[ Janelle's POV ] " Red, saan ba talaga tayo pupunta? " tanong ko kay Red. Kanina pa kami bumibyahe. Alam kong hindi pa ito Maynila. Mukhang nasa Cavite kami ngayon. Anong gagawin namin dito? Bahagya niya akong nilingon saka ngumiti sa akin. " Basta, malalaman mo rin. Huwag ka na ngang maingay. " wika niya naman. Kanina pa kasi kami nagbibiyahe eh. Wala man lang music. Kasi naman kanina narindi na yata sa boses ko na out of tune kaya pinatay ang radyo. Kill joy kasi eh! Naakabagot na kaya. Hindi pa siya masyadong nagsasalita. Hindi na din ako nagsalita. Saan nga kaya kami pupunta? Ano naman ang gagawin namin dito sa Cavite kung sakaling dito nga ang destinasyon namin? Napabuntong-hininga na lang ako. Malapit na magdilim ang paligid. Siguro mga around five pm na siguro ng hapon. Ibin

