CHAPTER 10

1359 Words
"Who are you?" Kunot ang noong tanong ng lalaki. "Anong who are you? Wow, amnesia yarn? Matapos mo akong iprincipessa-principessa habang naka kandong sayo, and you even stole my panty you perverted thief!" Lumapit ako sa kanya. "Stole your panty?" Tumatawa niyang ulit. "I don't know what you're talking about." He looked offended. "Yeah, I'm not buying that! Give me back my panty you, thief!" Nilahad ko ang kamay ko sa kanya, determined to get my AP panty back. "Miss, I think you've got the wrong person. I've never met you before." Lalong nagsalubong ang kilay niya. Ay wow, talagang idedeny niya? Mga lalaki nga naman! It might be dark that night, but there are dim lights at the VIP area kaya imposibleng hindi niya naaninag ang mukha ko. I could still remember his handsome face until now, and our short hot encounter would play in my head countless times since, tapos who are you lang ang sasabihin niya sa akin ngayong nagkita kami ulit? "Whatever, just give it back at magkalimutan na tayo!" Inilahad ko malapit sa mukha niya ang palad ko. Siguro ang daming nabiktima nitong lalaking to. Muntik pa akong mafall, womanizer pala. "Miss, like I said, that's not me. But if you want, you can give me what you're wearing underneath that dress. I'm absolutely willing to make your story true." Yumuko siya and whispered that to my ear. "Hindi ka pa talaga nakontento sa isa ha!" Sa inis ko ay pinaghahampas ko siya ng hawak kong bouquet para kay grandpa. "Hey! Stop that! Are you crazy?" Galit na saway nito. "No! A manlolokong panty thief like you deserves some beating!" May pa 'how can I find you' pa syang nalalaman nang gabing yun, at ngayong nagkita kami, sasabihin nyang hindi niya ako kilala? "Anong manlolokong panty thief? Your accusations are getting wild, woman!" Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ang paghampas ko sa kanya ng bulaklak. Pinagtaasan din niya ako ng boses. Akala ba ng kapreng to ay masisindak nya ako ng laki nya? "Oh my god! Look what you've done! Nasira tuloy ang bulaklak na ibibigay ko kay grandpa!" Napatingin ako sa bouquet at nabawasan na yung mga petals ng ibang bulaklak. "Seriously woman?" Hindi makapaniwala nitong ulit. "Sandali nga, sino ka ba ha? Sino bang nagpapasok nitong may sayad na babaeng to?" Nilibot niya ng tingin ang paligid na para bang naghahanap ng masisisi kung bakit may nagpatuloy sa akin. "Daphne? Talaga bang nandito ka?" Narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Napatingin ako sa may hagdan at nakita kong bumababa ang isang matandang lalaki na inaalalayan ng butler na sumalubong sa akin kanina. "Grandpa!" Excited at may kaba akong lumapit sa kanya. Pagkababa niya ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. His hug feels warm, just like my mother's. Mas lalo tuloy akong nagtaka. Ganito ba dapat ang yakap ng taong galit sayo? Matapos niya akong yakapin ay pinagmasdan nito ang mukha ko. Nakangiti ito, pero parang may lungkot sa mga mata ni grandpa. "You look just like your mother." Malungkot nitong sabi. I do get that a lot. Maliban sa kulay ng buhok ko, because I have a natural light brown hair, magkamukhang magkamukha daw kami ni mama lalo na noong kabataan niya. "Grandpa, here oh. Sorry it's the only gift na dala ko to visit you. Tapos sinira pa nitong─" Naiinis kong nilingon yung lalaki kanina. "Wow, seriously?" Hindi makapaniwala nitong sabi. "Ayos lang, apo. Just seeing you right now is more than enough." Naluluha na tinanggap ni grandpa ang bouquet. "Gusto mo bang ilagay ko sa vase at dalhin sa kwarto mo, Don Crisistomo?" Tanong ng butler kay grandpa. Tumango si grandpa at inabot iyon sa butler. "Apo?" Galit na ulit ng lalaking nakaaway ko kaya napalingon ulit ako sa kanya. "Don't tell me this is the ungrateful granddaughter you've been telling us, gramps?" Dugtong pa nito. "Sinong ungrateful!" Asik ko sa kanya. Gusto kong kunin sa kamay ng butler yung bulaklak at ikakalbo ko na talaga sa lalaking to. "Sylus, please don't say that about my granddaughter." Pakiusap ni Grandpa. So his name is Sylus huh? What a hot name for a hot panty thief, kaso womanizer. "Whatever, old man." Matalim akong tiningnan ng lalaki bago ito umalis. "Pagpasensyahan mo na si Sylus, apo. He didn't mean that. He just got home from a business trip last night, at pagod lang kaya ganun magsalita." Pagtatanggol ni grandpa rito. For now wala akong magagawa kundi to just let it go. Hindi ko pa alam kung ano ang relasyon nito kay grandpa, mahirap naman makipagtalo tapos mas lamang pala yung Sylus na yun kaysa sa akin. Umupo kami sa may sala, and grandpa ordered the butler to serve some refreshments. Maya-maya pa ay maraming servers ang dumating at may dalang juice and pastries. Ang daming mini cakes, donuts, pies, cookies, and even my favorite macaroons. "Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, apo. But I hope you like it." Saad ni grandpa. "I love everything po. I really love sweets, grandpa." Syempre inuna ko yung macaroons na kainin. Nagutom ako sa pakikipagtalo sa Sylus na yun. Mamaya yun sa akin. He'll give me back my panty sa ayaw at sa gusto niya. "Masaya ako at nagustuhan mo. And I'm glad that you came to visit, Daphne. Nakita man lang kita sa personal sa kauna-unahang pagkakataon bago ako mamatay." Kamuntik na akong mabulunan sa kinakain ko ng marinig ko ang sinabi ni grandpa. "Don't say that, grandpa. Hindi po kayo mamamatay." Kinakabahan kong sabi at lumapit rito. Yes, he's old. I think he's in his 80's na, pero huwag naman sana na mawala agad si grandpa. We just met, and I want to spend more time with him. "And grandpa, kaya nga po pala ako nandito kasi, I want to give you this..." Nilabas ko ang picture namin ni mama, and hand it to him. Binasa ni grandpa ang mga nakasulat sa likuran ng larawan at napaiyak ito. "Grandpa, I don't know what mama did, pero sana po patawarin mo na sya. At sana patawarin mo rin po ako. I know you're also mad at me, but when I was little, I really really wanted to meet you. Kaso sabi ni papa, galit ka sa amin." Pakiusap ko. "Apo, I was never mad at you. Sa inyo. Yes, your mama and I was in bad terms for quite a while, pero matagal ko na siyang pinatawad. It was her na hindi ako napatawad, she doesn't even want me at her funeral." Napahawak sa dibdib niya si grandpa at parang may iniindang sakit. The butler immediately ordered a maid to get grandpa's medications. Gusto ko siyang tanungin kung anong ibig niyang sabihin na ayaw ni mama na nasa libing siya nito, samantalang we were waiting for him to come see her one last time. Kaya nga galit sila kuya kay lolo because according to them he has a heart of stone. Na kahit sa kahuli-hulihang sandali ay hindi nito pinuntahan ang kaisa-isang anak. But right now, that's not important, ang mahalaga ay masigurong okay lang si grandpa. "What is going on here?" Nakabalik na si Sylus, at natataranta itong pumunta sa tabi ni grandpa. When the medicines came, ay agad niya itong pinainom. "What the hell did you do?" Baling nito sa akin, sinisisi ako sa nangyari sa lolo ko. "I-I didn't do anything, I swear." My hands are trembling. Grandpa lost consciousness a few minutes after taking the meds. "Call Dr. Romero, just in case." Utos ni Sylus sa Butler na agad nitong sinunod. Binuhat din niya si grandpa pagkatapos at dinala sa itaas. Naiwan ako sa living room without anyone telling me what just happened. "Miss Daphne," It's the butler. "Huwag po kayong mag-alala. The medicine is for your grandpa's heart condition. The other one is pampakalma that's why he had fallen asleep." Paliwanag nito. Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin ng butler na nakatulog lang si grandpa. Makikiusap sana ako sa kanya kung pwede ko ba itong puntahan sa kwarto niya para bantayan, but Sylus came back, and obviously, he's not happy that I'm still here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD