Umaga pa lang ng kasal nila Ate Anika at Vaughan ay may nagsidating pa na ilang mga bisita. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang makita sa mga ‘yon ang ex-girlfriend ni Gelo. Panay tuloy ang kantyaw sa akin ni Kira habang nasa isang room kami kung saan inaayusan ang bride at iba pang kasali sa entourage. Kanina pa kami nakabihis at nakapaghanda at hinihintay na lang sila Damon at Gelo doon dahil may pinag-uusapan sila kasama sila Triton. Humikab ako dahil sa antok na nararamdaman dahil hindi na ako nakatulog kaninang madaling araw pagkatapos mangulit ni Gelo. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba s’ya sa nagdaang gabi dahil nagisnan ko na s’yang nakatitig sa akin kaninang madaling araw. Tsk! “What’s that?” tanong ni Kira kaya napalingon ako sa kanya. “Ha?” litong tanong ko. Ngumiwi s’ya at s

