[ Janelle's POV ] Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa bintana ng room. Bakit ba nakabukas ang bintana? Ang liwanag tuloy. Gusto ko pa matulog eh. Iminulat ko ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo. Nasapo ko ito. "Ouch! Ang sakit ng ulo ko." reklamo ko. Para kasi itong pinupukpok ng isang libong mason. At ang tiyan ko naman ay parang hinuhukay ng limang libong hardinero. Ang sakit talaga super! Hang-over nga naman. Ba't kasi ako uminom-inom kagabi? Ito tuloy inabot ko. Bumangon ako at napansin kong nasa room unit ako. Teka? Hinatid ba ako ng lalaking kausap ko kagabi? Kung ganoon kailangan kong magpasalamat sa kanya. Pero ni hindi ko nga kilalala ang taong iyon. Bahala na nga. Medyo liyo pa ang paningin ko. Ang sarap sumuka. Napigilan nga ng alak ang sakit na na

