Sebastian
I’'m expecting the usual Nanny. Kung hindi may edad ng babae, ‘yong mga tipo ng babae na taga-probinsya.
You know what I mean.
Hindi tulad ng babaeng nadatnan ko rito sa study room.
She is tall than usual girls. Slim and has a white complexion. Mahaba ang itim at tuwid na tuwid na buhok nito. And her face? I can say that she has a pretty face.
Wait! I’m not admiring her. I’m just describing her.
Nagkamali yata ng ipinadala ang agency. Hindi secretary ang hinahanap ko. Pero may mali sa kanya, eh.
“Excuse me. Parte ba ng interview ang physical inspection?” tanong nito sa seryosong tono.
At natauhan ako sa tanong na iyon.
“Excuse me? Well, pasensya na. It’s just that I’m not expecting them to send me someone like you. Are you sure your applying for a Nanny?” naniniguro kong tanong dito.
“Wala ako rito kung hindi iyon ang trabahong inaasahan ko. Ikaw ba ang tatay ng aalagaan ko?” wala pa ring emosyong tanong nito.
Halos mapataas ang kilay ko sa paraan ng pagsasalita niya. May mali talaga sa kanya, eh. Parang ang tapang naman yata niya para maging yaya.
“Oo. Ako nga. Siguro naman sinabi na saiyo ng agency kung ano ang mga kondisyon at qualifications na gusto ko.” Umupo ako sa swivel chair ng hindi inaalis ang tingin dito.
“Yes. At naipasa ko na rin sa kanila ang resume at iba pang papeles ko. Kaya siguro naman nasagot na no’n ang mga tanong niyo, about the qualifications,” tugon nito na nakatingin din ng tuwid sa akin.
“Actually, hindi ko pa nababasa ‘yong resume mo. The agency just gives me a few details about you. Nakilala mo na ba ang anak ko?” I’m trying not to show my irritation. Mukhang hindi ito marunong ma-intimidate.
“Hindi pa. Sabi ng kasama niyo rito sa bahay ikaw na raw ang bahalang magpakilala sa ‘kin sa aalagaan ko. Pwede bang malaman kung kailan ako magsisimula?” dire-diretsong tugon at tanong nito.
Mali yata na iniasa ko sa agency ang pagpili ng mag-aalaga sa anak ko. Pero, I have no choice nandito na ‘to, eh. ‘Di bale pwede ko naman siyang sisantehin kapag may mali siyang ginawa o kung may hindi ako nagustuhan.
“Bukas na bukas din. Si Manang na ang bahalang magturo saiyo ng mga dapat mong gawin. By the way, what's your name?” tanong ko rito. Hindi ko pa pala alam kung ano ang pangalan niya. Naiwan ko sa opisina ang mga dokumentong ipinadala ng agency.
“I'm Luisa Cruz. Pero you can call me, Lui, sir,” sagot nito na hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha.
“Lui?” hindi yata bagay dito ang palayaw nito. Tunog lalaki.
“Yes, sir. May sasabihin pa po ba kayo? Kasi kung bukas na ako magsisimula kailangan ko ng asikasuhin ang mga kailangan ko,” she said with the same facial expression.
“Wala na. Si Manang na ang bahalang magsabi saiyo ng ibang detalye. Makakaalis ka na.” May something talaga sa aura ng babaeng ito, eh.
“Okay. Salamat. Babalik na lang ako bukas ng umaga.” Tumalikod na ito at lumabas ng pinto.
Nasundan ko na lang ito ng tingin.
She will be Colbie’s Nanny. Wala sanang maging problema.
Luisa
Pagkatapos kong makausap ang magiging amo ko, inihatid na ako sa gate ng kasama nito sa bahay.
Si Manang Ludy, mabait siya. Hindi tulad ng amo niya na mukhang suplado.
Bukas na ako magsisimula at bukas ko na rin makikilala ang batang aalagaan ko
Tinawagan ko agad ang kaibigan kong si Myton pagkalayo ko sa lugar na iyon.
“Hello?... Lui! Ano? Na-meet mo na ang magiging amo mo?” tanong agad nito.
“Oo. Bukas na ko magsisimula,” walang ganang sagot ko sa tanong nito..
“Pasensya ka na, ha. Ayan lang ang trabaho na pwedeng ibigay saiyo ng agency natin. Hindi ka naman kasi pwede sa mga high profile na company. Baka makilala ka nila.” You heard it right. Siya ang nagbigay sa ‘kin ng trabaho. May human resources company kasi ang pamilya namin. She knows me well. Kaya tinulungan niya ako na itago ang totoong identity ko.
“It’s okay. Tama lang ito. Dahil maitatago ko rito ang totoong identity ko. Hindi nila ko matutunton. And you know the fact that I love kids. Salamat, ha. I owe you one,” sincere na sabi ko sa kanya.
“You're welcome, my friend. Kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako, ha. By the way, hindi mo naman siguro tinakot ‘yong magiging boss mo, ‘di ba?” pabirong tanong nito.
“Why should I? Eh, ‘di nabuko na agad ako? Don’t worry. I’ll behave. Magkita na lang tayo some other time.” As if namang matatakot ang isang ‘yon. Sa isip-isip ko.
“Okay. Nga pala. Kailangan mo ba ng pera? ‘Di ba hindi mo ginagamit ang cards at bank account mo para hindi ka ma-trace?” tanong ni Myton.
“Don’t worry. Nag-withdraw ako ng cash bago ko iwan ‘yong mga cards ko. Kaya may magagamit pa akong pera. I have to hang up na.” Bago pa humaba ang usapan namin.
“Sige. Saka na lang tayo mag-chikahan. Mag-iingat ka, ha. Goodluck sa pagiging yaya. Bye!” Saka ito nawala sa linya.
“Yeah right. Goodluck sa ‘kin,” nasabi ko na lang.
I have to prepare myself. For a mean time, kailangan kong pangatawanan ang pagiging yaya. Habang hindi pa napapatahimik nila Lolo ang mga taong ‘yon, kailangan kong mamuhay ng tahimik malayo sa mundong kinalakihan ko.