Chapter 2: Finding a Nanny.

967 Words
Sebastian's pov: "Manang, I have to go. Kayo na pong bahala kay Colbie," bilin ko kay Manang. "Sige, hijo. S'ya nga pala, sinabi ng Mommy mo na maghahanap ka na raw ng mag-aalaga kay Colbie?" Manang Ludy asked. "Opo. Para po 'yung dati n'yo na lang na mga gawain ang gagawin n'yo. Nagpahanap na po ako sa agency. Kayo na lang po ang bahalang magturo kapag nakahanap na po ako." Matanda na nga naman si Manang. Kawawa naman kung siya pa ang mag-aalaga sa topakin kong anak. "O, sige hijo. Mag-iingat ka sa pagmamaneho," bilin nito bago ako sumakay ng kotse ko. "Opo, Manang. Salamat po." Sumakay na ako ng kotse at pinaandar ito. Matagal na sa amin si Manang Ludy. Bata palang ako nasa mansyon na ito naninilbihan. Nang ikasal kami ni Colleen at magka-anak, sa amin na s'ya itinoka ni Mommy. Matanda na ito para sa pag-aalaga ng bata. I really need to find a nanny for my son. Para kahit papaano mapanatag si Mommy at tigilan na ang pag-i-insist na mag-asawa ako ulit. I need someone na kakayanin ang tantrums ni Colbie. At mapagkakatiwalaan, at the same time. Sana nga makahanap ako. As soon as possible. Lui's pov: "Do I really need to do this, Lolo?" tanong ko kay Lolo. We are having breakfast. At gaya ng mga nakaraang araw kinukumbinsi na naman n'ya ako na lumayo. "This is for your own good, apo. Hindi ako mapapanatag kapag nasa poder kita at posibleng mapahamak tulad ng nangyari dati. Nag-uumpisa na naman silang kumilos. Kaya hindi ka ligtas kapag nasa tabi kita. Kailangan mong lumayo," sabi ni Lolo. Na sa kabila ng pagiging mataas na pinuno ng isang organisasyon ay nangingibabaw ang pagiging mabuting Lolo sa kanya. Bata palang s'ya ito na ang kasama n'ya. Namatay sa isang plane crash ang mga magulang n'ya. Kaya namulat s'ya sa kakaibang mundo na kinabibilangan nito. Pero kahit kailan hindi nito ginusto na ma-involve s'ya sa organisasyon. Kaya, as much as possible ay inilalayo s'ya nito. Pero kahit ano'ng gawin n'yang paglayo. Hindi pwedeng hindi s'ya maiugnay rito. At ito ang naging sanhi ng pagkawala ng lalaking pinakamamahal n'ya. "Kahit naman lumayo ako mahahanap pa rin nila ako, eh. Kaya there's no sense kung lalayo ako, Lolo," walang emosyong sabi ko. "Kaya nga mas mabuti kung mag-iiba ka ng katauhan. Para hindi ka nila matunton. At the same time makakapamuhay ka pa ng normal. Mas mapapanatag pa ako na malalayo ka sa kapahamakan." Lolo really loves me. And i love him too. Ayoko s'yang biguin pero... "Hindi na magiging normal ang buhay ko kahit na kailan, Lolo. Dahil kinuha nila sa akin 'yung taong magbibigay dapat sa 'kin ng normal na buhay na inaasam ko," nakaramdam ako ng sakit sa dibdib upon saying it. Ito na naman. "Apo, it's been 4 years ago. Malay mo may makilala ka pang iba na tulad n'ya." Lolo is still trying to convince me. "It's been four years, pero hindi pa rin sila nagbabayad sa ginawa nila. And I don't think na may makikilala pa akong katulad niya. Nag-iisa lang siya, Lolo. And they took him away from me." I'm trying so hard not to cry. I'm done crying for almost four years. Pero masakit pa rin hanggang ngayon ang pagkawala niya. "I'm so sorry, apo. Ginagawa ko ang lahat para mahanap sila. Sadyang matinik lang talaga ang mga iyon. Pasensya ka na. Sana hindi na lang kita pinalaki sa mundong kinamulatan mo. Masaya ka siguro ngayon kung ibang tao ang nagpalaki sa iyo," malungkot na sabi ni Lolo. "Lolo, hindi kita sinisisi sa mga nangyari. Dahil ang mga taong iyon ang may kagagawan no'n. Masaya ako na ikaw ang nagpalaki sa 'kin. I love you, Lolo." Tumayo ako at niyakap siya. "Kung mahal mo ako, susundin mo ang gusto kong mangyari. Lumayo ka sa magulong mundo kong ito. Subukan mong mamuhay ng normal, apo." Hinawakan ni lolo ang kamay ko. "Ayoko. Hindi kita iiwan. Paano kung may masamang mangyari saiyo? Ikaw na lang ang natitira sa 'kin, Lolo." Teary eyes na ako sa mga sandaling ito. "Kaya ko ang sarili ko, apo. At isa pa hindi ako pababayaan ng mga tauhan ko. Kaya gawin mo na ang gusto ko." Mukhang desidido na ito sa gusto n'yang mangyari. "Lolo..." 'Yun na lang ang nasabi ko at niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Desidido na si Lolo. Kaya wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa gusto niya. From now on, I'll be using Luisa Cruz. Not my real surname. Para hindi ako matunton ng mga kalaban ni Lolo. And I have to find a new place to start over for my new life away from the Mafia world. Sebastian "Hello?... May nahanap na kayo? Sige. Paki-email na lang 'yung mga personal info niya. Kami na ang bahala for her final interview. Salamat. I-de-deposit ko na lang sa account niyo 'yung bayad. Salamat." It was the agency. Mabuti naman may nahanap na silang tagapag-alaga na qualified sa mga qualities na sinabi ko sa kanila. Sana makasundo niya ang anak ko. At higit sa lahat sana mapagkakatiwalaan siya. Dahil hindi ko pwedeng isugal ang kaligtasan ng anak ko. Maaga akong umuwi ng bahay para sa interview ng tagapag-alaga na ipinadala ng agency. "Manang! Manang, dumating na po ba 'yung ipinadala ng agency?" sigaw ko habang papasok ng bahay. Lumabas mula sa kusina si Manang Ludy. "Dumating ka na pala, hijo. Oo. Dumating na 'yung ipinadala ng agency na mag-aalaga kay Colbie. Nasa study room na siya," Manang Ludy. "Sige po pupunta na ako roon. Si Colbie po?" tanong ko kay Manang. "Nasa kwarto niya. Napakain ko na siya," sagot ni Manang. "Sige po. Salamat." I started to walk papunta ng study room. At pagbukas ko ng pinto, I'm not expecting what I saw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD