(Janelle's POV) Tatlong araw na mula ng mahimatay si Nigel ay este nalaman namin na buntis si Jade. Hindi kami nagkita ni Zach dahil daw may inaayos siya sa kompanya nila. At hanggang ngayon, hindi pa din siya nagpapakita sa akin. Nagte-text naman siya pero hindi siya tumatawag. Napanguso ako. Nami-miss ko na si Impaktong Original. Nasa bakeshop ako ngayon. Kahit naman medyo tigang iyong kimchi ko ay este yung puso ko pala dahil hindi ko nakikita si Zach. Pinipilit ko pa din na magtrabaho ng maayos. Nakasuot lamang ako ng simpleng summer floral dress dahil nga mainit ang panahon. Pinarisan ko iyon ng flat na sandals. Nami-miss ko na siya! Saang lupalop ng mundong ibabaw ba nagsuot iyong lalaking iyon? Bakit hindi ko man lang siya makita? Nami-miss ko na yung gwapo niyang mukha, iyong n

