Nina Pov
"Tara na Nina! Bilisan mo nag uumpisa na mag opening remarks si Sir. Emerson sa unahan dali!"
grabe talaga tong Earl na to akala mo hinahabol ng kung sino sa sobrang pag-mamadali buti nalang nag rubber shoes ako ngayong araw kung hindi nag kanda tapilok na ko sa pag hila hila niya sakin para lang maka pasok na kami.
"Hay nako Earl! dahan dahan nga at baka matapilok ako niyan sa grabe mong pag hila sakin!"
Pag dating namin sa mini stage sa gilid ng exclusive paddock nila Trent madami na ang nakikinig sa opening remarks ng Event Organizer.
"Now I announced that the 1st leg of this year's season is now open!" sabay sabay nag palakpakan ang iba't ibang team na nandito ngayon. Ang daming bagong team ang sumali para sa 1st leg for sure madami nanamang new opponents ang mag tatagisan ng galing this season. Pagkatapos ng announcement kaniya kaniya ng preparations ang bawat team para sa practice drill sa loob ng race track. Per team muna ang iikot ng 5 laps which is oorasan sila ng bawat coach nila sa magiging best time nila. Hiwalay ang beginners sa pag pasok sa track for safety purposes. Maya maya habang kinukuha ko yung chart at timer kung saan gagamitin ko para i-record yung magiging time lap ni Earl at Gab, bigla napako yung tingin ko sa paddock ni Trent. "Nandiyan na kaya siya sa loob?" tanong ko sa sarili ko ng biglang may tumapik sakin.
"Naka ready na ba yung chart at timer mo Nina?" tanong ni Tito Tax.
"Yes Tito eto na po." sabay pakita ko sakanya ng hawak ko.
"Okay sige, hintayin lang natin matapos yung laps ng mga beginners tapos sila Gab at Earl na yung kasunod."
"Sige po, Tito." sagot ko sakaniya.
Sa gilid ko naman nakita ko nanaman ang irritableng mukha ni Gabrielle, grabe talaga tong lalaki na to parang laging pinag sakluban ng langit at lupa e. Nakita ko na hindi niya malagay ng maayos yung gloves niya kaya nilapitan ko na di naman ako ganon ka imbyerna sakanya para hayaan nalang siya at syempre isa ako sa mga coach nila kaya kailangan ko din tumulong. Pag lapit ko sakanya halata sa mukha niya na nagulat siya hindi niya siguro ine-expect na tutulungan ko siya. Habang inaayos ko yung pag-kaka kabit ng gloves niya ramdam ko na napatigil siya at naka tingin lang sakin pero di ko yun binibigyang pansin.
"Oh ayan okay na, wag nga masiyado mainit ulo mo Gab. Tandaan mo kailangan mo mag focus sa loob kailangan naka focus ka. Wala ka dapat iniisip na iba pag umiikot na kayo sa track remember may goal time kayo kailangan maka at least 60 seconds kayo ni Earl na matapos per lap." Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa sinasabi ko, nagulat nalang ako pag angat ko ng tingin na naka titig pala siya sakin kaya pinitik ko yung noo niya.
"Aww! what was that for!?" sabi niya habang hinawakan yung noo niya na pinitik ko.
"Naka tulala ka Gab! nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Hay nako sinasabi ko na sayo you need to focus!" habang pinandidilatan ko siya ng mata, this guy is very unbelievable sa dami ko ng sinabi parang walang balak makinig!
"Oo na! nakikinig ako di mo na kailangan manakit!" irritable niyang sabi bago pagalit na tumayo at iwan ako doon.
"Wow! grabe talaga tong bipolar na to sumosobra na talaga to sakin!! waaaah! Kung hindi lang dahil sa daddy neto baka inupakan ko na to!!" impit ko salita sa sarili ko habang pinapanuod siya lumayo.
Gabrielle Pov
Nag lalakad ako ngayon palayo kay Nina, hindi ko talaga matagalan na malapit siya sakin di talaga kaya netong dibdib ko. Pag dating ko sa likod ng bleachers malapit sa Cr tsaka ako sumandal sa pader habang hawak hawak yung dibdib ko.
"F**k anong ginagawa mo sakin Nina!" usal ko sa isip ko ng biglang may umakbay sakin.
"Gab pare anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kyle na hindi ko naman sinagot sinamaan ko lang siya ng tingin sabay alis ng kamay niyang naka akbay sakin.
"Woah! hahaha chill chill pare eto naman masiyadong mainit" sabay taas ng dalawang kamay niya para ipakita na lumalayo na siya pero bigla siya lumingon ulit sakin at nag salita.
"Oo nga pala Gab, matanong ko lang may boyfriend ba si Nina or may nanliligaw ba sakanya?" kumunot naman ang noo ko at lalong sumama ang tingin ko sakanya.
"Why don't you ask her that yourself Kyle! Hindi ako tanungan ng tungkol sa buhay ng iba!" pagalit kong sagot sa lintik na Kyle.
"HAHAHA masiyado kang napag hahalataan brad! Sayo ako nag tanong kasi ka team mo siya hindi ba? at tsaka bakit ka ba galit na galit? e diba nung nag sabi nga siya sayo noong team building natin na crush ka niya e pinahiya at iniwasan mo lang? so bat ka ganiyan maka react ngayon?" halata sa boses niya ang pang uuyam sakin, sobra na ang galit ko sa mga oras na to pero biglang naalala ko yung araw na sinasabi ni Kyle.
(Flash Back 2yrs Ago Team Building)
"Oy Gab tara na kanina pa tayo hinihintay doon sa labas bangon na." Panay gising at tapik sakin ni Earl.
"Ano bang oras na?" pa pungas pungas na tanong ko sakanya.
"Mag 5:30pm na Gab! Wala kang ibang ginawa dito sa Team Building kundi matulog! Nag punta tayo dito para maki-bonding at makipag kilala sa ibang team walang sinabi na mag kulong dito sa kwarto at matulog buong araw!" inis na sabi ni Earl sakin habang sinisermonan ako. Bigla ako napatingin sa bunk bed ni Nina ng mapansin ko na wala siya dito sa loob ng kwarto dali dali ko tinanong si Earl.
"Where's Nina?"
"Wow Gab wow! Sa dami kong sinabi talaga si Nina unang hinanap mo? Bat ba kasi napaka torpe mo! Nandon si Nina sa labas nag luluto ng barbeque kasama ng ibang babae sa ibang team. Bahala ka na nga jan!" sabay alis niya at balibag sa pinto.
"Anong sinabi niya ako torpe??" usal ko sa sarili ko sabay kamot ng batok ko. Nag madali na ko mag ayos para lumabas. Team Building namin ngayong araw kasama ng iba't iba team, yung organizer ng event ngayong taon yung nag push para matuloy ito Team Building na to na ginanap dito sa Batangas. Para daw sa character development namin at para maka close yung mga opponents namin sa Race track. Pero di ko ma gets yung pakulo nila na ito kasi in the end of the day an opponent is a opponent makaka laban at makaka laban pa din naman sila sa loob ng track. Pero wala kami choice kung hindi sumunod kasi "it's a must" daw.
Pag labas ko agad ako nag palinga linga para hanapin si Nina, pag baba ko sa kwarto na pinag iistayan namin nakita ko siya kasama ng ibang babae na Racer din na nag ku-kwentuhan habang nag iihaw sila ng barbeque. I suddenly paused for a moment para tignan siya kahit sa malayo lang.
"She's so perfect" piping sabi ko sa isip ko, sobrang ganda niya her eyes and definitely her smile is so perfect for me. Simula ng mag decide siya sumali sa Team namin I can't help but to admire her. Yes, I like her. Simula palang nakilala ko siya may gusto na ko sakaniya, pero pinipigilan ko. Kasi alam kong hindi pwede, dahil may iba siyang gusto, Si Trent Salvacion. Ang dahilan kung bakit siya kumakarera ngayon. Sobrang swerte ng lalake na yun, kung alam niya lang na may kagaya ni Nina na gagawin lahat para sakaniya. D*MN! he's so lucky! bumalik lang ako sa ulirat ng patakbong lumapit sakin si Nina.
"Uy Gab! kanina ka pa gising?" naka titig siya sakin habang pabilis ng pabilis ang kabog sa dibdib ko na sabay kong hinawakan para pakalmahin.
"A-ah O-oo ginising ako ni Earl" sabay kamot ko sa batok ko.
"Tara na kakain na tayo." sabay hila niya sa braso ko na hindi ko maiwasan tignan habang hinihila niya ko papunta sa kakainan namin.
Pag upo namin sa dinning table na nasa baba lang ng mga kwarto na tinutulugan namin. Pina gitnaan namin siya ni Earl kasi ayoko ng dinidikitan siya ng ibang lalaki sa ibang team. Hindi ako komportable sa tinginan nila kay Nina, kaya simula dumating kami dito lagi ko sinasabihan si Earl na dapat may isa samin na kasa-kasama ni Nina palagi. Nag tataka pa siya noong una, pero naintindihan niya din kinalaunan yung sinasabi ko.
Pagkatapos mag hapunan kaniya kaniyang linis kaming mga lalake ng pinag kainan, hanggang mag yaya sila George sa kabilang team na gumawa daw ng Bonfire at mag laro kami. Wala kaming choice kung hindi makisama kaya pumayag na din kami lahat.
Nasa palibot na kami lahat ng bonfire nasa Sixteen katao kami na nandito ngayon. Wala kaming bote na gagamitin sa truth or dare na lalaruin namin kasi pinag bawalan kami ng kahit anong klase na alcohol dito. Kaya nag decide sila na mag bato bato pick nalang and kung sino matalo yun yung mamimili kung truth or dare and kung sino naman manalo siya mag tatanong or mag uutos and siya din mamimili kung sino next. Hanggang sa si Kyle yung nanalo after niya mag utos at mag tanong sa ka-partner niya si Nina yung biglang pinili niya.
"Nina Truth or Dare" tanong ni Kyle kay Nina sumagot naman si Nina na walang pag aalinlangan.
"Okay truth!" sagot niya.
"Kung papa piliin ka ng crush mo dito sa mga lalaki na nandito ngayon sino pipiliin mo and why." tanong ni Kyle kay Nina, kaya napatitig ako bigla sakanya habang hinihintay ang sagot niya.
"S-si ano, Si Gab." naka yuko niyang sagot, hanggang sa pakonti-konting pamumula ng mukha niya. Sabay sabay naman nag hiwayan at asaran sakin ang mga kasama namin dito. Ako naman natulala sa sinabi niya. Bigla naman pina tigil ni Kyle lahat at nag tanong ulit.
"Why Nina? hindi mo pa sinasagot yung why!" tanong ni Kyle habang tumatawa.
"A-ano kasi ang bait niya sakin, at tsaka ano lagi siya nag-aalala sakin." sagot niya habang naka yuko.
Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko ng mga panahon na yun. Hindi ko din alam nangyari sakin kung bakit bigla nalang ako napa tayo, aalis na sana ako ng biglang may kamay na pumigil sakin. Pag tingin ko si Nina pala.
"G-gab saan ka pupunta?" tanong niya sakin habang namumula ang mukha niya at may pag-aalinlangan sa mata niya. Marahas kong tinanggal ang kamay niyang naka kapit sakin sabay sabi.
"Pwede ba Nina! Wag mo kong mahawak-hawakan. Tigilan mo din yang pinag sa-sasabi mo!" Di ko alam kung ano pumasok sakin at bigla ko nalang siya sinigawan at pinag salitaan ng ganiyan. Sabay takbo ko sa kwarto namin at sandal sa pinto. "Stop that nonsense Nina, stop making this hard for me alam mo sa sarili mo kung sino talaga ang gusto mo." usal ko sa isip ko habang naka upo sa likod ng pinto hawak hawak ang ulo ko.
(End of Flashback)