AELE LEVI'S POV: "Malayo pa ba tayo? Kanina pa tayo nagba-biyahe e'. Sa dagat pa lang pati rito sa kalsada. Ilang beses ko ng nilabas ang mga kinain ko, wala na rin akong malalabas pa. Bakit hindi ka man lang nagpasabi na ganito pala kalayo ang pupuntahan natin?" Sunod-sunod na reklamo ang narinig ko kay Carl na hanggang ngayon ay pabalik-balik ang kaniyang kanang kamay sa bibig para pigilan na naman ang sarili na maduwal. Tanging siya lang ang nakaramdam noon at hindi kami. "Masanay ka na, Carl. Dahil ilang taon pa tayo rito sa siyudad. Kapag natapos na ang pagsasanay ni James babalik na ulit tayo sa isla para gawin ulit ang mga naiwan nating mga trabaho." Pagpapakalma naman agad ni Jacob sa katabi niya pero halata rito na gustong-gusto ng matawa sa kalagayan ni Carl. Hindi sila sumam

