Entry: December 05, 2015

328 Words
December 5, 2015 07:30 PM Dear Diary,                 Good news!!! Nahanap ko na si Lopez #12!! Hindi naman pala s’ya artista, Diary. At hindi naman ako pinagpawisan ng malapot sa kakahanap sa profile n'ya dahil close yata sila nina Triton at Vaughan. Kaso lang, naka-private ang profile ni Lopez #12 kaya wala akong napala masyado! Hmp! Itatanong ko na lang kay Kira sa susunod dahil baka kakilala rin n'ya, Diary. Posible naman ‘yon dahil mayaman sila Kira. Engineer ang Daddy n’ya at Architect ang Mommy n’ya. Kaya sigurado kilala n’ya. Hmm! Excited na ‘ko! Name: Kier Angelo Lopez Nickname: Gelo Age: 26 Occupation: Civil Engineer PS. Hindi s’ya dito sa Pilipinas naka-base. PPS. Single pa yata s’ya, Diary. Pero baka dito lang sa Pilipinas single. Pagdating sa ibang bansa, double na! Hmp! Babaero pa yata! Joke! Ano naman ngayon kung babaero s’ya? Hindi naman na nakakapagtaka kasi gwapo, mayaman, mukhang mabango. Hmp! *** December 5, 2015 09:15 PM Dear Diary,               Nag-scan ako ng mga pictures na kuha ko kanina. Ang gwapo-gwapo talaga ni Triton, Diary! As in! Pero parang mas gwapo ng konti itong si Gelo. O baka dahil maputi s’ya kaya pansin na pansin? Ah ewan! Basta ang dami ko palang nakuhang pictures n’ya, Diary. Hindi ako makapili kung alin ang ididikit ko dito sa bulletin board! *** December 5, 2015 10:30 PM Dear Diary,                I-add ko kaya si Gelo sa f******k? Sa tingin mo mag-aacept kaya ‘yon? Gusto ko lang naman i-send sa kanya itong mga pictures na nakuha ko sa game nila kanina. Baka lang gusto n’yang makita ‘di ba? Pero ‘wag na nga. Nakakahiya. Baka suplado pa pala ‘yon at sungitan lang ako. Hmp! PS. Confirmed, Diary! Mas gwapo nga si Gelo kay Triton. PPS. Hindi ko zinoom lahat ng mga pictures n’ya ha? Malinaw lang talaga ang mga mata ko! PPPS. May nunal pala si Gelo sa gilid ng kaliwang kilay, Diary. Wala lang. Ang cute n’ya lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD