ka."
"No need I can handle but if you want to help me hindi na ako tatanggi pa." nagpatuloy siyang tumawa.
Hm mukhang masiyahing tao si Sofia at napakabait pa, baka nga siguro kung lalaki ako hindi malabong magustuhan ko siya, maganda rin naman kasi, matalino, tapos sexy pa.
"Sofia hindi naman sa pagiging assuming pero ako ba ang dahilan kung bakit ka bumalik dito?" pasensya naman ha'no, curious lang, sabi kasi nila Sandie kaya lang siya bumalik dito para sa akin.
"Of course." kinabahan ako sa sagot niya ngunit agad rin namang nabawi nang magpatuloy pa ito. "not, of course not. I'm here for Nicole, she needs me." pagkatapos niya mag-ayos umupo siya sa chair niya at tumingin ng diretso sa akin, tingin na parang napakalalim, na parang may iniisip na kung ano.
"Hays mabuti kung gano'n dahil hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko kapag pati ika-"
"Luna!"
Napalingon ako sa labasan, nakita ko sila Sandie na nag-iintay.
Sinenyasan ko ito na mauna na sila bago ibalik ang tingin kay Sofia, mga 'to talaga masyadong mai-issue, unting ano ko lang kay Sofia parang akala mo naman.
"I think you should go now, tinatawag kana nila."
Tumayo siya at kinuha ang bag sa table niya, mabilis ko namang kinuha ang projector bago pa man niya ito mahawakan.
"Hayaan mo sila, tutulungan pa nga kita dito oh at nga pala pag pasensyahan mo na ang mga 'yun, ako na hihingi ng tawad sa inaasal nila." narinig ko ang paghinga niya ng malalim bago siya nagsalita.
"It's my fault, you didn't have to apologize Luna." napansin ko ang mga mata niya, parang paluha, pupunahin ko sana kaso nagsalita ulit siya. "Can I ask you something?" tumango tango ako bilang tugon at hinintay na magsalita siya.
"How you and Stella happened?"
Gosh ito nanaman, biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ang pangalan ni ma'am Auza. Hindi ko rin alam kung bakit pero parang may excitement, kaba or what akong nararamdaman kapag naririnig o nakikita ko siya, pero ayun na nga, heto na tayo sa tanong na hindi ko alam ang isasagot ko.
"Uhm sa totoo lang hindi ko din alam e, 'wag ka magalala kapag nalaman ko iku-kwento ko agad sa 'yo." pabiro kong sabi habang tumatawa pero siya seryoso pa rin ang mukha.
Aba malay ko ba kasi na mangyayari ito sa akin, na paggising ko nalang may girlfriend, fiance at ex na ganito kagagandang mga babae eh pucha sa pagkakaalam ko nabangga lang naman ako ng kotse.
"Stella is my friend, Luna."
"Alam ko at kung pwede lang ibalik kung ano man ang nangyari, hindi ko kayo gaganunin." ems.
"Do you love her?" she asked, nakatitig lang siya habang nag hihintay ng sagot mula sa bibig ko at magsasalita na sana ako nang bigla niya akong pinigilan.
"No wait, nevermind you don't have to answer it."
Hay salamat, ayoko din naman sagutin.
"Sofia? peede ako naman ang magtanong?"
"Sure."
"Bakit ka umalis?" nag-iba ang ekspresyon niya nang marinig ang tanong ko, gusto ko lang naman malaman kung bakit galit na galit sila Sandie sa babaeng 'to.
"Luna I didn-
"Hoy Luna, tara na." sulpot ni Sandie sa likuran ko.
Gagi talaga 'to, kitang nag uusap napakabastos, tinignan ko siya ng masama pero kinunutan lang niya ako ng noo.
"Ano ba mauna na nga kayo, ihahatid ko lang si Sof- miss Sofia sa office niya." kunot noong iniling ni Sandie ang ulo niya para hikayatin akong 'wag ituloy pero hindi ko siya sinunod.
Nauna na akong lumabas, sumunod na rin si Sofia, sabay kaming naglakad habang nag uusap.
She's fun to be with naman, malapit na akong maniwala na naging ex ko siya. Nakwento niya na sobrang pasaway ko daw dati, kinukulit kulit ko siya tapos sa sobrang kulit ko daw napapayag ko siya makipagdate sa akin.
Nakakainis lang dahil hindi ko naaalala na may gano'ng nangyari, I wondered why and how it happened.
Nang makarating kami sa office niya, nagpaalam agad ako para umalis pero hindi pa ako tuluyang nakakalabas nilingon ko ulit ito.
"Sofia pwede naman tayo maging magkaibigan hindi ba?" tanong ko.
"W-what?"
"Kung ayaw m-
"No. I lik- I would loved to, Luna. I will be your friend." ttal na sabi niya na nagpangiti sa akin.
"You are all exempted on this up coming event because we wanted you to focus on your acads but if you still willing to participate sabihin niyo lang."
Nasa harapan ngayon si ma'am Auza, kakatapos lang niya magturo at buti nalang mabilis ang pick up ngayon ng utak ko dahil tinawag ba naman niya ako kanina sa recitation.
"Excuse me ma'am, kailan po ba mag sisimula ang duty namin?" tanong ni Mayen.
"After exams."
"Eh ma'am how about our christmas break?" Sheila asked, si Sheila ang class president dito sa section namin.
"We will announce it kapag napagdesisyunan na, is there anything else?"
"Uhm miss Auza single ka?"
"Get out of my class." nanlaki ang mata ni William sa tugon ni ma'am.
"Hala biro lang naman po." ayan kasi, napakaharot deserve.
Nagpa attendance na si miss Auza 'saka tuluyang nagpaalam sa klase, buong time niya parang nasa akin lang ang atensyon niya dahil madalas ko itong nahuhuli na nakatingin sa gawi ko, nahihiya tuloy ako.
"Class dismissed, you may go now and take your lunch." pagkasabi niya agad kong inayos ang mga gamit ko at nahulog pa ang pen sa ilalim ng lamesa. Pagangat ko ng ulo ko matapos kunin ito, nauntog ako.
Narinig kong nagsitawanan ang mga kupal lalo na si Sandie napakalakas ng tawa, naglalakad na kami patungong pintuan nang tawagin ni miss Auza ang apilyedo ko.
"Callejo." lumingon agad ako sa kaniya syempre.
"Can we talk?" paglingon ko kila Sandie nakita kong napakalayo na nila sa akin at may pataas taas pa ng kilay ang gaga.
Lumapit ako sa propesora at inilapag muna ang dala dala ko sa desk kalapit sa kaniya.
"How are you? your head." seryoso niyang tanong sa akin na akala mo sobrang lala ng pagkaka-untog ko.
"Okay lang ako, malayo sa bituka."
"Rae I can't do this anymore, she's my bestfriend but I love you and I'm willing to sacrifice that friendship for you so please tell me that you love me tell me that you willing to make this thing work to us. I-
"Professor naman eh."
"Give me my ring." naglakad siya papalapit sa akin at kinapa kapa ang bulsa ng pants ko, naamoy ko nanaman 'yung strawberry scent, ang bango niya sobra.
"R-ring?"
"Yes, the one that you gave to me, give it now, it's mine." ahh 'yung ano.
"Nasa bahay ni Ar-ya." huli na nang maisip ko ang nasabi ko, alam kong hindi niya nagustuhan ang pagbanggit ko sa pangalan ni Arya lalo na't malaman na doon ako natutulog.
"Are you still sleeping on her house?" bahagya akong tumango, ayaw ko naman kasi magsinungaling.
"Tell me the truth, do you like her?"
"Huh, hindi ah ang sungit sungit kaya no'n." mabilis kong responde.
"Then why you keep going there?" doon lang naman ako komportable.
"Dahil wala po kasi akong kasama sa condo." pagdahilan ko.
"Sleep with me."
"H-ha?"
"If you want someone to accompany you, you should've text or call me Rae." ngayon ko lang napansin na hindi na pala nagmemessage si ma'am Auza sa akin after no'ng hiwalayan sa office.
"Hala okay lang naman, natitiis ko naman ang ugali niya at onti-unti na akong nasasanay."
"That's not okay with me at hindi mo kailangan masanay." ay wow pala desisyon yarn? dinaig pa si grandma pero shet ang ganda niya naman mag tagalog, napaka expensive.
"Hindi na ayokong maabala ka pa 'saka hiwalay na kaya tayo kaya hindi mo na kail-
"Oh we did? I didn't remember."
"Sh- miss naman!"
"Are you shouting on me?"
"Eh ang kulit mo naman kasi, nai-stress na nga ako tapos ganyan ka pa." natahimik kami pareho habang nagkatitig sa isa't isa, nang nakaramdam ako ng ilang ako na mismo ang umiwas ng tingin.
"I saw you with her walking into her office." eh ano naman? gusto niya ba ihatid ko din siya sa office niya? No problem, sipsip naman ako.
"Stop hurting me, Rae." nakaramdam ako ng kirot sa puso nang marinig ang boses niya, hindi ko alam ang gagawin kaya kinuha ko ang ka-isa isa niyang bag at inaya siya na umalis na.
"Uhm tara na ihahatid na kita sa office mo bago ako umuwi."
Nagsimula na akong maglakad ngunit hindi ko ramdam na sumusunod siya kaya huminto ako at pinihit ang katawan ko patalikod, sa kasamaang palad hindi ko alam na nasa likod ko pala siya kaya nagulantang ako nang mag dikit ang katawan namin.
Hindi ko nanaman mapigilan ang puso ko sa pagtibok.
"T-tara na."
"I'm hom- aray." papasok palang sana ako nang mabilis hilahin ni Arya ang braso ko patungo sa kusina.
Bago pa man kami nakapasok napansin ko ang lalaking naka upo sa sofa, maputi ito, parang matangkad, matangos ang ilong at desente ang pananamit.
Tumingin siya sa akin at ngumiti kaya ginantihan ko din ito ng matamis na ngiti, boyfriend kaya niya?
"What are doing here?" pabulong niyang tanong, na akala mo may pinagtataguan.
"Uuwi malamang, sino 'yung nasa sala boyfriend mo?"
"Mind your own business, get out." ay grabe kakarating ko lang 'saka pagod kaya ako, hindi ko alam kung sa'n pero pagod ako okay?
"Luh fiance mo kaya ako, bakit mo ako papaalisin?" tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Luna you have a condo." may diin na sabi niya habang naka kunot ang noo. Hindi kaya pinapaalis ako nito dahil may balak silang gumawa ng milagro ng lalaking iyun?
"Ayoko nga, gusto ko dito." I pouted.
"Okay whatever, just make it sure you aren't going to disturb us." mataray niyang sabi bago umalis at iniwan ako na mag-isa dito.
Hindi manlang niya tinanong kung kumain na 'ko, nagugutom na kaya ako!
Binuksan ko ang refrigerator para tignan kung ano ang pwedeng maluto. Meron ditong isda, karne ng manok at baboy, may mga ready to cook na like nuggets, hotdog and so on. Inilabas ko ang matigas na hotdog na nanggaling sa freezer kaso bigla akong tinamad, wala ba siyang can foods dito?
"Arya!" tinawag ko siya pero wala akong natanggap na sagot kaya naisip ko puntahan nalang sila sa sala.
Pagka-pasok ko nanlaki ang mata ko nang makitang palapit ang mukha ng lalaki sa kaniya. Seryoso nga, gagawa sila ng milagro jusme.
In the name of the father and the son and the holy spirit, amen.
Walang hiya kong nilapitan ang dalawa at tinawag si Arya, hindi ba alam ng lalaking 'to na may fiance ang hinaharot niya? aba.
"Uy misis ko." s**t teka nga, ano bang ginagawa ko?
Agaran silang naghiwalay nang marinig ang boses ko at halata sa lalaking katabi ni Arya ngayon ang frustration sa kaniyang mukha.
"Hey." pagbati ng lalaki, ngitian ko lamang ito ng peke.
"Luna what the heck." pagalit na bulong ni Arya habang hila hila ang kapiraso ng damit ko sa may balikat patungo ulit sa kusina.
"Anong what the heck? Ipagluto mo ako, nagugutom ako."
"Can't you see? I'm busy." busy sa tukaan? may pa ano ano pa kuya mo, straight ka pala.
"Mas uunahin mo pa 'yan kesa sa fiance mo? pakinggan mo 'yung tiyan ko tumutunog na." tinaas ko ang laylayan ng damit ko at bumungad ang sexy kong tummy 'saka ito bahagyang inilapit sa kaniya.
"P-put your shirt down."
"Bilis na kasi Arya, gutom na nga ako." pakiusap ko na parang bata.
"No."
"Tss okay, buti pa si ma'am Auza, d'yan ka na nga." maglalakad na sana ako palayo nang higitin niya ang braso ko.
"Who is she?"
"Love ko."
"Are you f*****g serious Luna?" biglang nag iba ang aura nito, talagang galit parang akala mo asawa na nahuli kang nagloloko.
"Oo, unfair mo ikaw lang may boyfriend pwes ako din may love." hinawakan niya ang braso ko, ramdam ko ang pag diin ng kamay niya rito at masamang tumitig sa akin.
"He's not my boyfriend."
"He's not your boyfriend pero hahalikan ka? kung hindi lang kita tinawag kanina baka naglalaplapan na kayo ngayon."
"Your words."
"Bitawan mo na ako, may pupuntahan ako." maarte kong sabi.
"Where?"
"Secret."
Braso ko nanaman ang hinila niya malapit sa upuan at agad akong ipinaupo dito, bakit ba ang lakas ng babaeng 'to?
"Sit, wait me there."
"Eh an-
"I said wait me there Luna." may pagbabanta sa boses niya na ikinatahimik ko. Nakakatakot, 'yung tipong kusa nalang susunod ang katawan mo sa mga utos niya.
Tahimik lang akong nakaupo habang inaantay siya. Maya't maya naririnig ko na ang yapak niya papasok dito sa kitchen. Dumiretso siya sa refrigerator at padabog na may kinuha roon, mukhang ipagluluto ako ng sama ng loob.
"Uy 'yung boyfriend mo sa labas."
"He's gone and Kent is not my boyfriend, he's my boss." parang alam ko na kung ano ang nangyayari, sorry naman lumalabas pagka-judgrmental ko.
"Hm maganda ka naman at sexy rin, hindi mo kail-
"Shut the f**k up, you don't know me." sabi ko nga shatap nalang ako.
Lumapit ako sa kaniya para tignan ang ginagawa niya. Nakitang padabog niyang hinihiwa ang karne.
"Ang sweet naman talaga ng misis ko pero magdahan dahan ka baka kasi mahiwa ka." huminto siya sa paghihiwa at tinignan ako ng masama.
"Stop being like that."
"Hala bakit? anong ginawa ko?" umurong siya ng kaunti papalayo sa akin at nag patuloy sa ginagawa niya.
"Just don't come near on me." arte.
Naglakad ako pabalik sa lamesa at kinuha ang phone sa bag na dala ko. Pag bukas ko nakita ko ang messages na nagmula kay ma'am Auza.
From: Love
Where are you,.at Arya's? I'll fetch you.
Hala s**t.
Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko 'saka naglakad pero huminto rin naman agad ako nang ma-realize ko na ipinagluluto pala ako ni Arya.
"Arya." tinawag ko siya pero patuloy lang siyang naghahalo ng kung ano sa kawali.
"Uy Arya." Wala pa rin.
"Ingrid." ayun nilingon niya agad ako.
"What?"
"Babalik ako, may pupuntahan lang saglit."
Pinihit niya ang patayan ng kalan 'saka humarap sa akin. She's giving me a death glare, like 'seriously Luna?' kung makakapatay ang tingin malamang pinaglalamayan na ako.
"Fine, I'm gonna throw this..." kinuha niya ang kawali pero nabitawan niya ito nang makaramdam ng init, natapon tuloy ang laman ng kawali. Tumakbo ako papalapit sa kaniya at kinuha ang kamay niya 'saka ito itinapat sa sink.
Narinig ko siyang nagmura like 's**t' kaya nagmamadali kong binuksan ang gripo para mawala ang paso na nararamdaman niya.
"Gagi ka, bakit kas-
"Who's the girl you mentioned earlier?" putol niya sa 'kin, aba talagang ngayon pa namin pag uusapan 'to.
"Kung nagseselos ka misis ko, itigil mo na 'yan kasi professor ko lang siya, actually same vibes nga kayo lumamang ka lang ng kasungitan." natawa kong sabi habang hinahaplos ang napaso niyang kamay.
"I'm not jealous." tumawa ako sa reaksyon ng mukha niya nang hampasin niya ang braso ko.
"Aray! mapanakit ka talaga." I heard her saying 'tss before rolling her eyes on me.
Tinitigan ko lang siya habang nakangiti. Sa ilang linggo naming magkasama sa bahay, lagi talaga kaming nagaaway kaya sanay na ako sa ugali niya. Behind her attitude nakita ko ang kabutihan ng puso niya sa ibang tao.
"Just a professor?" nabalik wisyo ako nang magsalita siya.
"Huh?"
"Nothing, go now I'll call manang Yannie to clean this mess." at ayun nag walked out nanaman siya.
"Rae." malamig na boses ang sumalubong sa tenga ko pagkababa ng bintana ang kotse ni ma'am Auza, lumapit ako at tumapat dito.
"Ano ba naman ma'am ano po ginagawa mo dito? pag nakita ka ni Arya, baka kung ano pa isip-
"Get in." she cut me off.
"Napagusapan na natin 'to hindi ba?" pagkasabi ko no'n agad siyang lumabas ng kotse at nagmamadaling lumapit sa akin.
"Stop pushing me away, I know you love me and I don't care about you having a fiance. I can wait until-"
"Paano ko mamahalin ang hindi ko naman kilala?" hindi ko na siya pinatapos at nagsalita agad ako, she didn't response pero nakatitig lang ito sa akin.
"Gulong gulo na ako! pati nga sarili ko hindi ko na maintindihan dahil sa simpleng paglapit mo palang," sobrang lakas ng epekto sa akin.
"I don't get it, what's wrong with you?." mas lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.
Ito ang sinasabi ko, 'yung kuryente kapag nagkakadikit kami, sumasakit 'yung puso ko sa hindi malaman na dahilan.
"Hindi ka naman maniniwala kapag sinabi ko."
"Sino ang may sabi na hindi? Just tell me everything and I'll listen, I'm here to help you clarify everything. Just let me."
Ipinulupot niya ang dalawang kamay paikot sa waist ko at niyakap ako, ramdam ko ang hininga niya banda sa leeg ko, pati na din ang t***k ng puso niya dahil sa pagkakalapat ng katawan niya sa akin.
"I love you, always Rae." mas humigpit ang pagkakayakap niya kaya naman mas lalo akong na-estatwa, hinayaan ko lang siya, ewan pero parang gusto ng katawan ko ang ginagawa niya.
Napahiwalay ako sa kaniya nang makarinig ng pagbukas ng pinto, alam kong si Arya iyun kaya dali dali ko siyang hinila papasok sa kotse niya at sumakay na din ako sa passenger seat.
"Tara na bilis." kinakabahan ako na baka makita niyang magkasama kami, parang mali kasi.
"Where?"
"Basta mag drive ka nalang." narealized ko ang nasabi ko, professor pala itong kausap ko. "Po." pohabol ko.
"Po?"
"Sabi ko po tara na po, kahit saan po." narinig ko siyang tumawa ng bahagya.
"May nakakatawa ba?"
"Oh sorry, it's funny na you are using the po word na. I can feel the respect now, you're a bad girl kasi dati." sinimulan niyang i-start ang engine, bago kami tuluyan na makaandar ngumiti muna ito sa akin.
Hindi ko alam ang sasabihin kaya nanatiling nakatikom ang bibig ko. Nakadungaw lang ako sa bintana habang pinapakiramdaman ang katabi ko, tahimik din kasi siya habang nagmamaneho, ano kayang iniisip niya?
"Rae." I turned my head to faced her nang marinig ang mala anghel na boses niya.
"Do you remember how we've met?" napakunot ang noo ko sa tanong niya, out of curiosity syempre tinanong ko nalang rin kung paano.
"Paano."
"You forgot."
"S-sorry."
"Its okay, hmm you know what Sofia is like a sister to me pero nu'ng time na umalis siya maski ako ay hindi niya sinabihan, she just left and that's it."
"Bakit mo sinasabi 'to?" tanong ko.
Hininto niya ang kotse sa gilid at humarap sa 'kin. Ilang minuto siguro niya akong tinitagan bago siya tuluyang magsalita.
"What if you found out that she had a reason why she had to leave? would you go back to her?"