[ Janelle's POV ] "Red, saan ba talaga tayo pupunta? " tanong ko kay Red. Kung hindi ako nagkakamali, papunta kami ng Maynila. Seriously?! Anong gagawin namin doon? Mas maigi na rin siguro para mapuntahan ko si Mommy at si Daddy. Miss na miss ko na sila eh. Mga ilang minuto pa yata bago niya sinagot ang tanong ko. " Basta, malalaman mo rin. Huwag ka na ngang maingay. " reklamo niya sa akin. Aba! Ang sungit! Pabago-bago ng mood. Kanina pa kasi kami nagbibiyahe eh. Wala man lang music. Nakakabagot na kaya. Akala ko pa naman hindi siya boring kasama. Pero parang ngayon, napaka-boring niya yata. Hindi ko akalain na ang babaerong katulad niya, marunong din pa lang tumahimik. Nakakainis lang dahil hindi ko matatagalan ang ganito ka-boring na biyahe. "Would you mind if I turn on the radio?"

