[ Janelle's POV ] Pikit-mata kong tinapakan ang sinilyador, para banggain ang gate. Habang tinatapakan ko ang brake. Idinilat ko ang aking mata, saka ako nagpaharurot papuntang gate. Naramdaman ko na lang ang pagtama ng ulo ko, sa manibela ng kotse. Napagtanto kong wala pala akong suot na seatbelt ng mga oras na iyon. Kaya naman tumama iyong ulo ko sa manibela, dahil sa lakas ng impact. Nakalabas naman ako ng tuluyan sa gate. Nakaramdam agad ako ng hilo. Parang sumakit yata ang ulo ko. Inihinto ko muna ang sasakyan. Kailangan ko yatang bumaba ng sasakyan. Dahil nasusuka ako sa sobrang hilo. Pinindot ko ang lock para sana lumabas. Ngunit tuluyan na din akong nanghina. At parang lumalabo na din ang paningin ko. May nararamdaman din akong likido na dumadaloy mula sa ulo ko. Ilang beses ko

