TMPID 8

1144 Words
AELE LEVI’S POV: “Huh? Where Am I? Saan ninyo ako dinala? Anong lugar ito?” Takang tanong ko sa mga taong ito. Lalong-lalo na sa lalaking ito na leader nila. Kaso gano’n na lang ang pag-angil ko nang itulak nila ako sa loob ng… huh? Bilangguan ba ito? Bakit dito nila ako dinala? Akala ko ba magkikita kami ng hari nila? ‘Tsk. Sa pagkakaalam ko walang hari sa bansa na ito. Tanging presidente lamang.’ Sayang. Sana nakita ko ang pagmumukha niya para kapag ‘you know’ mumultuhin ko na lang siya. Mahirap din kaya na maghirap nang hindi naghihiganti. Ha! Ha! Ha! ‘What am I talking about? Nasa ganito na nga akong sitwasyon, kung anu-ano pa ang mga pinagsasabi ko. Tsk.’ “Welcome to Hell’s Jail. Huwag kang mag-alalala, Bata. May mga kasamahan ka rin dito. Pwede ka ring makipagkaibigan para sa huling sandali ng iyong buhay ay masaya ka.” Nakangising komento ng lalaking ito at itinuro pa ang sulok ng bilangguan na puno ng mga taong dinakip din ata nila. Mga kapwa nakahawak sa isa’t isa. Halatang takot na takot sila sa nasa harapan nila. Wala naman nakakatakot sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko alam sa sarili ko, subalit mas natutuwa pa ako sa nagiging experience ko. Masyadong naging boring ang buhay ko sa mga nakalipas na araw. Pagod na rin kaya ako sa pagiging dramatikong tao dahil sa mga kapatid ko. Bawal bang magpakasaya kahit saglit lang? Kahit magpanggap lang na takot ka talaga? “Hell’s Jail ngang talaga. Sobrang init. Walang kahit anong kulay, itim na itim talaga. Madilim pa? Hmmp!” Nakangusong wika ko. “Huwag kang mapili. Ganiyan din ang magiging kalagayan mo kapag namatay ka na. Saka wala rin akong oras para makipaglokohan sa iyo, Bata.” Seryosong tugon naman niya sa akin kaya napangiwi ako. “Masyado ka namang high. Hindi mo ba alam na namatay sa ganiyan ang lola ko. Kaya kung ako sa iyo gumawa ka ng—joke lang! Parang hindi nakikipagbiruan e’!” Pagsusuko ko agad dito nang makita kong itutok niya sa akin ang baril niya. Shuta! Shotgun pa naman ang hawak niya. Panigurado na lasog-lasog ang katawan ko kapag pinalabas niya ang bala nito. Pero t-teka… napansin ko na nanginginig ang mga kamay niya. Nahihirapan ba siya sa paghawak nito? Kung sabagay… sino bang hahawak ng ganiyan kalaking baril nang hindi sanay sa paghawak nito? “Hindi ako sa iyo nakikipagbiruan, bata. Kaya huwag na huwag mo akong lolokohin dahil limitado lang ang pasensya ko sa iyo. Hindi ito ang oras ng pakikipaglokohan, dahil kunting galaw mo lang, mamamatay ka na.” Pagkatapos niya iyong banggitin tumalikod na siya sa aking direksyon. Naglakad na siya palayo sa bahaging ito kung saan nandito lahat ng mga bihag nila na ginagawa lang nilang pampalipas oras. Kasama niya pa rin ang apat na mga nilalang na ito. Hindi lumalayo sa taong ‘yon. Panigurado na sila lang ang pinagkakatiwalaan niya o hindi kaya ay ng hari-harian ng lugar na ito. Napabuntong hininga na lang ako nang marinig ang pinto na sumarado. Hinayaan ko muna ang aking sarili na pagmasdan ng mabuti ang bilangguan na ito. Gawa sa bakal ang harang pero hindi gano’n kakapal o maski ay katibay. Isang pagtulak ko lang dito nang buod lakas, magagawa ko na matagumpayan na makaalis. Kaso sa mga oras na ito talaga nagpapanggap pa rin ako. Nagpapanggap na ordinaryong tao, kasi kapag pinakita ko ang aking lakas, baka malaman na nila na hindi ako basta-bastang lalaki lamang. At saka maisip na... haist! No! No! ‘ Haist! Mother, why I’m so stubborn?’ Paninisi ko sa aking sarili dahil patuloy kong ginagawa ang kilos ng aking ina noon. Kahit na alam kong malapit na akong bawian ng buhay. Napalingon na lang ako sa aking likuran para tingnan ang mga taong dinakip din ng mga ito. May mga bata at matanda palang nakasama. May iilan din ang may sugat sa kani-kanilang katawan. Sa sobrang tagal na, nilalangaw na ito. Nagkaroon pa ng bintana sa loob ng bilangguan, kung maliit din naman. Hindi magiging kasya ang ulo ko r’yan. Mahirap din palang makatakas sa lugar na ito. Paano kaya ako makakaalis dito nang walang nakakaalam? Saka malapit lang ba dito ang silid ng nag-ha-harian na nilalang? Kaso imposible, bakit wala akong nararamdaman? Bakit parang… p-parang… ang layo ng bilangguan na ito? Naririnig ko lang ay ang mga huni ng kuliglig at ng mga palaka sa gabi. Walang tawanan o hindi kaya ay kwentuhan mula sa labas. Gano’n naman minsan kapag nasa isang mansyon ka o teritoryo ng nag-ha-harian. Imposible na walang kasiyahan na nangyayari sa loob. Kaya nakakapagtaka talaga… saang parte kami? “S-sino ka? P-paano ka nahuli? B-bakit wala kang t-takot sa kanila?” Biglang saad ng isa sa kanila. Napalingon naman ako sa kanang direksyon ko. Nakita ko ang isang ginang o lola na ba? Nakasandal ang kaniyang katawan sa pader habang nakatingin sa akin nang nagtataka. Maski rin pala ang lahat. Huh? Bakit naman sila magtataka ro'n? Masama na bang maging friendly kahit sa kalaban? “Uh? Eh? May dapat po ba akong katakutan? Matagal na akong nasa impyerno, kaya hindi na sa akin bago ito.” Ngumiti pa ako nang malawak sa kanila na animo’y hindi talaga ako nababahala sa mangyayari sa akin sa loob ng bilangguan na ito. “N-nagbibiro ka lang, hindi ba?” Paninigurado pa nito sa akin habang nahihimigan ko sa kaniyang tono ng boses ang takot. “Huh? Ako? Halata po ba? He! He! He! Hindi naman po ako papayag na mamamatay nang ganito kaaga, gusto ko pang maranasan magkaroon ng karelasyon, at gawin ‘yung *ehem*… basta ‘yon na ‘yun. Ha! Ha! Ha!” I awkwardly said while scratching my back using my left hand. Kapag sinabi ko na totoo, baka kung ilang mga katanungan pa ang kanilang sabihin sa akin. Hindi ko na kaya alam kung ano ang dapat na kataga na ilalabas ng bunganga ko. “ Mag-iingat ka. Huwag na huwag mong gagamitin ang pagiging isip-bata mo sa limang iyon, dahil sila ang tumatakda sa araw ng kamatayan mo. Sila ang pinagkakatiwalaan ng hari rito. Kaya kung maaari huwag na huwag kang gagawa ng ikasasama ng timpla niya. Gaya kanina na handa ka na talaga niyang patayin." Pambabala ni Ale sa akin na ikinangiti ko naman at hindi na lang nagsalita pa. Sumandal pa ako sa bakal na ito bago ibaling ang aking paningin sa kisame na wala man lang ceiling fan. Why I am so demanding? This is jail, so wala akong dapat isipin na kung anu-ano tulad ng mabuhay nang komportable lang. Dahil any minute or hours or even days lang... alam kong may mangyayari na naman na hindi maganda sa aming lahat. 'Kapag nalaman kaya ni Mommy ang tungkol sa akin. Mangyayari na naman ba ang mala-impyerno na eksena noon?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD