CHAPTER 9

1074 Words
Dahil sa nabasa ko sa likod ng picture namin ni mama ay hindi na ako nakatulog. Not even a wink. Kaya naman ng sumikat na ang araw ay dali-dali na akong nagready para umalis. By 6AM I'm already on the road, with hot coffee and takeout pastries beside me. Sa pinakailalim ng picture ay may pangalan at address na nakalagay. Crisostomo Valiente. I guess that's grandpa's name. I'm going to that address to see if that's where he lives. Nasa elementary na ako nang mawala ang mga grandparents ko sa side ni papa. Madalas ko silang nakakasama noon kapag busy si papa at mama sa work, kaya I still have memories of them. But my grandparents sa side ni mama? Never ko silang nakilala. Not even a photo. When I was little laging sinasabi sa amin ni papa that grandpa from mama's side hates us. Kahit lagi itong tinatama ni mama dati na hindi naman galit si grandpa sa mga apo niya kundi kay mama lang, though hindi ko na nalaman kung ano ang dahilan. Hanggang sa nawala nalang din iyon sa isipan ko kasi pinagbawal ni papa na imention si grandpa. Hindi ko alam kung anong ieexpect ko. What if grandpa push me away? Baka magalit ito na pinuntahan ko siya. Pero hindi ko naman pwedeng isa walang bahala itong request ni mama. Six years late ko na nga bago matutupad eh. Almost two hours on the road ay narating ko rin sa wakas ang address. It's actually not that far, siguro 45 minutes drive lang if I minus the dang heavy traffic at yung 15 minutes road break ko kasi bumili ako ng iced coffee. "Sorry, miss. Pero wala pong nakatirang Crisostomo Valiente dito. Mga Ramos po ang nakatira dito." Iyon ang sinabi ng guard na nakausap. "Are you sure, kuya?" Chineck ko ulit, and yes I'm standing in front of the address written on the photo. "Boss!" Sigaw ni kuya guard. A second later ay may sumilip mula sa pinto ng guard house. "Boss mas matagal ka na dito eh. May kilala ka bang Crisostomo na nakatira dito dati?" Tanong nito sa kasamahan. "Ah, si Don Crisostomo ba?" Nanlaki ang mga mata ko. Don? Is grandpa some rich influential person? "Matagal ng lumipat yun. Mga anim na taon na din. Binenta nya sa mga Ramos itong residential house nya noong namatay ang nag-iisa nyang anak." Pero mas nagulat ako sa idinugtong nito. Grandpa moved out when mama died? So pano ko siya mahahanap ngayon? I don't think asking papa is a good idea, or baka nga hindi nya din alam because he don't care naman. "Sino po ba sila ma'am?" Tanong nung guard sa loob. "I'm his apo po. First time ko palang sana syang mamemeet, kaso hindi ko alam na wala na pala sya dito." Sagot ko. "Ay nako, napakawrong timing mo naman, hija. Sandali jan ka lang." Pumasok ulit ito sa loob ng guard house. Mga two minutes din bago ito lumabas ulit at lumapit sa akin. "Heto, numero ito ng tropa ko na guard dun sa bagong tinitirahan ni Don Crisostomo. Pero every three months iniikot-ikot sa iba't ibang property ng matanda ang mga guards nila, kaya hindi ko alam kung naroon ito ngayon para maasikaso ka. Pero sigurado akong mabibigay nya sayo ang address ng lolo mo." Nag-abot siya sa akin ng kapirasong papel. "Omg kuya your the best!" Tili ko at nagtatatalon sa sobrang sya. Magiliw naman na tumawa yung dalawang guard sa kinilos ko. Umalis na ako pagkatapos makuha ang number ng kaibigan ni kuya guard, pero bumalik din ako a few minutes later sa dating bahay ni grandpa at nag-abot sa kanila ng some merienda as a thank you sa pagtulong nila sa akin. I spent another one hour on the road dahil sa traffic. It's almost 10 in the morning now. Feeling ko okay na din to kasi hindi na ako nakakaistorbo. Because I was so excited earlier hindi ko na naisip na sobrang aga ko pa pala makakaistorbo if ever dun pa nakatira si grandpa. Bumaba ako ng sasakyan and I'm now standing in front of a very tall gate, like anong nakatira dito? Giants? And the area is too big. Is this the gate to a subdivision kung saan nakatira si grandpa? "Ma'am, kayo po ba yung tumawag?" Bumukas yung gate sa pinakagilid and a man walk straight to me. "Y-Yes." Nauutal kong sagot. Wait, di ba guard sya sa bahay ni grandpa? So meaning, hindi ito isang subdivision. Does grandpa own all of this? Wow, mama never mentioned they're this rich. "Tuloy po kayo, ma'am. Nasabihan ko na po ang mga tao sa loob sa pagdating mo." Sumenyas si kuya and the tall gate suddenly opened. "Thank you po." Iniwan ko yung kotse ko sa labas, and only brought the bouquet of flowers na binili ko para kay grandpa, at sumunod sa guard na sumalubong sa akin. There is a car waiting at the other side. Sinunod ko nalang yung rules nila na may sasakyang maghahatid sa akin sa loob. It's not my first time seeing extravagant properties. I've lived in a three story mansion my whole life, and our house is really pretty at malaki din ang area. There's a pool, a garden, a huge koi pond, and even our own basketball court kasi hilig nila kuya maglaro. Pero itong property ni lolo, it's enormous, like what is he? A hidden royalty or something? Hindi ko nabilang kung ilang minuto bago huminto ang sasakyan para lang marating ang bahay ni grandpa. Nang bumaba ako ng sasakyan, I immediately noticed three huge mansions, at kada mansion may kanya-kanyang aesthetic na masasabi mong iba-iba ng taste ang mga nakatira. Sa mansion sa gitna ako dinala ng sumalubong sa akin na nagpakilalang butler ni grandpa. "Miss Daphne, sigurado akong matutuwa si Don Crisostomo kapag nalaman niyang pinuntahan mo sya." He escorted me to the living room. "I will go and tell him the good news." Paalam nito at iniwan muna ako. Hindi naman ako nagpakilala, but he knew my name. Pero hindi na ako nagtanong pa. Nilibot ko ng tingin ang paligid, and my gaze stopped at the man na kakababa lang ng hagdan. Sa gulat ay napatayo ako. "I-Ikaw?" Tawag ko sa lalaki at itinuro pa siya. That caught his attention at napatingin din siya sa akin. Teka, anong ginagawa nitong magnanakaw ng panty ko dito sa bahay ng grandpa ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD