[ JANELLE'S POV ] Hay salamat! Magbubukas na din sa wakas ang bakeshop ko. Ang ganda talaga ng concept na ginawa ng kaibigan kong architect. Maging ang interior designer na kinuha ko ay napakahusay. Naging maganda ang kinahinatnan ng pagod ko. Nakapag-isip na din ako ng magandang pangalan ng bakeshop ko. "Janellecious" Excited na talaga ako na matapos ang bakeshop ko. Alam niyo bang napaka-blessed ko sa nakalipas na limang buwan? At kung bakit? Dahil hindi ko nakita ang impaktong Original na iyon sa buwang ito. Salamat naman at hindi ako mabubwisit sa impaktong iyon. Ah! I hate every minute kasi na kasama ko sa iisang lugar ang taong kinamumuhian ko. Nandito ako ngayon sa shop. Kasalukuyan kong inaayos ang mga designs. Mayroon na kaagad akong empleyado. Magbubukas na kasi ito bukas ng o

