Trent Pov
I'm already wearing my race suit and helmet, I'm just waiting for my mechanics to tell me that my Big Bike is already set and ready. I stood up to look outside my sliding door when I saw Nina fixing her teammates gloves. I don't know why I feel this surge of jealousy while I'm looking at her
"I want you to do that for me too love." I say to myself, while still looking at her focusing on what she's doing. While I suddenly had a glimpse of the man looking at Nina with sadness on his eyes. Then that moment I knew, that man like her.
"I cannot waste anymore time, it's now or never!" I told myself while looking at them both. When her teammate left her, that's when I decided to come out.
She's looking at the chart and timer that she's holding, while I slowly opened the sliding door of my paddock. Time begins to move slow for me at this very moment it's just like time suddenly stopped. My eyes is just directly looking at her waiting for her to look at mine. I'm already outside my paddock standing and then...
FINALLY!
"T-trent??" she said, looking directly at me teary eyed.
Chapter 08
Nina Pov
Habang nag hihintay ng oras ng pag pasok ng team namin sa race track, nag mumuni muni muna ako habang naka tingin sa chart at timer na hawak hawak ko ng bigla ako maka-rinig ng pag bukas ng pinto sa gilid ko. Dahan dahan ako nag angat ng tingin sa nag bukas ng pinto at bigla ako napatigil sabay noon ng biglang pag ka bitaw ko sa mga gamit na hawak ko.
"T-trent??" sabi ko na tama lang para marinig niya. Di ko na namamalayan na dahan dahan na pala ako tumayo at dali dali ko siyang nilapitan at sabay niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko na natigilan siya sa ginawa ko, pero wala na akong pakialam sa mga panahon na to. Nararamdaman ko na dumadami na yung taong naka tingin samin dahil na din siguro sa pag iyak ko na hindi ko na mapigilan. Bibitaw na sana ko sa pag-kaka yakap ko sakanya na maramdaman kong yakapin niya ko pabalik. Sobrang higpit ng pag ganti ng yakap niya sakin na para bang ayaw na niya ko pakawalan. Pakiramdam ko huminto yung oras at ang paligid namin, parang kami lang dalawa ang nandito sa mga oras na to. Bumalik lang ako sa ulirat ng bigla siyang mag salita.
"I'm back My Nina, Thank you for waiting for me."
WAAAAAH!!! totoo ba yung narinig ko?! Hindi naman siguro ako nag hahallucinate hindi ba?!
"My Nina"
"My Nina"
"My Nina"
Paulit-ulit na replay sa utak ko ng sinabi niya na yan. Jusko wag ka ganiyan Trent! Baka mabaliw na ko sayo niyan!!
Dahan dahan ako nag angat ng tingin sakanya, as usual suot na niya yung complete gear niya at helmet kaya hindi ko makita kung anong emotion meron sa mga mata niya. Pero sapat na yung yakap at sinabi niya sakin para malaman ko na tinupad niya yung pangako niya. Nandito na siya! Bumalik na siya!
He suddenly giggled, while looking at me. Hindi ko nanaman maiwasan titigan siya ng maigi, nagulat nalang ako ng bigla niya hawakan yung pisngi ko pinunasan niya gamit ng kamay niyang may suot na gloves yung luha na iniyak ko kanina. Bigla nanaman nahinto yung mundo ko ng mag-salita siya.
"Please tell me that this is tears of joy, I hate seeing you waste this precious tears Nina.
Napabitaw na ko sakaniya bigla, hindi ko na kinakaya yung kalabog ng puso ko kasabay ng mga paro-paro sa tiyan ko na kanina pa nag wawala. Nag kalakas na din ako ng loob sumagot sakaniya kina-launan, naalala ko noon na ayaw na ayaw niya pala ng basta basta siya nilalapitan at hinahawakan ng kung sino kaya bigla akong nilamon ng hiya sa ginawa ko. Nakita ko na naka titig pa din siya sakin kaya bigla akong yumuko bago mag salita.
"A-ano kasi sobrang saya ko na makita ka dito ngayon, s-sa sobrang tuwa ko kaya ako naiyak at nayakap kita bigla sorry ha... Trent alam ko na ayaw mong basta basta ka nilalapitan at hinawakan pasensya ka na talaga" naka yuko kong sabi sakanya, pakiramdam ko gusto ko nalang mag palamon sa lupa, lalo na ramdam ko kung gaano kadami ng mata yung naka tingin samin ngayon.
"Hay nako kasi naman Nina bakit mo ba siya bigla biglang sinunggaban ng yakap! Hindi ka na nahiya doon sa tao!" pagalit kong sermon sa sarili ko.
Bigla naman may kamay na humawak sa baba ko at dahan dahan nag angat ng mukha ko. O-M-G! Bakit mo ba ginagawa sakin to Trent!
"Hey, look at me Nina. Yes it's true na hindi ako basta basta nag papahawak sa iba. But I don't care if it's you. You can talk to me and approach me anytime you want, you don't need my permission for it okay?" malumanay niyang paliwanag sakin na tinig nag lalambing. Para na kong hihimatayin sa mga oras na to sa totoo lang!
"T-talaga? pwede kita lapitan anytime?!" may amused ko tanong sakanya kasi di pa din talaga ko makapaniwala, imagine si Trent Salvacion pwede ko malapitan kahit kailan ko gusto!!
Nagulat ako sa pag tawa niya hayy "music to my ears" usal ko sa sarili ko kahit alam kong hindi naman niya yun totoong boses dahil sa voice changer na ginagamit niya. Basta iba talaga yung dating niya para sakin, kahit ako di ko ma explain yung nararamdaman ko pag nasa harapan ko na si Trent. Partida di ko pa nakikita ang hitsura niya behind his helmet pero ganito na agad nararamdaman ko "paano pa kaya pag wala na siya suot na helmet? ano kaya ang hitsura niya? Bigla tuloy ako na curious." sabi ko sa isip ko habang naka tingin pa din sakanya.
"Silly girl, Yes pwede mo ko lapitan anytime you want." sabay hawak niya sa ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko. Oh Lord! Kunin mo na ko! Joke lang! Wag po muna! hahahaha
Natigil lang ang pag uusap namin ng duma-dami na yung mga tao sa paligid namin na gusto din makipag-usap at makipag picture kay Trent. Tinawag na din ako ni Tito Tax kasi papasok na pala sila Gab at Earl sa loob ng race track. Hindi na ko nakapag paalam Kay Trent sa pag mamadali ko pumasok sa track. Ano ka ba naman kasi Nina! Bakit ba pag dating kay Trent nawawala ka sa focus!
"Nina focus! may trabaho ka na kailangan mo gawin mamaya na si Trent!" pagalit kong sermon sa sarili ko."
Pag pasok ko sa track nakita ko agad na nasa starting na si Gab na halos hindi ma-ipinta ang mukha sa sama ng tingin na pinupukol sakin. Hala... ano nanaman kaya problema netong lalaki na to. Bigla naman dumating sa gilid ko si Earl na grabe kung maka ngiti sakin sabay siko niya sakin ng bahagya.
"Ikaw ha! Trending na trending kayo ni Trent, kayong dalawa halos ang pinag uusapan ng mga marites doon sa loob. Yieeeh si Nina dalaga na! hahahaha" sabi ng kwago na si Earl.
"Walanghiya ka talaga Earl! Manahimik ka na nga diyan! mag focus ka sa goal niyo na time hindi yung panay pang-aasar mo sakin diyan!" nilakasan ko ang loob ko habang sinasabi sakanya yan kahit na deep inside nanglalambot na mga tuhod ko sa hiya.
"Aysus Princess! Wag mo ibahin ang usapan! Tignan mo mukha mo oh parang kamatis na!" sabay halakhak niya. Hinabol ko naman siya ng hampas bago ko siya hayaan makapasok na sa loob ng race track na wala pa din tigil sa kakatawa.
Medyo kumalma na ko at nag seryoso ng makita ko na mag ii-start na sila Gab at Earl sa 1st lap. Tuloy tuloy na ang ikot nila sa loob ng circuit track, habang naka tutok ako maigi sa mga galaw nilang dalawa at pinag-aaralan ang pag taas at baba ng speed ng takbo nila lalo na yun ang pinaka crucial part sa pag co-coach namin sakanila, ang ma monitor ng maayos ang bawat galaw at speed nila. Natapos nila ang 1st lap pero napa iling ako ng makita ko sa timer na kapit kapit ko ang time nila. Naka kuha si Gab ng 63 seconds habang 65 seconds naman kay Earl. Mabilis ko sinulat ang nakuhang time nila sa 1st lap at pinakita ko ka agad kay Tito Tax. Sinenyasan naman niya ang dalawa sa loob ng track na medyo taasan ang speed nila. Kaya sa 2nd lap binago na nila yung acceleration ng speed nila pero di kami kampante sa formation nila sa loob ng track lalo na kay Gab masiyado siyang gigil sa pag grip niya sa motor at medyo mataas din ang napansin namin na tension sa bawat movements niya.