My heart palpitated. Mabilis na ikinumpas ni Kuya Rico ang kamay para makuha ang atensiyon ng nagmamaneho. Hindi naman siguro siya ang nasa loob, hindi ba? Isa pa, why would he come here? Pero, Cardillac iyon. People here don't have such luxurious car! Lalo akong kinabahan nang tumigil ang sasakyan sa harap namin. Hindi ko makita kung sino ang nasa loob dahil heavy tinted ang salamin. "Ikaw ba ang kakausap, ma'am?" tanong ni Kuya Rico. Bumukas ang pintuan ng kotse. Hindi ako nakapagsalita at umawang lang ang labi nang makita kung sino ang lumabas mula roon. Morris is on his jeans and black plain shirt. Kaagad na dumako ang kanyang mga mata sa akin. "Sir Morris!" galak na tawag ni Kuya Rico. Samantalang ako ay siguradong hindi na mahitsura ang mukha. "What happened?" "Naflat ang gulo

