CHAPTER 5

1331 Words
When Estella woke up, she sat up as she remembered two strangers peering at her in Lucius' room. The man even came in to talk to her till he closed the door of the room, allowing her to breathe comfortably, but Estella fell asleep by accident. Nagugutom na siya at nanlalagkit ang katawan niya dahil wala pa siyang ligo simula ng dalhin siya ni Lucius sa condo nito. Madilim na sa labas mukhang gabi na nga at inabot siya ng isang araw na ang tanging kasama ay si Lucius. Muli na namang kumirot ang hita niya kaya nahihirapan siyang gumalaw. Paika-ika siyang lumabas ng silid at sa bawat paghakbang ng mga paa niya ay kapalit nito ang pag-ngiwi niya sa sobrang sakit na sumisigdi sa hita niya. She can’t move her hip, she can’t walk properly, she’s now suffering, and it’s her fault. Nobody else can blame. She has only herself to blame for her wrongdoings. Pagsampa ng mga paa niya sa kitchen nakita niya ang nakahilig na ulo ni Lucius sa mesa at kaharap nito ay ang alcoholic drink at may cake sa gitna na mukhang ginawa nitong pulutan. Ayos, meron pa. Akin na lang ‘to gutom na talaga ako, e. ‘I’m so sorry, Nicole.’ Habang kumakain ng cake napalingon si Estella dahil narinig niyang nagsalita ang binata habang natutulog. ‘I can’t love you.’ Muli na namang nagsalita ang binata, pawis na pawis ito kahit naka-aircon naman. Binitawan niya ang cake at nagpunas ng kamay bago lumapit sa binata. Nang mahawakan niya ang noo nito tagaktak at malamig ang pawis nito na para bang nahihirapan. Is he dreaming? Malamang, tulong nga, diba? Hays, Estella naman. Inalalayan niyang tumayo ang binata at kahit pa nga kumikirot ang hita niya pinilit niyang makarating sa silid nito. Wala naman kasing ibang silid rito kundi isa lang. Laking pasasalamat niya nang maihiga ang binata sa kama. Nakagat niya ang sariling pang-ibabang labi ng sumikdi na naman ang kirot sa hita niya kaya umupo muna siya sa tabi ng binata para ipahinga ito. Nicole? Siguro jowa niya ‘yon? Makikimarites nga ako bukas sa kanya, who’s that pokemon? Akmang tatayo siya upang balikan ang cake sa kitchen nang hilahin ni Lucius ang braso niya at dumagan ang kalahati ng katawan niya sa katawan nito na nakahiga, nag-froze ang katawan niya ng mag-tama ang kanilang mga mata at kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Pinilit niyang makaalis sa bisig nito na nakapalibot na ngayon sa bewang niya pero mas malakas ito sa kanya. Halos isang hibla na lang ang layo nila ng binata. Naaamoy niya ang amoy alak nitong hininga at pakiramdam niya pati siya ay nalalasing, nararamdaman niya ang kakaibang naglilipana sa loob ng tiyan niya it’s paru-paru G? They'll be kissing in no time if they make a mistake. “Mr. Hudson-” Her heart beat faster and louder. “Ah, Mr. Hudson? Bitawan mo po ako hindi na ako makahinga..” Her whole body froze when Lucius’ lips pressed against hers. Sinamantala nito ang bahagyang pag buka ng bibig niya, ipinasok nito ang dila sa loob ng bibig niya na parang si Dora the explorer na ginalugad ang loob nito. She groaned softly in response and everything faded. Nakalimutan niya ang lahat pati na yata ang kumikirot niyang hita. Umiba ang pwesto nila na kung kanina siya ang nasa ibabaw nito ngayon naman ay ito na ang nasa ibabaw niya. In that moment, she’s enjoying, dapat ay itinutulak niya ang binata palayo sa kanya ngunit hindi, yumakap pa siya sa leeg nito at tumugon sa halik nito. Their kiss was soft at first, but a couple minutes later their kiss became hard and tightly. Nadadarang siya sa bawat gagad ng mga labi nito sa labi niya, ngayon lang niya naramdaman ang ganitong pakiramdam. Ngunit nabuhayan siya ng maramdaman ang kamay nitong pumapasok sa loob ng damit niya kaya’t malakas niyang naitulak ang binata. “What the hell are you-” Bumilog ang mga mata ng binata na mukhang natauhan na rin sa ginawa nito. “I-I’m so sorry..” Naibulong ng binata habang nakahawak sa labi nito. Speechless.. Wala siyang masabi, ayaw gumana ng utak niya ni ayaw nga gumalaw ng mga paa niya. Iniisip niyang tumakbo pero ayaw makisama ng mga paa niya. Estella naman baka gusto mo kumilos, hindi ka tuod, huhu. Yumuko siya sabay kagat sa pang-ibabang labi niya. “Pa-pasensya na rin po kayo.” Sabi niya bago nagmamadaling lumabas sa kuwarto nito na hindi alintana ang pagkirot ng hita niya. Walang destinasyong naglibot-libot siya sa buong condo habang panay ang kastigo niya sa sarili. Panay ang lunok niya at unti-unting humupa ang init na nararamdaman niya kani-kanina lang. Isang malaking kahihiyan ang nangyari, kakaiba kasi ang dating ng binata sa kanya. Ibang-iba ang presensya nito. Gulong-gulo ang isip niya habang naglalakad hanggang sa makarating siya sa isang silid na nakabukas. Music room.. Mas naglibot pa siya sa loob at bumungad ang iba’t-ibang instruments na naka-arranged. Umupo siya sa harapan ng grand piano habang nililibot ng mga mata niya ang kabuuan ng music room. Pangarap niyang maging artista hindi para lang umarte at magkapera kundi para matuloy at mailabas niya ang talento niya sa pagkanta at pagtugtog ng instruments. She fixed her gaze on the piano in front of her and smiled, knowing how much she recalls her memories with her father. When she was little and her father was still alive, he taught her to play, and she inherited his love of singing and playing instruments. Palagi siyang sumasali sa baryo nila ng mga pa-contest kaya nahasa siya ngunit nang mamatay ang kanyang tatay, nawalan siya nang gana sa lahat. Parang may humihigit sa daliri niyang pumindot sa piano. Sa kagustuhan niyang ma-feel ang instruments. Pinindot niya ang isang key and she smiled when she heard a perfect sounds. It makes her emotional. Pumikit siya at nag-umpisang tumugtog ng piano. She listened to the sound that made everything so good. Matapos tumugtog ay nagmulat na siya ng mga mata habang may ngiting nakaplasta sa labi niya. Tumayo siya at pag-ikot niya bigla siyang napaatras ng bumangga siya sa matigas na dibdib ng kung sino. “Ay! Butiki ka!” Pagtaas niya ng tingin hindi na naman siya nakagalaw sa pwesto niya at nanigas na naman ang tuhod niya. “Lu-Lucius.. I-ikaw pala.” Nakatingin ito sa piano at lumipat ang tingin sa kanya ng mapansin nitong nakatingin siya. “Marunong ka palang tumugtog ng piano?” Tumango siya. “Pasensya ka na. Nakita ko kasing nakabukas kaya pumasok-” Nagkibit-balikat ang binata. “It’s okay. Hindi naman na masyadong ginagamit ang music room na ito. Kung gusto mong tumugtog pwede ka tumambay rito.” “Ta-talaga? Salamat.” Aniya. Tumahimik ang paligid matapos niyang sumagot at gusto niyang lamunin na lang siya ng lupa kaysa makaharap ang binata na pinagnasaan niya kanina. Gusto na naman niyang kastiguhin ang sarili o kaya ihampas sa pader ang ulo niya para lang mabura sa isipan niya ang nangyari. "Anyway, I have some work to do. If you want to rest, you can return to my room. " He muttered as he walked out of the music room, leaving her speechless. She took a deep breath. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganito kamanyak, nandidiri pa nga siya sa mga lalaki pero si Lucius, iba ang dating nito sa kanya. Ibang-iba ang alindog na hatid nito sa kanya, stress na nga siya dumagdag pa ang katangahan niyang nagawa. Lumabas na lang rin siya sa music room upang magtungo sa kitchen, nagugutom na talaga siya at nanlalagkit kailangan niyang maligo pero iniisip niya kung may damit ba siyang susuotin. Pagkatapos kumain ay naghanap siya ng damit na pwedeng masuot subalit damit panlalaki lang ang nakikita niya at malalaki pa ang size hanggang tuhod niya. No choice rin siya kaysa mamaho siya susuotin na lang niya ito. Ayos na 'to, wala naman siyang damit na pang-kanya, e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD