Poke

571 Words
Kier Angelo Lopez accepted your friend request… Literal na nilipad ng hangin ang kung anong antok na nararamdaman ko dahil sa notification na agad nag-pop up sa notification bar ng phone ko. Ilang sandali pa akong natulala dahil sa katangahang nagawa ko. Anong iisipin n’ya? Na inignore ko s’ya tapos in-add ko din?! “Sh!t naman…” mahinang bulong ko dahil alam kong kakatulog pa lang ni Mama sa kabilang kwarto. Pagtingin ko sa profile n’ya ay kitang-kita ko ang kulay green na bilog na nagpapatunay na online pa s’ya! Hating gabi na pero online pa! Napasabunot ako sa buhok habang maingat na maingat na nag-iscan sa profile n’ya. Natutukso akong tingnan ang mga pictures sa album n’ya kaya lang ay kinakabahan ako baka ma-like ko ang mga ‘yon at mahalata n’yang nag i-stalk ako sa kanya! Mahirap na! Baka kung ano pa ang isipin ng Gelo na ‘yon pag nagkataon! Pero may isang album doon na ang title ay SWIMMING at picture n’ya na topless ang nasa cover. “‘Wag na wag kang pipindot kung ayaw mong masira ang buhay mo…” mahinang paalala ko sa sarili habang tinititigan ang album na ‘yon. Agad na sinara ko ang tab ng profile n’ya at saka humiga na sa kama. Pero hindi pa ako nakakapikit ay tumunog na ang phone ko sa isa na namang notification sa f******k ko kaya inabot ko ang phone ko at tiningnan kung ano ‘yon. “Kier Angelo Lopez poked you?” mahinang basa ko sa nag-appear sa notifications ko. “At bakit naman s’ya nangangalabit sa ganitong oras? Hating-gabi nangangalabit? Ano ‘yon?” mahinang bulalas ko pa habang titig na titig pa rin sa notification sa phone ko. Dahan-dahang pinindot ko ang notification na ‘yon at may nakalagay na “poke back” sa tapat ng pangalan n’ya. “Kailangan bang mag-poke back pa ako sa kanya?” bulong ko habang nag-iisip. Wala na sana akong balak na pansinin ‘yon pero naisip ko na baka isipin n’yang isnabera ako kaya agad na pinindot ko na lang ang poke back para matapos na at saka humiga na ulit sa kama para lang makarecieved ulit ng notification galing ulit kay Gelo! Napakamot ako sa ulo at agad na tinitigan ulit ang bagong notification. Kier Angelo Lopez poked you 2 times in a row! “Ano bang problema ng Gelo na ‘to??” napapakamot sa ulo na bulong ko at agad na pinindot ulit ang poke back. Pero hindi pa ako nagtatagal na nakatitig sa screen ay nag-poke na naman s’ya! Bumuntong hininga ako at nagpoke back ulit. Gano’n na naman! Nagpoke ulit s’ya at ilang beses pa kaming nagpalitan ng poke! Naiinis na pinindot ko na ang profile n’ya para i-chat s’ya kung ano ba ang gusto n’yang mangyari at bakit s’ya poke ng poke sa akin! Pero sa sobrang pagmamadali ko ay call  button ang napindot ko ilang isang ring lang sinagot n’ya kaagad! “Hello?” Muntik pa akong mapasigaw nang marinig ko ang medyo malat na boses n’ya. Sh!t na malagkit! Bedroom voice!! Literal na napanganga ako at natulala sa screen ng phone ko habang hindi alam kung ano ang gagawin! "You still there?" tanong ulit n'ya na sobrang ganda ng diction! Lalo akong nataranta! At sa sobrang pagkataranta ko ay imbes na i-off ko ang call sa messenger ay phone ko mismo ang in-off ko!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD