Chapter Twenty-Four

2243 Words

(Jace's POV)   Nasa ambulansya kami ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Patuloy lamang sila sa pag-aasikaso ng sugat ni Cassidy sa ulo niya. Nakatitig lamang ako sa duguan ngunit maganda niyang mukha. Bakit ba nangyari ito? Saan ba ako nagkamali?  Nasa ambulansya na iyon din ang kaibigan kong Doctor na si Liam. Siya ang kusang umaasikaso kay Cassidy. Kasama ang dalawang nurse.  Nasa tabi ako ng pinto. Habang si Liam ay nasa tapat ng vital signs monitor. Tinawagan ko na ang mga magulang ni Cassidy maging si Carlisle kung saang hospital siya dadalhin. Natigil lamang ako sa pakikipag-usap sa kanila nang biglang tumunog ang vital signs monitor ng hindi kaaya-ayang tunog. Hudyat na nasa panganib ang buhay ni Cassidy. Hanggang sa makita ko ang pag-alburoto ng vital signs monitor. 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD