AELE LEVI'S POV: Speaking of what my mom did before when we're young. Alam ko kung ano ang rason niya pero sobrang tagal na rin ng mga panahon na 'yon. Saka medyo magulo ang paliwanag niya kaya hindi ko masyadong maintindihan. 'Mga matatanda talaga noon, kaya minsan ako rin ang nag-a-adjust kapag pinapagalitan ako.' Mukha lang talaga na mabait at inosente si Mommy sa panlabas na anyo. Minsan nga ay may mga taong inaabuso na ang kaniyang kabaitan. Pero hindi nila alam na palihim din na may ginagawa si Mommy para pagbayarin nila ang kanilang mga kasalanan sa kaniya. Hindi ko lang alam kung ano bang kabayaran ang mga ito. Basta ang mahalaga, hindi ako involved sa lahat ng kaniyang mga maling gawain noon. Behind that innocent face, may isang demonyo na handa ng sumugod sa kaniyang kalaban

