AELE LEVI'S POV: Napalabi na lang ako bago mapabuntong hininga. Kapag pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Baka isipin na talaga niya na isa akong traydor kahit hindi naman talaga. Hinding-hindi ako magiging gano'n. "Someone help us. Hindi ko kilala kung sino 'yun. Nagising na lang ako noong pinipilit na akong imulat ko ang aking mga mata ng mga kasamahan ko sa bilangguan." Pagsisinungaling ko naman bago iangat ang aking kanang kamay at inilagay sa aking batok. Marahan kong ginagalaw ito upang kamutin nang mahina ang aking batok. Saka nilingon ko rin ang mga kasamahan ko na nakatingin lang sa akin. Pero may ilan sa kanila ang napayuko lang. May iba rin na taas noo na parang hindi sila natatakot. "Totoo ba?" Paninigurado pa nito sa mga iyon. Binigyan pa sila ng nakakatakot na tingin na pa

