I spent the rest of the day on my room. Maghapon na umulan sa labas kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang manatili sa loob ng mansyon. Naisip ko kasi na kung mananatili lang ako sa baba ay baka hindi umalis si Morris doon. I want to avoid him as much as I can. "Timmy..." "O? Bakit parang problemado ka ata?" She laughed on the other line. I heaved and opened the door towards the balcony. Suminghap ako at humawak sa malamig na barandilya habang nakatitig sa nagpapatakang tubig ulan sa labas. "I'm with him." "With who?" Hindi ako nakapagsalita. Kalaunan ay narinig ko ang malalim na paghinga ni Timmy. "Oh my... don't tell me you're with your ex?!" I stayed silent. "My gosh, Madeline! Bakit naman kayo magkasama? Paano? Saan? Ano ba ang nangyari?" sunod-sunod niyang tanong. "Easy

