Luna Rae Callejo
Nasa condo ako si ma'am Auza ngayon at kakatapos lang namin kumain, since hindi nga siya marunong mag luto ay ako nalang ang gumawa.
Nagluto ako ng sinigang dahil favorite niya daw at sakto napakalamig ng panahon dahil december na nga at nag sangag din ng kanin. Naalala ko 'yung niluto ni Arya na sinigang, shuta nauumay na ako sa totoo lang.
"Here." lumapit siya sa kinauupuan ko at inilahad ang kamay niyang may hawak hawak na damit at towel.
"Hindi na uuwi na rin naman ako." nakatayo na sana ako at ready na para umalis nang itulak niya ako papaupo ulit sa sofa, sapilitan niyang inilagay ang mga damit na hawak niya sa kamay ko.
"No, stay." pwede na siya gawaran ng award na paladesisyon of the year.
Sinunod ko nalang rin siya dahil baka magalit pa, mahirap na.
Nagshower muna ako at nagpalit ng damit, nightwear ang binigay niya tapos hindi pa gamit na panty at bra dahil naka balot pa ito, pagkalabas ko ng bathroom nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang may kausap sa telepono.
"He is here? why you didn't tell me?" narinig kong tanong niya.
Hindi naman sa chismosa ako pero aanuhin ko pa ang tenga kung hindi ko rin naman gagamitin hindi ba? mindset ba, mindset.
"I don't care Reign, just don't tell him where I was living right now and please take care of her." agad binabaan ang kausap at isinandal ang ulo sa head ng sofa.
Lumapit at nang magawa ko iyun, nakita kong hinihilot niya ang sintido niya habang nakapikit, hindi naman halatang stress siya, slight lang.
Nakatayo lang ako habang pinapanood siya, napakaganda talaga niya tapos matalino at mayaman pa.
Tinigil niya ang paghilot sa sintido niya at binaba ang kamay niya, onti unting tumagilid pababa ang ulo niya hudyat ng nakakatulog na ito kaya lumapit ako at umupo sa tabi niya, inayos ko ang ulo niya at isinandal sa balikat ko.
Ramdam ang bawat pag hingang ginagawa niya, patagal ng patagal, pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Ipinihit ko ang ulo ko para makita ang mukha niya.
Hindi ko kilala ang babaeng 'to pero iba talaga kapag sobrang lapit niya. I'm not sure dahil ngayon ko lang kasi naramdaman ang ganito kaya hindi ko talaga alam.
Nagugustuhan ko na ba siya?
Teka nga, pucha ano bang sinasabi ko? gosh Luna nababaliw kana, hindi ka pwede magkagusto sa babae dahil straight ka.
"Callejo are you listening?"
"Callejo!"
"Pucha ano ba- ah ma'am, sorry ano po?" s**t.
Hindi ko namalayang lumilipad nanaman ang isip ko.
Tangina naman hindi kasi mawala wala sa isip ko si ma'am Auza, lalo na kaninang umaga, hinalikan niya kasi ako sa pisngi bago kami makalabas sa kotse niya.
"Class dismissed, mag lunch na kayo and Ikaw callejo maiwan ka, may pag uusapan tayo." narinig kong nagsitawanan ang mga kasama ko 'liban sa dalawa na si Sandie at Reese at bago sila naglakad, isa isa silang nag salita na tanging kami kami lang ang nakakarinig.
"Babush girl." Casey.
"Lutang." Hunter.
"Ikamusta mo nalang kami kay lord." Bryn.
"Wait ka nalang namin sa cafeteria." Ika ni Sandie.
"Tss." Reese.
Binitbit ko ang bag na hawak ko at lumapit kay Sofia, buti nalang siya ang professor ngayon, hindi ako masyadong kinabahan, nanag makarating ako sa harapan niya ay ngumiti ako.
"What's with that behavior?" nabawi ang ngiti ko nang marinig ang malamig na boses nito, ay hala galit ba 'to?
"S-sorry po, may iniisip lang."
Napayuko ako dahil sa hiya, ayaw niya nga pala ng estudyante na hindi nakikinig sa kaniya. Naalala ko the last time na may hindi nakinig sa lesson niya ay pinalabas niya ito, si Thomas 'yung tamad naming classmate, mabilis akong napalingon nang marinig ang hagikgik niya.
"Oh damn sorry, did i scared you?" tanong niya habang tumatawa.
"Hindi naman, ano kasi akala ko galit ka."
"I'm not, I just wanted you to focus on me kapag nag didiscuss ako, what are you thinking ba? is it about Stella?" tanong nito, ipinagkrus niya ang dalawa niyang hita at ganon din sa dalawa niyang braso 'saka itinaas ang isang kilay.
Hm kumpara kay ma'am Auza ay siya ang madalas na nakikita kong nakangiti, she might be the strict one but hindi siya maattitude, 'yung isa kask hindi naman maattitude sa akin pero sa iba pucha goodluck sa kanila.
I was occupied earlier dahil nga sa nangyayari between me and her bestfriend, pero bakit 'yung ginawa ni Arya na paghalik sa labi ko parang wala lang pero siya, pisngi ko lang ang hinalikan niya hindi ko pa makalimutan.
"Sofia nagugutom na ako." pag-iiba ko.
Hanggang kailan ba ako iiwas sa mga tanong niya? ang hirap naman ng sitwasyon ko, ginawa ko ba talaga ang mga bagay na 'to? parang gusto ko nalang maging hotdog.
"Hmm, alright go now."
After kumain I decided na sunduin si miss Auza sa office niya dahil siya naman ang next professor namin, ivdon't know why i am doing this pero kusa nalang akong dinala ng mga paa ko dito.
"Hi ma'a-
Huminto ako nang makita si Lincoln na nasa loob ng office ni miss Auza, napaatras ako at nagtago sa gilid para hindi nila makita.
Gagi, anong ginagawa ng kapatid ni Arya dito?
"One dinner lang naman Stella, pag bigyan mo na ako please i need to bring a date to our family dinner dahil naghahanap na si dad ng ipapakasal sa akin at ayoko no'n." magkakilala sila?
Oh my gosh, small world.
"Lincoln, there's a trillion of girls out there na pwede mong yayain." malamig na boses ni miss Auza ang rumisponde sa lalaki.
"I want you." ay wow, sana all.
"Oh really huh? the question is, gusto ka ba?" napapigil ako ng tawa nang marinig ang rebut ni miss Auza.
"Ouch naman my beautiful gorgeous lady napakasakit mo sa apdo, ang tagal ko nang nanliligaw sa 'yo hindi ko pa rin ako binibigyan ng chance." so matagal na silang magkakilala, kilala din kaya ni Arya si ma'am Auza?
"I never ask you to do that."
"Yeah yeah whatever, basta hindi ako titigil and by the way anong ginagawa mo dito? hindi mo naman sinabi na sa pagiging professor pala ang bagsak mo, iniwan mo nalang basta basta ang pagiging doct-
"Shut the f**k up Lincoln, or else I will kill you." ma'am cutted his words.
Huh, pagiging ano daw?
"Chill okay, sorry."
"Leave now, may klase pa ako."
"Pumayag ka muna, one dinner with my family tapos okay na hindi na kita guguluhin." pagmamakaawa ni Lincoln, ang kulit naman nito, ayaw nga eh.
Nakakaloka, kaladkarin ko kaya 'to papalabas ng office.
"Fine, one dinner then huwag ka na magpapakita I don't wanna see your face again."
"Harsh, guluhin lang ang usapan but hindi ko sinabing hindi na ako magpapakita sa 'yo. I will fetch you later okay? see you my beautiful gorgeous lady." agad akong tumakbo papalayo ng marinig ang pag lakad ni Lincoln, baka kasi mahuli akong nakikinig ng usapan nila.
Hindi ko na alam kung anong nangyayari jusme pati si Lincoln nakisali na, ang sakit na nga sa puso, ang sakit pa sa ulo. Nang makalayo binagalan ko na ang paglalakad dahil nakakaramdam na ako ng pagod, hiningal ako do'n.
Naiinis ako pero hindi ko alam kung bakit, charot syempre alam ko naman pero nasa denial stage pa ako hmm baka nga nagugustuhan ko na siya.
Anong gagawin ko? should I let myself na magustuhan ang babaeng 'yun? sabi naman niya mahal niya ako, so why not? susubukan ko ba?
Fuck naman, i need Blaire to give me some advice!
Nagulantang ako nang nag ring ang phone sa bulsa ko, shet mukhang over na ang pag ooverthink ko nagiging magugulatin na ako.
Nilabas ko ang phone sa bulsa ko, chineck ko kung sino at nakitang si Arya iyun kaya sinagot ko na.
Where are you, bakit hindi ka umuwi kagabi?
"Hala namiss ako ng misis ko, ayieee."
What? she stopped at huminga ng malalim bago nagsalita ulit. No way, never.
"Aysus never daw pero tumawag, ano ba kailangan mo?"
We have a dinner later with my family and relatives, dad said that I should bring you there so come home early.
Dinner? Ito ba 'yung ano, oh my gosh don't tell me makakasama ko si ma'am at Arya sa iisang table, hindi na uy ayoko nga.
Luna.
"H-ha? ano?" utal na tanong ko.
I said come home early.
"Hindi pwede may ano, may p-pupuntahan ako mamaya." kinakabahan ako, ayoko talaga at mukhang malaking gulo ang mangyayari kapag pumunta ako.
Okay then, i will burn your precious camera here kapag hindi ka pumunta. Foul!
"T-teka lang naman! oo na pupunta na." walang pagaalinlangan na sabi ko, huy be camera 'yun, ang ganda pa ng model, mas gugutuhin kong ako nalang apuyan niya kaysa sa camera.
Good. she hang up.
Goddamnit.
Nagpatuloy ako sa paglalakad na bagsak ang balikat papuntang classroom.
Imbis na isipin ang dinner na mangyayari mamaya, iniisip ko 'yung narinig ko sa office ngayon ngayon lang, paano kaya nakilala ni Lincoln si ma'am Auza, ano ba sila? magkaibigan? childhood friend? mag ex?
"Oh bakit ikaw lang? nasan si miss Stella, akala ko susunduin mo." tanong ni Sandie nang makaupo ako sa upuan ko pero hindi ako sumagot.
"Luh siya, anong mukha 'yan? shish break na nga kayo nagagawa niyo pang mag tapuhan."
Ibinaba ko ang ulo ko sa desk ko at ipinikit ang dalawang mata, inaantok ako, nakakapagod mag-isip.
Napaka weird pero parang unti unti ko nang natatanggap. I still hoping na magkita kami ni mama para malinawan ako, kailangan ko talaga siya makausap.
Gusto ko maalala lahat!
"Good afternoon."
"Good afternoon ma'am Auza." andito na pala siya.
Hindi ko pa rin inangat ang ulo ko, ayokong makita siya dahil mas lalong sumisikip ang dibdib ko.
"Callejo." dun dun dudun.
Dama ko ang pagsiko ni Sandie sa braso ko kaya matalim ko itong tinignan.
"Excuse me miss Briones, can you tell to your seatmate na kung ayaw niya sa klase ko ay pwede na siyang umalis."
"Narinig mo te?" pinandilatan ako ni Sandie kaya napairap ako bago iniahon ang ulo ko patungo sa gawi ni ma'am.
She is looking at me with her cold expression, kahit galit ang ganda niya talaga, nakakainis na.
"What the hell are you wearing?" bungad ni Arya nang makalabas ako sa guest room.
Hala hindi ba bagay? hiniram ko pa ito kay Sandie.
"Bakit pangit ba?" tanong ko habang inaayos ang suot ko banda sa may cleavage.
"Hm well not the dress but the face is." sinamaan ko ito ng tingin matapos marinig ang sinabi niya, ang ganda ko kaya! lumamang lang siya ng paligo.
"Change it, too much revealing." she said, sumandal siya sa pader malapit sa pintuan at ipinagkrus ang dalawa niyang braso.
"Conservative, nahiya naman ako sa suot mo ha tignan mo nga 'yang punit sa may legs mo halos makita na kuyukot mo." napakurap ako nang lumapit siya sa akin.
"Luna be a decent person kahit ngayon lang, gusto mo bang mabastos?" mautoridad niyang utos.
Hala tama ba ang naririnig ko, concern siya?
"Hay nako misis ko tama kana, tara lesgo baka malate pa tayo." hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya pero hindi ito nagpatinag, hinigit niya ako paakyat sa second floor at binitawan lang niya ang kamay ko nang makarating kami sa kwarto niya.
Nagtungo siya papunta sa cabinet niyang pink at may hinahanap na kung ano, magsasalita sana ako nang ibato niya sa akin ang damit na hinalungkat niya.
"Listen, we're not leaving until you wear it."
"Per-
"No buts."
Namamangha kong inilibot ang paningin ko sa paligid, ang laki ng bahay nila mrs. at mr. rivera dahil sobrang yaman pala nila.
"Evening mom, dad." lumapit si Arya sa mga magulang niya at isa-isa itong hinalikan sa pisngi.
Shutaness, naalala ko nanaman si ma'am Auza grabe na ito.
"Hey darling." pagbati ng mommy niya sa kaniya at dahil mabait akong manugang, lumapit ako 'saka sa binati sila at nagmano.
"Good evening po."
"Luna, I'm glad you came." nakangiting sabi ng mommy ni Arya.
Ipinakilala nila sa akin isa-isa ang lahat ng andito, pinsan, tita, tito at iba pa and dahil wala pa si Lincoln, halos sabunin nila ako ng tanong pero mabuti nalang si Arya ang halos sumasalo ng mga tanong na ibinabato nila, kahit air-conditioned dito, dama ko ang pawis ko sa kaba dagdag mo ang leather jacket na ipinasuot sa akin ni Arya.
"Ate Luna!" nilingon ko ang gawi kung saan naroon ang boses na iyun, patakbong lumapit si Zetia sa akin at nagpabuhat pa ito.
"Hi Zetia." nakangiti kong kinausap ito.
"Yehey you are here, we can play na, laro tayo laro tayo pretty please." pangungulit ng batang buhat buhat ko ngayon, ang likot niya para akong mababalian ng buto.
"Zetia, kakarating lang ng ate Luna mo for sure pagod 'yan sa byahe mamaya na kayo maglaro after our dinner." misis rivera said.
"But mommy."
"Zetia." suway ni Arya, pinandilatan nito ang bata, amp pati ako natakot.
"Okay lang po mrs. rivera, lilibangin ko nalang po muna siya habang hindi pa nag sisimula at wala pa naman ang iba."
Ang cute ng batang 'to hinayaan ko siyang hilain ang kamay ko papunta sa bawat parte ng bahay nila, nililibot ako ng bata be.
Sobrang lawak at napakaganda dito, actually hindi na bahay 'to dahil mas malaki pa ito sa mansyon na nakita ko.
Sobrang daldal si Zetia dahil halos lahat ata ng talambuhay ng kaklase niya ay ikinuwento na niya sa akin, may classmate nga daw siya na pangit, mabaho, dugyot at maitim at kung ano ano pang panglalait sa mga ito.
"Sit here." turo ni Arya sa upuan katabi ng kaniya.
Nalibang ako sa kapatid niya kaya medyo nawala ang kaba ko, mabait naman si Zetia kaso dahil nga bata, baka nagagaya niya 'yung ugali ng nakapaligid sa kaniya.
"God nasaan na ba si Lincoln, ang lalaking iyun talaga kahit kailan." sabi ni mr. rivera.
"Honey baka naman na traffi- oh there he is." napalingon kaming lahat sa entrance at nakita si Lincoln at ma'am Auza na pumasok rito.
Feel ko naistuck na ang mata ko sa kaniya, kahit malayo layo pa ay tanaw ko na ang nakakasilaw niyang kagandahan, sa dami ng magaganda dito ay isang babae lang ang nangibabaw sa kanilang lahat nang dumating siya.
She just caught my eyes when she came in here at the moment na parang nag slowmo ang paligid nang maglakad siya papalapit sa amin, i just realized something.
I think i like this woman, my heart starting to gave up on her.
Looking like an angel with her white dress napakaganda niya at kahit siguro paulit ulit, hindi ako magsasawang sabihin na maganda siya.
Hindi nawala ang tingin ko sa kaniya hanggang sa makalapit sila.
Nakipag beso si Lincoln sa mga kamag anak niya at ganoon din si ma'am Auza, kung kanina ay naiinitan ako, ngayon naman ay parang natatae na ako sa lamig at sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko, para akong nagkape ng isang gallon.
Nang mahagip niya ang presensiya ko, nanlaki ang mga mata nito, mukhang hindi niya pa alam na kapatid ni Lincoln si Arya, bahagyang sumalubong ang magaganda niyang kilay habang nakatingin sa akin.
Goddamnit she is taking my breath away.
"Everyone I wanted you to meet my lovely girlfriend, Stella." natigil ang pagtitig namin sa isa't isa nang ipinakilala siya ni Lincoln.
Pucha, naiinis ako. aguy nag seselos. shut up otor, kasalanan mo ito.
"Hello dear, you look so familiar, celebrity ka ba or singer?" tanong ng mrs. Rivera.
Sana all celebrity, sana all singer.
"Her family owned a famous hosp-
"Lincoln, not my background please." i heard ma'am cutted Lincoln words while looking at me pero nakahawak ito sa braso ni Lincoln, putek naiinis talaga ako gusto ko nalang mag walkout.
"Hey what wrong baby? gusto ko lang malaman nila kung gaano ako kaswerte sa 'yo."
"Excuse me po, mag ccr lang ako." pagkuha ko ng atensyon nila, palakad na sana ako nang may maramdaman na palad sa kamay ko.
"Do you want me to accompany you?" Arya asked.
"Hindi na okay lang."
"Okay."
Nagmadali akong nagpunta sa comfort room, alam ko kung saan dahil tinuro na ito ni Zetia kanina.
Nang makapasok ako agad akong pumunta sa sink, isang malaking salamin ang kaharap ko ngayon, tinignan ko ang sarili kong reflection habang pinapakalma ang looban ko.
Gusto ko nga siya, confirmed.
"Hey are you okay?"
"Ay shete." gulat kong nilingon ang nagsalita. "ma'am, anong ginagawa niyo dito?"
"Rae i didn't know Lincoln is Arya's brother." she stated at dahan dahan akong nilapitan.
Naiinis pa rin ako, alam kong fair lang ito dahil may fiance naman ako kaso pucha bakit may pagkapit sa braso.
"Bumalik kana po doon ma'am, susunod ako natatae pa ako." pagpapalusot ko para lang makaalis na siya.
"Hm alright text me if you need something, after this please let's talk and I will explain everything." alam ko naman na nagpapanggap lang sila kaso may gusto nga sa kaniya si Lincoln, what if malaman niya ang tungkol sa amin? what if makahalata si Arya? what if-
"Rae."
"Ha, oo sige na po natatae na ko ma'am hindi ko na mapigilan, lalabas na." she let out a soft laughed bago nagpaalam at lumabas ng comfort room.
Nang mapakalma ang sarili agad akong bumalik, nakita kong nakaupo si Lincoln sa harapan ni Arya at si ma'am Auza naman ay nasa tabi niya, in front of my seat.
Gosh sa dinami rami ng upuan, sa harapan ko pa talaga? umupo na ako at inayos ang sarili.
"Luna, you seems like mind occupied." bulong ni Arya.
"Hindi, may iniisip lang." my heart is pounding again so fast, paano ba ito mapapahinto?
"Here, wipe your forehead pinagpapawisan ka." nilahad niya ang kamay niyang may panyo na kinuha niya sa purse niya, pagkakuha ko nito ay agad kong pinunasan ang pawis ko.
Napatigil ako sa pag punas at binaba ang kamay ko nang mahagip ng mata ko si ma'am na masama ang tingin sa akin, parang makakapatay ang matatalim niyang mga mata.
"Here try this." nilagyan ni Arya ng dish ang pinggan ko, which is ikinagulat ko.
Hala bakit, sinapian ba siya?
"That's not healthy, you should try this one." agad ko naman nilingon si ma'am na nagsalita, inusog niya ang plato na may lamang mga gulay.
Tangina sabi na eh, kaya ayoko sumama.
Nakakainis naman 'to si ma'am masyadong pinapahalata na mahal na mahal ako.
Nakita ko si Arya na nagtatakang tumingin sa katabi ni Lincoln, pati si Lincoln gano'n din ang itsura niya tulad ng kay Arya.
"What, just suggesting healthy foods." inosenteng sabi ng propesor na nasa harap ko.
"So Luna, kamusta ang pagaaral mo? I amm glad to know na matataas grades mo, after your graduation pwede na natin simulan ang paghahanda ng kasal." narinig kong napaubo si ma'am Auza sa sinabi ni mrs. rivera, aabutan ko sana siya ng tubig pero nauna na ang kapatid ni Arya.
"Please mom, I don't want to talk about it." sabi ng katabi ko.
"Why not? andito na ang kuya mo." ika ng ama niya.
"He is right, kumpleto na tayo kaya dapat nga ngayon palang pagplanuhan na ang lahat." sabi naman ni aunt Rebecca, na tita ni Arya.
Dapat siguro hinayaan ko nalang masunog 'yung camera? putek hot na nga ako, hina-hotseat pa nila.
"How about you Lincoln? kailan niyo balak magpakasal ni Stella?" mrs. Rivera asked, naramdaman niya siguro na hindi kami komportable sa usapan kaya inabaling nalang niya ang atensyon sa panganay niya.
"Oh god mom, kapapakilala ko lang kasal agad? cqn we just focus on Arya's wedding muna at kung hihingiin niyo ang opinion ko, i want Luna for her."
Powta naman ni satanas oh, I turned my gaze to ma'am Auza at nakitang mas lalong sumama ang timpla ng mukha, she is glaring at me like bakit parang kasalanan ko?
"Shut up Lincoln." pagalit na sabi ni Arya.
"I'm giving you my blessings na nga." preskong sagot ni Lincoln dito.
"I don't need your opinion so stop talking." pagsagot ng katabi ko, arya's father cleared his throat nang marinig ang sinabi ng anak niya.
"Arya." mahinang tawag ko sa kaniya.
"What?"
"Huy gagi umayos ka nga."
"Who are you t-" she was about to speak pero inunahan ko na ito.
"Excuse me po, pag pasensyahan niyo na itong misis ko mukhang badmood 'saka pagod kaya mainit pa ang ul- awww! goddamn-" napatakip ako sa bibig ko nang may naramdaman akong may malakas na tumapak sa paa ko.
I know na si Arya iyun kaya nilingon ko ito at kinunutan ng noo. I mouted to her 'tangina ang sakit ha' parang buong pwersa ata niya ang ginamit sa pagtapak sa akin.
Nakuha naman agad ni ma'am Auza ang atensyon naming lahat nang bigla itong tumayo.
Gagi anong gagawin niya? sa sobrang kaba, hindi ko na ininda 'yung sakit ng paa ko.
"Why babe?" Lincoln asked her.
Nakatingin lang siya sa akin, halatang halata sa kaniya ang pagaalala at nang ma-realize ang pangyayari agad siyang nagpaalam upang pumunta ng comfort room.
"Luna is so sweet, right mom? mukhang may progress na kayo." tukso ni Lincoln.
"Excuse us for a minutes." tumayo si Arya at hinigit ako papalabas ng mansyon, nagiging hobby na niya ang pag hila sa akin. Hindi na ako magtataka kung isang araw magkandapilay-pilay nalang ako.
"Teka uy, ano nanaman?" huminto kami sa harapan ng kotse niya bago niya ako sigawan.
"Stop calling me that callsign of yours!"
"Hala yun lang? bakit kailangan mang-apak?!" balik ko rito.
"What?"
"What what mo mukha mo, ang sakit kaya ng pagtapak mo." Iniluhod ko ang isa kong paa at bumaba para hawakan ang kanang paa ko, Arya mapanakit.
"No i didn't, what are you saying?"
"Hoy 'wag nga ako, ikaw lang naman ang gagaw-" i stopped nang maalala ang aksyon ni miss Auza kanina.
If hindi si Arya, siya?
"Stop accusing me you, you little s**t and don't call me misis ko infront of my family." matapos niyang sabihin iyun, nagmamadali siyang pumasok sa kotse niya kaya sumunod ako at umupo sa passenger seat.
"Saan ka pupunta? hindi ba tayo babalik ro'n?"
"Do you want to go back there?" umiling ako dahil ayoko ng atmosphere sa loob, kinakabag ako eh.
"Then come with me." mabilis niyang pinaandar ang kotse, hindi pa ako nakakapag seat belt kaya napakapit ako sa inuupuan ko.
"Bagalan mo naman! saan ba tayo pupunta?"
"Shut up, kapag hindi ka tumigil kakasalita I'm going to kick you out of this car." sungit.