TMPID 9

1241 Words

AELE LEVI’S POV: “Siya ba ang tinutukoy ninyo?” tanong ng lalaking may maskara ang mukha, isang maskara na may sungay. Kulay pula ang maskara na ito. At itim naman ang kulay ng kaniyang sungay. Kapag nakikita ko ang taong ito na ganito, tumataas ang kilay ko sa kaniya. Bakit gano'n? Bakit nila sinasamba ang nilalang na dapat ay puksain nila? Ganito na ba sila nilamon ng kasamaan para gumawa ng mga krimen na hindi na tama. Oo nga't nabuhay ako sa mundong magulo, pero hindi sa ganitong pamamaraan. May konsensya pa rin naman kami at alam naming magpatawad. Pero sila… ‘Tsk. Nandidiri ako sa kanila.’ mapang-uyam na singhal ng aking isipan. “Yes, King. Siya na nga ang tinutukoy niya na palihim na tumatago kapag sumasapit ang gabi,” sagot agad ng taong iyon habang nakatingin din sa akin nan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD