[ Janelle's POV ] Papunta na ako sa Shop ko ngayon. Hindi talaga ako makatulog kagabi dahil hinalikan ako ni Impaktong Original. Hindi pa rin ako makapaniwala na literal kaming naglalaplapan kagabi. I can still feel his lips unto mine, his kisses and his touch. Pero teka nga, para namang ang tanga ko kagabi! Baka kung ano ang isipin ng lalaking iyon. Baka isipin noon, patay na patay ako sa kanya. Pagkarating na pagkarating ko talaga sa room unit ko kagabi. Nag toothbrush talaga ako kaagad. At hindi lang iyon pinunasan ko ng maraming tissue iyong bibig ko. Mamaya may bacteria pa ang isang iyon. Mahawa pa ako. Mahirap na. Pero nagustuhan mo naman! Kontra ng isang bahagi ng isip ko. Namula ako saka napangiti. Sa tagal ng aking pagmumuni-muni hindi ko namalayang narito na pala ako sa harap

