Chapter 1: I want a Mom
Sebastian's Pov:
Kumpanya-bahay.
Bahay-kumpanya.
That's my everyday routine. Madalang pa sa patak ng ulan kung lumabas man ako, to hang-out with my friends.
At the very young age, ako na ang nagpapatakbo sa kumpanya ng pamilya. Si daddy at mommy? Ayon nagliliwaliw. Para i-enjoy ang pinaghirapan nila noong kabataan nila.
Kaya maagang ipinasa sa ‘kin ni Daddy ang pamamahala sa kumpanya. Well, ginusto ko rin naman ito. Wala na rin naman akong ibang pagkakaabalahan. Dahil wala na ang buhay ko.
Iniwan niya na ako.
Maaga siya sa aking kinuha ng nasa taas. Because of that tragic accident. May anak kami, pero kahit siya napapabayaan ko na.
I love my son. But he reminds me so much of his mom, Colleen. Kaya inilalayo ko ang sarili ko sa kanya. Nasasaktan pa rin ako kapag naalala ko siya. It's been four years. Pero sariwa pa rin sa akin ang lahat.
I was in my deep thought nang mag-ring ang telepono sa opisina ko.
Tawag mula sa bahay. Ano na naman kaya ang problema?
“Hello? . . .”
“Hijo, si Colbie nagwawala na naman,” It's Manang Ludy. Mukhang tinotopak na naman ang anak ko.
Napahinga ako ng malalim bago magsalita. “Ano na naman ang dahilan ng pagwawala niya this time, Manang?” tanong ko.
“Ayaw niyang kumain kanina pang-agahan. Sabi niya gusto niya raw ng mommy,” mahinahong sagot nito.
“Mami as in soup?” kunot ang noong tanong ko.
“Hindi, hijo. Nanay o Ina ang tinutukoy niya. Bakit daw ang mga kaklase niya may mommy. Tapos siya wala,” paliwanag ni Manang Ludy.
“After four years, bakit ngayon niya lang naisipang maghanap ng mommy? Na-explain ko naman na sa kanya ang tungkol doon.” Nagsisimula na akong mainis.
“Gusto ka raw niyang makausap. Ibibigay ko ba ang telepono?” hinging permiso ni Manang Ludy sa kaniya.
“Sige po, Manang. I'll talk to him,” sagot ko.
“Sige, hijo,”
Maya-maya pa boses na ni Colbie ang naririnig ko sa kabilang linya.
“Dad…” Halatang kagagaling lang nito sa pag-iyak.
"You're behaving badly again, son." Pinipigil kong ‘wag itong mabulyawan.
“Dad... I want a mom…” simula nito.
"Colbie, I already explained it to you. Your mom is in heaven. That's why we can’t be together. Not anymore…” Parang naninikip ang dibdib ko habang sinasabi ito.
“But I can have a new mom, right? My classmate Tom, he told me his real mom is in heaven, too. But now his dad will marry again. That’s why Tom has a new mom now, Colbie said that. At age of five, masyado ng malawak ang pag-iisip niya.
“Colbie, listen. It is not that easy to find a new mom, okay? At hindi lahat pwedeng magkaroon ng bagong mommy.” Dinig ko mula sa kabilang linya ang pagpadyak ng mga paa nito dahil sa sinabi ko.
“Why not? You can marry again too. Like Tom's dad right?” Okay his bratty side is showing up again.
“No. I can’t. And I will not be going to marry again.” Hinding-hindi ko papalitan si Colleen. Walang makakapalit sa kanya. Wala!
“But I want a new mom, dad! Give me a mom! I want a mom!” Nagsisimula na itong magwala ulit at pumalahaw ng iyak.
Napahawak na lang ako sa sintido ko. Sumasakit ang ulo ko sa tantrums ng batang ito.
“Stop it, Colbie! Stop acting like a brat. We’ll talk later okay? Stop it and behave. Eat your food. Don’t make me mad. Give the phone to Manang,” maawtoridad kong utos dito.
At least he knows, kapag galit na ako. Kaya susundin niya na ang sasabihin ko.
“Manang, ikaw na munang bahala sa kanya. Uuwi ako ng maaga para makausap ko siya,” bilin ko na lang kay Manang.
“Sige hijo. Mas mabuti kung ikaw ang magpapaliwanag sa kanya.”
“Opo. Ibaba ko na po ang telepono.” I need to hang up na dahil may meeting pa ako.
“Sige, hijo.” Nawala na sa linya si Manang. I hope makaya niya ang tantrums ni Colbie this time.
After the meeting, tinapos ko agad ang mga dapat kong gawin sa opisina para makauwi ako ng maaga.
Kadalasan, late na ako umuuwi. Kaya pagdating ko ng bahay tulog na si Colbie. Pero ngayon kaylangan kong umuwi ng maaga para maabutan ko pa itong gising.
Hindi ko inaasahan kung sino ang maabutan ko sa bahay.
“Sebastian, hijo. Mabuti naman umuwi ka ng maaga ngayon.” Sinalubong ako ni Mommy at niyakap.
“Mom, hindi niyo sinabi na darating kayo. Si Dad?” Hinalikan ko siya sa pisngi saka tumingin sa paligid to look for Dad.
“Nasa bahay siya. May jetlag pa kaya hindi na sumama. Bukas na lang daw kayo mag-usap sa opisina. We need to talk, son,” Mom said. Mukhang may importante siyang sasabihin.
“Okay, Mom. Pero kakausapin ko po muna si Colbie.” Naupo kami sa sofa sa salas.
It's about him. Nakausap ko na sila ni Manang kanina pagdating ko." So, alam niya kung ano ang problema ko.
“It is just one of his tantrums, mom. Don’t mind it,” pagdadahilan ko.
“Hindi pwedeng hindi ko ito isipin, anak. Colbie is my grandson. At mukhang tama siya. Pwede ka pa namang mag-asawa ulit,” she said while looking at me.
“Mom, napag-usapan na natin ito dati. Ako ng ang bahalang kumausap sa anak ko.” Hindi ako papayag na makialam si Mommy dito.
“You're still young. Bakit hindi mo subukan? Isa pa kaylangan ng anak mo ng mag-aalaga sa kanya.”
“Nandiyan naman po si Manang.” Mukhang walang balak si Mommy na sumuko.
“Matanda na si Manang. Nahihirapan na siya lalo na kapag ganitong tinotopak ang anak mo,” giit ni Mommy.
“Kukuha na lang ako ng yaya for him. He doesn't need a new mom.” Hindi ko susundin ang gusto niyang mangyari.
“Mahirap magtiwala sa panahon ngayon. Baka mamaya kung anong klaseng taga-pag-alaga ang makuha mo. Sebastian, you're just 25. Makakahanap ka pa ng babaeng pwede mong mahalin. Colbie, need someone to look after him. Napapabayaan mo na pati ang anak mo.” Nagsimula na naman si Mommy.
Napahinga na lang ako ng malalim. “Have a life, hijo. Don’t live in your past. Move on. Sa tingin mo ba matutuwa si Colleen na nagkakaganyan ka?” I can see the concern and worry in Mom's face.
Pero gaya ng nasabi ko na, hinding-hindi ko papalitan si Colleen. Sa buhay naming mag-ama o sa bahay na ito.
“Mom, I already told you. Hindi pa ko handang talikuran ang alaala ni Colleen. I promise maghahanap ako ng mag-aalaga kay Colbie. Sasaluhan mo ba ako sa dinner?” sabi ko na lang para tigilan niya na ako.
I lost my appetite. Pupuntahan ko na lang ang apo ko.” Saka ito tumayo mula sa couch at nagsimulang umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ni Colbie.
Napahinga na lang ako ng malalim at napasandal sa couch. Obviously, masama na naman ang loob ni Mommy sa akin. Dahil hindi ko pa rin sinusunod ang gusto niya, na makipag-date ako ulit.
Bahala na. Mawawala din naman ang tampo ni Mommy. For now, kaylangan kong maghanap ng mag-aalaga sa anak ko.
I need to find a Nanny.