[ Janelle's POV ] Natutulog na yata ito. Tinitigan ko ang Impaktong Original na ito. Actually, he change a lot. Hindi ko akalaing ganito na siya kasikat ngayon. Halos lahat ng tao sa buong Pilipinas ay pinag-uusapan na siya. Nahihilo na nga ako sa sss ko dahil pagkabukas na pagkabukas ko pa lang andami ng pagmumukha niya ang pinopost ng mga kakilala ko. Bakit ba kasi napakagwapo niya at sikat pa? No wonder kung bakit maraming nagpapantasyang mga kababaihan sa kababata kong ito. Wait! what did i say? Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. "Matutunaw ako Cass." Pagkasabi non dumilat na siya at ngumiti sa akin. "Baliw! Kaya kita tinititigan kasi nakakapanibago ka. Himala kasing wala akong naririnig na napagalitan mo na empleyado." Natatawa kong sabi sabay tago sa kahihiyan dahil nahul

