PAGDATING nila sa bahay, hindi na nag-aksaya pa ng oras si Erica. Pagkabukas pa lang ng pinto ng sasakyan, agad siyang bumaba at dumiretso sa loob ng bahay. “Erica! Wait!” tawag ng ina niya. Pero hindi siya lumingon. Mabilis siyang umakyat ng hagdan, halos hindi na nararamdaman ang bawat hakbang. “Erica, kausapin mo kami!” sigaw ng ina niya mula sa ibaba. Pero hindi siya tumigil. Pagdating sa kwarto niya, agad niyang binuksan ang pinto at isinara iyon nang malakas. Sumandal siya sa pinto habang hinihingal. Sa labas, naririnig niya pa rin ang boses ng ina niya. “Erica! Buksan mo ang pinto!” “Anak, kausapin mo kami,” mas kalmadong boses ng ama niya. Pero hindi siya gumalaw. Hindi siya nagsalita. Dahan-dahan siyang napaupo sa sahig, nakasandal pa rin sa pinto. At doon, hindi na niya n

