(Jace's POV) Naabutan ko si Carlisle sa hospital. Nakaupo siya sa isang sulok. Nakatungo ang ulo. Mukhang malalim ang iniisip. Siguro ay nag-aalala siya kay Cassidy. Agad ko siyang nilapitan. Tinapik ko ang balikat niya. Agad siyang nag-angat ng tingin. May galit sa mga mata niya. Nagulat na lang ako sa bigla niyang pagtayo saka kinwelyuhan ako. He is mad as hell! Anong kasalanan ko? "My sister is in danger because of you! Nagpadala ka daw ng note sa kanya na magkikita kayo sa Parañaque." Galit na galit na sabi ni Carlisle. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagpadala daw ako ng note? Sa Parañaque pa talaga. Hindi ko nga alam kung saan dadaan papunta doon. Tapos nagpadala daw ako ng note na doon kami magkikita? "What are you talking about? Hindi ko siya pinadalhan ng note. Nasa Madr

