AMDE-01
Si Lera ay isang simpleng babae na ipinadala sa Manila para maging katulong sa isang lalaking mayaman at napaka Englishero . Wala mang pinag aralan, alam naman lahat ang gawain at sobrang sipag pa. Ginagawa niya to para sa kanyang pinakamamahal na pamilya sa probinsiya. Ulila na kasi sila sa tatay nila.
"Ma! don't fell your water in the eyes. Babalik rin naman akong para naman akong death don't come back. Kailangan kong magtrabaho on the far kasi malaki ang sweldo doon," sabi ni Lera sa kanyang ina na si Genna habang pinapahidan ang tumutulong luha nito. Di kasi sanay ang nanay niya na malayo ang anak sapagkat wala itong ka alam alam kung paano ito makakakuha ng trabaho, pero ang sabi niya siya na daw ang bahala dun.
Apat sila Lera na magkapatid, siya ang panganay kaya siya dapat ang gumawa ng paraan para sila'y mabuhay. Noong namatay ang kanyang tatay ay natigil siya sa pag-aaral. Grade 3 lang ang natapos nito.
"Anak, wag yong masamang trabaho ah. Atsaka tigilan mo nga yang English mo, baka pagtawanan ka," biro ni aling Genna sa anak, tumawa lang ito.
"Sakay na mga pasahero patungong Maynila!" sigaw ng conduktor, kaya nagpaalam na siya at sumakay na.
Maliit lang ang halaga ng perang dala niya. Kasya lang para siya'y makarating sa Manila. May kaibigan naman siyang tutulong sa kanya at ito ay si Corazon na kapitbahay nito sa probinsiya.
Pagkadating niya ay agad siyang sinalubong ni Corazon.
"Buti naman at sakto ang dating ko," sabi ni Corazon.
"Aba't buti nga atsaka uyy Corazon tulungan mo akong makapasok sa trabaho ah!" sabi nito kay Corazon, tumango naman si Corazon.
"Di mo na kelangan mag apply. May kaibigan si ma'am ko na nangangailangan ng maid. Kahit daw hindi professional basta masipag daw,"sabi ni Corazon. Nabuhayan ang loob ni Lera at di na pala siya kelangan maghirap.
Dahil nga dun, sinama ni Corazon si Lera sa kanyang amo at agad namang sinabihan si Lera na sumama dito.
Tahimik na sumunod si Lera sa amo ni Corazon na papasok sa isang malaking bahay.
"Oh my! You've got me with what I want too early and I like it," sabi ng babaeng papasok at nagbeso beso sa amo ni Corazon.
"Siya na ang magiging bagong amo mo Lera," sabi ng amo ni Corazon kay Lera. Tumango naman si Lera.
"Salamat po at tinulungan ninyo ako," pasasalamat ni Lera sa amo ni Corazon. Ngumiti naman ang amo ni Corazon na si Gng. Francheska.
"Maiwan ko na kayo. Please take good care of her Lily," sabi ni Gng. Francheska. Tumango lang si Lily.
"Napagalaman ko na hindi ka marunong magenglish or maybe marunong pero...uh...wrong grammar?" tanong ni Lily nang makaalis na si Gng. Francheska.
"Grade 3 lang po kasi natapos ko. Alam niyo na po, kahirapan," sabi ni Lera na kinakabahan at nahihiya.
"Oh, pero di naman mahalaga yon. Masipag ka at makikita yon sa mga kamay mo pa," sabi ni Lily. Nakayuko lang si Lera dahil wala siyang ka alam alam kung ano ang sasabihin.
"May anak akong lalaki...ubod siya ng tamad, parang si Juan tamad lang,"at tumawa ito, ngumiti naman si Lera.
"Kinakailangan ko ang katulad mo. Gumagawa siya ng prank sa mga katulong na ipinapadala ko kaya tinatakbuhan ng katulong." Nagisip si Lera saglit at akala naman ni Lily na baka mag back out ito.
"Uhm, ano po ba yong prank?" tanong nito.
"Ang prank ay parang uhm...bitag, I think ganun yon," sabi ni Lily.
'Ah ganun pala yon? Para namang di niya din alam eh' sabi ni Lera sa isip nito.
"Sige po, ako po ang magiging katulong ng anak niyo," sabi ni Lera at ngumise. Napangiti din si Lily sa kanyang confidence.
Inihatid ni Lily si Lera sa bahay ng kanyang tamad na anak. Pagpasok palang ay makalat na. Dalawang palapag, may apat na kwarto, isa sa baba at 3 sa itaas. Ang baba ay para sa maid at alam niyang dun siya kaya inilagay niya na dun ang kanyang mga gamit na nasa bayong niya. Ang maid's room ay parang ordinaryong kwarto din, may kanyang higaan at cr.
Binigyan siya ng spare keys ni Lily. Bago ito umalis ay ininstructionan muna siya. Pagalis ni Lily ay naglinis na siya ng umpisa hanggang sa siyay matapos at nagpahinga.
Alas nuebe na at di pa umuuwi ang lalaking sinasabi ni Lily na anak nito. Sobrang pagod na siya sa biyahe at paglinis niya sa bahay kaya di na niya kayang ipanatiling bukas ang kanyang mata.
Alas tres na ng umaga ng may narinig siyang ingay sa sala. Para bang may hinahalungkat. Nagising si Lera sa ingay. Sanay siya sa probinsiya na may mga gagong pumapasok sa kanilang munting kubo at paghahampasin niya ito ng mga matitigas na bagay.
Dahil ang kwarto ni Lera ay malapit sa kusina, dumeritso ito doon at kumuha ng frying pan. Sumilip ito sa sala at habang nakatalikod ang lalaki ay lumalapit naman siya hanggang sa napansin ng lalaki kaya lumingon ito sakanya.
Hahampasin niya na sana kaso nasilayan niya ang mukha ng lalaki at mukhang anghel ito kaya napa isip siya na iyon ang anak ni Lily.
"Let me guess, another maid are you not?" tanong ng lalaki sa kanya habang pabagsak na naupo sa sofa.
"Yes," sagot ni Lera habang kumakamot sa kanyamg ulo. Di man alam kung ano ibig sabihin ng 'let me guess' pag sa maid na part alam na nito na nagtatanong ito kung maid ba siyang bago.
"Sater Jake and you are?" tanong ni Jake kay Lera na dala dala padin ang frying pan.
"Me is Lera," sabi nito habang ngiseng ngise na parang baliw.
"Okay. Were you trying to hit me with that you're holding?" tanong ni Jake. Ngumise lang si Lera dahil hindi nito naintindihan ang sinabi nito atsaka inaantok pa siya.
"Good morning, sir! Me is tired, I'm sleep again bye,"sabi ni Lera at tumakbo na ito pabalik sa kwarto at iniwan ang amo.
Pagpasok nito ay sinabihan niya ang sarili na 'tanga' at napagkaalaman na nasa kamay parin niya ang frying pan. Inilapag niya ito sa may lamesa atsaka malinis naman yon. Bumalik na siya sa kanyang kama. 'Ang gwapo naman ng amo ko,' isip niya.
'Bahala na ang Wonder Pets dun sa amo ko bukas. Inaantok pa ako sabi ni Lera sa utak niya atsaka nahiga at natulog.
Natawa si Sater sa pagsagot ni Lera sa kanya. Grammar palang di na insakto. Alam niyang may ipapadala ang kanyang ina pero di niya alam na isang walang pinag aralan pala at probinsiyana pa. Napansin niyang nalinis ang boung bahay.
"Masipag rin pala, makatulog na nga lang," pagkasabi nun ni Sater ay pumanhik na siya sa kanyang kwarto pero di pa natulog. Tinawagan niya si Lily at nagtanong tungkol sa maid.
"Don't you like her, son?" tanong ni Lily over the phone.
"She's funny ," sabi nito sa ina na tumatawa ng mahina.
"Good, cause I think she'll be great ," sabi ni Lily. "Oh and by the way Mr. you came home late!" pahabol ni Lily.
"I'm tired, gotta go sleep, bye!" sabi niya. May sasabihin pa sana si Lily kaso enend niya na.
"I'll meet you when I wake up ," sabi ni Sater sa kanyang sarili at nakangise.